bc

Dad Gave Me You

book_age18+
8.0K
FOLLOW
39.1K
READ
possessive
sex
love after marriage
arranged marriage
dare to love and hate
student
bxg
serious
realistic earth
husband
like
intro-logo
Blurb

SPG R-18

CARL XIN was taken by surprise when a stranger, a young and beautiful woman named Amber, kissed him unexpectedly. Akala niya he would never see her again, but fate had a way of bringing their paths together once more at sa pagkakataong iyan ay para ipakilala sila ng kanilang mga ama bilang magiging bride at groom ng isa't isa.

And when he brought his instant young and beautiful wife home, nagmistulang courtroom ang pamamahay niya with the prosecutor and defence lawyer constantly arguing for what they stood for, habang tila husgado naman ang kaniyang ama.

Gayunpaman, sa kagandahang taglay ni Amber ay hindi niya napigil ang pusong mahulog dito. Lamang ay may problema, sapagkat may ibang isinasaalang-alang ang puso niya. Hindi kaya nagkamali ang kanilang mga ama na ipakasal sila sa isa't isa?

chap-preview
Free preview
I - Smack
© All Rights Reserved 2021 CHAPTER I TUMINGIN sa wristwatch si Carl Xin, inis na nagmadali siya sa paglakad patungo sa station ng tren upang doon na lang sumakay sapagkat wala siyang mahagilap na taxi, wala rin kahit na air-conditioned bus. Umiinit lalo ang ulo niya. Timing talaga na na-flat ang gulong ng kotse niya kung kailan na nagmamadali siya. Tumawag na siya sa opisina at nagpapunta ng tao para asikasuhin ang kotse niya roon. Nang marating niya ang station ng tren ay nadismaya siya sa haba ng pila sa ticket booth. Puwede naman sana siyang tumawag ng tao buhat sa opisina para sunduin siya pero, komplikado ang lakad niya at hindi puwedeng malaman ng iba. Muli siyang sumulyap sa wristwatch, alas tres na ng hapon at nag-uumpisa na ang birthday party ni Terrence, tiyak na magtatampo ang bata kapag hindi siya nakarating. Napatakbo siya nang makakita ng dyip na dadaan sa venue ng birthday party ni Terrence. Masuwerte na rin at nataon na medyo maluwag pa iyon. Napilitan siyang pahintuin ang dyip. Wala na siyang choice kun'di sumakay roon. Sumingit siya sa bakanteng upuan saka nagtanong sa driver kung magkano ang pamasahe hanggang sa lugar na bababaan niya. Kaagad siyang nag-abot ng bayad matapos sabihin nito kung magkano, mabuti na lang at mayroon siyang mababang halaga ng cash sa wallet. "Sa'yo na po ang sukli," sabi niya sa driver. Malawak ang naging ngiti ng driver sapagkat malaki pa dapat ang sukling ibibigay nito sa kaniya. "Maraming salamat po, Sir!" masiglang sabi nito habang abala sa manibela. "Wala pong anuman," sabi lang niya at nagbilin dito nai-remind siya sa kaniyang bababaan. Nahila niya ang kurbata para makahinga ng maluwag. Masyado siyang naiinitan at nasisikipan. Hindi niya namamalayan na nakasimangot na pala siya, at natigilan siya nang mapansin na halos sa kaniya na nakatingin ang mga nakasakay sa dyip. Pasimple siyang umayos ng upo saka pinilit na iignora ang mga tao roon ganoon din ang nararamdamang diskomportable. Napatingin siya sa mga estudyanteng babae na nakaupo sa tapat niya. Hindi man lang natakot ang mga itong tingnan siya at hagurin ng tingin kahit pa nga aware na tinitingnan din niya ang mga ito. Nakuha pa ngang magbulungan at lalo siyang nainis dahil diyan subalit sinikap niyang magtimpi. Biglang nagpreno ang jeepney driver dahil sa biglang sumulpot na sasakyan sa unahan. Dahil hindi niya iyon inaasahan ay medyo nawala siya sa tamang balanse at hindi sinasadyang napahawak sa katabi. Nagulat siya nang makita kung saan siya napahawak, sa hita iyon ng katabi niyang estudyanteng babae na sa tingin niya ay kasamahan ng mga estudyante sa harap niya dahil pareho ang mga ito ng suot na uniporme. Kaagad niyang inalis ang kamay sa hita nito pero napatingin siya rito at dahil nakatingin ito sa kaniya ay nagtama ang mga paningin nila. "I'm sorry, Miss," kaagad niyang hingi ng dispensa habang nakatitig dito. Hindi naman ito nagsalita bagkus ay matalim siyang inirapan bago tumanaw sa labas ng dyip. Napailing siya. Iniwas niya ang tingin dito at napatingin sa tapat niya. Kumaway ang mga estudyante sa harap niya at nag-thumbs-up pa sa kaniya. Hindi maitago ang kilig ng mga ito. 'Mga kabataan talaga ngayon,' sa isip-isip niya at 'di napigil ang mapailing. "Pakiabot po ng bayad," sabi ng isa sa bandang hulihan ng dyip. Pinagpasa-pasahan ang barya hanggang sa makarating sa kaniya. Hindi siya kumibo upang kunin iyon bagkus ay siniko ng bahagya sa braso ang estudyanteng babae sa kaniyang tabi upang ito ang dumampot. Nakaupo ito sa kanan niya at tatlong pasahero lang ang pagitan nito buhat sa driver. Tinikwasan siya nito ng kilay at inignora, kaya naman wala siyang nagawa kun'di kunin ang baryang pinagpasa-pasahan ng mga pasahero buhat sa hulihan. "Please," wika niya habang iniaabot iyon sa pasaherong mas malapit sa driver. Napatingin pa siya ulit sa estudyante sa kaniyang tabi na tila iwas na iwas madikitan ng braso niya. Kinuha ng nasa unahan ang barya sa kamay niya. Pasimple niyang ipinunas ang palad sa nakayangyang na laylayan ng palda ng mataray na estudyanteng ito at hindi nito iyon naramdaman. "Sir, dito ka na po," untag ng driver sa kaniya pagkaraan ng medyo mahabang sandali. "Thank you." Kumilos siya at nagmadaling bumaba. ••• "WHY did we get off the jeep?" tanong ni Amber sa mga kasama matapos na mapasunod sa pagbaba ng mga ito. Inginuso sa kaniya ni Sandy ang lalaki na nakatabi niya sa dyip. Tumingin siya sa lalaking iyon. Huminto ito sa paglakad at kinuha sa bulsa ang cellphone, at hindi nito napansin na nahulog ang panyo buhat sa bulsa. Napasimangot siya nang maalala ang paghawak nito sa hita niya kanina. 'Kalalaking tao lampa!' inis na sabi niya sa isip habang nakasunod ng tingin dito sa patuloy na paglakad nito. "Bakit? Ano'ng meron sa kaniya?" kunot ang noo na tanong niya kay Sandy. "It's my turn. Dare number three, iki-kiss mo ang lalaking 'yon," sabi nito na tila ba kinikilig pa. "Ano?!" napataas ang boses na tanong niya at napangisi pa sa inis dito. "Opss!" kuros ng tatlo. "Remember, ikaw rin, nasa amin ang practice set mo. Your name was already written here. Kapag pinakalat namin, lagot ka kay Sir Lex. You know the leakage of information baka makasuhan ka pa. Isa pa, mawawalan ka ng grade for finals. I bet, you'll not be able to reach the fourth year." Tumatawang pananakot ni Denise sa kaniya. Napatiim-bagang siya. "Hindi na kayo nakakatuwa ha." Hindi niya itinago ang inis sa mga ito. "Sinasamantala n'yo na ako." "Okay lang kahit smack lang, basta sa lips," pilyang sabi ni Sandy. "Ayoko. Kahit smack pa 'yan." Matalim ang naging pag-irap niya rito. "Seryoso kayo? Do you want me to kiss someone na ngayon ko lang nakita at 'ni hindi ko kilala? What if mayroon siyang contagious disease? I might even get infected. Nag-iisip ba kayo?" maanghang na maktol niya sa mga ito. Ang pagsakay sa dyip ang dare number two ng mga ito sa kaniya at doon pa lang ay tila halos hindi na siya makahinga. Paano pa kaya ang halikan ang lalaking hindi naman niya kilala? "Okay," si Trichie sabay halukipkip at nagpakita ng kawalan ng interest na makipag-argumento sa kaniya. "Sorry ka na lang," sabi naman ni Sandy. "Seryoso talaga kami," si Denise naman na ginaya lang ang ginawa ni Trichie. Natahimik siya at hindi nakapagsalita. Kapagkuwa'y tiningnan ang lalaki na noon ay patuloy sa paglakad habang may kausap sa cellphone. Hindi pa rin nito napansin na nahulog ang panyo nito sa pagkuha ng cellphone sa bulsa kanina. Guwapo naman ito, at mukhang mayaman sa kutis pa lang, ganoon din sa klase ng kasuotan, naka-business suit ito at talagang disente. Naamoy pa nga niya ang mamahaling pabango nito nang maupo sa tabi niya kanina sa dyip. Ah, ewan lang kung bakit ito nag-dyip. Nakita niya ang mga daliri nito nang napahawak sa hita niya at magaganda ang hugis ng mga iyon, napakalinis. Mapula at namamasa ang labi, matangos ang ilong at may mga matang tila nang-aakit kung tumingin na napansin naman niya nang mapatingin siya dito kanina nang humingi ito ng dispensa. At higit sa lahat, healthy ito at kahit sino ay hindi iisiping may sakit ito kagaya ng sinasabi niya. Nasabi lang niya iyon para sana magbago ang isip ng tatlo pero mukhang bigo siya. 'Kung i-smack ko s'ya sabay takbo palayo, puwede na rin siguro, hindi naman niya ako makikilala. Magtu-toothbrush na lang siguro ako ng kahit sampung ulit pagdating sa bahay,' sa loob-loob niya. Napabuntong-hininga siya at nasapo ang noo sa stressed. ••• "OKAY, okay. Tito is coming, hintayin mo 'ko," malambing na sabi ni Carl Xin kay Terrence sa kabilang linya bago tinapos na ang tawag. "Excuse me." Napahinto siya sa gagawin sanang paghakbang at napalingon nang marinig ang boses na iyon. Nakita niya ang mataray na estudyanteng katabi niya kanina sa dyip. "Yes?" tanong niya na sinabayan ng pag-angat ng dalawang kilay. Ngumiti ito at lumakad palapit sa kaniya. "Is this handkerchief yours?" Napatingin siya sa panyong hawak nito. "Ah, no," kaila niya kahit pa nga sa kaniya talaga iyon. Sa isip na nahulog na iyon at pinulot nito ay hindi na niya nais pang kunin. "Excuse me," wika niya nang hindi ito kumibo o magsalita. Kumilos siya upang tumalikod na pero hindi niya inaasahan ang sunod na ikinilos nito. Hinawakan nito ang balikat niya upang pigilan siya sa pagtalikod. Mabilis ang mga sumunod na nangyari at hindi niya iyon inaasahan, tumingkayad ito at mabilis na dinampian siya ng halik sa labi tapos ay mabilis na tumakbo palayo. "Wait, hey," pigil niya rito sa kabila ng pagkabigla. Tinangka niya itong habulin ngunit kaagad din siyang natigilan at napaisip nang mapansin ang mata ng mga taong naroon sa paligid at pinagtitinginan siya, pinagbubulungan. Napatingin siya sa mga estudyante na natandaan pa niyang nakasakay niya sa dyip kanina. Nagtatawanan ang mga ito at kumaway pa sa kaniya bago lumakad patungo sa direksyon ng babaeng nangahas sa kaniyang labi. Noon lang niya naintindihan na napagtripan siya ng mga kabataang iyon. Tiim-bagang na lumakad na lang siya palayo roon upang makaiwas sa mapanuring mga mata sa paligid.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook