Chapter 3

2079 Words
      "Drop your gun or you'll die." mahina ngunit matigas na wika ng nagngangalang Einstein sa kalagitnaan ng kaniyang marupok na halik sa mga labi ng binata.      Nang marinig iyon ay doon pa napukaw ang attensiyon ng binata mula sa di inaasahang pangyayari na nagpaestatwa sa kaniya. First time niyang maranasan iyon sa buong buhay niya bilang playboy. Yaong siya pa ang natulala dahil bigla siyang hinalikan ng babae. Dahil doon ay naalarma siya nang maramdaman sa dibdib ang dulo ng baril nito na sadya pang idiniin.  "Bingi ka ba?" pinandilatan siya ng dalaga na bagamat malakas ang agos ng dugo mula sa balikat nito ay may lakas pa ring hamunin siya. Pero ang totoo talaga ay nawala na ang kaniyang pagnanasang patayin ito. Kahit pa itanggi niya alam niya sa sarili na hindi niya inaasahang makatagpo ng ganito kagandang kalaban sa isang giyera o operasyon at walang mintis na na-hook nito ng labis ang kaniyang atensiyon bilang lalaki. Hindi siya sigurado kung ito nga ba ang babaeng nakaniig niya limang taon ang nakararaan. The woman he took long ago was a woman of descent, elegance, beauty, charm and vulnerability. Hindi tulad ngayon na isa yatang delingkuwente, marahas, palaban at higit sa lahat mamamatay-tao. Malayo ang karakter ng dalawa kahit na halos walang pinagkaiba ang kanilang pisikal na kaanyuan.        Napapitlag si Onyx nang bigla siya nitong itinulak dahilan upang masubsob siya sa lupa. Wala itong sandaling pinalampas at mabilis nitong tinapakan ang kaniyang likuran at idiniin sa lupa habang nakatutok sa ulo niya ang baril nito. "Magkano ba ang isinuweldo ng gobyerno sa iyo para dakpin ako? Baka gusto mong tumbasan ko ang pasahod nila sayo."         "Hindi mo ko mabibili, Einstein." Lihim na napamura si Onyx. Masyado siyang nadala at nabato-balani sa ganda nitong makamandag. Nawala siya sa kaniyang konsentrasyon. Nainis siya bigla sa sarili. Baka sa dinami-dami ng kriminal na naengkuwentro niya at napatay ay isang babae pa siya babagsak. Hinamig niya ang sarili at sinupil ang kakaibang nararamdaman. Sandali siyang nagpatangay sa mga salita nito at naghihintay lang ng tamang pagkakataon para maagaw dito ang baril na hawak. Hindi ang isang ito ang tatalo sa kaniya. "Alam mo Mister, hindi ako ang dapat mong hulihin dahil wala akong ginagawa. Nagtatrabaho lang ako at nagkataon na droga ang produkto ng amo ko."      "Sayang ganda mo, babae ka."      "Wow, mamamatay ka na nga bumabanat ka pa." Napailing ang dalaga.      "Kahit anong gawin mo Miss Hindi ka makakatakas sa batas."      "Kailan ba nagkabatas ang bansang ito? Isa lang naman ang alam Kong batas, kapag malakas ka at maraming pera walang sino man ang makadadaig sayo."      "Alam mo bang kung Hindi ka lang Maganda, kanina pa kita pinapahirapan."     "Ikaw na nga itong naghihirap, ikaw pa itong magaling."     "Baka gusto mo usap na lang tayo." Ngumisi si Onyx. Tumitiyempo lang naman siya.      "Tsk! Sa tabas ng dila mo mister, alam ko nang babaero ka. Hay!! Kawawa naman ang asawa mo."      "Huh! Bitter ka yata."      "Ayusin mo yang pananalita mo dahil baka mag-init itong ulo ko at maiputok ko tong baril sayo. Hindi naman ako ganoon ka sama eh. Kung gusto mo patatakasin kita. Bumalik ka na lang sa opisina mo at manahimik doon. Tumulad ka sa ibang alagad ng batas kung gusto mong humaba pa ang buhay mo. Huwag kang pakialamero dahil Hindi na USO ang bayani ngayon. Gusto mo ng medalya? Hahaha masyado ka lang nagpapakitanggilas, brad"       "Huh! Hindi ako ulol."       "So gusto mo talagang-"         Hindi pa natapos ng dalaga ang kaniyang sasabihin ay napaatras siya ng biglang tumayo ang binata at parang hangin ito sa bilis ng paghablot nito ng baril sa kaniyang mga kamay. Hindi naman siya nagpatalo dito. Bago pa maitutok nito sa kaniya ang baril ay dumapo na sa bisig ni Onyx ang kaniyang paa dahil sa mabilis niyang pagpalipad ng kaniyang sipa. Dahil doon ay tumilapon ang baril sa ilog na nasa di kalayuan lamang.           Mabilis itong tinakbo ni Einstein upang makuha ngunit bigla siyang hinablot ni Onyx. Dahil naout of balance ang binata naging dahilan iyon upang matumba sila at dumagan ang kaniyang katawan dito. Napasinghap ang dalaga at naalarma. Mabilis nitong pinadapo ang suntok sa kaniyang mukha ngunit parang hindi man lang natinag ang binata. HIndi naman gumanti si Onyx at tinanggap lamang ang mga suntok nito hanggang sa sumabog na ang kaniyang labi. "HIndi kita papatayin dahil babae ka pero kailangan mong managot sa batas." nakangising wika ng binata habang nakatitig lang sa mukha ng nanggagalaiti sa galit na si Einstein. "HIndi ikaw ang magpapabagsak sa akin." wika nito sabay sipa sa pagkalalake ng binata dahilan upang mawalan ito ng lakas sa pagdagan sa kaniya. Narinig niyang napamura ito sa sakit at napangisi siya. Nang akmang tatakbo ang dalaga ay mabilis itong hinagip ni Onyx. Sa kasamaang palad hindi nahagip ng kaniyang kamay ang katawan nito sa halip ay ang damit nito ang kaniyang nahablot at dahil sa sobrang lakas ng kaniyang pagkakahawak ay napunit ito dahilan ns mahantad sa kaniyang mga mata ang maputi at makinis nitong cleavage. "s**t!" mura ng dalaga. Ilang segundong natangay ng kabaliwan ang utak ng binata at mabilis ring bumalik sa normal ang takbo nito. Hindi na nagdalawang isip pa ang binata at mabilis nitong pinadapo ang kaniyang kamao sa pagmumukha nito at dahil malakas iyon, agad na pumutok ang labi nito at parang nahilo pa yata. Tuluyan na ngang nawalan ito ng malay at bumagsak sa kaniyang mga kamay.         Bigla siyang naalarma ng may narinig siyang mga putok sa di kalayuan. Nang mapalingon siya ay di niya napigilang hindi mapamura nang maispatan ang kalaban. Marahil ay sinundan siya ng mga ito upang saklolohan si Einstein. Mabilis niyang binuhat ang dalaga at patakbong binaybay ang gilid ng ilog. Sunod-sunod ang putok na pinapaulan sa kaniya kaya nagpaekis-ekis siya sa pagtakbo. Mabuti na lang at magaan lang ang katawan ng babae kaya hindi siya masyadong nahirapan.         Mga ilang metro na ang kaniyang natakbo ngunit naroon pa rin ang kalaban at nakasunod pa rin sa kaniya. Awtomatiko na lang siyang napasinghap nang sumapit siya sa isang talon. Wala na siyang puwedeng pagtakbuhan pa. Lumingon-lingon siya sa paligid ngunit matarik din ang bangin. "Ah!" napahiyaw si Onyx nang tamaan siya ng bala sa binti. Dahil doon, wala na siyang choice kundi ang magpatihulog sa talon na iyon at magpatangay sa malakas na agos ng tubig.        Matataas ang talsik ng tubig nang bumagsak ang kanilang mga katawan sa kailaliman ng talong iyon.  Hindi kaagad umahon ang binata dahil sa nagsunod-sunod  pa ang balang pinapaulan sa kanila kahit nasa tubig na sila. Nang mapansin na nanganganib ang dalaga dahil sa nahihirapan na itong huminga ay mabilis niyang pinadapo ang kaniyang mga labi sa labi nito upang bigyan ito ng hangin. Halos isang minutong magkahinang ang kanilang mga labi upang maisalba ang kani-kanilang mga buhay. Ang pangyayaring iyon ay nagdulot ng kakaibang atraksiyon sa kaniya para sa babaeng estranghero.          Humihingal na umahon si Onyx sa batuhan at pasalampak na nahiga doon. Napangiwi siya ng makaramdam ng hapdi sa kaniyang sugat na tinamo. Pagkaraan ng ilang saglit ay nahagip ng kaniyang mga mata ang malulusog at makinis na cleavage ng kaniyang magandang kalaban. Bumakat kasi ang suot nitong damit sa katawan dahil sa pagkakabasa ng tubig. Napalunok ng wala sa oras ang binata. It was such a temptation at a very wrong time in a very wrong person.          Ngunit agad din namang naiwaksiya niya ang mga isiping iyon dahil napansin niya ang pamumutla nito at ang lumalalang sugat sa balikat na siya ang nagdulot. Hindi naman kasi niya alam na mukhang engkatada pala ang kalaban niya kaya nanggigil tuloy siya kanina na puruhan ito.        Maya-maya ay paika-ika niya itong binuhat at humanap ng lugar na maaari nilang mapagsilungan at palipasan. Mumaambon na kasi at nagsisimula ng kumidlat ang kalangitan. Naroon pa sila sa isang di pamilyar na kasukalan kaya mahihirapan silang makahanap ng daan palabas doon dahil sa kalagayan ng kanilang mga katawan. Higit sa lahat, he should keep an eye on her. Hindi siya dapat mamatay at makatakas. He’s so curious about her mysterious character. He badly wanted to know is she’s the one he met five years ago.       Matapos ang medyo mahabang paglalakad ay nakakita si Onyx ng maliit na kubo na walang namamahay. Inihiga niya ang dalaga doon sa malapad na table na nasa loob niyon habang siya naman ay naupo sa isang baton a naroon at pinunit ang dulo ng kaniyang tshirt para itali iyon sa sugat ng dalaga. Tiningnan niya ang kaniyang writswatch at nalamang malapit na palang gumabi.           Hinubad niya ang kaniyang suot na black leather jacket at ibinalot iyon sa katawan ng dalaga. Hindi niya napigilang hindi mapatitig sa maamong mukha nito na animo’y anghel na natutulog. There’s something in her that made her very inviting and he almost couldn’t resist to it. Maya-maya ay nahiga na rin siya at pagkalipas ng ilang sandali ay nakatulog na rin siya. Kinabukasan, madilim pa ay gising na si Onyx.           Napasinghap na lang siya nang wala ng makitang katawan sa tabi niya. Awtomatiko siyang napabalikwas at nagpalinga-linga sa paligid. Kinusot niya ang kaniyang mga mata sabay tayo upang hanapin ang babaeng iyon. Labis siyang nainis sa sarili dahil sa kaniyang katangahan. Masyado niyang minaliit ang kakayahan nito at inaakalang maamo.           Tinakbo niya ang mga bahagi ng kakahuyan ngunit wala talaga siyang makita doon o kahit anumang senyales kung saan ito pumunta. Magbubukang-liwayway na at medyo maliwanag na ang paligid. Hindi pa rin tumigil ang binata sa kakahanap dito. Bukod sa bibilib sa kaniya ang mga matataas na opisyal ng PDEA kapag nahuli niya ito ay may iba pa talaga siyang pakay dito. Kamukhang-kamukha niya ang unang babaeng birhen na humuli sa kaniyang pihikan na isipan.         Hapong-hapo na siya sa pagtakbo-lakad dahil sa sugat sa binti hanggang sumapit siya sa isang sapa na karugtong ng talon kung saan sila nagpatihulog kahapon. Habang paika-ika siya papalapit doon ay rinig na rinig niya ang malakas na tunog ng ago ng tubig. Eksaktong pagkatanaw niya doon ay tumama ang kaniyang paningin sa isang babae na naglulunoy doon.         Gumawa pa siya ng iilang mga hakbang upang mas maging malapit at maging malinaw kung sino ito. Ikinubli niya ang sarili sa mga damo at ferns na naroon at matamang tinanaw ang kung sino. Napamulagat na lang siya bigla sa nakita nang sandaling tumayo ito at humantad sa kaniyang mga mata ang hubad nitong katawan. Ito ang babaeng kanina pa niya hinahanap at inakalang tumakas. Hirap na hirap siya kung ano ang gagawin. He can’t afford to go closer due to her state.          Hindi niya maitatanggi na kahit nasa malayo pa siya, nabibighani siya sa taglay nitong ganda. Ang mga butil ng tubig na nasisikatan ng araw sa katawan nito ay animo’y perlas na kumikinang sa malayo. Bumalik ito sa paglulunoy at may kinakalikot sa balikat. Nalaman niyang pilit pala nitong kunin ang balang bumaon sa balikat nito. “s**t! Alam ba ng babaeng ‘yan ang ginagawa niya.” bulalas ng binata. Sa buong buhay niya bilang isang lalaki, ngayon pa lang yata siya naduduwag na lumapit sa isang bababeng nakahubad. He used to situations like this before. He even witnessed how a woman undresses in front of him. Pero ngayon parang na estatwa siya at ayaw gumalaw ng kaniyang katawan.           Naroon lang siya sa kaniyang pinagkublian at naging madalas ang kaniyang paglunok tuwing mahahantad sa kaniyang paningin ang kabuuan nito. Ilang saglit ang lumipas ay minabuti niyang tumalikod na lang upang apulahin ang damdaming unti-unti ng nagningas. Mga sampung minuto yata siyang nakatalikod at nang ibinalik niyang ang tingin dito ay napahilamos na lang siyang bigla sa mukha. She escaped quickly.          Nagpalinga-linga siya sa paligid ngunit wala na talagang tao doon. Tinakbo niya ang makitid na daan patungong sapa ngunit wala na talaga siyang natagpuan doon. Mga bahid ng dugo ang kaniyang natagpuan sa batuhan. Bigla siyang nakaramdam ng pag-alala para rito. Naisip niyang baka hindi nito makayanan ang sakit ng katawan at maging dahilan iyon para tuluyan itong mamatay.        Naglakad pa siya ng ilang mga metro sa batuhan at may nahagip ang kaniyang mga mata sa do kalayuan. Nilapitan niya iyon at napangisi na lang siya. It's a pink brassiere.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD