Umuwi si Cindy ng bahay na galit na galit. Hindi niya nakayanan ang nangyayari sa kompaniya kaya nagpasya na umuwi na lang muna para mas makapag-isip ng mabuti. Pakiramdam niya ay nakakulong siya sa mundo na hindi niya gusto. Pabalibag pa niyang isinara ang pintuan ng kanilang kuwarto na siyang ikinagulat ni Nathan. "What's wrong with you?" singhal niya sa asawa. Isang masakit na tingin ang ipinukol nito sa kaniya. "Huwag mo akong sigawan. Lalo lamang umiinit ang ulo ko," pasigaw din na sagot nito sa kaniya. Napangiti naman siya ng mapakla. Hindi niya kasi maipinta ang mukha nito. "Pathetic!" aniya rito. "Ikaw itong bumalibag ng pintuan tapos ngayon ikaw pa ang galit?" dagdag pa niya. Ibinato nito sa sahig ang dalang mamahaling bag saka nameywang. "Wala kang alam sa nangyayari dah

