Inihagis ni Jake ang cellphone sa upuan sa pagkadismaya sa sarili. Napabuga siya ng hangin. Pakiramdam niya ay nanunuyo ang kaniyang lalamunan kaya tumayo siya para kumuha ng tubig na maiinom. Tatlong taon na siyang divorce sa kaniyang asawa at ngayon na lang siya uli nakipag-usap ng ganito sa isang babae. Itinuon na kasi niya ang buong isipan sa pagpaplago ng kompaniya. Napapangiti na lang siya sa kaniyang sariling nararamdaman. "Don't be a fool, Jake! It's just a mission for Nicholas and no more. Go with the flow but guard yourself. Remember what happened to you in the past. Baka umuwi ka na namang luhaan," paalaala niya sa sarili. Kumuha uli siya ng beer at uminom habang tinitingnan pa ang ibang larawan ni Hazel. Hindi niya talaga maipaliwanag kung bakit may kakaiba siyang nararamdama

