"By the way, Gem, siya si Nick, kaibigan ko," pakilala niya sa kaibigan. "Hi, Sir!" maarteng bati rito ni Gem sabay ipit ng buhok nito sa tenga. "Hi!" sagot naman ni Nick na nakangiti naman ng ubod tamis. Natatawa naman siya habang pinagmamasdan ang dalawa. Para itong mga teenager. "Umayos ka nga. Isusumbong kita sa boyfriend mo kapag hindi ka pa tumigil," pabirong niyang saway kay Gem kahit alam niyang naghaharutan lamang ang dalawa. "Ay 'wag po, Attorney. Biro lang naman po iyon. Ang guwapo po kasi ni Sir kaya hindi ko napigilan ang sarili ko," wika nito na medyo nataranta pa sa kaniyang sinabi. Paniwalang-paniwala naman ito sa kaniyang sinabi. "Joke lang! Ikaw naman, hindi na mabiro," aniya sabay tawa. "Si Attorney talaga! Akala ko totohanin mo eh." "Pakitawagan mo naman an

