Ilang minuto ng nakaalis si Mira ay nanatili pa rin si Nicholas sa loob ng guest room. Nagpasya siyang mahiga sa kama na naroon.
"That woman is so numb!" aniya sa kaniyang sarili. "How can she face me and pretend as if nothing happened in the past? She's really a one of a kind. A great pretender. Or maybe pera lang talaga ang mahalaga sa kaniya."
Malinaw pa sa kaniyang isipan kung paano nagtagpo ang mga landas nila labin-isang taon na ang nakakaraan.
"Hey, bro! Malapit na ang birthday natin, ah. Anong plano?" tanong sa kaniya ng kaibigang si Jake nang magkita sila nito.
"Do I need to answer that, bro?" balik na tanong niya sa kaibigan sabay kindat dito at ngiti ng nakakaloko.
Aminadong womanizer siya. Sixteen pa lang siya nang mawala ang kaniyang virginity sa kanilang kaklase na habol ng habol sa kaniya. Pinatulan niya iyon ngunit naging dismayado siya nang malaman na hindi siya ang nakauna. Simula noon, hindi na mabilang kung ilang babae na ang kaniyang naikama.
"Mukhang alam ko na 'yan ah. Upgraded ba?" nakangiting tanong uli ni Jake.
"Of course! It's my twenty-first birthday. Don't mind about the price basta upgraded," aniya rito.
"Tamang-tama at may bago akong supplier. For sure may maibibigay siya sa akin na magpapasaya sa'yo ng husto."
"Make sure na magiging happy ako sa birthday ko, ha? Alam mo naman kung paano ako magalit kapag na-disappoint ako," pabiro niyang sabi sa kaibigan.
"Of course! Never pa naman kitang nabigo 'di ba?"
"This will be the first time kapag hindi mo inayos."
"Malabong mangyari 'yan, Bro. Takot ko lang sa'yo," ani Jake at nagtawanan silang dalawa.
Dumating ang araw ng kaniyang kaarawan. Nasa loob siya ng isang hotel at kasalukuyang hinihintay ang kaniyang regalo na ipinangako ni Jake sa kaniya.
"Bro, happy birthday! Your gift is here" bati sa kaniya ni Jake nang pagbuksan niya ito ng pintuan.
"Salamat!"
Tiningnan niya ang babaeng nasa likuran nito na halos 'di makatingin sa kaniya.
"Come in," utos niya rito. Nilakihan niya ang pagkakabukas ng pintuan at pumasok ang babae.
"Paano, iiwan ko na kayo, Bro? Magkikita pa kasi kami ni Anna," paalam ni Jake sa kaniya.
"Okay!" aniya rito.
"Enjoy my gift," sabi ni Jake sabay kindat sa kaniya at nginitian lamang niya ito.
Pagkaalis ng kaibigan ay muli niyang tinitigan ang babae. Maganda ito at sa tingin pa lang ay halata ng inosente pa. Ngunit may kakaiba siyang nakikita sa mga mata nito. Hindi man niya maintindihan ang nararamdaman ay iwinaksi niya iyon. Ang nais niya sa gabing iyon ay mag-enjoy. Papakinggan lang niya ang gusto ng kaniyang katawan at pagnanasang nararamdaman sa babaeng kaharap.
"Have a seat," aniya at pinagpag ang kutson na kaniyang kinauupuan.
Sumunod naman ang babae. Umupo ito sa kaniyang tabi habang patingin-tingin sa kaniya. Halata ang kaba nito.
"Are you scared of me?" tanong niya ngunit umiling lang ito. "How old are you?" muli niyang tanong.
"Eighteen po!"
"Is this your first time?"
Tumango lang uli ito sa kaniya sabay yoko nang bahagya.
"Alam mo ba ang pinasok mo?"
"Alam ko ho," halos pabulong na tugon nito.
"Ayoko ng maarte, ha? Siguro naman nasabi na sa'yo ni Jake ang gusto ko," aniya rito.
"Yes, sir!" mahina pa rin ang boses na sagot nito.
"Good! You can take a shower now para makapagsimula na tayo," utos niya rito. Kaagad namang tumayo ito at nagtungo sa banyo.
"Sir Nicholas, andiyan ho ba kayo?" narinig niyang tawag ni Manang Yolly.
Bigla siyang napabalikwas ng bangon. Naputol nito ang pagbabalik-tanaw niya sa nakaraan. Ang araw na unang nakita at nakaniig niya si Mira.
"Oho!" malakas niyang sagot.
Bumukas ang pinto at dumungaw si Manang Yolly.
"Pinapatawag ho kayo ni Sir Gabriel sa kaniyang opisina," wika nito sa kaniya.
"Okay ho, susunod na ako."
Uminat muna siya ng katawan bago tuluyang tumayo. Lumabas siya ng guest room at nagtungo sa opisina ng kaniyang daddy.
"Pasok!" sabi ng kaniyang Daddy pagkakatok niya.
Binuksan niya ang pinto at nakita niya ang ama na nakaupo sa isang couch. Pumasok siya at umupo nang ituro ng ama ang couch sa harapan nito.
"Nicholas, may naisip akong plano para tumino ka at magkaroon ng respeto sa babae," seryosong sabi nito sa kaniya.
"Dad, hindi naman po ako bastos sa babae. Wala akong pinilit sa kanila. Sila pa nga ang kusa na nagsasabi sa akin that they want me. Paano po nagiging bastos kung pinagbigyan ko lang din naman ang nais nila? I think its unfair naman po kung matatawag ako na ganiyan," paliwanag niya sa ama.
"Pack your things. Doon ka muna titira kina Mira," maotoridad na sabi nito sa kaniya sa halip na pakinggan ang kaniyang sinabi.
"What? Are you serious, Dad?" tanong niya na lumakas ang boses at napatayo pa siya.
"I'm serious, Nicholas. Nakausap ko na si Mira at pumayag na siya sa gusto ko. At hindi na iyon magbabago kaya sumunod ka na lang," tugon nito sa kaniya.
"But, Dad, how can I stay there? She's Kuya's girlfriend," maktol pa niya sa ama.
"Do as I say, Nicholas. 'Wag mo ng isama si Nathan sa usaping ito. Alam mo naman kapag ako ang nagalit. It's part of your immersion at sana this time ay matuto ka na. I gave you all the chances pero wala kang ginawa para magbago. Nagkaroon ka pa ng kaso that might bring you to jail," babala sa kaniya ng ama.
Nais pa sana niyang magreklamo ngunit napaupo na lamang siya at inihilamos ang mga palad sa mukha.
"Of all people, bakit si Mira pa?" tanong niya sa kaniyang isipan.
"Bukas ng hapon ay dadaanan ka niya rito. You can't bring your car even your credit cards. I'll give you an allowance pero si Mira ang magba-budget for you. I'll monitor you everyday kaya tumino ka or else hindi mo gugustuhin ang last option ko," may himig ng pagbabantang sabi ng kaniyang Daddy.
"Paano po si Kuya? Okay lang po ba sa kaniya na roon ako titira sa bahay ng kaniyang girlfriend?" tanong niya sa ama.
"Iyan ang pinagkaiba niyong dalawang magkapatid. Ang Kuya mo ay marunong sumunod sa akin kahit anong iuutos ko sa kaniya. Ni hindi ko siya marinigan ng pagrereklamo. Unlike you na puro na lang kapasawayan ang alam. You don't even know your responsibility as my son," pahayag ng ama. Tumayo na ito at lumabas na ng opisina.
Nang makalabas na ang kaniyang daddy sa opisina nito ay hindi kaagad siya sumunod. Nanatili siyang nakaupo habang iniisip ang sinabi ng ama. Pakiramdam niya ay bumagal bigla ang takbo ng oras.
"Titira ako sa iisang bahay kasama ni Mira?" paulit-ulit niyang tanong sa sarili.
Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga pangyayari. Siya at ang babaeng eleven years ng gumugulo sa kaniyang isipan ay titira sa iisang bubong?
"How can I do this? Kakausapin ko na lang uli si Dad bukas at baka magbago pa ang kaniyang pasya."
Lumabas na siya at nagtungo sa kaniyang kuwarto ngunit patuloy pa rin na bumabagabag sa kaniyang isipan si Mira.
Sa kabilang banda, nakatigil pa rin ang kotse ni Mira sa gilid ng kalsada nang tumawag si Sir Gabriel.
"Hello, Sir?"
"Mira, naisip kong itutuloy na natin ang immersion ni Nicholas," wika nito sa kaniya.
"Okay po, sir!" ang tanging nasagot niya kahit na ayaw niya sanang gawin iyon. Wala lamang siya lakas ng loob na magreklamo sa amo.
"Tandaan mo sana ang mahigpit kong bilin sa'yo."
"Malinaw po, Sir."
"Good."
Ibinaba na niya ang kaniyang cellphone nang marinig ang tunog ng end call. Huminga muna siya nang malalim at pinatakbo na niyang muli ang kaniyang sasakyan. Nais na niyang makauwi at ng makapagpahinga dahil pakiramdam niya ay napakahaba ng araw na iyon. Gusto na niyang mahiga sa kaniyang malambot na kama. Pero alam niyang hindi rin naman siya makakatulog sa kakaisip lalo na nga at pumayag na siya sa nais ni Sir Gabriel.
"What?" hindi makapaniwalang tanong sa kaniya ni Hazel nang sabihin ang tungkol sa immersion ni Nicholas. "D-dito sa bahay titira ang bunsong anak ni Sir Gabriel?"
"I'm sorry, Hazel, but if you feel uncomfortable ay maghahanap na lang muna ako ng ibang titirhan," aniya rito.
"Ano ka ba? Wala naman akong sinasabi na ayaw ko, ah? Nabigla lang kasi ako. Saka titira ka ba mag-isa sa isang bahay na kasama siya? Atleast dito dalawa tayo ang pupukpok sa matigas niyang ulo para mabilis siyang tumino."
"Naguguluhan na ako, Hazel. 'Di ko na alam kung ano itong pinasok ko," aniya sa kaibigan sabay buntong-hininga.
"Kaya mo 'yan. Don't worry, I'll help you para mapatino iyang kapatid ni Sir Nathan. Paano lilipat na ba ako sa kuwarto mo?"
"Bukas na lang. Pagod na ako at gusto ko na magpahinga."
"Sige. Ako rin naman pagod na pagod na sa kaka-overtime. Promoted nga ako sa trabaho pero ang eyebag ko na-promote rin," maktol ni Hazel habang nakasimangot. Natawa naman siya sa sinabi ng kaibigan.
"Atleast tataba naman ang wallet mo."
"Sana lang talaga."
"Aakyat na ako. Goodnight!"
Umakyat na siya sa kaniyang kuwarto pagkatapos niyang makapaglinis ng katawan.
Isang oras na siyang nakahiga. Gusto na ng kaniyang mga mata ang matulog ngunit ayaw naman makisama ng kaniyang isipan. Pagmumukha ni Nicholas eleven years ago ang kaniyang nakikita. At muli na namang bumalik ang alaala ng nakaraan na pilit niyang kinakalimutan.
Pangalawang taon na niya noon sa Maynila. Binilang na niya ang kaniyang naipon na itinago niya sa isang karton ng gatas. Di pa sapat iyon para maka-enroll siya kaya gagawa pa siya ng paraan para madagdagan iyon. Nakuha na kasi niya ang resulta ng entrance exam sa isang State University at nakapasa siya.
"Anong kurso ang kukunin mo, Mira?" tanong sa kaniya ni Hazel. Second year college na ito sa parehong eskwelahan.
"Tulad din ng sa'yo. Pwede rin kasi ang business marketing as a pre-law course," sagot niya sa kaibigan habang
"So, tuloy ang plano mo na mag take ng law?" tanong ni Hazel.
"Oo at gagawin ko ang lahat matupad lang iyon. Kahit doblehin ko pa ang pagkayod ko," determinado niyang sagot.
"Kasya na ba ang naipon mo na pang enroll?" muling tanong sa kaniya ni Hazel.
"Oo pero hindi pa ako pwedeng tumigil sa pagtatrabaho rito sa karinderya. Sayang din kasi ang kinikita ko rito," aniya.
"Bilib talaga ako sa'yo, Mira. Grabe ang determinasyon mo saka ang tiyaga mo pa. Kaya don't give-up ha? Matutupad mo rin lahat ng pangarap mo," ani Hazel na palaging nakasuporta sa kaniya.
"Hinding-hindi, Hazel. Iniwan ko ang aking pamilya para makamit ang pangarap ko at ayokong pagsisihan iyon."
"Kilala mo ba si Mamu, 'yung baklang regular customer ni Tita? Tanungin mo siya at maraming alam iyon na raket. Baka may magustuhan ka at makatulong din sa'yo. Minsan na kasi niya akong tinanong kung may kakilala akong nangangailangan ng trabaho."
"Talaga? Sige, kakausapin ko siya kapag nakita ko bukas." Bigla siyang nabuhayan ng loob sa sinabi ng kaibigan. Kahit wala pang kasiguraduhan kung may makukuha siyang trabaho ay umasa na rin siya. Sa sitwasyon niya ay ayaw niyang mag-isip ng negatibo.
Hindi niya masabi kay Hazel ang totoo na kulang pa ang kaniyang naipon. Kahit papaano kasi ay nagpapadala siya ng pera sa kaniyang mga kapatid. At maliit lang din naman ang sinasahod niya. Malaking tulong na nga sa kaniya ang libreng tulugan at pagkain sa karinderya ni Aling Cora. Kaya kinundisyon na niya ang sarili na hindi mamimili ng trabaho. Kahit ano basta hindi illegal ay gagawin niya. Ayaw niyang umuwi sa kaniyang pamilya na bigo kaya hindi niya susukuan ang kaniyang pangarap.