Chapter 2

2084 Words
"Mira, are you okay?" tanong ni Nathan sa kaniya nang mapansin na natutulala siya ngunit hindi niya ito pinansin. Nakatitig pa rin siya kay Nicholas hanggang sa nakababa na ito ng hagdan. Nakatitig din ito sa kaniya na para bang nang-uuyam. Napalunok naman siya ng kaniyang laway. Pakiramdam niya ay nanunuyo na ang kaniyang lalamunan. "Hi! I'm Nicholas. And finally, we meet again," wika nito na nakangiti at inilahad ang kanang kamay sa kaniyang harapan. Nakatingin lang sa kanila sina Nathan at ama nito ngunit nakakunot ang mga noo. "H-hello! I-i'm Mira. Nice to meet you!" aniya rito na nauutal pa. Napilitan siyang makipagkamay ngunit kaagad din niyang hinila ang kaniyang kamay. Nakaramdam kasi siya ng kakaibang init nang magdikit ang kanilang mga palad. "Do you know each other?" tanong sa kanila ni Nathan na nakakunot pa rin ang noo habang palipat-lipat sa kanila ang tingin. "Yes! No!" magkasabay ngunit magkaiba nilang sagot. Tinitigan niya nang matalim si Nicholas ngunit palihim kay Nathan. Ayaw niyang mabulgar ang kaniyang lihim na nakaraan kasama ang lalaking ito sa harapan ng kaniyang boyfriend at ama nito. Para sa kaniya ay ibinaon na niya sa lupa ang pangyayaring iyon at ayaw na niyang hukayin pa. "Kuya, hindi ba pinakita mo sa akin ang picture niya? Besides, halos magkamukha ang mga girls ngayon. I thought she's one of them," pagsisinungaling ni Nicholas ngunit sa kaniya pa rin nakatingin. Blangko naman ang ekspresyon ng mukha nito kaya hindi niya alam ang tinatakbo ng isipan nito. "Nicholas, watch your words! Hindi mo kilala ang kausap mo. Siya si Atty. Gomez, ang may hawak sa kaso mo at girlfriend ng Kuya mo," galit na saway ni Sir Gabriel sa anak. "What? Dad, ano ang ginagawa ng mga beteranong abogado natin? Why did you chose her? Ilang kaso na ba ang naipanalo niya? Baka gagawin lang akong katawa-tawa niyan sa korte," maktol nito ngunit nananatili ang tingin sa kaniya. Ikinuyom naman ni Mira ang kaniyang kamao. Nais niyang sapakin ito sa pag-iinsulto sa kaniyang kakayahan ngunit nagpigil siya. Ayaw niyang bigyan ng dahilan si Nathan na maghinala sa kanilang dalawa. "Don't judge Mira, Nicholas. And don't ever insult my girlfriend," mariin na sabi ni Nathan sabay akbay sa kaniya. "Are you okay, Love?" "Yes, I'm fine! Normal lang na makatanggap ng ganiyang salita ang mga tulad kong baguhan. Don't worry, Sir. As long as your innocent, I'll make sure that you'll win in your case," mariin niyang sabi rito habang nakikipagtitigan din. Halos hindi niya kayanin ang mga titig ni Nicholas ngunit nilabanan niya. Ayaw niya magpahalata na apektado siya sa presensiya nito. "That's enough! Naghihintay na ang pagkain sa mesa. Kayong dalawa, pag-usapan niyo mamaya iyan," maotoridad na sabi ni Sir Gabriel at nauna na itong naglakad. Tumahimik na sila at tumungo na sa dining area. Umupo siya sa tabi ni Nathan at sa tapat naman ni Nathan umupo si Nicholas. "Well, ginamit mo na ba ang kotse, Mira?" tanong sa kaniya ni Sir Gabriel habang kumakain sila. "Yes, Sir! Thank you po but I think it's too much for me," aniya rito. "You deserve it, Mira. Lahat ng nasa legal team ay nakakatanggap ng sasakyan. So, don't think it negatively and girlfriend ka ng anak ko. Ayoko na nakikita kang nakikipag-unahan para lang makasakay." "Okay po, Sir. Salamat po uli at iingatan ko po iyon." Nasulyapan niya si Nicholas. Pangiti-ngiti lang ito habang kumakain ngunit insulto ang dating ng mga ngiting iyon sa kaniya. Iniwasan na lamang niya na sulyapan pa ito. "Ikaw, Nicholas, natuto ka na ba sa America o puro gastos lang ang ginawa mo? Malapit na ako mag-retire at nais ko na pareho kayo ng Kuya mo na maasahan na sa negosyo," ani Sir Gabriel nang tumigil na sa pagkain. "I'm learning, Dad! It's better na pumasok na ako sa kompaniya para mas mabilis matuto," tugon nito sa ama. "Are you serious? You have an ongoing case in court. Sa tingin mo tatahimik lang ang board kapag nalaman nila ang mga pinaggagawa mo?" galit na tanong ni Sir Gabriel. "Saka alam mo rin na iniingatan ko ang reputasyon ng pamilya natin. Kaya nga kita pinag-aral sa America," dagdag pa nito. Nakita naman niya na sumilay ang galit sa mukha ni Nicholas ngunit walang nakapansin maliban sa kaniya. Kaagad naman niyang inilihis ang kaniyang paningin nang tingnan siya nito. "Maybe we should hire someone na magtuturo sa kaniya, Dad," sabad at suhestiyon naman ni Nathan. "That's a good idea!" ani Sir Gabriel sabay tingin sa kaniya. Hinihiling niya na sana hindi ang kaniyang naiisip ang nais ipabatid ng mga tingin na iyon ni Sir Gabriel ngunit dismayado siya sa kasunod na sinabi nito. "Can you do it, Mira?" tanong sa kaniya ni Sir Gabriel. "A-ako po, Sir?" "Yes. Galing ka na sa Marketing Department. Alam mo na rin ang pasikot-sikot sa kompaniya. Seven years ka na sa company and you've learned enough already. Teach him about sales and marketing while you take his case. Para kapag maayos na ang lahat ay maiipasok ko na siya sa kompaniya," paliwanag nito sa kaniya. "Don't worry, Love. I'll help you," sabi naman sa kaniya ni Nathan. "No, Nathan! Malilipat ka ng ibang department kaya roon ka na mag-focus. You'll handle all of our subsidiaries. Lumalaki na ang kompaniya natin kaya kailangan ko ng mapagkatiwalaan na hahawak sa bagay na iyon," pahayag ni Sir Gabriel na ikinagulat nila. "Okay po, Dad!" maiksing tugon ni Nathan. Ni hindi man lang ito nagtanong sa ama o kumontra. "Let Mira handle Nicholas for now. Will you do it for me, Mira?" muling tanong sa kaniya ni Sir Gabriel. "Yes, Sir!" sagot niya. Gustuhin man niyang umayaw at umatras ngunit tila huli na ang lahat. Wala rin siyang maisip na idadahilan kung sakaling tumanggi siya. Pagkatapos nilang kumain ay pinapunta siya ni Sir Gabriel sa home office nito na nasa dulo ng living area. Kumatok muna siya bago niya ipinihit ang doorknob. "Have a seat, Mira!" Umupo siya sa isang couch na naroon. Umupo naman si Sir Gabriel sa upuang katapat niya. "I want to talk to you in private regarding sa case ni Nicholas." "Okay po, Sir." "I don't want you to use our company money for negotiation. I want him to learn his lesson so he won't do things na ikakahiya ko bilang ama niya. Matagal ko na siyang sakit sa ulo kaya prove in court if he's innocent or not. Ayaw ko ng i-tolerate ang pag-uugali niya. Wala na siyang ginawang maganda mula ng mamatay ang mommy niya," pahayag nito na ikinagulat niya ngunit hindi siya nagpahalata. "O-okay po, Sir! I'll do everything as you told me to," aniya rito. "One more thing, if you could give him your extra time, please do it. I'm serious about what I said earlier. I want him to learn about managing our business. I'm getting older and wala na akong ibang maasahan kung hindi ang dalawa ko ring mga anak. I trust you, Mira. And sana hindi makakarating sa kanila ang tungkol sa pinag-usapan natin," seryosong sabi nito sa kaniya. "Noted po, Sir! And thank you po sa pagtitiwala niyo at pagtaggap sa relasyon namin ni Nathan," nakangiti niyang sabi. "Nathan loves you so much. And I don't see anything bad para pigilan ang relasyon niyo. As long as I see him happy mas magiging masaya ako, Mira. Wala na ako ibang hinahangad mula ng mamatay ang aking asawa. Ang nais ko na lamang ay mabigyan sila ng maayos na buhay bago ako mawala sa mundong ito," madamdaming pahayag nito sa kaniya. "Don't say that, Sir. Bata pa po kayo." Kita niya ang lungkot sa mga mata ni Sir Gabriel. Naisip niya na marahil ay nami-miss na nito ang namayapang asawa. "Sige na, you can go back na para makapag-usap pa kayo ni Nathan." Tumayo siya at nagpaalam kay Sir Gabriel. Ang balak niya ay kakausapin si Nicholas tungkol sa kaso nito ngunit hindi niya alam kung paano ito gagawin. "Paano ko kaya siya haharapin? Paano ko kakausapain ang nag-iisang lalaking pinagbentahan ko ng aking virginity?" tanong niya sa sarili habang naglalakad palabas ng opisina ni Sir Gabriel. "Let's talk!" Laking gulat niya nang makita si Nicholas na nakasandal sa pader sa labas ng opisina ni Sir Gabriel. "Narinig kaya niya ang pag-uusap namin ni Sir Gabriel?" tanong niya sa kaniyang isipan. "Follow me!" utos nito sa kaniya at nauna na itong naglakad ngunit nananatili siyang nakatayo. Binalikan siya nito at hinila sa kamay. "S-saan mo ako dadalhin ha?" natatarantang tanong niya rito. Ngunit tila wala itong narinig. Nagpatuloy lamang sila sa paglakad hanggang sa binuksan nito ang isang pintuan at pumasok sila roon. Hinanap niya ang switch ng ilaw. Pagkabukas niya ay tumambad sa kaniya ang isang malaking kama. Maayos iyon na para bang hindi ginagamit. "Marahil ito ang guest room," hula niya sa kaniyang isipan. "Remember that bed, huh?" mapang-uyam na tanong sa kaniya ni Nicholas sabay ngiti nang nakakainsulto. "A-anong kailangan mo sa akin?" mahinahong tanong niya rito. Ayaw niyang magpaapekto sa mga pang-iinsulto nito sa kaniya. "Pagkatapos ko, ang Kuya ko naman. Tapos sino ang kasunod, ang daddy ko?" mapang-insultong tanong nito sa kaniya. "I don't know what you are talking about. Kaya kung wala kang ibang sasabibin ay lalabas na ako at naghihintay na sa akin si Nathan," mariin niyang sabi rito. Ngunit lalong iniharang ang matitipunong katawan nito sa pintuan. "I think nagamit mo naman ng tama ang ibinayad ko sa'yo. See? You're a lawyer now. Kulang pa ba, ha? May gusto ka pa bang makuha?" Hindi na niya mapigilan ang sarili at sinampal niya ito nang malakas sa pisngi. "Wala kang karapatan na pagsabihan ako ng ganiyan. Oo, binayaran mo ako at kaya ko ng ibalik ang pera mo. Eh, ang dangal ko, ang virginity ko maibabalik mo rin ba? Hindi mo alam kung ano ang pinagdaanan ko sa buhay kaya umabot ako sa gano'ng sitwasyon. Kaya 'wag na 'wag mo akong huhusgahan. One more thing, mahal na mahal ko si Nathan at kailan man ay hindi niya ako pinagsamantalahan o naikama man lang dahil nirerespeto niya ang p********e ko. Magkapatid nga kayo pero wala ka sa kalingkingan ng kaniyang pagkatao. Aalis na ako kaya 'wag mong haharangan ang pintuan," galit niyang sabi rito. Pinipigilan niya ang maluha. Ayaw niyang ipakita rito na mahina siya. Tahimik na tumabi si Nicholas habang hinihipo ang pisngi nito na sinampal niya. Mabilis siyang lumabas ng kuwartong iyon at hinanap si Nathan. Nakita niyang nakaupo ito sa veranda at nagbabasa ng libro. Huminga muna siya nang malalim at pinakalma ang sarili bago lumapit dito. "Hi, Love! Ano 'yang binabasa mo?" tanong niya na pilit pinasisigla ang boses. "Come here!" sa halip ay tugon nito sa kaniya. Hinawakan siya sa kamay at iniupo sa kandungan nito. Pagkaupo niya ay niyakap siya nito nang mahigpit. "I love you, Mira! I will surely miss you, Love. Magiging busy na tayo pareho sa mga trabaho natin. Dito ka na matulog, please," malambing na bulong nito sa kaniya. "Love, some other time na lang, ha? I'm too tired right now and gusto ko ng magpahinga sa bahay. Sana maintindihan mo," pagdadahilan niya. Sa totoo lang ay si Nicholas ang dahilan kung bakit nais na niyang umuwi. Pakiramdam niya kasi ay sumisikip ang mundo para sa kanilang dalawa. "Do you want me to drive you home?" "No need, Love. Magpahinga ka na rin huh?" "I will. But next time don't say no, okay?" Tumango lamang siya. Ewan ba na niya kung bakit parang wala siyang gana na makipag-usap kay Nathan kabaliktaran nang hindi pa niya nakaharap si Nicholas. "It's because of Nicholas," sabi ng kaniyang isipan. "Pakisabi na lang kay Sir Gabriel na uuwi na ako, ha?" "Okay." Inihatid siya ni Nathan sa garahe. Hinalikan muna siya nito sa labi bago siya sumakay sa kaniyang kotse. Nagkawayan pa sila habang papalabas siya ng gate. Habang nasa biyahe ay bigla siyang tumabi at itinigil ang kotse. Binuksan niya ang bintana at lumanghap siya ng hangin. Pakiramdam niya kasi ay sasabog ang kaniyang dibdib. Naiinis siya kay Nicholas dahil sa arogante nitong ugali. Maging sa kaniyang sarili ay naiinis na rin siya dahil nagpapaapekto siya rito. "Please, umayos ka, Mira. Hindi ka dapat nagpapatalo sa sarili mong emosyon lalo at simula pa lamang ito ng madalas na ninyong pagkikita ni Nicholas. He's not just someone kundi kapatid siya ng boyfriend mo. 'Di ba ayaw mong malaman nila ang nakaraan niyong dalawa? Kaya umayos ka at mag-isip ng tama," sabi niya sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD