Lascivious Casanova 21

3009 Words
"Galit ka na naman? What did I do this time? Kumuha lang ako ng tubig maka-karma na ako?" Nagtatakang tanong niya at itinaas ang baso na wala nang laman. "Wala!" Umirap ako. Kinunutan niya ako ng noo at inilingan. Pagkatapos niyang malito sa sinabi ko'y hinila niya ako palabas at dinala sa panibagong kumpol ng mga kababaihan at kalalakihan. Sa likod niya ako dinala kung nasaan ang pool. Bukod sa labas ay mayroon din pa lang mga bisita rito at mga nakapanligo. Pinakilala niya ako sa mga babae pagkahalo namin sa grupo. Inakala ko pa kanina na katulad ng mga babaeng narito ang mga babaeng nasa loob. Nakahinga ako ng maluwag nang hindi. "Is Ate involved in trouble again, Ate Roselyn?" Tanong ni Rosy sa kapatid. Napag-alaman kong triplets sila at ang isang kakambal nila na si Rose ay nasa loob. "Hayaan mo iyan. Mabuti nga't pinalabas sila ni Levi. Nasa ibang bahay sila pero hindi sila nahihiyang gumawa ng gulo." Natawa si Mitch sa turan ni Roselyn. "Kung magsalita ka parang hindi mo kapatid si Rose!" "Mga bully at bad influence ang pinili niyang kasama. Kaya kung mapasama siya sa gulo hindi na ako magugulat." Nakagat ko ang ibabang labi ko. Kung hindi sila nag-away baka ako ang nasa pwesto nila ngayon. Hindi nga magandang tingnan. Kung iyon ang opinyon nila sa mga taga probinsiya, hindi ko naman iyon mababago kung makikipag sagutan ako. Mahirap paliwanagan ang mga taong baluktot ang paniniwala. Tiyak na away lang ang kalalabasan no'n. Nakakahiya rin kay Levi na mukhang isa rin sa matalik na kaibigan ni Jax. "Magkaklase kayo?" Nawala ang isip ko sa mga babaeng pinalabas dahil sa tanong ni Faye na nasa tabi ko. Hindi hamak na mas maayos ang grupong ito kaysa sa mga nakasama ko sa hapag. Mabilis ko pa silang nakasundo dahil magagaan kausap. They were Jax's old classmates and colleagues. Mga naging kaklase't kakilala niya sa Manila at Ireland. Lahat sila may kanya kanya nang propesyon. Napag-iwanan lang si Jax dahil nga bulakbol. Gumawi ang tingin ko kay Jax. Wala na itong suot na pang itaas at tanging hapit na itim na trunks na lang. Hindi kalayuan kung nasaan kaming mga babae ay ang mga lalaking kanina pa nagkakatuwaan. Naliligo sila sa pool. Mayroon nilalaro at kapag natalo, iinom ng alak. Ngumiti ako kay Faye at sumagot. "Hindi. Schoolmates lang." "Lang?!" Gulat na tanong ni Sarah. Nasa tabi siya ni Faye na natatawa. "Baka naman schoolmates with benefits?" Nakataas ang kilay at may kasamang panunudyo sa boses niya. Namumula akong umiling para pabulaanan ang sinabi niya. Wala pa naman nangyayari sa amin kaya hindi pa ganoon ang tingin ko sa aming dalawa. Nagkatinginan silang lima nina Graycee, Badette at Rheya bago nila tinanaw si Jax na nakikipag tawanan at mayroon hawak na bote ng alak. Naunang nagbawi ng tingin si Graycee. Bumalik sa akin ang tingin niya at nagsalita. "Akala namin girlfriend ka niya. Pangatlong beses na kasi 'tong party dito pero ngayon lang siya may plus one na babae." Tumango si Badette. Mayroon pa itong subo subo na flavored lollipop. Inalok niya ako kanina na mabilis kong tinanggihan. Hindi ako mahilig sa matatamis. Niluwa niya ang lollipop bago nakisali at nakisang ayon. "Narinig ko nga na pinag-uusapan ka nina Jolly at Genevieve! Nahihiya lang siguro silang lumapit dito dahil kay Levi!" Natawa si Faye at tumayo. Umalis siya at walang pasabi kung saan pupunta. Sandali ko siyang sinundan ng tingin bago nagtanong kay Badette. "Bakit sila mahihiya?" "He's Genevieve's ex!" si Rheya ang sumagot sabay humagikgik. Pinamulahan siya at nakatingin kay Levi na sinusuklay ng mga daliri ang basang buhok. "Oh..." mahabang saad ko at marahang paulit ulit na napatango. I didn't speak but I was wondering why are they trying to avoid the person they were previously in a relationship with? Do they really have to avoid them like a plague? Maybe it's their way of stepping forward? Avoiding can make them move on? But it's also possible that maybe because they still likes them? Or could it also be due to anger and hatred? Extreme pain? Mula sa pakikipagtawanan kay Levi ay bumaling si Jax sa akin. Tumutulo pa ang tubig galing sa buhok niya. Nakasandal siya malapit sa hagdan ng pool at ang mga braso ay nakapatong sa poolside. Wala siyang suot na damit kaya't litaw na litaw ang malapad niyang balikat at likod. Nasa kanya ang tingin ko kaya't mabilis na nagtama ang aming mga mata nang balingan niya ako kasabay ng pagtungga sa hawak na alak. Seryoso ang mga mata niyang nakipagtitigan sa akin. Pagkatapos niyang uminom at pagkababa niya sa bote, napatingin ako sa mapupula niyang labi na lalong pumula nang mabasa ng alak. Napalunok ako at bago pa pamulahan, nag-iwas na ako ng tingin. Pagbalik ni Faye, may kasama na siyang waiter. Inabutan niya kami ng juice at tumabi sa akin. Inilagay niya ang hintuturo sa kanyang gitnang labi upang sabihin sa mga kaibigan na tumahimik sila. "Huwag niyong pag-usapan. Marinig kayo ni Levi," bulong ni Faye at pasimpleng itinuro ang hindi kalayuang mga lalaki. Nasa gitna sila ng pag-ahon sa tubig. Sa akin dumiretso si Jax. Inabot niya ang puting towel sa nasa katabi kong upuan. Habang nagpupunas, hindi ko siya nililingon sa gilid ko kahit na alam kong sa akin nakatutok ang mata niya. Kung haharap ako, katapat ko ang ibabang parte ng katawan niya! Naaaninag ko sa gilid ng mga mata na bakat na bakat iyon! Ni hindi niya man lang tinakpan ng tuwalya at sa halip ay sa balikat niya iyon ipinatong! Umupo siya. Narinig ko ang pag-usog ng upuan palapit sa akin. Nang magawa ko siyang sulyapan, nakaharap na sa akin ang upuan niya. Nakabukaka siya't kinukulong ako. Nasa likod ng upuan ko ang isang tuhod niya at ang isa'y dumikit sa aking tuhod. Ang kamay niya'y nasa lamesa at ang isa pa ay nasa likod ng upuan ko. Madalas niya itong gawin sa akin. Madalas niya akong ikulong sa katawan niya sa tuwing kakausapin ako. "Do you need anything?" tanong niya at inilapit ang mukha. "Huh? Wala naman..." Mahina ang boses ko at takot na marinig ng mga kasama ang pinag-uusapan naming dalawa. Napansin niya ang sadyang paghina ko sa aking boses. Lalo tuloy siyang lumapit at nakangising pabulong na rin ang salita. Tuwang tuwa ang itsura na animo'y may sikreto kaming pag-uusapan. "Bakit nakatingin ka sa akin kung gano'n?" Nagtama ang mga mata namin. Nangapal sa init ang magkabilang pisngi ko at umiling. "Hindi ako nakatingin sayo-" "Nahuli kita. Nakatingin ka." Ngumisi siya. Napahugot ako ng malalim na paghinga at napasandal sa aking kinauupuan nang lalo siyang lumapit. Tumutulo na ang tubig na galing sa buhok niya pabagsak sa aking hita. Halos magkatapat na ang mga mukha namin. Hindi ko na makita ang nasa harapan naming mga babae. Natakpan na ng mukha niya. "Gusto mong maligo sa pool kasama ako? I can lend you my shirt as your bathing suit..." Malalim ang boses niya at may pagka senswal. Walang ngiting nakapaskil sa labi. Ganoon din na hindi lumilitaw ang mga biloy sa tuwing ganitong seryoso siya. Umawang ang labi ko sa pagdampi ng malamig na daliri niya sa nakalabas kong likod sa suot na dress. He's slowly and almost gently stroking my skin with his finger. When I stared at his deep pair hazel eyes, his gaze was now intense. Nangungulay berde ito dahil sa sinag ng papalubog na araw. His eyes seems to change color. It's even sometimes amber or blue. Hindi ko mapigilang mapatitig sa tuwing ganoon. Sobrang ganda ng mga mata niya. Hindi na ako magtataka kung bakit kay daming babae ang nahahalina sa kanya. Matunog siyang napalunok. Napatingin ako sa lalamunan niyang nagtaas baba. Pagbalik ng mga mata ko sa mata niya, nasa labi ko na ang tingin niya. "You were looking at my lips..." Paos niyang saad at bumalik sa akin ang tingin kasabay ng lalong pagseryoso ng mga mata. "Kung gusto mo akong halikan... walang makakakita sa atin kung nasa ilalim tayo ng tubig..." Salitan ko siyang tiningnan sa mga mata. Sinasabi niya pa lang nai-imahe ko nang naghahalikan nga kami. I'm not a type of woman who has a collection of crushes. Hindi ko pa naranasan na magkagusto sa lalaki. That's why I don't understand why I'm so attached to Jax. Marami akong nakasalamuha at nakakadikitan na mga lalaki ngunit bukod tanging kay Jax ko naranasan ito. Bukod tanging si Jax ang pinayagan kong gawin sa akin ito. Siguro dahil pursigido siya sa offer niya? Iniisip ko na lang na dahil sa mga ipinakita niya sa akin. Sa mga ipinapangako niyang makakamtan ko kung papayag ako. Wala akong pamantayan sa mga lalaking dapat kong magustuhan ngunit hindi ko naisip kahit sa hinagap na magugustuhan ko si Jax. Marami akong dahilan at lahat ng dahilan na iyon ay senyales na hindi ako pwedeng magkagusto sa kanya. "Wala... wala kang susuotin kung ipapahiram mo sa akin ang tshirt mo-" "I have spare in my trunks. Sa susunod maglalagay din ako ng mga damit mo do'n para kung sakaling kailanganin natin..." tumigil siya at isang beses na sinulyapan ang labi ko. "Gusto mo ba? Kukunin ko ang damit ko? Maligo tayong dalawa?" Muli siyang napalunok at para bang may mali sa tanong niya dahil siya ang may gustong halikan ako. Mabilis akong umiling bilang pagtutol. Hindi ko na rin inalintana ang hubad niyang dibdib at nagawa ko siyang maitulak doon palayo. "Huwag na... Nilalamig ako... Pagabi na rin." Nang mapalayo siya at lumitaw sa paningin ko ang mga kasama namin sa lamesa saka ko lang naalala ang mga babaeng nakausap ko kanina. Nasalo ko ang tingin ni Faye na hindi malaman kung matatawa o mabibigla sa nakita. Kahit ang kakambal noong Rose na si Rosy at Roselyn at ang mga kausap nitong kasama namin sa lamesa'y natuon ang tingin sa akin. Hindi nila narinig ang usapan namin ni Jax. Subalit ang kilos namin at ang lantaran na pambabakod ni Jax habang nag-uusap kami ay nagkaroon ng ibang kahulugan sa kanila. Basang basa ko iyon sa mga mata ng mga babae. Kulang na lang isatinig nila na hindi ko lang schoolmate si Jax. Na lagpas kami doon. Kahit ang totoo ay nagsasabi ako ng totoo sa kanila. Wala kaming relasyon kundi magka-eskwela lang. Kung may iba man kaming ginagawa, hindi mababago no'n ang estado namin. "Anong game?" Napabalik ako nang magtanong si Jax kay Levi. Hindi ako nakasunod sa pinag-uusapan nila dahil naging okupado ang isip ko. Nagkakatuwaan na pala sila at pinag-uusapan ang balak laruin. Based on Levi's smirk. I think he has a naughty and flirty ideas. Nagtawag siya ng ibang mga sasali sa laro. Pinatayo niya kaming lahat at in-explain kung paano ang gusto niyang laro. Lahat ng lalaki na kasali ay iba-blindfold. Samantalang ang mga babae ang kakapkapan nila sa katawan upang mahanap ang bagay na itatago ng mga magiging host sa laro. Tatlumpu kaming participants. Labing limang lalaki at labing limang babae. May labing limang bagay na hawak sina Levi at Genevieve. Mga lalaki ang pipili kung alin doon ang gusto nilang itago ng mga host sa katawan namin. Iyon ang hahanapin nila. Sapilitan pa ang pagsali ko dahil sa udyok ng mga babae. Sina Faye, Graycee, Mitch, at Rheya ang mga host. Sina Roselyn, Rosy, Sarah, Badette at Jolly naman ang mga watcher. Taga tingin sila kung sino ang mga ma-d-disqualify at mandadaya. Sila rin ang pipili kung saang parte ng katawan namin itatago ang bagay na hahanapin nila Jax. Hindi pa nagsisimula kinakabahan na ako sa mga ngisi nila. Mabait sila sa akin kanina ngunit ngayon, nawalan ako ng tiwala. Mukhang sanay sila sa ganito at nakikinita ko na kung saan sa katawan ko nila ilalagay ang maliit na pink paper clip na napili ni Jax. "Let's start the game!" Pumalakpak si Levi bilang hudyat sa paghahanda ng mga manlalaro. Pinatalikod ang mga lalaki habang ang mga host at watcher ay lumapit sa mga babae upang itago ang napiling bagay ng mga lalaki. Sina Graycee, Badette, Faye, at Rheya ang nagkumpol sa akin. Noong una nagtataka ako kung bakit kailangan nila akong harangan gayong itatago lang naman ni Rheya ang paper clip sa katawan ko. Kalaunan, nalaglag ang panga ko at nanlalaki ang mga mata nang matapos nilang itago iyon at hindi ako hinayaang umalma. Nararamdaman ko iyon sa parte ng katawan ko na pinagtaguan nila. Hindi naman masakit ngunit ramdam kong bahagyang naiipit at hindi ako kumportable sa pakiramdam na iyon. Lumapit si Jax sa akin. Pinasadahan niya ng mata ang buong katawan ko. Marahil ay napapaisip at inaalam kung saan nakatago ang paper clip. Nagkunot noo siya at nahuli ang pamumula ko bago siya piringan ng mga host. "Kamay lang ang gagamitin! Dahan dahan ang haplos! Damahin niyong mabuti!" Hindi ko masiguro kung sino ang nagsalita, natabunan kasi iyon ng tawanan. Nang magbigay ng hudyat na magsimula na, agad akong napasinghap sa palad ni Jax. Sa hita ko iyon unang dumapo. Pumikit ako ng mariin at nagsimula nang bumilis ang paghinga nang umangat ang kamay niya. Nagmula sa gitnang hita, paakyat ng dahan dahan hanggang sa tumigil iyon ilang pulgada sa singit ko. Nakaangat na ang dress ko ngunit hindi niya hinahayaan na makitaan ako. "Bakit diyan ka unang naghanap?" Pabulong na tanong ko. Naitikom ko ang aking bibig nang taasan ako ng kilay ni Faye at ilingan ni Rosy dahil bawal akong magsalita. "Where did they put it, huh? Fvck... I want to ditch this game and fvck you instead in one of the rooms here..." Hindi ako umimik. Hindi nakakatulong sa pakiramdam ko ang kabastusang sinasabi niya. "Don't tell me it's inside your panties?" Hindi ako sumagot dahil mariin ang tingin sa akin ng mga watcher at host. Naipagkamali niya yata iyon at inakala niyang oo ang sagot ko sa pananahimik ko. Malaking umawang ang mga labi ko nang umakyat ang kamay niya. Nagsimula siyang kapain ang panty ko sa labas. Humahampas ang mabilis niyang paghinga sa mukha ko. "Is it inside?" Hindi siguradong tanong niya at mabagal na ipinasok ang hintuturong daliri sa gilid ng panty ko. Nang mahawakan niya ako, malakas akong napasinghap na siguradong narinig niya. Napakapit ako sa kanyang braso at nakaramdam ng init sa katawan. "Jax..." Lumapit siya sa akin upang takpan ang ginagawa niya. Kaya lang, hindi nakaligtas iyon sa mga host at watcher. Nagkatinginan sila at napatakip ng mga kamay sa bibig. Wala na yata silang pinapanuod sa mga participants kung hindi kami na lang ni Jax. "Wala... wala diyan..." garalgal ang boses ko at medyo nanginig lalo't iginalaw niya ang daliri niya para salatin ako. "You don't want to agree to be my girlfriend but you are here now and very wet?" Paos na paos ang boses niya. Hindi ko pinansin ang sinabi niya dahil mas naging abala ang isip ko sa kanyang kamay. "Wala diyan... nasa..." suminghap ulit ako at tiningala siya. Kahit sinabi kong wala doon, iginalaw niya pa rin ang daliri niya. Nagtataasan ang mga balahibo ko habang sinasalat niya kung gaano ako kabasa. Mariing nakasara ang mga labi niya at nagngangalit ang panga. "Nasaan?" kakaiba na ang boses niya. I dont know if he's genuinely wants to find the clip or he just want to touch me. Alin man doon, itinulak ko pa rin ang kamay niya dahil wala siyang makakapa na clip sa loob ng panty ko. Bawal ko dapat siyang hawakan subalit hindi ko na iyon sinunod. May namumuo sa aking puson at kung hindi ko pipigilan si Jax ay baka manginig ako ng tuluyan at mapaluhod sa harapan ng maraming tao. Nagmura siya at pinagapang ulit ang kamay sa hita ko paakyat. Pinigilan ko na iyon bago pa ulit pumasok sa aking panloob. "I have to find the clip. I can't see so let me touch you-" "Wala nga diyan..." "Nasaan ba?" "Nasa... nasa dibdib ko... Nasa n****e* ko Jax..." Nagmura siya at mas nadepina ang pag-igting ng panga. "Kaliwa o kanan?" "Sa... sa kanan." Kinagat ko ang ibabang labi ko. "May nakatingin ba?" "Meron... Sa kaliwa-" hindi ko natapos ang sasabihin ko. Yumuko siya. Ang strap ng dress sa kanan kong balikat ay ibinaba niya. Hinapit niya ako sa bewang at ginamit ang malapad niyang katawan upang matakpan ako nang ibaba niya ang strap ng dress kasabay ng strap ng bra ko. Ang nasa isip ko'y gagamitin niya ang kanyang kamay sa pagkuha ng paper clip ngunit sa halip ay ang mga labi niya ang ginamit niya. "Ah..." I quivered when his hot mouth covered my peak and a small moan escaped from my lips. Bumaon ang kuko ko sa kanyang braso na nakayakap sa akin upang maitago ang ginagawa niya. Bukod sa singhap ko'y nakarinig ako ng ibang mga singhap sa hindi kalayuan. Namungay ang mga mata ko at tuluyang naipikit nang magsimulang laruin ng dila niya ang tuktok ko. Kahit natanggal na niya ang clip, nanatili siya sa pagsipsip at marahan na pagkagat. Nagtagal iyon ng ilang segundo bago niya tinapos at mabilisang inayos ang damit ko. Dumilat ako na namumungay pa rin ang mga mata. Sinulyapan ko ang kaliwa't kanan. Maraming hindi nakapansin subalit tila mga matang lawin ang host at watcher. Hindi man nila nakita ang actual na ginawa ni Jax dahil naharangan. Alam kong may ideya sila kung paano kinuha ni Jax ang paper clip. Awang ang mga labing tiningala ko si Jax. Nakaabang sa pagbaling ko ang kanyang mga mata. Wala na siyang suot na blindfold. "I think this is my new favorite game now," ngisi niya at pinaglaruan ang pink paper clip sa kanyang dila at mga labi. "I will keep it. It will serve as my lucky charm." Inilalabas pasok niya iyon at iniipit sa pagitan ng kanyang bibig na para bang pinapakita sa akin na nahanap niya iyon sa masarap na paraan. "Disqualified sina Clementine at Jax! Ginamit ang bibig at hindi ang kamay!" Kasunod ng sigaw na iyon ay ang tawanan ng mga host at watcher na may kasamang panunukso. Nangamatis ang magkabilang pisngi ko at hinila si Jax para makapagtago.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD