Lumipas ang limang buwan. Nagbunga rin naman ang operasyon na ginawa ng NBI, PDEA at PNP dahil nahuli nila ang operations manager ng drug factory na iyon at ang isa pang high-valued target nila. Nanatiling nasa listahan ang nagnganagalang Einstein at ang drug lord na amo nito. Dahil sa magkasunod na operasyon, tumigil muna sila sa kanilang opensiba upang mapagplanuhang maigi ang susunod nilang entrapment operation na siguradong pupuksa sa mga ito.
Sa ngayon, naghihintay pa sila ng mga panibagoing impormasyon mula sa kanilang mga agent kung saan nagtatago ang mga ito. Sa mga panahong ito, nagfofocus muna sila sa pagsasagawa ng buy-bust operation sa mga nagkalat na drug pushers sa kalakhan.
"Brad, mabuti naman at nagkapanahon ka ulit dito." nakangiting wika ni Alfred, isang motor racer at kaibigan ni Onyx. Naroon ngayon ang binata sa kaniyang paboritong tambayan- ang Sacramento racing field.
Matalik niyang kaibigan si Alfred at nagtatrabaho din itong bilang pulis. Silang dalawa ang magka-buddy sa sports na ito. Mahigit tatlong taon na nila itong ginagawa. Nitong huli ay nagging bihira ang pagpunta ng binata dito dahil sa trabaho.
"Oo nga brad eh. Nakalimutan ko na nga yata kung paano liparin yang mga burol na yan." natatawa niyang sabi.
"Asus! Ikaw pa! Makakalimutan mo pa yatang maggirlfriend kaysa dito."Natawa siya sa tinuran ng kaibigan. Totoo kasi iyon. Mas mahal pa niya ang racing kaysa sa mga nagdaang babae sa buhay niya. He can afford to lose a woman but not a single racing game. Kahit buhay niya kaya niyang itaya sa larong ito.
"By the way brad, free kaba tonight?" maya-maya'y tanong ni Alfred. Kasalukuyan silang nagsusuot ng driving gear at helmet.
"Oo, bakit? Mambababae na naman tayo?" patawa niyang sabi.
"Gago! Huwag mo akong idamay diyan oy. Bisyo mo yan, brad. Huh! Ibahin mo ko." may himig pang pagmamalaki na wika nito.
"Ano bang napapalo mo sa paisa-isa?" nakangising baling ni Onyx sa kaniya.
"Kahit sagutin kita ng matino, Onyx hindi mo yan maiintindihan. Isa pa, nakakapagod mag-explain kapag mahuli."
Tumawa lang ito sa kaniyang narinig.
"Brad, sa pelikula lang iyang true love."
"Hindi pa naman ako nakaranas ng true love, brad. Ang ipinagkaiba ko lang sayo ay one at a time ako. Hindi tulad mo na pinagsasabay-sabay. Hay! Bilid talaga ako sa galing mong magtago ng babae. Kailan pa kaya sila magkakatagpo-tagpo?"
"Napakajudgemental mo naman, brad. By the way, what about tonight you'd mention?" pag-iiba niya sa paksa.
"My sister from Thailand will hold a party tonight at our house. Kakauwi niya lang at gusto niyang magcelebrate dahil naging matagumpay ang kaniyang career sa fashion designing doon. I want you to come and enjoy the night. Magdala ka ng chika babes mo kung gusto mo." mahabang turan nito.
"Really? Puwede akong magdala?"
"Oo pero huwag mong gawing hostel ang bahay namin. Please lang...." Naalala niya noon ang kaniyang manyakis na kaibigang ito. May dinaluhan silang dalawa na isang party at bigla na lang nawala si Onyx. Natagpuan na lang niya ito na may kaulayaw na sa kama nang mapagawi siya sa isa sa mga silid ng venue. Alam na alam niya ang kaliskis nitong kaibigan niya. Kung kani-kanino lang ito nakikipagtalik kahit hindi niya girlfriend. Siya naman gini-girlfriend niya muna ang babae bago tikman. Yun lang naman ang ipinagkaiba niya rito.
"Makikita ko lang yang Ms. Right ko. Titino ako 100%." tumatawang wika ni Onyx.
"Ang tanong kung may darating ba."
"Yun na nga eh." napakamot pa siya pagkasabi nito.
Kapuwa sila nagkahalakhakan habang halos magkasabay nilang pinasibad ang kani-kanilang motor sa racing field. Medyo nauna ng kaunti si Onyx sumunod din naman kaagad si Alfred.
---------------------------------------------------------------
"Hindi naman kita papatayin Miss. Huwag ka ng umiyak. Ireregalo lang naman kita." nakangising wika ng isang lalake na may malademonyong ngiti. Naroon si Caroline sa loob ng isang close van at pinapalibutan ng limang bruskong kalalakihan na haling ang mga kaluluwa.
Hindi magawang sumigaw dahil may tali ang kanyang bibig. Hindi rin halos rumihistro sa kaniyang utak ang mga pinagsasabi ng lider nito dahil sa sobrang kaba at takot. Walang awang dinampot siya ng mga ito at pinagkatuwaan. Maya-maya pa'y tumulo na ang sunod-sunod niyang luha dahil sa nakitang isang syringe na may lamang likido. Hindi niya alam kung ano ang laman niyon pero natitiyak niyang ikakapahamak niya 'yon.
"Sa ganda mong 'yan Miss, sayang kung hindi ka mapapakinabangan." ngumisi ito sabay duro ng syring sa kaniya. Naging mas mabilis ang pagdaloy ng kaniyang mga luha ng sandaling iyon. Nararamdaman na niya ang nalalapit niyang kamatayan.
"Hawakan niyo siya." paasik na mando nito sa mga kasama. Mabilis na tumalima ang mga ito at mahigpit siyang hinawakan sa braso. Kasunod niyon ay unti-unti niyang naramdaman ang pagguhit ng sakit sa kaniyang balat dulot ng pagkabaon ng karayom sa kaniyang laman. Pagkatapos niyon ay nanlalabo ang kaniyang paningin at parang uminit ang kaniyang buong sistema.
"Para saan yon boss?" tanong ng isang lalake doon. Ngumisi muna ang lider nito bago sumagot.
"Ecstasy, pampagana."
Humihingal na napabalikwas si Caroline mula sa pagkakatulog. Dinalaw na naman siya ulit ng kaniyang bangungot. Simula nang mangyari sa kaniya ang malagim na paglapastangan na iyon ay hindi na ito nawala sa kaniyang mga alaala. Kahit sa kaniyang pagtulog ay dinadalaw siya nito.
Ngunit Malabo pa rin sa kaniyang isipan ang mukha ng lalaking gumawa niyon sa kaniya maging ang mukha ng pinakalider ng grupo ay hindi na niya matandaan. Marahan siyang pumikit upang alalahanin ang pagmumukhang iyon ngunit tulad ng dati, bigo pa rin siya.
Wala talaga siyang maalala ni katiting bukod na lang sa tattoo ng lalaking umangkin sa kaniya. He had a triangle shaped tattoo on his back. That's the only thing which remained in her memory. Batid niyang ang lider ng grupong dumampot sa kaniya ang siya ring gumahasa sa kaniya.

Tumungo si Caroline sa kusina upang uminom ng gatas. Nakaugalian na niya iyon para makatulog ulit siya. Kakarating niya lang mula sa Thailand at wala pang lakas ang kaniyang mga laman kaya kailangan niyang makatulog ng maigi. Kasabay niyang dumating ng bansa ang kaniyang kaibigang stylist na si Lei.
Nasa bahay siya nito natulog ngayon dahil magdadaos pa daw ito ng thanksgiving party at kailangan niyang dumalo dito. Isa siya sa mga models na nagpopromote ng clothing line nito doon kaya bahagi na siya ng tagumpay nito. Actually, isa lang siyang freelance model, may malaki siyang pinakakakitaan maliban dito.
--------------------------------------------------------------------------------
"Onyx..." napahalinghing si Sophia nang maramdaman ang mainit na palad ng binata nahumahaplos sa kaniyang kahubdan. Pinuntahan niya ito sa bahay nito at nagkataong mag-isa lang ito doon. Wala ang mga magulang nito dahil may nilakad raw sa probinsiya.
May apartment ang binata ngunit madalas itong umuuwi sa family house nila dahil malayo sa pressure ng kniyang trabaho. Dumating si Sophia ng gabing iyon at nagyayang samahan siyang maligo sa swimming pool habang umiinom ng malamig na beer. Pinaunlakan naman ito ng binata. Maganda si Sophia at batid niya yun. Kaya minsan sa mga ganitong sitwasyon hindi talaga siya makakatanggi sa alok nito.

Ang kanilang pagpapalamig sa katawan sa pamamagitan ng palulunoy sa pool ay nauwi sa isang mainit na pagtatalik. Noong una'y ayaw niya sana dahil wala sa kondisyon ang kaniyang katawan ngunit naging pursigido ang babae sa pagbuhay sa kaniyang libido kaya tuluyan na itong humulagpos.
"Oh..." Napasinghap si Sophia nang marahas na hinablot ng binata ang kaniyang mga natitirang saplot sa katawan. Kasalukuyan silang naroon sa isang bench sa gilid ng pool. Dahil hatinggabi na, alam nilang natutulog na ang dalawang kasambahay at Malaya na nilang magagawa ang kanilang nais.
Nakaupo si Onyx sa upuan at buong pusong pinaliligaya ng dalaga sa pamamagitan ng mapangahas nitong galaw . Paminsan-minsan napapaungol pa siya sa sarap na naidudulot niyon sa kaniya. Pagkatapos ng ilang sandali ay bumalikwas siya at pinag-isa ang kanilang katawan kasabay niyon ay ang biglang pagrehistro ng mukha ng babaeng nagngangalang Einstein sa kaniyang balintataw. Naging dahilan iyon upang mapahinto siya sa pagabante.
"What's wrong babe?" mahina at malanding tanong ng dalaga. Hindi sumagot si Onyx sa halip ay tinapunan siya ng blangkong tingin.
"I'm not in the mood." maya-maya'y diretsahang sabi nito sabay tayo at walang lingun-lingong naglakad ito papasok ng bahay. Dumiretso ito sa sariling silid at ini-lock iyon. Narinig pa niyang napamura ang babae habang siya'y naglalakad palayo.
-----------------------------------------------------------------------------------------------
Kakalabas lang ng silid si Caroline at bihis na bihis na siya para sa party. Ayaw niya sanang magpaayos kay Lei dahil hindi naman siya rarampa o pupunta ng photo shoot ngunit nagpumilit talaga ito. Marahan niyang isinara ang pinto ng guest room kung saan siya natulog. Mula doon ay nagtuloy-tuloy na siya pababa ng hagdan.
Eksakto namang bumukas ang main door at iniluwa niyon ang isang lalaki na napatda sa pagkakita sa kaniya.Matangkad ito at guwapo ngunit sa loob-loob niya ay parang gusto niyang matawa. She interpreted it as a sign of being a man-w***e. Ang lalake na mahilig sa magaganda ay walang space sa utak niya lalong-lalo na sa puso.
"Good evening, sir. Have you seen Lei?" magalang at pormal niyang tanong dito habang bumababa. She's just wearing a velvet long maxi dress matched with a pair of white stiletto.
"I'm Alfred. I'm Lei's brother. I have seen her on the garden." malapad ang ngiting wika ng binata sabay lapit sa kaniya at pagpakilala.
"Oh! kapatid pala kayo ni Lei. Ikaw pala yung brother na nabanggit niya. I'm Caroline, freelance model ni Lei." Pagkarinig niyang ito'y kapatid pala ng kaniyang kaibigan ay biglang umiba ang kaniyang awra para rito. Of course dapat maging mabait din siya rito dahil napakabait ni Lei sa kaniya.
"Nice to meet you, Caroline. Your name is as beautiful as you."
Ngumiti ng mapakla ang dalaga. Nababasa na yata niya ngayon ang maitim nitong motibo sa kaniya. Well, sanay na siya sa maga maiitim na motibo ng mga lalake. Kailanman hindi pa siya nadaig ng mga ito. Isa pa, hindi ito ang klase ng lalakeng magpapataob sa depensa niya.
"Thank you, sir." matipid niyang wika.
"Alfred na lang." Ngumiti lang si Caroline at hindi na nagkomento pa.
"Would you mind if I will be your escort tonight?"
"Wow! Ang bilis!" hiyaw ng utak niya. Mabilis din namang umepal ang kaniyang konsensiya at pinaaalahanan siyang magpakabait dito.
"It will be an honor, Alfred." aniya na sinabayan pa ng mapang-akit na ngiti ngunit sa loob niya ay gusto niyang matawa. Akala talaga kasi ng mokong na ito ay makakaiskor siya. Mabilis niyang isinukbit ang kaniyang kamay sa braso nito. Mula sa sulok ng kaniyang mga mata, nakita niya ang preskong ngiti ng binata.
Akala talaga nito siguro ay ganoon siya ka easy-to-get. Mula doon ay dumiretso sila sa hardin kung saan idinadaos ang kasiyahan. Habang silay naglalakad ay halos humaba ang leeg ni Caroline sa kahahanap kay Lei. Wala naman kasi siyang kakilala dito bukod sa kaniya. Papalapit na sana sila sa table ng VIPs nang may biglang tumawag kay Alfred. Hindi naman nag-abalang lumingon si Caroline dahil wala siyang pakialam sa mga tao doon.
"Am I late, brad?" Napalingon ang binata nang marinig ang boses na iyon mula sa likuran. Napangiti si Alfred nang makita si Onyx na nakasemi-formal attire rin sa suot nitong pulang tuxedo na pinarisan ng itim na denim pants.
"Nope, you're just in time." ani Alfred.
"Chika babes mo?" bulong ni Onyx sa kaibigan.
"Gago! Baka marinig ka." Binatukan niya ang kaibigan. Nang mga sandaling yun, doon pa humarap si Caroline sa panauhin ni Alfred. Nagtama ang kanilang mga tingin at sandaling parang huminto ang takbo ang orasan.
"Tsk! Napakaliit lang talaga ng mundo."
"Brad, this is Caroline, my date tonight." malapad ang ngiting wika ni Alfred at doon pa parang bumalik ang utak ni Onyx sa kasalukuyan.
"Date? Huh!" naningkit ang mata ng dalaga.
"Caroline, this is my friend Onyx del Quer--."
"It's a pleasure to meet you Caroline." awtomatikong wika ni Onyx sabay lahad sa palad. Napakalagkit ng pagkatitig niya sa dalaga. He was stunned definitely. She was so georgeous and he remembered again that woman.
"Same here, Mr. Del Querro." tinanggap niya ang palad nito at napapiksi agad siya ng maramdaman ang mainit nitong palad na marahan pang pumisil sa kaniya.

"You can never run from me anymore."