Pagkauwi ni Jake sa Penthouse ay naalala niya ang pinsan na si Nick na kaibigan ni Mira. Tinawagan niya ito at baka may makuha rin siyang impormasyon dito. "Hello, Nick? What's up?" masigla niyang bati sa pinsan. Hindi sila gaanong close nito ngunit nakakapag-usap naman sila ng casual at nagkakamustahan. Noong bata pa sila ay madalas niya itong kalaro ngunit nang magbinata na sila ay nagkaroon na sila ng kani-kaniyang kaibigan. "I'm good! Ikaw?" sagot nito sa kabilang linya. "Where are you? Andito na kasi ako sa Manila and gusto ko sanang makipag-inuman sa'yo," sabi niya. "I'm sorry, Pinsan at nasa malayo ako," tugon nito sa kaniya. "Kung makasabi ka ng malayo akala mo naman kung saang lupalop. Eh saan ka nga ba?" pabiro niyang tanong para hindi halata na may nais siyang malaman. "

