Chapter 5

1986 Words
            "Caroline." tinig ni Lei ang narinig ng dalaga buhat sa kaniyang likuran kaya napalingon siya. Kumalas siya kay Alfred at nakipagbeso sa kaibigan.             "Hello Lei. Kanina pa kita hinahanap."             "Sorry, I welcomed the guest and visitors eh."             "Okay lang."             "So, nakilala mo na pala ang brother ko." Isang mapanudyong ngiti ang sumilay sa labi ni Lei. Naroon lang dalawang binata at kapuwa nakatingin sa kanilang dalawa.             "I met her a while ago. Hindi mo man lang binanggit sa akin na may napakaganda ka palang kaibigan." nakangiting wika ni Alfred.             "Pasensiya na kayo boys but Caroline is mine. She's my asset at ayokong may mga lalaking nandidistorbo sa kaniya." mataray nitong wika na bahagya pang pinataas ang isang kilay. Habang magkausap ang magkapatid panay lang ang titig ni Onyx kay Caroline na hindi man lang nag-abalang tumingin sa dako niya.             "By the way Caroline, huwag kang making sa mga pinagsasabi nitong loka-loka kong kapatid."             "Tama naman kasi si Lei. This time masaya ako na sa trabaho lang umiikot ang mundo ko." nakangiting wika niya sa mga ito.             "Desenteng trabaho..." sabat ni Onyx na nagpakawala ng makahulugang tingin.             "Ay oo nga pala sissy, this is my friend Onyx. I invited him here para hindi ako ma-bored." pakilala ni Alfred sa binata sa kaniyang kapatid na muntik na niyang makalimutan.              "Oh, nice to meet you, Onyx." pormal na wika ni Lei pagkatapos ay nagdaop ang mga palad ng dalawa. Si Caroline naman ay patay malisya lang sa mga nangyayari sa paligid.             "Okay, let's go there. Nasa VIP seats kayo. Let's enjoy the night." masiglang wika ng fashion designer. Naging hudyat iyon upang magpatuloy sila patungo sa pinakakabisera ng kasiyahan. This time, hindi na nakakapit ang dalaga kay Alfred sa halip ay sabay itong humakbang kasama ni Lei.     "Ang ganda noh?" mahinang wika ni Alfred kay Onyx na medyo pormal na ang awra. Pinauna nila ng konti ang dalawang dalaga sa paglalakad at mabagal lang silang humakbang. Hindi nagkomento ang binata sa halip ay nanahimik lang.         "I plan to court her." maya-maya'y wika ni Afred. Ang mga salitang yon ang humuli sa pansin ni Onyx. Awtomatiko siyang napalingon sa kaibigan.         "Liligawan mo pagkatapos ay ikakama?" He said it in a sarcastic tone. Kahit anong pilit na maitago ay may inis pa ring gumuhit sa tinig niya. Hindi gusto ng kaniyang pandinig ang sinabi ng kaniyang kaibigan.         "Maganda si Caroline. Actually, napakaganda I do not plan to waste her." seryosong wika ni Alfred. He didn't like his idea.         "Pakakasalan mo na agad?" iritadong tanong niya.         "Hindi naman sa ganoon. But I think she's the one. May kakaibang spark brad eh."         "Excuse me sir, do you want some wine?" Isang waiter ang biglang sumulpot sa kanilang harapan habang naglalakad at awtomatikong humagip ng isang kopita si Onyx at diretsong nilagok iyon. Eksaktong naubos niya ang laman ay umupo na sila sa mga upuang naka-reserve para sa kanila. Nagkataong ang upuan ng binata ay nasa bandang likuran ni Caroline. Dahil dito, malaya niyang napagmamasdan ang makinis nitong likuran sa suot na backless. Si Alfred naman ay napatayong muli nang makita ang kaniyang ibang mga kakilala na dumalo rin sa okasyon na iyon.         Ilang sandali ang lumipas ay nagpalinga-linga si Onyx sa paligid. Matapos iyon ay bigla siyang umupo sa bakanteng upuan sa gilid ni Caroline. Narinig niyang napasinghap ang dalaga sa pagkagulat. Mabilis itong tumayo at nagbihis ng stripe blouse. Ayaw ng dalaga na bastusin na naman ulit siya ng lalaking ito. Ilang minuto ang lumipas ay bumalik na siya sa kaniyang kinauupuan. Nabuwesit siya dahil naroon pa rin ang binata.         "You can fool Alfred but you can't fool me." seryoso at maawtoridad na biglang wika ng binata. Ilang saglit lamang siyang tiningnan ni Caroline at kaagad rin nitong ibinalik ang pansin sa cellphone. Ipinagpatuloy lang nito ang paglalaro ng Farm Heroes. Hindi na siya nagkomento pa sa sinabi nito dahil ayaw niyang hahaba pa ang estorya. Nakita ni Onyx ang kaniyang pinaggagawa kaya nairita ito at biglang hinablot ang aparatong iyon.         "What's wrong with you?" paasik na wika ng dalaga. Hindi nagustuhan ang kawalang hiyaan nitong ginawa. Sa halip na sagutin ay nginisihan lang siya ng binata at marahas na hinablot at kinaladkad papalayo sa lugar na iyon. Kahit nagpupuyos ang dibdib ay nagpatianod na lang siya sa ginawa nito dahil ayaw niyang maka-agaw attensiyon at masira ang natatanging gabi ng kaibigan.              Halos matapilok na siya dahil sa bilis nitong maglakad kahit hila-hila siya. Pinakawalan lang siya nito nang makarating sila sa bahagi na iyon ng hardin kung saan wala ng tao. Matatalim ang mga titig na iginawad nila sa isa't isa. Napaatras na lang bigla si Caroline nang unti-unting lumapit si Onyx sa kaniya. May kakaibang emosyon siyang nakikita sa mga mata nito ngunit hindi niya ito halos mabasa.         "You're Einstein right?" nakangising wika ng binata ng ma-corner siya nito sa pader habang nakakulong sa pagitan ng dalawa nitong mga braso.         "Albert Einstein?" Gumanti rin siya ng ngisi at napa-smirk pa. Kailanman ay hindi siya takot sa mga ganito. Ilang alagad na ng batas ang nagtangkang tumugis sa kaniya ngunit wala ni isa sa mga iyon ang nagtagumpay.         "Sumagot ka ng maayos kung ayaw mong..." Inihagod ni Onyx ang kaniyang paningin sa dibdib nito. Nais pa sana niyang dugtungan ang kaniyang sinabi ngunit hindi na siya nakapagsalita nang humulagpos sa kaniyang mukha ang malakas at mabigat nitong sampal. Hihirit pa sana ng isang hagupit si Caroline ngunit mabilis na nahagip ni Onyx ang kaniyang kamay at puwersahan siyang itinulak nito sa pader gamit ang lakas ng katawan nito. Kasunod niyon ay ang mabilis nitong pagtawid sa pagitan ng kanilang mga labi.         Marubdob at mapangparusa ang halik na iyon ng binata. Kahit mariin niyang tinikom ang kaniyang bibig ay nagawa pa rin nitong galugarin iyon sa loob. Gusto niyang umiyak dahil sa biglang pagbalik ng kaniyang alaala sa karahasang sinapit noon ngunit ayaw niyang ipakita rito na mahina siya. Pilit niyang nilabanan ang lakas nito at napatigil na lang ang binata ng maramdaman ang kaniyang panginginig.         "Oo, ako ang tinutugis mo. Masaya ka na? Heto, dakpin mo na 'ko." nagtatagis ang mga bagang na wika ni Caroline na medyo namumula na ang mga mata. Napatda si Onyx sa narinig at parang natauhan siyang bigla. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang nagawa. Napansin niyang nangingilid na ang luha ng dalaga.         "Ano pang hinihintay mo? Ako si Einstein. Ako yung hinahanap mo na tagagawa ng droga." Hindi pa rin nakapagsalita ang binata sa halip ay parang [pinagsisisihan niya ang kaniyang nagawa.         "Hindi nga siya ang babaeng nagalaw ko noon. Siya si Einstein. The woman I met seemed soft and vulnerable. Kamukha lang talaga siguro nito ang babaeng iyon." bulong ni Onyx sa isipan.         "Pagpinakawalan mo pa ako ngayon tiyak na magsisisi ka dahil ibabaon muna kita sa hukay bago mo ako mahuli."mariing wika ng dalaga na gumuhit na ang mga ugat sa leeg.         Nanatiling tahimik si Onyx. Hindi niya alam kung ano ang kaniyang nararamdaman ng mga sandaling iyon. Parang pinipiga ang kaniyang puso nang makita ang mukha nitong nagbabadya ng humagulgol sa kabila ng mga matatalas nitong salita. Ilang saglit ang lumipas ay pumiksi si Caroline mula sa kaniya at patakbong lumayo sa lugar na iyon. Ang mga luhang kanina pa bumibigat sa kaniyang mga mata ay tuluyan ng bumagsak. Lingid sa kaalaman ni Lei, umalis na siya. Hindi na siya nagpaalam pa rito. Kailang niyang lumayo. Kailangan niyang mag-ingat sa binatang iyon dahil ito ay banta sa kaniyang buhay. Naglakad siya palabas ng subdibisyon na iyon hanggang sapitin niya ang paradahan ng taxi sa labas n'on.         "Brad, nakakarami ka na." bulong ni Alfred kay Onyx na ngayon ay naroon na sa mesa at panay ang tungga ng alak. Hindi ito sumagot at seryoso lang ang ekspresiyon ng mukha.         "Excuse me, have you seen Caroline?" tanong ni Lei na biglang sumulpot sa kanilang likuran. Napalingon ang binatang kapatid nito.         "Kanina ko pa nga siya hinahanap eh." wika ni Alfred.         "Ganoon ba. Okay, I'll just try to call her." Nag-aalalang idinial ni Lei ang numero ng dalaga. Narinig niya ang pagtunog ng cellphone nito sa kabilang linya. Medyo natagalan pa bago may sumagot.         "Line, nasaan ka na? May kung anong pumitlag sa damdamin ng binata nang marinig niya ang pagbanggit sa pangalan nito. Naroon lang kasi si Lei s gilid nila at tumatawag.         "Medyo sumama ang pakiramdam ko Lei. Pasensiya ka na at hindi na ako nakapagpaalam." ani Caroline sa kanilang linya. Pilit niyang pinanatiling buo ang nabasag niyang boses.         "Teka, are you crying?" Pumagting ang tenga ng dalawang binata pagkarinig niyon. Muling tumungga ng alak si Onyx.         "No, I'm not. Okay lang ako."         "I know you're not. Nasaan ka ba ngayon baka mapano ka lalo pa't gabi na. It's almost midnight."         Awtomatikong napatayo si Onyx at walang paalam na lumayo sa lugar na iyon. Narinig niyang tinawag pa siya ni Alfred ngunit hindi na siya nag-abalang tumingin pa bagkus ay nagpatuloy lang.         "Do not worry kaya ko ang sarili ko."     "Sigurado ka?" paniniyak nito.     "Yeah. Sige na. Congratulations again. Mind your party and forget me for a while. Enjoy your night. Bye!"     "Bye. Take care!"     Eksaktong pagkababa ni Caroline sa kaniyang cellphone at inilagay sa handbag ay may paparating na taxi sa dako niya. Pinara niya iyon at sumakay kaagad.         "Aeona Towers, Manong."             Buhat sa di kalayuan ay nakita ni Onyx mula sa kaniyang sasakyan ang pagsakay ng dalaga sa isang taxi. Sa totoo lang hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit niya ito pinaggagawa. Gusto ng kaniyang utak na hulihin ito ngunit may kung anong pumipigil sa kaniya. Mya sapantaha siya pero alam niyang hindi dapat iyon. Sinundan niya ang taxi na lulan nito. Mga sampung minuto ang lumipas ay nagtaka ang binata nang mapansing kahina-hinala ang daan na binabaybay nito. Napakaimpossible naman yata kung doon sa liblib na parte ng syudad nakatira si Caroline.          Maya-maya ay nakita ng binata na nagpa-ekis-ekis na ang takbo ng sinakyan nito hanggang sa huminto ito sa isang di mataong lugar kung saan may bakanteng lote na puro lang talahiban at punong kahoy. Inihinto niya sa di kalayuan ang sasakyan. Alam niyang may panganib na nakaabang.         Napamura na lang si Onyx bigla nang makitang kinakaladkad ng tsuper ang dalaga papalabas ng sasakyan habang may nakatutok na balisong sa leeg nito. Malaking tao ang tsuper kaya hindi ito nalabanan ng dalaga. Marahas nitong hinablot ang kaniyang damit dahilan upang mapunit ang bahagi niyon sa kaniyang hita. Mabilis na umibis ng sasakyan ang binata sabay sukbit sa kaniyang dalang baril.         Malalaki ang kaniyang mga hakbang na lumapit dito. Napamura ulit siya nang makitang pinanawan ng ulirat ang dalaga dahil may kung anong hinampas ang lalake sa ulo nito. Gutong-gusto na niyang barilin ito ngunit baka mas lalong mapahamak ang dalaga.          Tahimik lang niyang sinundan ito hanggang sumapit sila sa pagitan ng makakapal na damo. Nag-aapoy sa galit ang kaniyang mga mata at gustong-gusto na niyang pagpira-pirasuhin ang matanda .         Maya-maya pa'y inihiga nito ang katawan ng dalaga at mabilis na naghubad sa sariling mga damit. Mula sa di kalayuan, itinutok ni Onyx ang kaniyang barilat tiim ang mga bagang na sinipat iyon. Dalawang magkasunod na putok ang biglang umalingawngaw sa kapaligiran. Bumulagta ang matanda na tinamaan sa balikat at hita. Patakbong lumapit si Onyx dito. Sinadya niya talagang huwag muna itong tuluyan.         Pagkalapit niya sa katawan nito ay dinuro niya ang baril sa isa pang hita nito at ipinutok iyon.         "Gago ka! Hayop kang demonyo ka."         "Maawa po kayo wala po akong-" Naputol sa pagsasalita ang matanda nang hampasin niya ang ulo nito gamit ang baril. Nawalan ito ng ulirat habang panay ang daloy ng dugo nito mula sa katawan. Mabilis na binuhat ng binata ang katawan ng dalaga at dinala iyon sa sariling sasakyan. Sinisisi niya ang sarili kung bakit ito sinapit ni Caroline. Mataman niyang tinitigan ang kabuuan nito. Naroon sa mga braso nito ang galos at mga pasa. Duguan pa ang noo nito. Sandaling nahagip ng kaniyang mga mata ang cleavage nito.              Dahil doon, hindi niya napigilang hindi alalahanin ang nangyari sa nakaraan. Pagkalipas ng ilang sandali ay nagbalik ang kaniyang isip sa kasalukuyan at binuhay na ang makina ng sasakyan. Wala siyang ideya kung saan ito dadalhin hanggang sa naisipan niyang doon na lang ito dalhin sa lugar na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD