"Ha?" gulat na tanong ni Hazel kay Mira nang marinig nito ang sinabi ng kaibigan. "A-ano naman ang gagawin ko sa kanila?" "Dalhin mo ito at ipakita sa kanila," aniya sabay abot ng isang tape recoder sa kaibigan. "Sigurado akong galit silang lahat sa akin. Baka kapag narinig pa lang nila ang pangalan ko eh ipagtatabuyan ka na nila. Pero gawin mo sana ang iyong makakaya para makumbinsi mo silang pakinggan ako, Hazel. Ito na kamo ang pagkakataon para makabayad ako sa mga kasalanan ko sa kanila at masingil na rin si Gabriel sa lahat ng mga kasalanan niya," dagdag pa niya. Muling sinulyapan ni Hazel ang binigay niyang papel at tape recorder saka huminga ng malalim. "Mahirap 'di ba?" tanong niya rito. "Oo pero gagawin ko ang lahat ng magagawa ko, Mira," tugon ni Hazel sa kaniya. "Delik

