Matapos makasumbatan ang kapatid ay dumiretso si Nicholas sa kaniyang kuwarto. Kinuha niya ang kaniyang malaking maleta at naglagay doon ng kaniyang mga damit. Pagkatapos ay kumuha siya ng papel at ballpen para gumawa ng sulat. Ipapabigay niya iyon kay Mira. Gustuhin man niya ngunit hindi na niya magawang magpaalam dito ng personal dahil sa sinabi ng mga magulang nito na ayaw na siyang makita ni Mira. Hindi niya rin kasi ito masisisi kung bakit humantong sa gano'n ang lahat. "Kasalanan mo lahat ito, Daddy. Kaya humanda ka sa aking pagbabalik. Dahil sa pag-alis ko ng Pilipinas, kakalimutan ko na ikaw ang ama ko. Ipaghihiganti ko ang ginawa mo sa dalawang babae na pinakamamahal ko." Pagkatapos niyang maisulat ang liham ay inilagay niya iyon sa isang puting sobre. Hindi niya mapigilan ang

