Kasalakuyang nakaupo sa kama si Nathan at nagbabasa ng libro nang muli siyang dinalaw sa hospital ng kaniyang ama na si Gabriel at kasama na nito ang asawa niyang si Cindy. Ilang araw na siyang nakaratay sa hospital ngunit ngayon pa lamang ito nagpakita sa kaniya. "Hi, Love! I'm sorry if ngayon lang ako nakaaadalaw. I was so worried about you. How's your feeling ha?" maarte ang boses na sabi nito sa kaniya na para bang totoo ang pag-aalala nito sa kaniyang kalagayan. Dumukwang ito para halikan siya sa labi ngunit iniwas niya ang kaniyang mukha. Nakita naman iyon ng kaniyang ama kaya nagalit ito sa kaniya. "Nathan, bakit ginaganyan mo ang asawa mo, ha?" malakas ang boses na tanong nito. Hindi siya sumagot ngunit ngumiti lamang siya ng mapakla habang palipat-lipat ang tingin sa dala

