Chapter 43

2268 Words

"Mukhang ang lalim ng iniisip mo ah," narinig ni Nick na sabi ni Mira na siyang nagpatigil sa kaniyang pagbabalik-tanaw sa nakaraan. "H-ha?" aniya sabay sulyap sa kaibigan. "Sabi ko, lagpas na tayo!" pasigaw na tugon sa kaniya ni Mira ngunit nakatawa. Mabilis siyang napaapak sa preno at tiningnan ang paligid. Akala niya ay nagbibiro lang si Mira. Nakalagpas na nga sila. Napapailing siya habang inaatras niya ang kaniyang sasakyan dahil alanganin ang sukat ng kalsada para umikot. "Ano ba kasi ang iniisip mo at parang wala ka sa sarili, ha?" tanong nito nang tumigil na sila sa harapan ng bahay nila Mira. "Wala naman!" maiksi niyang sagot. "Sige, tinataguan mo na pala ako ng sekreto," nakaismid na sabi nito sa kaniya. Hindi na siya inantay ni Mira na alalayan niya na madalas niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD