Natulog si Hazel na hindi na kumain ng hapunan kaya pagkagising niya ay gutom na gutom siya. Pagkababa niya ay dumiretso siya ng banyo at tiningnan ang sarili sa salamin. Nakita niyang namamaga ang kaniyang mga mata dahil sa halos magdamag niyang pag-iyak. "It's okay na umiyak ka na ngayon kesa sa huli mo pa malalaman ang kasinungalingan ng walang hiyang lalaki na iyon," sabi niya sa kaniyang sarili. Pagkatapos maglinis ng katawan ay nagluto siya ng pagkain. Nagtimpla rin siya ng kape para maiinitan ang kaniyang sikmura. Habang umiinom ng kape ay iniisip niya ang kaniyang mga gagawin. Plano niyang hindi na papasok sa trabaho at magpa-file na ng resignation letter. Iniisip na rin niya ang kaniyang idadahilan. Muling tumulo ang kaniyang mga luha nang maalala niya ang kaniyang career na i

