Chapter 1

2772 Words
"One, two, three!" bilang ni Miranda habang nanginginig ang mga kamay niya sa nerbiyos. Binuksan niya ang kaniyang laptop. Halos ayaw niyang tumingin sa monitor nito. Ngayon kasi ang araw kung saan ilalabas na ang resulta ng bar examination. "Please, Lord! Sana makapasa ako," aniya at tumingala pa. Ini-scroll down na niya ang listahan hanggang dumako siya sa apilyedong Gomez. "Gomez, M-miranda, yes! Nakapasa ako! Thank you, Lord!" sigaw pa niya. Nagtatalon siya sa sobrang saya na kaniyang nararamdaman. Hindi biro ang kaniyang napagdaanan makatapos lang ng kolehiyo at mas lalo pa nang pinili niya ang maging isang abogada. Pinagsabay lang naman niya ang pagtatrabaho sa isang malaking kompanya at pag-aaral. "All the pains, all the tears, all the sleepless nights have been paid off, Atty. Miranda Gomez. Wow! Hindi ka nagkamali sa lahat ng naging desisyon mo sa buhay, Mira. Ngayon, pwede ka ng magpakita sa mga magulang mo," wika niya sa kaniyang sarili. Bigla siyang nalungkot nang maalala ang kaniyang mga magulang. Pagka-graduate niya ng high school ay lumayas siya sa kanila para tuparin ang kaniyang pangarap mula pagkabata. "Paglaki ko gusto kong maging teacher," wika ni Hannah na kaniyang kababata at itinuring na best friend. "Ako naman abogada. Kasi malaki ang kinikita nila," sabi naman niya. "Paano mo nalaman?" tanong ni Hannah. "Kasi si Inay naglalabada kina Aling Sabel at ang sabi niya, abugado raw ang anak kaya tingnan mo ang laki ng bahay," sagot naman niya. "Oo nga noh? Sila ang may pinakamalaking bahay dito sa atin. Pero okay na sa akin ang maging teacher. Ayaw ko kasing umalis dito sa atin," wika uli ni Hannah. "Sige, ganito na lang ha? Magkikita tayo pagkatapos na matupad natin ang ating mga pangarap. Ano, deal?" tanong niya sa kaibigan. "Deal!" Grade six pa lang siya noon ay malinaw na sa kaniya ang pangarap na maging abogada. Kaya ginalingan pa niya ang pag-aaral. At hindi nga siya nabigo nang makuha ang high school valedictorian medal. Ngunit malaking hadlang ang kanilang kahirapan. Ayaw siyang suportahan ng kaniyang mga magulang. Nais nga ng mga ito na magtrabaho na siya. Ipinaglaban niya ang kagustuhan na makapagtapos. Lumayas siya sa kanila at nagtrabaho bilang helper sa karinderya ng tiyahin ni Hazel dito sa Manila. "Mira, ano ba? Pakibilisan mo nga ang paghubugas diyan. Dumarami na ang mga customer," sigaw ni Aling Cora, ang may- ari ng karinderya. "Oho, nariyan na," sagot niya. Panay ang punas niya sa kaniyang pawis. Tatlong oras na siyang naghuhugas ng mga pinagkainan. "Pakipunasan na rin ang mga mesa," utos pa nito sa kaniya ng matapos siya sa paghuhugas. "Oy, ang ganda naman ng bago mong katulong, Aling Cora," sabi ni Jose na regular customer nito. "Oo, bata pa iyan kaya 'wag niyong pag-interesan," narinig niyang sabi ni Aling Cora. "Kayo naman, ho, eh advance mag-isip. Nagagandahan lang naman ako sa kaniya. Sigurado akong swerte ang dala niya sa'yo," wika pa ni Jose habang nakatingin sa kaniya. "Miss, pwede bang malaman ang pangalan mo?" tanong nito sa kaniya. "Mira, ho!" maikli niyang sagot at iniabot niya ang order nito na ulam at kanin. "Hi, Mira! Ako naman si Jose, riyan lang ako nagtatrabaho sa City Hall." "Naku, tigilan mo si Mira, Jose. Ang alam ko ay may girlfriend ka na," ani Aling Cora. May pagkasungit ito lalo na kapag marami ng customer pero tumayo itong nanay niya sa loob ng dalawang taon. "Mira, Mira, nariyan ka ba?" narinig niyang tawag ni Hazel. Napangiti siya nang matigil ang paggunita sa kaniyang mga alaala. "Oo, narito ako!" sagot niya. Tumayo siya at pinagbukasan ito ng pinto. "Congratulations! Ang galing mo, friend. Sa wakas ay mayroon na akong kaibigan na lawyer," sabi nito sabay yakap sa kaniya. "Thank you, Hazel! Grabe ang nerbiyos ko kanina." "Paano ba 'yan? Saan mo ako ililibre?" malambing na tanong nito. "Kahit saan mo gusto!" nakangiti niyang sagot. Malaki ang utang na loob niya kay Hazel. Ito ang nagdala sa kaniya sa Maynila at tumulong noong mga panahong labis siyang nahihirapan. Nagtatrabaho na rin ito sa kompaniyang kaniyang pinapasukan. Pareho silang Business Marketing graduate sa isang kilalang State University. "O, natulala ka na riyan. Nagbago na ba ang isip mo?" pabirong tanong sa kaniya ni Hazel. "May naalala lang ako. Salamat, ha? You are part of my success, Hazel. You've witnessed everything na pinagdaanan ko. Naging karamay din kita sa lahat ng puyat ko sa pag-aaral," madamdaming pahayag niya at niyakap ito nang mahigpit. "Ano ka ba? Sino ba naman ang magtutulungan kun'di tayo rin. Mula elementary hanggang ngayon ay magkaibigan tayo. We're unbreakable, alam mo 'yan," sabi nito. "Pero, friend, kailan mo balak umuwi sa atin? Palagi raw tinatanong si Mama ng Inay mo tungkol sa'yo." "Balak ko umuwi pagkatapos ng oath taking. Tinatanggap ba ni Inay ang perang pinapadala ko?" "Oo, may sakit pala ang iyong Itay. Sana bilisan mo ang iyong pag-uwi. Mahirap ang magsisi, Mira," payo ni Hazel sa kaniya. Tumango lamang siya bilang tugon sa kaibigan. "Tara na?" tanong niya. "Sure! Okay na itong suot ko na short at t-shirt," tugon nito. "Ako rin naman." Isang short romper na floral ang suot niya. Sa isang kilalang Korean barbeque restaurant sila nagtungo. Pareho nilang paborito ang kumain ng karneng baka. Masaya nilang pinagsaluhan ang kanilang unlimited na pagkain habang panay ang kuwentuhan. Pagkatapos nilang kumain ay nagyaya pa siyang magkape. Bitbit ang kanilang kape ay naglakad-lakad muna sila sa Kalikasan garden ng BGC. Pagkaubos ay nagpasya na silang umuwi sa kanilang inuupahang apartment na malapit lang sa BGC kung saan din sila nagtatrabaho. "Congratulations, Atty. Miranda Gomez for passing the bar examination. Del Gallego Corporation is so proud of you!" Ito ang nabasa niya sa malaking tarpaulin na nasa lobby ng DGC building pagpasok niya sa trabaho. Nagpalakpakan naman ang lahat ng empleyado na naroon nang makita siya. "Thank you, everyone!" nakangiting bati niya sabay kaway sa mga ito. "Congratulations, Atty!" bati ng boyfriend niyang si Nathan Del Gallego, anak ng DGC President at CEO. Vice-president for Marketing naman ito. "Thank you, Love!" tugon niya sabay kuha sa ibinibigay nitong bouquet ng red roses. "Let's go! We have a surprise breakfast meeting," sabi nito. Muli nitong kinuha sa kaniya ang bouquet at magkahawak-kamay silang naglakad. Kinikilig naman ang mga staff na nakakasalubong nila. Guwapo, matangkad at matipuno ang pangangatawan ni Nathan. Dagdagan pa ng palagi itong nakangiti kaya mabilis na nahulog ang loob niya sa nobyo. Hindi nga niya alam dati na anak pala ito ng kaniyang boss. "OMG!" Hindi makapaniwalang bulalas niya pagpasok sa conference room. Naroon ang halos lahat ng mga executives maging ang President ng kompaniya. Nakita niya na may buffet table na punung-puno ng pagkain. "Oh, here comes our new lawyer. Congratulations, Mira!" bati sa kaniya ni Mr. Gabriel Del Gallego. "Thank you so much, Sir!" nahihiya pang wika niya. Binigyan siya ni Nathan ng wine. "Let's have a toast, everyone. From now on, Atty. Gomez will be part of our legal team," pahayag ni Mr. Gallego bago uminom ng wine. Nagpalakpakan naman ang lahat. "Welcome to our team, Atty. Gomez!" nakangiting sabi ni Atty. Samson, ang head legal counsel ng kompaniya. "Salamat po, Attorney! Masaya po akong makabilang sa team niyo," aniya rito. Pagkatapos nilang kumain at magkwentuhan ng kaunti ay bumalik na siya sa Marketing Department para kunin ang kaniyang mga gamit. "Lilipat ka na ba ng department, best?" tanong sa kaniya ni Hazel. "Yes! Sa legal team na ako," tugon niya rito. "Well, magkakaroon ng promotions sa lahat ng narito. Look at your emails, everyone. See you around, Mira," nakangiting bati ni Miss Faye, ang kanilang Marketing Manager. "Mami-miss ko ang tarayan natin, Miss Faye. Bahala ka na rito sa best friend kong makulit, ha?" biro niya. "Don't worry at babatukan ko 'yan." Nagtawanan naman ang lahat. "Yes! Thank you, Miss Mira este Atty. Gomez, na-promote na ako," masayang sabi ni Cleofe, ang pinakabagong marketing staff nila. "You deserve all the promotions. Sipagan niyo pa dahil sa inyo nakasalalay ang pera ng kompaniya. Just call me guys if you have any legal concerns, okay? See you around at nasa 15th floor lang naman ako," bilin niya sa mga ito. Nagpalakpakan uli lahat ng naroon. Bitbit ang kahon na naglalaman ng ilan niyang gamit ay tinungo na niya ang elevator. Kinakabahan siya sa unang araw niya bilang bahagi ng legal team ng kompaniya. Ito talaga ang pangarap niya noon pang unang pasok niya rito. Kaya, kahit mahirap pagsabayin ay pinilit niyang mag-aral ng law. "This will be your table, Attorney," sabi ni Gem, ang kanilang secretary. Nilibot ng paningin niya ang buong silid na iyon. Halos abala ang lahat ng naroon. May nagbabasa ng mga kontrata, sumasagot sa mga kasong isinasampa ng ilang empleyado na miyembro ng unyon at kanilang mga suppliers. Construction materials ang pangunahing produkto ng kompaniya. Pero mayroon din itong mga subsidiaries na food and beverages, hotels at technical service provider kaya, hindi biro ang trabaho ng legal team ng kompaniya. "Atty. Gomez, this will be your first job," sabi ni Atty. Samson sabay abot sa kaniya ng isang brown envelop. Binasa niya ang laman ngunit kumunot ang kaniyang noo nang makita ang nakasulat. Isang s****l harassment case ni Nicholas Del Gallego. "I know you're wondering why. Hindi lang kaso ng kompaniya ang hawak natin dito. Even mga personal na kaso ng buong pamilya ay kasama sa trabaho natin. Mr. Gallego wants you to take this case because he believes na maiipanalo mo ito. Babae ka at babae rin ang complainant," paliwanag nito sa kaniya. Napalunok siya at muling napatitig sa makapal na mga papel. "Are you okay, Attorney?" tanong nito sa kaniya nang mapansin na hindi man lang siya umiimik. "Y-yeah, I'm fine, Attorney! Okay po, pag-aaralan ko itong kaso," tugon niya rito. "Good! I trust you kaya goodluck! Don't hesitate to ask me if you need, okay?" sabi nito sabay tapik sa kaniyang balikat. "I can do this!" sabi niya sa kaniyang isipan. Habang pinag-aaralan niya ang kaso ay gano'n na lamang ang nararamdaman niyang kuryosidad tungkol kay Nicholas. Alam niya na may kapatid na lalaki si Nathan at nasa America ito para mag-aral. Pero hindi pa niya ito nakikita kahit sa litrato man lang. Halos mag-iisang taon na ang relasyon nila ni Nathan ngunit marami pa siyang hindi alam sa buhay nito. "Hello, Love? Are you busy?" tanong niya kay Nathan sa telepono. Nais niya kasing makausap ito tungkol sa kapatid. "I always have time for you, Love. Do you miss me?" tanong nito sa kaniya. "It's a joke, right?" aniya sabay tawa. "Of course, not!" "Well, I just want to ask you regarding sa kapatid mo. I'm handling his case," tugon niya. "What? Who told you to handle that one?" tanong nito na medyo tumaas ang tono ng pananalita. "It's an order from the President. Okay lang naman, Love, sa akin. Don't worry," sagot niya rito. "I'll talk to Dad regarding that case. Huwag mo na munang isipin 'yan. First day mo pa lang sa work and then ganiyang kaso kaagad ang ibinigay nila sa'yo?" "Nathan, please kaya ko 'to. Ayokong isipin nila na namimili ako ng trabaho. Let's separate our personal relationship here at work. Don't worry, I'll do everything to defend your brother." "Okay! If that's what you want hindi na ako mangingialam. Ako na ang pupunta riyan sa office niyo," wika ni Nathan at ibinaba na nitong telepono. Ex-girlfriend ni Nicholas ang nag-file ng case ayon sa case report na kaniyang binabasa. Nangyari iyon six months ago sa condo nito. "Hi, Love!" nagulat pa siya na nasa harapan na pala niya si Nathan. "Hello, Love! Nakakagulat ka naman," aniya rito na nakangiti. "Sobrang seryoso mo kasi sa'yong binabasa kaya hindi mo ako napansin," tugon nito sa kaniya. "I'm just wondering about your brother's case. This was six months ago, but never ko pa siyang nakikita," sabi niya. "I think this is not the right place to talk about that. Dinner sa house tonight? Dad will love if you join us. And Nicholas will be there, too. You can interrogate him," nakangiting tugon nito. "Sure, Love! What do you want me to bring?" "Just bring yourself, Love! Just kidding," tugon nito saka tumawa pa nang mahina para hindi marinig ng kaniyang mga kasamahan sa opisina. "Puro ka talaga kalokohan. Maybe a delicious wine?" "Nice one! Okay, I need to go na, Love. See you at seven pm tonight, huh?" wika nito na nagmamadali at may tumatawag sa telepono nito. Nginitian niya ito at kinawayan habang papalabas ito ng kanilang opisina. "Atty. Gomez, you can bring and use this from now on," wika ni Atty. Samson pagkaalis ni Nathan. "Car key? For me?" tanong niya. "Yes, kakailanganin mo iyan sa trabaho mo. It's a company's welcome gift for you. Gem will show you later," sabi pa nito sa kaniya. "But, this is too much." "You can't say that kapag tumagal ka na rito. Keep that as a motivation from working here." Hindi pa rin siya makapaniwala na mayroon na siyang sasakyan. Marunong naman siya mag-drive at mayroong driver's license rin. Ang ginagamit niya kasi sa ngayon ay for official used lang. Hindi niya pwedeng iuwi sa bahay. "Attorney, tara na po?" tanong ni Gem sa kaniya pagsapit ng kanilang uwian. "Tara!" Sumunod siya sa kanilang sekretarya. Dumiretso sila sa VIP parking area. "Ito na po ang kotse niyo, Atty. Check niyo po muna bago pirmahan itong documents," sabi nito sa kaniya. "Ito na rin po pala ang magiging parking space niyo." Isang color orange na ford ecosport titanium na automatic na mahigit isang milyon ang halaga. Ito ang gusto niyang sasakyan at minsan na silang tumingin pa ni Hazel nito. Hindi nga lang niya prayoridad noon kaya nagtiyaga muna siya. "You can test it, Attorney." Wala namang problema ang sasakyan kaya pinirmahan na niya ang mga dokumento. Umalis na rin si Gem at naiwan siyang mag-isa. "Do you like it, Love?" tanong ni Nathan sa kaniya na hindi niya namamalayang nasa likuran na pala niya ito. "Yes, Love! Don't tell me na ikaw ang may pakana nito?" tanong niya sabay tingin ng makahulugan. "It's from the company and not from me. Don't look at me like that," depensa ni Nathan. Pero ang totoo siya talaga ang nagbigay dito. Nais niya kasing regaluhan ito ng sasakyan pero tiyak niyang hindi ito tatanggapin ni Mira. Wala pa siyang ibinibigay dito na mga mamahaling gamit na tinanggap ng nobya. Masaya na itong kumain sila sa labas, manood ng sine at mag-out of town. "Okay, but still, thank you!" malambing niyang sabi sa nobyo at niyakap niya ito. Itinaas naman ni Nathan ang kaniyang mukha paharap at yumuko ito upang halikan siya sa labi. Tumingkayad siya para hindi na ito mahirapan. 6'2" ang height nito samantalang siya ay 5'5" lang. Tumagal din ng isang minuto ang kanilang halikan. "See you tonight, okay? Drive safely," bilin nito sa kaniya. "I will, Love. See you again later. I love you!" wika niya. "I love you, too!" tugon nito at muling dinampian siya ng halik sa labi. Dumiretso sa isang wine store si Mira. Bumili siya ng special wine na madalas inumin ng ama ni Nathan. Pagkatapos ay umuwi kaagad para makapagpalit ng damit. Isang puting puff sleeve dress na may slit ang kaniyang isinuot. Pinaresan niya ito ng simpleng design na hikaw at kwentas. Simpleng flat sandals at white na handy bag ang suot pa niya. Lumabas ang kaniyang kaseksihan dito. Alaga niya rin kasi ang katawan kahit sabihing napaka-busy niya. Pasado alas sais na ng umalis siya sa kanilang apartment. Wala pa si Hazel at marahil ay nag-overtime ito. Sa Forbes Park subdivision sa Makati ang bahay nila Nathan. "Pasok po kayo, Ma'am. Nasa sala po sila sir," wika ni Manang Yolly, ang mayordoma ng pamilya. Mabait ito at palangiti kaya hindi na siya naiilang dito. "Salamat po, Manang! tugon niya. Iniabot niya rito ang dala niyang wine. Sinamahan rin siya nito hanggang sa makapasok sa malaking living room ng mansiyon. "Good evening po, Sir!" bati niya kay Mr. Gabriel Del Gallego. "Ito talagang girlfriend mo, Nathan nasobrahan sa galang. Don't call me like that kapag nasa labas tayo ng opisina. Tito or maybe Daddy is much better," nakangiting pahayag nito. "Okay po, T-tito!" nahihiya pang wika niya. Nakita niyang nakangiti lang si Nathan. Lumapit ito sa kaniya at humalik sa labi. "Okay! Since you're here, let's have a dinner na para marami tayong mapag-uusapan. Manang, pakitawag nga si Nicholas," utos nito sa mayordoma. "I'm here, Dad!" sagot ng isang lalaki na pababa sa eleganteng hagdanan. Lumingon siya para tingnan ito ngunit gano'n na lamang ang kaniyang pagkagulat nang makita ang mukha ni Nicholas Del Gallego.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD