NANG makarating sila sa bahay nila Denise ay hindi sila kaagad bumaba ng sasakyan, bagkus ay tinanaw ang mga kaibigan niya na noon ay nasa labas ng gate at hinihintay siya. "May mga lalaki pala kayong kasama?" tanong ni Xin nang matanaw ang dalawang lalaki na kausap nina Trichie at Sandy. Madilim na naman ang anyo nito nang tingnan niya. "Boyfriend sila ng mga kaibigan ko, inihatid sila rito," maikling paliwanag niya. Kumilos siya at inalis ang kaniyang seatbelt. "Buti pinayagan na sila ng mga magulang nilang mag-boyfriend, ang babata pa nila." "Xin, hindi tayo kaabot-usap sa mga buhay nila. Huwag natin silang pakialaman,” patay ang emosyong sabi niya. Kung siya nga, ‘di ba? Hinayaan ng mga magulang niya na makasal dito sa edad niya. "What time will I pick you up?" Inignora nito a

