ANIKA Ang akala ko'y tauhan lang ni Leo ang pumunta dito sa bahay ko, kaya nagulat ako nang makita ko siya dahil hindi ko inaasahan na makikita ko siya pagsakay ko sa sasakyang naghihintay sa akin dito sa labas. “Bakit pumunta ka pa dito?” tanong ko sa kaniya nang makaupo na ako. “Why can't I be here?” arogante niyang tanong sa akin. “Hindi ko lang inaasahan na pupunta ka pa dito para sunduin ako,” sagot ko. Kahit madilim dito sa loob ng sasakyan, nakita ko ang paggalaw ng gilid ng kaniyang mga labi. “I won't let the opportunity to watch the perfect crime you've plotted against your cheating husband slide, Anika.” Natawa pa siya nang sabihin ito, pero hindi ko magawang tawanan ang ginawa ko dahil aaminin kong masakit sa akin ang nangyari. Hindi ko pa naaalala ang lahat sa aking nak

