Nagising si Mira na nasisilaw sa liwanag ng ilaw kaya mabilis niyang ipinikit muli ang kaniyang mga mata. Napapangiwi siya sa kirot ng kaniyang katawan. Saka muli niyang naalala ang nangyari sa kaniya kanina kaya dahan-dahan siyang dumilat. Iginala niya ang paningin at nakita niya sa kaniyang tagiliran ang kaniyang ina na nakapikit. "Inay..." mahina ang boses na tawag niya rito. Kaagad namang dumilat ang kaniyang Inay. Napatayo pa ito at kita niya ang labis nitong pag-aalala sa kaniya. "Anak, salamat naman at gising ka na. Kumusta ang pakiramdam mo? Meron bang masakit sa'yo ha?" mangiyak-ngiyak na tanong nito sa kaniya. "A-ang baby ko po, Inay? Kumusta po ang baby ko?" tanong niya habang nakahawak sa kaniyang tiyan. Naramdaman niya na malaki pa rin iyon ngunit hindi siya mapakali l

