"A-ano po ba ang gagawin ko, Sir?" tanong ni Mira kay Sir Gabriel. Naisip niya na kung kaya lang naman niya ang ipinapagawa nito ay walang masama na subukan lalo na kung hindi naman illegal. "Hindi naman niya siguro ipapatay sa akin ang mga ito," aniya sa kaniyang isipan at muling pinasadahan ng tingin ang mga pangalan ng mga kilalang negosyante. "I want you to meet them privately and convince them to sell their company in a price na gusto ko," sabi ni Gabriel na matamang nakatingin sa kaniya na tila binabasa ang kaniyang isipan. Pinasukan kaagad siya ng negatibong isipan nang marinig ang sinabi nito. "P-o? P-paano po kapag ayaw nila?" nauutal niyang tanong. "C'mon, Mira. Hindi 'yan ang inaasahan kong itatanong mo sa akin. It sounds like a looser na malayo sa pagkakakilala ko sa'

