Chapter 2

2139 Words
 “Hello, Onyx, where are you, hijo?” bungad ng tinig ng isang ginang sa cellphone. Umiiling na sinagot ito ng binata habang nasa kaniyang opisina at pinag-aaralan ang bagong mga ebidensiyang nakalap ng NBI. Kahapon pa niya natanggap ang brown envelop na iyon at ngayon lang siya nagkapanahon para tingnan ang mga iyon.   “Hello, ma! I’m still in the office. Bakit?” aniya na medyo naiirita ang boses.     “Aren’t you checking your watch? Gabi na at nandiyan ka pa sa trabaho?” Nabanaag niya sa boses ng kaniyang ina ang pagka-paranoid. Sa totoo lang kasi kahit nasa late 30’s na siya, masyado pa ring pakialamera ang kaniyang ina sa kanilang pribadong buhay magkapatid. Ang tanging hindi lang kayang pakialaman ng nito ay ang kanilang buhay pag-ibig. Anyway, wala naman siyang bahagi na ganiyan sa buhay. It’s only Jade had. Busy siya sa kaniyang career at sports. Ang babae sa kaniya ay pampalipas oras lamang.       “Ma, I need to overtime. May bagong kasong dumating sa opisina.” “You need to come home. Dumating si Sophia from States and she’s here.” Ang tinutukoy ng kaniyang ina ay ang childhood crush niya noon at kapitbahay nila sa probinsiya. Halos sampung taon na ang lumipas mula noong huli niyang makita ito. Kinuha kasi ito ng ina niyang nagtatrabaho sa America bilang nurse at doon na pinag-aral. She was his first girlfriend, his first kiss and his first romance. Hayskul pa lamang sila noon ay may namamagitan na sa kanila. He took her virginity the night before she flew outside the country. Sandaling napatigil si Onyx sa pinaggagawa dahil sa narinig. “Tell her that I couldn’t come. I need to finish this matter tonight.” Napakatagal na ng panahon na lumipas at hindi niya alam kung may nararamdaman pa siya sa babaeng iyon. All he knew i was that it’s a mere childhood feeling. Ngayong matanda na siya, mas naging malawak na ang pananaw niya sa buhay at wala pa sa bokubolaryo niya ang tunay na kahulugan ng relasyon. “Pero kanina pa siya naghihintay sayo dito!” “Ma, please ikaw ng bahala diyan. Magmemeeting pa kami. Bye!” mabilis niyang pinindot ang end call button at ini-off iyon. Ayaw niyang maabala sa kaniyang mga gawain ngayon. Bago pa lang siya napromote sa puwesto at kailangan niyang maipakita sa mga director na karapatdapat talaga siya d’on. Eksaktong alas-7 ng gabi, nagtungo ang mga piling kawani sa conference room ng PDEA National Headquarters. Naroon ang mga director at heads ng iba’t ibang dibisyon ng PNP na bahagi rin sa gagawing operasyon. Isang napakahalagang pagpupulong ang gagawin nila ngayon kasama ang NBI dahil napangalanan na ang mga personahe sa likod ng malaking drug factory sa Cebu. Confidential at ekslusibo ang pagpupulong na iyon kaya piling taong lang ang imbitado at isa si Onyx sa mga iyon.            Nang makaupo na ang lahat ay nagsimula na ang pagpupulong. Ang nanguna sa talakayan ay ang general director ng NBI na si retired brigader general Crisostomo Sandoval. Ayon dito, isang malaking shabu laboratory ang nakumpirma sa kabundukan ng Southern Cebu. Ang buong paniniwala ng mga tagaroon ay isa ‘yung abandonadong minahan. Ngunit nadiskobre ng isang NBI agent na nakadestino doon ngayon na iyon pala ay isang pagawaan. Noong una ay hindi pa nila alam kung anong paggawaan iyon hanggang sa napag-alaman nilang shabu pala ang ginagawa doon pagkalipas ng ilang buwang pagmamanman.         Habang nagsasalita ang matanda bagamat maawtoridad pa rin na lalake ay nakikita nilang lahat sa powerpoint presentation nito ang sinasabing shabu laboratory. May mga larawan din ng mga shabu paraphernalia at mga hinihinalang pakete ng ecstasy. Pagkatapos n’on ay sumunod ang presentation ng limang taong nagpapalakad sa laboratoryong iyon. “This man named Justino Hermoso Alarcon. Isa siya sa mga business tycoon ng Cebu. He owned corporate hotels and real estate business. Ngunit ang lahat ng iyon ay frontal lamang dahil ang totoo niyang pinagkukunang yaman ay ang illegal na negosyong y’on.”          Larawan ng isang matandang lalaki na kay bait at dignified ang postura ang makikita ngayon sa screen. Hindi mo akalain na isa pa lang drug lord iyon. Maamo ang mukha eh.Ang sumunod na larawan ay pamilyar kay Onyx. He saw this man once. Bigla siyang napahawak sa sentido upang alalahanin kung saan niya na meet ang taong iyon. Doon pa niya naalala nang marinig ang nagsasalita. He met this person when he was assigned last year sa Cebu. He was Joseph Florendo, the congressman of the province. Ayon sa naririnig niyang impormasyon ngayon, protector pala ng droga ang gago at nakakatanggap ng porsyento sa kabuuang kita ng laboratoryo. Paglipas ng ilang minuto ay sumapit na rin sila sa panghuling larawan. Lahat ay napatitig sa screen nang lumabas ang larawan ng isang taong nakabalot ng itim na tela ang mukha at tanging mga mata lamang ang nakikita. “He is Einstein. The brain of the laboratory. Ayon sa source, pumupunta lamang ito ng laboratory to check the chemicals. He’s living an extravagant life at wala talaga sa mga tao natin ang nakakaalam kung sino siya. Napakatalino ng taong ito dahil ayon pa sa isang NBI agent natin, may mga stratehiya itong nalalaman kung paano gumawa ng droga sa mabilis at sekretong paraan. Einstein is only an alyas at wala rin tayong alam kung sino talaga siya. He’s capable of making new and diverse kind of illegal drugs. That is why, he is one of our high-valued target.” “Einstein…” bulong ng isip ni Onyx na nakatitig ngayon sa mga mata ng estrangherong nasa larawan. He made up one thing on his mind. Kailangan niyang masugpo ang ilan sa mga high-valued target nila ngayon upang ipakita sa lahat na hindi nagkamali ang director sa pagpromote sa kaniya na labis na kinuwestiyon ng iba noon. Ang sumunod na presentasyon ay ang full operation na gagawin nila sa shabu laboratory at ang man-hunt procedure. Pagkalipas ng dalawampung minuto ay natapos rin ang kanilang pagpupulong. Nang tingnan ni Onyx ang kaniyang wristwatch, pasado alas otso na ng gabi. Mula sa conference room ay sumaglit muna siya sa kaniyang opisina bago lumabas. Imbes na umuwi sa bahay ay dumiretso siya sa kaniyang condo unit. Pagdating niya doon ay laking taka niya nang mukhang may kakaiba sa loob. May kaluskos siyang naririnig mula sa loob ng kaniyang silid. Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa pinto n'on. Habang ang mga kamay niya ay unti-unting naghahandang bumunot ng baril. Marahan niyang pinihit ang seradura at hindi nga siya nagkamali dahil hindi naka-lock iyon. Pagkapasok niya sa kuwarto ay nagtama ang kanilang mga mata ng kung sinong pangahas na panauhin. It was Sophia. Kakalabas lang nito sa shower room at nakatapi lamang ng tuwalya. Aminado si Onyx na nagulat talaga siya. “Sophie?..” kunot-noong bulalas ng binata na ginantihan lang ng mapang-akit na ngiti ng dalaga. “Why are you here? I mean, paano ka nakapasok?” Imbes na sumagot ay lumapit lang ito sa kaniya. Nang makalapit ito ng tuluyan ay sinadya nitong malaglag ang tuwalyang nakabalot sa katawan. In his eyes, he saw her nakedness. He gulped and a sudden rush came into his body. Kay laki na ng ipinagbago ni Sophia. He can’t deny it. She became more beautiful and seductive now. Kay puti at kinis ng katawan nito. All he knew is that he can’t resist her. Mayamaya ay pinulupot nito ang mga braso sa kaniyang leeg at siniil siya ng halik. Between her kisses were her words of expression telling him how much she missed him. Dahilan na rin sa sensasyong nararamdaman ay tuluyan ng napukaw ng babae ang kaniyang pagnanasa. He removed his polo shirt while she unhooked his jeans. Later on, both of them were naked. His lips were in fire and hunger. He gently bit her neck while licking and kissing it. He, then, heard her moan as he stroked her wetness with his finger. “I miss you, babe.” Napapahalinghing si Sophia habang sarap na sarap siya sa pagroromansa sa kaniya. She knew it’s not over yet between her and Onyx. Napatunayan niya ngayon na may gusto pa rin sa kaniya ang lalaki kahit maraming taon na ang nagdaan. “I miss you, too.” sagot ng binata habang pinagpapala ang dibdib ng dalaga. Ilang sandali ang lumipas ay napalitan na ng mga impit ang mga ungol na kumakawala sa mga labi ni Sophia kanina. She was almost to scream due to his rough and deep attack into her core. She bit her lower lip when she felt that his manhood reached her limit. After a while, they changed their position. It was now Onyx who was lying in bed while she drove over him. Then the night was filled with passion and desires. ------------------------------------------------------------------------------------------          Lumipas na ang limang araw at ngayong gabi na ikakasa ang malawakang operasyon. Lahat ng bahagi ng misyon na iyon ay nasa Cebu na lahat. Si Onyx kasama ang kaniyang mga team ay naroon na sa area at nagbabalat-kayo na bilang mga laborer. Kasalukuyan na nilang tinatahak ang daan papunta sa shabu laboratory dahil pumatak na ang alas siyete ng gabi. Ito ang naaayon sa kanilang operasyon. Maya-maya ay napatigil sila nang may motorbike na dumating. Sumenyas siya sa mga kasamahan para huminto muna. Gamit ang dalang binocular, tinanaw niya kung sino ang bagong dating na iyon. Tiyak niyang isa yun sa mga target nila. At hindi nga siya nagkamali ng maisentro na niya ang lente dito. “Dumating yung Einstein.” anas niya sa kasama. Bago pa man siya nakamando sa mga kasamahan sa team ay pinaulanan na sila ng mga putok ng mga kalaban. May isang trabahante pala nila ang nakakita sa isa sa mga kasamahan niya. Natimbog tuloy nito ang kanilang presensiya. Mabilis silang lumundag sa lupa at nakipagputukan. “s**t!” Napamura si Onyx dahil sa katangahan ng kanilang kasamahan. Naisip niyang baka sumablay ang operasyon nilang ito ngayon dahil hindi na umayon sa plano ang nangyayari. Kailangan na nilang makipagsabayan sa mga putok nito upang hindi ito makatakas. Sa gitna ng mainit na putukan ay nahagip ng mga mata ni Onyx ang nagngangalang Einstein na mabilis na sumakay ng motorbike nito para tumakas. Kahit umuulan ng bala ay sumuong pa rin siya sa distansiyang iyon upang paputukan ito ngunit hindi niya natamaan iyon. Mabilis siyang naghagilap ng sasakyan sa paligid at eksaktong nakakita siya ng Honda Motor na naka-park lang doon sa likod ng mga nakahanay na sako. Tinakbo niya iyon at mabilis na pinaandar gamit ang kaniyang master key. Parang kidlat niya itong pinatakbo sa sobrang bilis maabutan lamang ang high-valued target na iyon. Mas lalo pa niyang piniga ang accelerator ng motor dahilan upang ilang metro na lang ang layo niya sa Einstein na y’on. Pero tuso ang kalaban. Sadya yatang pinahabol siya nito at bigla na lang kumabig paharap sa kaniya at binaril siya. Suwerte naman at nakailag siya at daplis lang ang kaniyang tinamo. Pinaulanan niya ng putok ang kalaban ngunit nagpa-ekis ekis ang takbo nito kaya hindi niya maasinta. Sunod-sunod na napamura si Onyx. Ilang minuto ang itinakbo ng kanilang habulan. Halos lumilipad na sila sa ere sa sobrang bilis ng takbo. Hindi nagpatalo si Onyx dahil sports niya ang racing. Sisiw lang ito sa kaniya pero si Einstein ang kalabang hindi niya dapat ismolin dahil magaling din ito. Mayamaya ay napangisi na lang ang binata. Nakita niyang dead end na ng daan at matarik na bangin ang naroon. Nakita niyang napahinto ang kalaban at naghahanap ng malulusutan ngunit huli na dahil na corner na niya ito. “Taas ang kamay. Ibaba mo ang baril mo.” sigaw ni Onyx. Tinutukan niya ng baril ang nakatalikod na lalake. Imbes na sumunod sa sinabi niya ay walang takot itong tumalon sa matarik na bangin. Sobrang nagulat si Onyx at mabilis na pinaputukan ang kalaban. Natamaan naman niya iyon ng dalawang beses at nakita niyang bumagsak sa damuhan ang katawan nito. “Bravo!” sigaw niya sabay ngisi. Mula doon sa pampang ang tumalon rin siya sa bangin na iyon. Kailangan niyang kumpirmahin kung patay pa ba ito o buhay. Gumulong siya sa damuhan ngunit malas niya dahil tumama sa bato ang ulo niya kaya medyo dumugo iyon. Mabilis siyang tumayo at hindi ininda ang sakit ng kaniyang ulo. Lumapit siya sa bultong nakabulagta sa di kalayuan. Napangisi siya ng makita ang mabilis na pagdaloy ng dugo nito mula sa kung saan. Umupo siya sa gilid nito at marahas na hinablot ang telang nakabalot sa mukha nito. Dejavu! “Babae?” bulalas ng binata. Mabilis niyang pinihit ang ulo nito upang tumambad ang kabuuan ng mukha nito. Biglang bumilis ang t***k ng kaniyang puso nang makilala ang napakagandang mukha na iyon. Hindi niya inakalang magku-krus muli ang mga landas ng babaeng iyon na kahit ilang oras lang niyang nakasama ay hindi niya nakakalimutan ang pagmumukha. “Who are you?” bulong ng kaniyang isip. Imbes na matuwa sa nangyayari ay napalitan iyon ng awa at pagkamangha. Maya-maya ay bigla siyang napapitlag. Huli na bago pa niya ma-absorb ang mabilis na pangyayaring iyon. Nakabig na siya nito at magkahinang na ang kanilang mga labi. Bago pa siya makahuma ay nakatutok na sa kaniyang dibdib ang baril nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD