Napamulagat ang mata ni Caroline nang biglang kumambyo ng mainbela ang binata at binalikan siya. She heaved a sigh. Mas lalo na niyang nakita ang guwapo nitong mukha ngayon. Yeah! Aminado siyang guwapo nga ito. At iyon ang nagpapakulo sa dugo niya. She's certain that he's a manwhore at nilalandi siya nito. Napataas ang kilay ng dalaga nang huminto ito sa tapat niya. HIndi niya matantiya kung ano ang tumatakbo ngayon sa isip ng lokong ito. Noong una kasi gusto siyang patayin nito. Nitong huli naman nilang pagkikita sa party ni Lei ay basta-basta na lang siya nitong hinalikan, binastos at kulang na lang ay babuyin. INamin na niya rito na siya si Einstein pero wala naman itong ginawa. He's so unpredictable. Sinubukan niyang tingnan kung ano ang problema ng kaniyang s

