Chapter 28

1729 Words

ANIKA Unang gabi ko dito sa bahay ni Leo, pero kahit hatinggabi na ay hindi pa rin ako makatulog. Bago sa akin ang bahay na ito. Komportable naman ang kamang hinihigaan ko, pero kanina pa ako pabaling-baling. Ilang ulit na rin akong bumangon at humiga, pero hindi ako dalawin ng antok. Hawak ko ang aking cellphone at kanina pa ako nakatitig dito, pero ayaw ko namang tawagan sina Martha dahil baka hawak pa sila ng mga pulis at inimbestigahan sa nangyaring sunog sa bahay ko. Nag-send na ako ng text message kay Kuya Aidan, pero mukhang tulog na ang kapatid ko, kaya hanggang ngayon ay hindi pa niya sinasagot ito. Tahimik dito sa silid ko, pero nakabibingi ang katahimikan. Hindi ko man masabi kay Kuya Aidan, pero apektado pa rin ako sa ginawa ko, at hanggang ngayon, laman ito ng isipan ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD