I actually blame myself for being like this. Patuloy pa rin ako sa pagpapakatanga sa taong hindi naman ako magugustahan pabalik. I just look desperate! Kaya ngayon, gusto ko nang baguhin 'tong sarili ko. Ayoko na magmukhang desperada sa mukha niya. Akala mo naman kung sinong gwapo. Well, oo, may itsura siya pero kabaligtaran 'yon sa buong pagkatao niya.
Ayoko sana siyang husgahan pero on the way niya akong pakitunguhan, mas pinapatunayan niya lang kung gaano siya kasama.
"Snow?" tawag ni tita Helen, ang tita na kasama ngayon ni Claire sa States.
"Uhm, yes po 'ta? How is she now?" bungad na tanong ko sa kaniya habang nakaipit sa tainga ko ang telepono.
Ngunit sa kabila pa lang ng boses niya, ramdam ko nang may hindi magandang nangyari. She keep on sobbing and wiping her tears, hanggang sa hindi niya na alam kung paano magsisimula.
Napatakip ako ng bibig hanggang sa 'di ko na namamalayan na naluluha na rin ako. Please, be kind to us, destiny. Sana'y mali 'tong kutob ko, dahil kung totoo man, mukhang hindi ko yata alam kung paano muli magsisimula.
Narinig ko na suminga siya bago niya ako tugunan ng sagot. "She's almost dead, Snow."
That one statement almost kill inside of me. I do not know how to respond that is why I just place my phone at the top of the table. Tiniyak ko muna kung nakasarado ang pintuan bago ako dumeretso sa higaan at umupo. Dito ko nilabas ang lahat ng sakit na nararamdaman ko tungkol sa pangyayaring lubos na nagpagulat at nagpahina sa aking buong katawan.
"Snow, hindi pa siya patay," nanlaki ang mga mata ko at napatakip ng bibig nang mapagtanto kong mali pala ang pagkaunawa ko sa sinabi niya. s**t, Snow! Pinapatay mo na agad 'yung kaibigan mo.
Todo pigil ako nang tawa bago rumespunda sa kaniya. "A-ah... oo nga po pala. I apologize for how I react, tita. Akala ko po kasi ay wala na siya, eh."
Umismid siya at natawa nang bahagya. "Ikaw talagang bata ka! Claire is fine as of the moment, she's taking a rest para sa scheduled operation niya. Fortunately, nagtapat na sa akin ang doctor niya," saad nito.
"What does her doctor tell you po?"
"Mataas ang probabilidad na umayos ang lagay niya. If ever that happen and she would be totally good, agaran na kaming uuwi diyan sa Pinas. Kung alam mo lang Snow kung ilang beses ka niyang tinatanong sa 'kin. Ang kulit niya pa rin, as usual. Don't worry, I'm always telling her that you're doing fine naman."
"Oh, that's good to hear, tita. Call me na lang po anytime if you need something, ha? Regards n'yo na lang po ako sa pamangkin n'yo," ani ko habang inaayos ang kalat sa study table ko.
"Yeah, sure!" tugon niya, rinig kong may tumawag sa pangalan niya na sa tingin ko'y isang espesyalista. " Sorry, Snow. Claire's doctor is calling me na, I'll call you once I'm free na ulit, okay? Bye, take care, 'nak!" pagpapaalam niya at saka ibinaba ang telepono.
Masaya ako sa ilang linggong walang response ang katawan niya, sa wakas ay nagkaroon na ng linaw ang lahat. Labis ang saya ko umabot sa puntong hindi ko na mapaliwanag pa 'tong nararamdaman ko. Sa totoo lang, sobrang kabado ako nu'ng biglang tumawag 'yung tita niya. Natatakot ako sa maaari niyang sabihin tungkol sa kalagayan ng kaniyang pamangkin. Dumating sa punto na natatakot ako na baka ang sabihin niya ay hindi positibo. To make it specific, I am afraid to lose a friend, to lose her.
Sa mga oras na 'to, inaayos ko ang mga school requirements na kakailanganin para sa team project sa eskwelahan. Sa kabilang banda, hindi ko pa rin maitatanggi na naiilang ako sa tuwing nagsasama-sama kaming mga myembrong kabilang doon. Hindi sa kanila kun'di sa iisang lalaki na nagbigay sa akin ng iba't-ibang emosyon.
I didn't get the point kung bakit sa dami-daming unibersidad sa Maynila ay sa La Salle niya pa naisipang pumasok? P'wede namang sa UST, o kaya sa Ateneo, sa UP, at Letran, bakit dito pa? Ganito na ba talaga kaliit ang mundo para pati sa eskwelehan ay magkaparehas kami? But what if he intentionally get here to stalk my life in here? Knowing the fact that he knows that this is my dream school ever since. This can't be real, omg!
"Snow!" tawag ni Patricia, ang ka-dorm mate ko.
Sumimangot ako at pinanliitan siya ng mata. "Ano na naman, Patricia? 'Wag mong sabihing nakipaghiwalay na sa'yo si Adrian?" natatawa kong tanong habang nag aayos ng gamit.
Lumapit siya sa akin at hinampas ang braso ko. "Ano bang pinagsasabi mo? Teka nga, saang lupalop mo na naman nahagilap 'yang balita?!" gulat na gulat niyang tanong sa akin. Nakapameywang siya at tinitigan ako nang sarkastiko.
Halos sumakit na ang tiyan ko sa katatawa. "Did you use illegal drugs? 'Di ba kasasabi mo lang 'yung tungkol sa inyo through chat? Duh!"
"What the freak, Snow! You really know even a few details about me, huh? So 'yun na nga, sasabihin ko naman na talaga 'to sa'yo, sadyang naunahan mo lang ako, tsk! Eh, kasi ganito nga," naputol ang kaniyang sasabihin nang pigilan ko siya.
"Oh, ano nga? 'Yan tuloy sa dami-dami mong kunu-kwento hindi mo na naalala 'yung tungkol sa inyo ni Adrian." Pagsusungit ko at umirap, minsan talaga ay mapaghahalataan ang isang bagay base sa galaw ng isang tao.
Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko. She's seriously looking at my eyes seems like she would tell something that could make my body hair rise. "Adrian confessed that he was just lying. Everything between us was just a freaking lie! But anyways, as you observe on me, hindi mo gaano makikita sa akin na nasaktan ako. Well, it's because I didn't love him the way I used to. Snow, I'm still in love with Yno. Kahit anong pigil ko sa sarili ko at pagsama kay Adrian, still, si Yno pa rin ang nilalaman nitong puso ko. Could you please help me how to unlove him? And yes, we both know that he doesn't like me the way I like him. Ito lang talaga akong si tanga na nananatiling umaasa na magugustuhan niya ako pabalik." Saad niya, bigla ko tuloy naihambing ang sarili ko sa sitwasyon niya. Actually, we almost have the same situation. Ang magkaiba nga lang ay hindi ako gumamit ng ibang tao para subukanbg maka-move on sa taong unang minahal ko.
Ilang segundo muna ang lumipas bago ko mapagtanto na naghihintay na pala siya ng reaksyon at mensahe mula sa akin. Sino ba naman kasing hindi magugulat sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala na sa ilang buwan nilang pagsasamahan, sa huli ay mapag aalaman na lang na naglolokohan lang sila. They're just fooling themselves. Parehas nilang pinaglaruan ang puso ng bawa't isa.
Tinapik niya ako sa balikat at pinitik ang daliri sa harap ng mukha ko. "Hey! Ayos ka lang ba? Ba't parang ikaw pa 'yung mas naapektuhan sa sitwasyon ko? Don't worry, Snow, sisimulan ko na siyang kalimutan. Saka 'yung mga gano'ng klaseng tao, hindi worth it i-keep. I realized that we should learn how to let go people event hough it will hurt us. Kaya ikaw, kung naramdaman mo man 'tong pinagdaanan ko, learn the lesson from me. To be specific, learn the lesson from other people! Kasi sa kanila mo malalaman kung ano'ng kahihinatnan mo kung sakaling pasukin mo ang isang bagay. Spill the tea, girl!" aniya at napatawa na lamang ako nang bahagya.
Bumuntong hininga ako at sandaling uminom ng tubig bago siya respondahan. Naka-limang lagok ako ng tubig, at sa bawa't paglunok ko, sabay-sabay na pumapasok sa 'king isipan ang sitwasyon namin ni Vince. Ang pinakakinaiinisan kong tao sa buong buhay ko.
Maybe my story with him is something cliche at some point but, I could also say that there's a twist. Ayoko din namang pangunahan baka kung ano pang mangyari. Basta ang alam ko sa sarili ko ay nagsisimula na akong mag-move forward sa kaniya. I already know the drill! Hindi ko na hahayaan pang maging kawawa ang sarili ko. He's treating me so poor so why would I let myself look like that? Hindi niya deserve ang isang kagaya ko.
"I hate playing games, Patricia. Kaya simula palang na sinabi mong nagsisinungaling lang kayo sa bawa't isa, my heart felt something you know... parang kurot. I don't know if you feel what I wanna tell you pero... ayoko talaga sa mga ganiyang topic, knowing the fact that we almost experienced the same." Pagtatapat ko at pinagpatuloy ang pag aayos ng mga papeles.
Napatakip siya ng bibig at mukhang hindi makapaniwala sa binanggit ko. "Oh, I beg your pardon. Actually, hindi ko rin alam kung bakit nagawa kong gumamit ng ibang tao para pagtakpan ang nararamdaman ko sa isa. Ngayon, magmula nang sinabi mo 'yan sa akin, bigla tuloy akong nakaramdam ng konsensya. Ack! I felt so guilty! Do you think I should give apology to him? Pero kasi 'di ba, he's the first one who tells me that everything is a lie. So, saan ko ba talaga ilalagay 'tong sarili ko? Do I need to tell him the truth?" She begged, pouting while staring at me.
Oh, she looks even cute with that reaction. "I think you should. How could I say so? Of course, for your own sake na rin. For the sake of your peace of mind. Sige, ikaw ba, matitiis mo na sa bawa't gabi may alalahanin ka? I know it's somewhat hard to do but I guess, it's also the best way for you to start to move on and learn the lesson from what you've encountered. Have you got the drill? Oh, well, it's me lang naman. The best advisor to other people but on herself, never mind." Sabi ko at napatawa na lang ako sa huli kong sinabi.
Nagulantang na lang ako nang bigla niya akong yakapin nang mahigpit at dinig ko rin na tumatangis siya.
"Let it go, there's nothing wrong with crying. Basta ah, if he would do something below the belt, do not hesitate to tell it to me. Agad-agad! Gusto mo resbakan na agad natin 'yan, ano?" pambibiro ko.
"You're such a joker talaga, ah!"
[ Tawag sa telepono ]
Sa kabila nang pagtatawanan namin, sandali akong nagpaalam sa kaniya para naman tugunan itong tawag mula sa unknown number.
I already have a gut kung sino ito, probably it's Claire's auntie?
Itinapat ko ang telepono sa 'king tainga at pinakinggang mabuti kung sino ang magsasalita. "Uhm, hi! This is Snow, and you're?" pangunang bati ko.
"Claire wanna talk with you, Snow. Ayaw niyang ako ang magsabi sa 'yo kaya siya na raw mismo ang magtatapat." Sa kung paano niya ito bigkasin, ramdam ko na agad na may hindi magandang balita tungkol sa sitwasyon niya. Sana nga lang ay mali ako nang iniisip.
"Sure, tita. Nasaan po ba siya?"
"Claire, Snow is on the phone."
Nilipat ko sa kabilang tainga ko 'yung cell phone at lumabas ng bahay. I suddenly close my eyes and breathe so deep. "Bestie! I miss you so much! How's your condition na?" positibo kong bungad. Kahit na sa kabilang banda ay nag aalangan na ako, pinilit ko pa ring maging masigla kahit na may masamang kutob na ako.
"Hi, Snow!" malumanay niyang bati. Ramdam ko sa boses niya na may sakit siyang dinaramdam sa mga oras na ito. "I have something to tell you."
"Oh, what is it then? Good or bad?"
"Actually, both."
"Simulan ko muna sa good, ha? The good news is that... sa wakas ay makakapagpahinga na ako nang matiwasay. But the bad news is... death is coming on my way. The doctor told me na wala ng lunas 'tong sakit ko. Kung ipipilit ko naman daw, paniguradong ako lang ang patuloy na masasaktan. They truly did their best just to cure my heart disease but, unfortunately, wala na. Bilang na lang sa isang linggo ang buhay ko, Snow. Kaya nakiusap ako kay tita na mag-book na agad ng flight pauwi diyan sa Manila. Posibleng makarating kami dyan on the other day. Snow, I wanna spend my spare time with you, with my family their on Davao, including na rin syempre si tita. Ang laki na nga ng utang na loob ko sa kaniya, eh. If you just know how she struggle so much just to ease my pain, grabe!" Kahit na nahihirapan na siya sa pagsasalita at paghugot ng hininga, nagagawa niya pa ring magsalita na tila walang mangyayaring hindi kaaya-aya.
What do I like the most about her? It is that she can still place herself on the positive edge of life even though she's already near at risk.
"Ayokong mawalan ng matalik na kaibigan," hindi ko na napigilan pang humagulgol. Sinubukan ko naman hindi ipakita sa kaniya ang kahinaan ko pero wala. Mahina ako. "Pero kung talagang tapos na ang misyon mo rito sa mundo, I cannot do anything for that. Subukan ko mang hadlangan ang tadhana pero wala akong laban." Ani ko at napaluhod.