"Ako nga, Mira," nakangiting tugon ni Mrs. Wang sa kaniya. "Kumusta ka na ha?" tanong pa nito. "Mabuti naman po. Heto nagsisimula po uli ng panibagong buhay dito sa aming bayan." "Nagulat ako nang malaman na wala ka na sa kompaniya. Hindi ko man lang naisip na magawa mong umalis. Hindi lingid sa akin ang hirap na pinagdaanan mo." Napahinga siya ng malalim at napangiti ng mapakla nang marinig ang sinabi nito. "Hindi po natin puwede ipilit ang mga bagay na hindi na pupuwede," aniya. "Tama ka. Masaya ako na makita kang natutupad ang mga pangarap mo. Sa totoo lang ay matagal na kitang hinahanap at mabuti naman na nagtagpo tayo rito," nakangiting sabi pa nito sa kaniya. Kilala niya si Mrs. Wang. Isa itong stockholder ng DGC. Meron din itong malaking shares sa kompaniya. "Dito na po

