Dinala ni Onyx ang walang malay na si Caroline sa isang pribadong klinika doon. Ipinagamot niya ang sugat sa ulo at ang mga pasa nito. Bago pa ito magising binayaran na niya lahat ng bills at umalis. Ibinilin na lang niya sa nurse ang custody nito at sinabihang huwag na ipaalam ang tungkol sa kaniya.
Isang linggo ang mabilis na lumipas. Tuluyan ng nakarecover si Caroline at lumipad na siya papuntang Cebu. Ipinatawag kasi siya ng kaniyang tito Hermoso, ang don na kumupkop sa kaniya at nagpaaral. May mahalaga raw silang pag-uusapan. Mula sa NAIA, ilang minuto lang ang lumipas ay lumapag na ang eroplanong kaniyang sinasakyan sa Mactan International Airport. Nang makalabas na siya roon ay dumiretso siya sa parking area kung saan naghihintay sa kaniya ang kotseng susundo.
"Welcome back Ate Caroline!"bati ni Sandy, bunsong anak ng don at ang batang nilalaro niya noon. Limang taon ang tanda niya rito at halos siya ang kasama nito sa paglalaro pagkabata. Sa America kasi itong nagpatuloy sa pag-aaral kaya hindi na sila nito nagkita pa sa loob ng sampung taon. Hanggang ngayon ay kasalukuyan pa rin itong nag-aaral ngayon. Umuwi lang ito para magbakasyon. Sinalubong siya nito at mahigpit na niyakap. Kakarating niya lang sa mansiyon.
"I miss you so much Sandy." buong pusong wika ni Caroline at gumanti rin siya ng yakap dito.
"Ate, mas lalo ka yatang gumaganda ngayon ah." pabirong wika nito sabay kalas sa kaniya.
"Mana ako sayo eh." tumatawa niyang wika.
"By the way, nasaan ang daddy mo? Mamaya na tayo magkuwentuhan after."
"Naroon sa library hinihintay ka."
"Sige pupuntahan ko muna." Tinunton niya ang ikalawang palapag ng bahay kung saan naroon ang library ng don. Habang siya'y naglalakad ay naalala niyang muli kung paano niya natuklasan ang tunay na negosyo na nagpayaman sa pamilya nito. Pinag-aral siya nito at tinulungan. Binigay sa kaniya ang lahat at ang marangyang pamumuhay. Bagamat huli na ang lahat nang malaman niya kung ano ang kapalit sa lahat ng ibinigay nito sa kaniya-ang maging tagatuklas at taga-formulate ng anumang droga na nais ibenta nito.
Marahang pinihit ni Caroline ang door knob ng malaking silid. Bumungad sa kaniyang paningin ang bagong interior design sa loob niyon. Pagkadaan niya sa isang book shelf ay natanaw na niya ang mesa ng don. Kasalukuyan itong nagbabasa ng libro nang datnan niya.
"Good morning, tito." nakangiting bati niya.
"Magandang umaga naman Carol. Mabuti at narito ka na." Tumayo ito at nginitian siya. Lumapit naman siya rito upang magmano.
"Nakakatuwa naman itong bagong ambiance ng library ninyo." aniya habang inihagod ang paningin sa kabuuan ng silid.
"Yeah! It was Sandy's idea." Umupo ulit ang don.
"Really? Nakakatuwa talaga ang batang yun. She grows into a fine and charming lady."
"Indeed. By the way Carol, I let you come because I want to discuss something with you." Sumeryoso ang mukha ng dalaga na naroon ngayon sa couch at nakaupo.
"What is it?" maya-maya'y tanong niya.
"I want you to formulate a drug candy." kaswal nitong sabi sa kaniya. Hindi na ito ikinagulat ng dalaga. Sanay na siya na tuwing mag-uusap sila ng matanda ay puro tungkol sa lihim na negosyo nito ang pinag-uusapan nila. Not even his family knew about his underground business. Noong una atubili siya sa pinapagawa nito ngunit sinabi nitong hindi naman talaga siya ang aktwal na magpoproduce ng droga dahil may mga tauhan naman ito.
Ang tanging gampanin niya lamang ay ang mag-eksperimento kung paano makabuo ng droga gamit ang iba't ibang kemikal. Lingid sa kaalaman ng lahat, may sekretong laboratoryo ang mansiyon na siya lamang at ang don ang nakakalam. Gamit lamang ang eye scanner, makakapasok sila doon. Nakaprograma sa technical system ng bahay ang istruktura at genetic code ng kanilang mga mata na siyang nagsisilbing pass code doon. Sa loob ng laboratoryo na iyon niya ginagawa ang lahat ng kaniyang eksperimento.
"Like party drugs?" tanong niya.
"Yes, pero yung hindi kahina-hinala. Let's modify the drugs by giving flavors to it."
"Fruit flavors?"
"Exactly."
"Sino po ba ang target costumers ninyo nito?"
"Employees and rich college students. Tumataas na ang bilang ng ating mga parokyano. Kasabay niyon ay ang mas agresibo na opensiba ng pamahalaan kontra droga."
Napatango na lang si Caroline. Masakit man sa kaniya ang ginagawa pero kailangan pangatawanan na niya ito dahil napasubo na siya. Alam rin niya na kapag aalis siya sa kalakarang ito, tiyak na ikakamatay niya ito.
"Okay tito, I will just check inside the laboratory. Sasabihin ko sa iyo bukas kung anong mga compounds ang kakailanganin natin."
"Good! Anyway, hindi naman ako nagmamadali eh. You can do it the next day. Magbonding muna kayo ni Sandy." nakangiting wika ng matanda. Gumanti rin naman si Caroline.
"Thanks, Tito."
"O, siya maari ka ng lumabas." Pagkarinig niyon ay tumayo na si Caroline at humakbang palabas ng silid na iyon. Dumiretso siya sa kaniyang silid doon at nagbihis ng mas komportableng damit pagkatapos ay bumaba.
"Tapos na ate?" tanong ni Sandy sa kaniya habang siya'y pababa ng hagdan. Nakasuot siya ngayon ng tshirt at denim shorts.
"Yes." nakangiting sagot niya.
"Gala tayo?"
"Saan?"
"Anywhere. Extreme adventure."
"Sure!" Malapad na ngiti ang sumilay sa labi ni Sandy. Malalaki ang mga hakbang na lumabas ang dalawa at nagtungo sa garahe.
"New car, huh!" nakangising bulalas ni Caroline.
"Yeah, regalo ni dad."
"So marunong ka ng magdrive?"
"Of course, halika na." Binuksan niya ang passenger's seat at sumakay doon ang dalaga. Nang makasakay na rin siya sa driver's seat ay kaagad niyang pinasibad ang sasakyan. Napakapit na lang bigla si Caroline ng bigla itong buwelo at muntik siyang masubsob.
Sakay ng kaniyang itim na Ford Fiesta maagang pumasok si Onyx sa trabaho. Kagabi ay nakatanggap siya ng text mula sa director ng PDEA branch nila na si Mr. Saavedra. May pag-uusapan raw silang importante at konpidensiyal ngayong araw. Imbes na maaga siyang gumising para makapasok ng maaga, parang Malabo itong mangyari dahil sa sobrang bigat ng trapiko. May mga jaywalkers pang pasaway na dumadagdag sa abala sa lansangan. Maya-maya'y tumunog ang kaniyang cellphone.
"Hello, sir." sagot niya sa tumatawag.
"Nasaan ka na?" narinig niya ang tinig ng matanda sa kabilang linya.
"I'm on my way. Ang bigat ng traffic eh, nakakaletse."
"Okay, just proceed to my office right away once you arrive."
"Opo.'
"Bye." Ibinalik ng binata ang kaniyang kamay sa manibela at nagsimula ng umusad ang trapiko. Halos isang oras siyang nasa daan bago nakarating sa kanilang tanggapan. Pagkapasok niya sa gusali ay dumiretso kaagad siya sa opisina ng naturang director.
"Good Morning, Sir." bungad ni Onyx.
"Have a seat." Umupo ang binata sa wooden sofa na naroon.
"Kumusta ang Team Delta?" tanong nito habang abala sa paglabas ng mga papeles mula sa brown envelop.
"Okay naman po kaming apat. Si Rexon may inaasikaso po sa ngayon."
"Mabuti naman. But this time, I want you to work alone." seryosong wika ng matanda.
"Bakit po?" nakakunot-noong tanong niya. Sa lahat ng mga ginagawa niya, kasama niya ang kaniyang team mapa-opensiba man o buy-bust operation. Kahit na siya ang utak ng grupo, ang mga kasamahan niya ay may di matatawarang kasanayan sa bakbakan kaya kailangan niya palagi ang mga ito.
"I do not trust some NBI agents." Mas lalong kumunot ang noo ni Onyx.
"Bakit? May nangyari po ba?"
"Remember last time na operasyon natin?"
"Yeah." Napatango siya.
"Pumalya yun dahil sa hindi pa matukoy na mga NBI agents sa field na di umanoy nagbigay ng tip sa kalaban. Tumatanggap ito ng suhol mula sa drug lords. They have their eyes and ears with us kaya kailangan ng ibayong pag-iingat."
"So, anong gagawin ko?"
"I have sent some PDEA agents in Cebu. They are just frontal agents at ikaw ang gusto kong talagang mag-undercover. Kikilos rin sila but ikaw ang aasahan ko sa buong plano. I will present to you a secret plan. Ibang plano ang alam ng mga agents na iyon. They will ditract and hook the attention of the lords. You will be the one to look for documents or any information about their drug activity." mahabang turan nito. Ilang saglit napaisip si Onyx.
"Is this about Einstein again?" kabadong tanong niya.
"Einstein is not the main character here but the drug lord itself. Along the way since magkasama sila, mahuhuli din natin yang si Einstein."
Malalim ang buntong-hininga na pinakawalan ng binata. Napapikit siya sandali ng wala sa oras. Muling bumalik sa kaniyang gunita ang napakagandang babae na iyon. Hindi niya alam kung kaya niyang pangatawanan ang trabaho niya kung ito ay isa sa mga nakaabang na kalaban.
"So, what's the plan sir?"
"We have already located the mansiyon of Don Hermoso in Cebu. Hanggang sa labas lang ng mansiyon ang kayang narating ng isang agent. He's dead now. Napakaraming security personnel ng bahay na iyon. Gusto kong pasukin mo yun. Kabisaduhin moa ng loob ng kabahayan at as much as possible sirain moa ng technical security nila. I had received a confidential information na may malaking laboratory sa loob niyon and I want you to confirm it. Pagmakumpirma mo yun, that's the time to set up another entrapment operation. Mailap ang drug lord na ito. Look at here! These are the photos of his mansiyon and some people coming in and out of that house. This was taken few months ago. Noong pumalya ang operasyon natin."
Lumapit si Onyx sa lamesa nito at isa-isang pinulot ang mga larawan doon. Napalunok siya nang makita sa isa sa mga larawan doon ang mukha ni Caroline. She's wearing a black full coat and boots. Naka-dark sunglasses ito at naka-round hat. Base sa kuha ng larawan, galing ang dalaga sa loob ng mansiyon. Sa buong buhay niya bilang isang alagad ng batas, ngayon pa lamang siya nakaramdam ng pagdadalawang-isip.
"Something's wrong?" untag ng director nang mapansin ang pananahimik niya.
"Ah, wala po. Kailan po ba ako magsisimula?"
"Here!" Iniabot nito sa kaniya ang isang airplane ticket. Tiningnan niya iyon.
"Bukas na bukas din lilipad ka papuntang Cebu. You can go home now ang get your things ready. By the way..." may kinuha ang matanda sa isa sa mga coded vault doon. Nakatingin lang si Onyx.
"This is the modern equipment of the headquarters. Nasa loob ng case na yan ang mga kakailanganin mo."
Iniabot nito sa kaniya ang di kalakihang case at ang susi n'on. Tinanggap naman niya ito kaagad. Alam niyang mga spy gadgets ang laman n'on.
"Good luck, Mr. Del Querro. I trust you."
"Okay sir, tutuloy na ako." Tumango na lang ang matanda bilang pagsang-ayon at tumalikod na siya.
Kinabukasan, maagang gumising si Onyx dahil alas 8 y media ang flight niya papuntang Cebu. He is wearing his brown leather jacket, black cap, and dark Rayban sunglasses. He paired it with denim jeans while carrying his gray travelling backpack. Ilang minuto ang lumipas mula nang lumipad ang sinakyan niyang eroplano sa wakas ay lumapag na rin ito sa Mactan International Airport. Nagtuloy-tuloy ang binata sa paradahan ng taxi at sumakay ng isa sa mga iyon.
"Hello, brad." bungad ni Onyx. Tinawagan niya si Alfred.
"Yes, brad. Napatawag ka."
"Can I have the phone number of your sister? May itatanong lang ako."
"Sure. I'll send it to you right away."
"Thanks, maghihintay ako. I'm on the work."
"Sige, bye!"
Ilang Segundo lang mula ng matapos ang kanilang pag-uusap ay narecieve na niya ang business card nito. Kaagad niyang idinayal ang numero ni Lei at kinontak iyon.
"Hello, who's this?" bungad ng babae sa kabilang linya.
"Hi, Lei. This is Onyx. Do you still remember? Kaibigan ni Alfred."
"Yeah, I remember. What's up?"
"Nasaan ba yung model mong si Caroline ngayon?"
"Why?" Napansin niya ang pagtataka sa tono nito.
"I just want to know. Related lang sa trabaho ang sadya ko sa kaniya." Ang totoo ay gusto niyang malaman kung nasa Cebu ba si Caroline o wala. Nais ng kaniyang isip n asana wala ito doon ngayon para walang maging hadlang sa gagawin niya. Gusto niyang puksain ang drug lord na target nila but not Einstein.
"She said to me last day na babalik na daw siya ng Thailand."
"Ganoon ba? Okay, salamat."
Pagkababa niya sa cellphone ay napangiti si Onyx. Umaayon ngayon ang tadhana sa kaniyang plano.