Kalampag ng pinto ang narinig ni Caroline mula sa likuran. Dumating na ang emergency team na kanina pa niya hinintay. Kasabay nito ay tuluyan ng nawalan ng malay si Onyx. Inabot niya ang palad nito at naramdamang napakalamig n’on. Kaagad na binuhat ang binata ng mga rumesponde at isinakay sa isang stretcher na dala. Medyo nahirapan ito dahil sa katangkaran ng binata ngunit maayos rin namang naihiga sa huli. Napailing si Caroline habang tinitingnan ang walang malay na binata. Buong akala niya ay may lakas pa ito dahil nagawa pang makipagkulitan sa kaniya ngunit talagang ubos na pala. “Maam, ano po baa ng nangyari dito?” tanong ng pinakaleader ng emergency team. “May tama po siya ng bala sa hita.” Napansin niyang medyo nagulat ito sa kaniyan

