"Anong malaking problema ang sinasabi mo, Bro?" tanong ni Nicholas sa kaibigan nang sagutin nito ang kaniyang tawag. Kaagad niya kasi itong tinawagan nang magkatanggap ng text dito. "Nagsanib-pwersa na sina Tito Gabriel at Kuya Nathan. Idagdag mo pa ang bastos niyang asawa," sagot nito. "It's not a new thing, Jake. Inaasahan ko na 'yang mangyari. Simula pa noon ay wala ng ginawa si Kuya kundi ang sumunod kay Daddy. Wala siyang sariling desisyon at iyon ang malaking pagkakaiba namin," aniya rito. "Dahil diyan, medyo tagilid tayo hanggat hindi natin masisigurado si Mrs. Wang. Sinubukan kong kausapin ang iba pero tikom ang mga bibig nila," sabi sa kaniya ni Jake na hindi maitago ang pag-aalala sa tono ng boses nito. "All we can do right now ay umasa na pumanig sa atin ang tadhana. Ang ma

