Habang nag-uusap sina Mira at kaniyang mga magulang ay pumasok ang Doktor na tumitingin sa kaniya. "Hi, Mira! Kumusta na ang pakiramdam mo?" nakangiting tanong nito sa kaniya habang tinitingnan ang kaniyang vital signs maging ang nakakabit na suwero. "So far, okay naman po ang pakiramdam ko, Dok. Wala naman akong ibang pain na nararamdaman except itong nasa ulo ko." "Galing sa sugat ang pain na nararamdaman mo. We cannot give you painkillers anymore for the safety of your baby. But, don't worry, nakikita ko naman na gumagaling na ang sugat kaya pwede ka ng lumabas bukas," nakangiting pahayag ng Doktor. "Thank you so much, Dok! I owe you a lot," aniya rito na abot langit ang pasasalamat sa narinig mula sa Doktor. "You're welcome! Nalaman ko kasi na kaibigan ka ni Nick and his my neph

