Narito na ako sa punto ng buhay ko na gusto kong isigaw lahat ng sakit na nararamdaman ko. Dati, nakakayanan ko pa, eh, pero ngayon, hindi ko na alam kung saan ako huhugot ng lakas. I am not yet prepared sa mga mangyayari. I cannot imagine na ang pinakamatalik kong kababata pa ang mawawala. We together plan our goals in life. She’s also one of the reason why I entered in DLSU.
Matapos niya iyong aminin sa akin, nanatiling tahimik ang lahat hanggang sa maputol na lang ang linya.
Sa katunayan, habang pinapakinggan ko ang boses niya, hindi ko maitatanggi na nahihirapan na talaga siya sa sakit niya. Kaya kung ito na nga lang talaga ang solusyon para makaramdam siya ng kapayapaan, mas pipiliin ko na lang na pumanaw siya kaysa dalhin habambuhay ang pasakit ng kaniyang dinaramdam.
Sacrifice, one word but has a meaningful thought. Minsan sa buhay natin, kinakailangan talaga na magsakripisyo para makuha ang tunay na kagalakan. May iba’t-ibang aspeto ang sakripisyo, iba-ibang lebel, at uri. Pero sa kalagayan ni Claire, sacrifice is her best way so that she can feel the peace. Because if she wouldn’t do that, magmu-mukha na lang siyang lantang gulay– at ayokong makita siyang nagkaka-ganoon.
“Hi, Snow!” Abrielle greeted me as I enter the university’s gate.
Sinadya niya bang sunduin ako rito sa labas palang ng gate?
Pumikit-pikit ako at napahawak sa dibdib dahil sa labis na pagkagulat. “Shi! Ano ka ba?! Ginulat mo ako to the highest level,” biro ko at umiling. “By the way, anong oras first class mo at bakit nandito ka? Don’t tell me na hinintay mo pa talaga ako, huh.”
Umirap siya at umismid. “Duh! Who are you ba?” pinagkrus niya ang kaniyang braso. “Oo, you’re right. Inantay talaga kita kasi ano… may naghahanap sa ‘yo. Wait, are you familiar with the guy named Clark?”
Biglang nanlaki ang mga mata ko nang may bigla akong naalala sa pangalang binanggit niya. It’s the name of a football player na tinuro sa akin ni Claire! Yeah, perhaps it’s him? Idunno either.
Habang naglalakad kami, hindi ko maiwasang mapalingon dahil pakiramdam ko’y may sumusunod sa amin. “Yes, I know him. What’s with Clark? Anong meron?”
Hinawi niya ang kaniyang buhok at napatawa nang kaunti. “Oh, gosh, girl! You do not know how obsessed he is to you! Alam mo bang palagi ka niyang inii-stalk sa loob ng campus? Uhm… hindi ako si Marites ah, napag-alaman ko lang ‘tong balita direkta mismo sa kaniya. Maybe yes, nakikita niya tayong madalas na magkasama kaya naglakas siya ng loob na lapitan na ako. Grabe ka, Snow! Grab the opportunity! He’s one of the famous varsity player here in La Salle. Ayaw mo n’yon, tsk!” panunukso niya pa.
Nang dahil sa sinabi niya, dali-dali akong pumunta ng comfort room. Muntikan ko pa ngang mabitawan ‘yung bag ko sa sobrang pagmamadali. Habang tumatakbo naman ako, rinig ko ang yapak niya na sinusundan ako.
Nakakahiya! Parang gusto ko na lang maging bula para ilang segundo lang ay mawala na. Tila nagdadabog akong pumasok ng comfort room at dagling nilapag ang bag sa ibabaw ng hugasan.
Tinapik-tapik ko ang ulo ko at halos mapasigaw na sa inis. Ewan ko ba kung bakit inis at hindi kilig ang nararamdaman ko. Like, hey?! Why would I feel kilig to the man that I don’t even know personally? Saka, I don’t have any balak.
“Kalma, Snow. Crush ka lang naman niya, wala pa naman siyang sinabi na liligawan ka na agad. Bakit ganiyan reaksyon mo? ‘Di ba dapat ay natutuwa ka dahil may nagkakagustong hearthrob sa ‘yo rito? Uy, ang pogi kaya ni Clark! Matangkad at matikas ang pangangatawan, mabango, matangos ang ilong, grabe kung pumorma, at saka… maba– ay hindi pala. In terms of his attitude naman? Uhm, well, maba– ay hindi talaga, eh,” natatawa na lang siya sa pinagsasabi niya. “I suppose to say na he’s mabait pero siguro? Basta when he tells me about that ang sungit ng ekspresyon niya sa ‘kin. Ay teka nga, oo nga pala! He didn’t treat me right! Kung utusan niya ‘ko parang katulong. Okay, ekis na girl. Redflag, super nakaka-turn off niya pala.”
Minsan hindi ko na rin talaga maintindihan itong si Abrielle, eh. Nu’ng una, sabik na sabik siyang i-kwento ang tungkol sa lalaking ‘yon. Ngayon naman ay parang gusto niya nang isumpa ito? Sabagay, it’s her emotion. Nakakatuwa lang kung paano siya magkwento sa akin na para lang kaming magkapatid. Lucky to have a friend like her.
Mag-e-emo na sana ako nang biglang may pumasok na dalawang babaeng estudyante. Nakasuot sila na para bang pupunta sa galaan. Well, hindi naman na nakakapagtaka dahil nga halos ng mga nag aaral dito ay may kaya sa buhay. Pero on the way they stare at us? Hindi ko nagugustuhan.
Nakataas ang dalawa nilang kilay at naka-pameywang pa.
“Miss, do you have a problem with us?” tanong ni Brielle sa dalawang babae.
“Definitely!” mataas na tono ng isang babae na nakasuot ng sunglasses.
Humakbang siya papalapit sa dalawa. “Excuse me, I don’t remember anything na ginawa namin sa inyo.” Matigas niyang sambit. “And… you’re weird huh. Check yourself first nga muna before ka magtaray. You’re wearing sunglasses amidst this rainy day? Anong nakain mong panis?” pambabara niya.
Gusto ko sanang sumigaw ng “savage” kaso baka magwarla pa lalo.
Halata sa mukha nila na napahiya sila. Hindi ko rin naman kasi maintindihan kung bakit trip nilang magsunglasses sa ilalim ng maulang panahon?
Aawatin ko na sana siya nang biglang tulakin ng isang babae ang kaibigan kong si Abrielle. “Maganda ako kaya kahit anong isuot ko, babagay sa ‘kin.”
Umayos nang pagkakatayo si Abrielle. “Aba, what do you think I am? Hamak na mas maganda ako sa ‘yo, ‘no. Wait, nakita mo na ba ‘yung mukha mo sa harap ng salamin? Grabe kasi, eh. Parang puputok na sa pula ‘yang blush on mo. Gusto mo hatid pa kita sa salamin nang makita mo?”
Omg! Hindi ko inakala na ganun pala siya makipagdebate! Hindi niya hinahayaan na apihin siya, she knows how to fight back.
Inawat ko siya at sinubukang pahintuin ang kaguluhan. “With all my respect, can I ask too? What was the reason at bakit ganiyan ang pagtrato n’yong dalawa sa amin? We do not even know the both of you pero there’s something wrong, eh. Tell us,” ako na nagpakababa at baka kung ano pa ang mahita nila.
Umuwang nang kaunti ang kaniyang bibig at umirap. “As a matter of fact, you’re the main reason why we’re upset.”
I laugh a little because of her response.
“Upset talaga? Parang wala naman akong naaalalang ginawang masama sa inyo ah. What’s wrong with you guys, are you both aware na pwede namin kayong i-report?” pagbabanta ko pa.
“Kasalanan mo kung bakit hindi na ako pinapansin ni Clark. Lagi na lang sa ‘yo nakatuon ang atensyon niya. Ikaw ba, hindi ka naiilang? Kasi kung ako sa ‘yo, iiwasan ko na siya at ipapaubaya sa iba.”
“You think so cheaply.”
“What the–” akma niya na sana akong sasabunutan nang may dumating na isang lalaki.
Nang amin itong pagmasdan, naging klaro na ang lalaking iyon ang tinutukoy nila! Clark? What the hell is with you at bakit patay na patay ‘tong dalawa sa ‘yo?!
Dahil nasa loob kami ng pambabaeng palikuran, hindi niya tinangkang pasukin ito kaya ang nagawa niya na lamang ay sumigaw upang pigilan ang dapat mangyari. This is awkward!
“Are you okay, Snow?” malambing na boses ng lalaking iyon. But as I look at his face, it seems so fake! Kadiri!
Teka, parang ako lang ang nandidiri sa gwapo ng lalaking ‘to. “Bitiwan mo nga ‘ko!” pagpupumiglas ko nang tangkain niyang hawakan ang balikat ko.
“Fix your problem, dude! Stop liking me, okay? Do you see these two crazy girls? They like you kaya focus your attention to them and not to me.” Pangongompronta ko sa kaniya. Sa kabilang banda, hindi ko naman talaga intensyon na makasakit, eh, sila lang talaga ang gumagawa ng paraan para lumabas ang galit ko.
Bahagya siyang lumapit sa akin at akmang hahawakan ang balikat ko nang akin naman itong tinaboy na tila ba nandidiri ako. “You do not have any right to touch any part of me! How dare you?! Where did you get the courage? Poor boy?” I said in a high pitch, hindi ko rin inakala na masasambit ko sa isang lalaki ang huling sinabi ko.
Masama na ba ako nito? Matapos ko iyong sabihin, umirap ako at dagliang umalis kasama ang kaibigan ko. That scenario was really cringe! Hindi ko inakala sa buong buhay kona magkakaroon ako ng lakas ng loob makipag-argumento. Well, I guess, I just did my part because that is one of my right. To defend myself as well the person or people surrounds me.
Ilang oras din iyong patuloy na tumakbo sa isipan ko, na kahit nakauwi na ako ng dorm ay pilit pa rin sumasagi sa isip ko ang nangyari. Iniisip ko naman ngayon ang posibleng reaksyon nila sa nangyari. What if magsumbong sila sa guidance? s**t! What would I do if ever that happen?
Sa kabilang banda, sa tingin ko nama’y mananalo ako kung sakaling mangyari iyon. I have enough evidences and I know how to interact in a formal way. Well, totoo naman talaga na sila ang nauna. Ang mas nakakainis pa ay kung paano ako pakitunguhan ng lalaking iyon. Sa tingin niya ba’y nagugustuhan ko rin siya? Aba, manigas siya!
“Snow, what’s with that expression, huh? Don’t get me wrong pero I noticed na kanina ka pa yata naiirita. It really looks obvious in your face! Uhm, you can tell me naman if you want… maybe I can help?” Bungad na tanong sa akin ni Jammy, isa sa mga malalapit kong kaibigan dito sa dorm.
Huminga ako nang malalim at hindi umimik. I was also about to refuse what she wants but then I realize na mas maigi na rin siguro kung may mapagkwe-kwentuhan ako tungkol sa nangyari kanina. But honestly, whenever it comes to my mind, I just feel so much irritated!
“Will you believe me kung sabihin ko sa ‘yo na nakipaglaban ako sa mga La Sallians?” naiilang na tanong ko sa kaniya.
Napahampas siya sa kaniyang noo at napatawa. “Seriously, huh? Grabe! Ang taas, ‘di kita ma-reach, beh!” gulat na pambibiro niya. “Pero seryoso nga? Ibang level ang Snow namin, kalaban mga rich kids sa DLSU!” patuloy niyang panunukso.
Umirap ako at napatalumbaba. “Sino ba naman kasi ang matutuwa kapag pinaligiran ka ng mga brainless na tao? Like, hey! Are you familiar with Clark? He’s totally obsessed with me and I don’t know the freaking reason why. And the most annoying part is when I encountered the two girls na may gusto sa kaniya. Guess what? Pinagseselosan ako, aber! Ang lakas ng loob nilang komprontahin ako not knowing that I am not interested sa taong kinababaliwan nila. The hell?! Kahit anong gwapo, talino, o yaman pa niyang Clark na ‘yan, hinding-hindi ko siya magugustuhan. My heart is already—“ nabigla ako sa huli kong sasabihin kaya naman napahinto ako.
“What the… you still in love with the man who will never love you back? Jusko, si Vincent pa rin ba? ‘Di ba at ipinaramdam niya na sa ‘yo kung gaano siya kailang sa isang Snow? The freak, why? Justify your answer, Snow or else, I will bring you now on the court.” Pamamanta niya pa. Si Jammy ay isang law student sa UST at sa tuwing nag uusap kami, hindi kailanman mawawala ang usapin tungkol sa batas at karapatan.
Actually, I planned to take law after I graduated in accountancy major. To become a CPA Lawyer is really what I want, but, when I start to grasp a lot of things, I just realized that it isn’t for me. That was also the time wherein I start to accept that being a CPA would be enough. Well, tama ang haka-haka ng mga tao na kapag sinabing accountant ka, matalino ka at dumaan sa napakalubak na daan. As I study accounting, naapatunayan ko na kung madali kang sumuko, madali kang matatalo. Patience is one of our greatest key to survive. Idagdag mo pa ang matinding time management sa sobrang daming task at lectures na ibibigay sa ‘yo.
“No, that’s not what I meant, Jammy. I mean… my heart is already broken. K-kaya bakit pa ako magkakagusto ulit kung alam ko naman sa sarili ko na wasak na ako ngayon palang?” matapang ko na tugon kahit alam ko na sa sarili ko ang katotohanan. Na siya pa rin talaga ang itinitibok nito kahit masakit na. Hindi ko nga alam kung anong ginawa ng lalaking iyon at kung bakit napakahirap sa akin na mag-move on?
I already told myself numerous times that I should stop loving him. But where am I right now? Suffering.