"Hello?" Nangining ang kamay ni Nicholas nang marinig ang mahinang boses ni Mira. Panay din ang lunok niya ng laway. Pilit niyang ibinubuka ang bibig ngunit walang salita ang gustong lumabas. "Hello?" muling tanong ni Mira sa kabilang linya. Tumikhim siya para matanggal ang bara sa kaniyang lalamunan. "M-mira, k-kumusta ka na? O-okay k-ka lang ba?" nauutal na tanong niya at bahagyang gumaralgal pa ang kaniyang boses. "Who is this?" muling tanong nito. Naisip niya na ibaba na ang telepono. Inalis niya iyon sa kaniyang tenga ngunit mabilis ding ibinalik nang makapag-isip na pagkakataon na niyang makausap ito. "I-it's me, N-Nicholas!" Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan nila. Hindi siya uli nakapagsalita dahil sa nag-aapuhap pa siya ng kaniyang sasabihin. "S-sobrang natakot ak

