"It's good to see you again, Atty. Gomez," nakangiting bati sa kaniya ni Dra. Mendez, ang kaniyang OB-gyne sa hospital kung saan siya nagpa-check-up. Nasa hospital siya para sa kaniyang follow-up check-up bago umuwi ng Sta. Monica. "Me too, Dok!" tugon niya na nakangiti rin dito. "Well, so far your pregnancy is okay. Wala naman akong makita na dapat mong ipag-alala. Just continue to drink your vitamins and do a monthly check-up to make sure na healthy and well si baby. Avoid stress and heavy work loads as much as you can. And enjoy your pregnancy journey," sabi pa nito sa kaniya. "I'll be leaving to stay in the province, Dok. And I'm planning na roon na manganganak. Okay lang po ba na magbiyahe ako ng ten hours?" "Travelling for that long is a bit risky pero kung maganda naman ang

