Pagkalabas ni Hazel sa DGC building ay kaagad siyang nagpara ng taxi. Nagpahatid siya sa kaniyang apartment. Ayaw pa ring tumigil ng kaniyang mga luha. Pinagtitinginan siya kanina ng ibang mga empleyado nang makita siyang tumatakbo at umiiyak. "Ang kapal ng mukha niyang lokohin ako. Anong kasalanan ko sa kaniya? Minahal ko lang naman siya. Minahal ko siya ng totoo tapos ito ang igaganti niya sa akin?" aniya sa sarili habang tahimik na umiiyak. Panay naman ang sulyap sa kaniya ng taxi driver. "May araw ka rin, Jake. Babalik din sa'yo ang lahat ng ginawa mo sa akin." Tuluyan na siyang napahagulgol nang bumalik sa kaniyang alaala ang gabi na nagpakasawa sila ni Jake sa isa't - isa. Nakikita niya ang mga ngiti nito at ni isang hinala ay wala siyang maramdaman na niloloko na pala siya ni

