"Hey, Bro! What's up?" nakangiting bati ng kaibigan ni Jake sa kaniya nang pagbuksan siya nito ng pinto. "Ano ba itong urgent matter ang gusto mong i-discuss, ha?" tanong pa nito habang papasok siya sa loob ng condo unit nito. "It's something na makikinabang ka rin in the future," aniya habang iginagala ang paningin sa tirahan ng kaibigan. "That's interesting!" "It is!" "Anything you want to drink? Mukhang mahaba-habang usapan ang mangyayari sa atin eh." "A black coffee will do, Bro. I was drunk kagabi kaya hindi ko na kayang uminom ng alcohol today. Besides ang dami kong kailangang asikasuhin," sabi niya. "Okay. Just sit down, feel at home and wait for your coffee." Nagtungo sa kusina ang kaibigan niya ngunit sa halip na maghintay ay sumunod din siya rito. "Bakit ka na nam

