NAKAPAGHAIN na sila ni Nanay Ynes ng tanghalian pero hindi pa bumababa si Xin. Kaya siya na ang kusang umakyat para puntahan ito sa silid. Kinatok niya ito pero hindi nito binuksan ang pinto kaya sinubukan niyang pihitin ang seradura ng pintuan, bukas iyon kaya pumasok na siya. Napasukan niyang nakahiga ito sa kama pero gising ito. "Time for lunch," sabi niya. "Wala akong gana," turan nito. Mukha nga dahil matabang ang tono nito nang sabihin iyan. "Pero you have to eat." "I said wala akong gana for food this time!" paasik na sabi nito na ikinabigla niya. Natigilan naman ito at tila nabigla rin sa sariling inasal. Bumangon ito at naupo sa gilid ng kama nito. "I'm sorry," kaagad nitong sabi sa mahinahong tono. "I'm feeling so bad now. Just...just leave me alone," sabi pa nito sa

