"Ate Faye, it's good to see you!" todo ang ngiti niyang sabi at kaagad na yumakap sa kapatid. "Ang sweet naman ng kapatid ko pero dahan-dahan lang at hindi ako makahinga," pabirong sabi nito sa kaniya. "Na-miss lang po kita, Ate. It's been a long time," aniya. "I miss you too, Nick. Can I go inside?" tanong nito sa kaniya nang kumalas na siya sa pagkakayakap dito. "Of course." Nilakihan niya ang pagkakabukas ng pintuan at pinapasok na ito. Tumingin muna siya sa hallway bago tuluyang isinara ang pinto. Nais niya lang makasiguro na walang nakakita sa kanila. "Tamang-tama pala ang dala kong wine at pulutan," sabi ni Miss Faye nang makita na umiinom siya. Saka lang niya napansin ang bitbit nito na paper bag. Kinuha niya iyon at ipinatong sa mesa. "Let's have a drink, Ate at muk

