Nakita ni Jake na pabagsak na sa mesa ang mukha ni Hazel kaya mabilis ang kaniyang kilos at isinalo niya ang kaniyang kamay. Dahan niyang inilapag ang ulo nito sa mesa at tinitigan itong mabuti. "In love ka na rin ba sa kaniya, ha Jake? Hindi ka pa rin ba nadala sa dati mong asawa?" tanong niya sa sarili. Napapangiti siya habang naiiling sa naging tanong niya sa sarili. "It's worth it to take a risk," aniya at huminga nang malalim. Tinanggal niya ang ilang hibla ng buhok na nasa mukha ni Hazel. "Why do your lips say I should kiss them?" tanong niya habang pinagmamasdan ang mapupulang labi ni Hazel. "No, hindi dapat ako matukso." Apat na bote ng wine ang kanilang nainom at alam niya na lasing na rin siya. Iniisip niya na lamang kung paano pa maihahatid si Hazel sa bahay nito gayo

