Pinalipas ni Onyx ang isang araw bago niya sinimulan ang kaniyang misyon. Binuksan niya ang black file case na ibinigay sa kniya ng director at isinet-up ang mga iyon. Sinubukan niya ang eyeglasses na bukod sa nakakapagzoom ng view ay may switch pa para magamit niya bilang night vision goggle. Naroon din ang iba't-ibang uri ng spy camera na may iba-ibang laki at hugis. May ipinogram siya sa kaniyang laptop at pagkatapos n'on ay naview na niya ang lahat ng kuha ng mga iyon. Eksaktong alas-8 ng gabi ay lumabas siya ng hotel at dumiretso muna sa isang restaurant para maghapunan. Mula doon ay pumara siya ng taxi at nagpahatid sa lugar kung saan naroon ang mansiyon ng kalaban. Malayo iyon sa kabisera ng Cebu at tumagal pa ng dalawang oras ang pagbibyahe. Pagdating niya

