Dinala ni Hazel sina Aling Merly at Mang Arturo sa isang fasfood restaurant na malapit lang sa hospital. Ayaw nga sanang sumama ng dalawa at nag-aalala ang mga ito para kay Mira ngunit sa huli ay napilit din niya ang mga ito. "Huwag po kayong mag-alala. Si Nick po ay personal na kakilala ni Mira at mapagkakatiwalaan. Imbestigador niya ito at si Nick lang po ang nakakaalam ng lahat kay Mira pati mga tinatrabaho niya sa kompaniya. Hayaan po muna natin silang makapag-usap dahil sigurado po akong may importante silang pag-uusapan kaya pinapunta siya ni Mira," mahabang paliwanag niya sa dalawa. Napansin niya na tila nakumbinse naman niya ang dalawa. "Oo nga naman, Merly. Hindi siya hahanapin ni Mira kung wala silang mahalaga na pag-uusapan. Hindi rin natin alam kung ano ang binabalak ng anak

