Lascivious Casanova 20

3776 Words
CHAPTER 20 AND 21 PUBLISHED NOW -----Miss IYA----- I pushed him and quickly put on my clean clothes. Pinapanuod niya akong magbihis habang masama ang tingin ko sa kanya. Kung pagbawalan niya ako akala mo girlfriend niya ako! He can seduce me about s*x but he can't fool me to be his girlfriend! Ayokong ma-stress dahil alam kong hindi siya nakikipag relasyon. Kaya siguro ipinipilit noon ni Maya na boyfriend niya si Jax dahil kung pagbawalan niya rin ay ganito. Hindi naman maghahabol iyon kung hindi niya pinaasa at pinangakuan ng kung anu ano! "Mauuna ako! Pagkatapos ng tatlong minuto saka ka lumabas!" Nagmamadali akong lumabas at tiniyak na walang makakakita na kasama ko si Jax hanggang sa makarating kami sa sasakyan niya. Pagkapasok ko agad akong nagsuot ng seatbelt. Nang paandarin niya ang sasakyan napaisip ako na masiyado na akong nasasanay sa ganitong set up namin. Nanguna pa nga akong magbukas ng pinto at pinasok ang sarili sa sasakyan na akala mo'y ako ang may ari. "Aren't you hungry? Hindi mo naubos ang pagkain mo kanina," aniya at mula sa backseat ay may inabot na paper bag. Inilabas niya doon ang tinapay na nababalutan ng papel at may tatak ng kilalang cafe. Inayos niya iyon para makagatan ko. When he took out half of it from the paper, I realized it was a freshly baked croissants. Mayroon itong palaman na chocolate. Sa bayan pa siguro ito binili dahil doon ko nakita ang cafe na ito. He opened another paper bag and took out a frappe drinks also from the same well-known coffee shop. "Salamat," nakalabing saad ko at nagsimulang kainin ang mga binigay niya. Nagutom ako sa praktis kanina. Niyaya niya akong umalis ngayon kaya wala na akong oras para mag-miryenda pa. "Are you always like that?" biglaang tanong niya habang nagmamaneho. Natanto kong hindi ko man lang pala siya inalok. "Like what? Bakit? Gusto mo ba?" inaabot ko sa kanya ang pagkain dahil baka ito ang tinutukoy niya. Nang makita niya ang ginawa ko'y umiling siya. "Hindi na. 'Yong matitira mo na lang." Lumabi ako dahil hindi ko sigurado kung may matitira ako. Binawi ko ang kamay ko at malaking kumagat sa croissant. Dinilaan ko ang labi ko nang tumakas doon ang palaman na chocolate. Nanatili sa kanya ang tingin ko habang kumakain. Patingin tingin kasi siya, salitan sa akin at sa daan. "I mean... are you always like that? Palagi mo bang ipinamimigay ang pagkain mo? I saw you. You gave your food to Irene." Natigilan ako. Iyon pala ang binabanggit niya. Nginuya ko muna ng mabuti ang kinakain at uminom sa frappe bago tumugon. "Hindi ko pinamigay, Jax. Ka-text kita kaya hindi na ako makakain." Tumaas ang makapal na kilay niya at napangisi. Siguro'y naalala ang usapan namin sa canteen. Nasa daan pa rin ang mga mata niya. "So..." Taas kilay niya akong saglit na binalingan at ibinalik sa daan. "Kasalanan ko?" Natatawa niyang tanong at minaniobra ang sasakyan papasok sa bahay nila Peter. "Oo. Kung hindi mo ako kausap. Mauubos ko iyon." Tumigil ang sasakyan sa tapat ng bahay nila Peter. Kinagat ko ang maliit na lang na croissant. Iniwan kong nakaipit iyon sa pagitan ng mga labi ko dahil hindi ko mahawakan. Ang isang kamay ko'y hawak ang frappe. Ang isa pa'y nasa seatbelt. Naunahan akong maghubad ni Jax ng seatbelt. Akala ko'y bubuksan niya ang pinto para lumabas. Subalit sa halip na gawin iyon ay dumukwang siya palapit sa akin para kagatin ang natirang croissant na nakaipit sa aking bibig. Naramdaman kong dumikit ang labi niya sa labi ko habang ang kamay niya'y pinigilan ang kamay ko sa paghubad ng seatbelt. "Huwag ka nang bumaba. Aalis din tayo kaagad. Hihintayin lang namin ang iba," sinasabi niya iyon habang ngumunguya pagkalayo sa mukha ko. Nang tumango ako, lumabas siya sa sasakyan. Nag-uunahan sa paglipad ang mga paru paro sa puson ko. Masusuka pa yata ako sa loob ng sasakyan niya. Ipinatong ko ang frappe sa cup holder bago ko pa mabitawan iyon at kumalat sa mamahalin na sahig ng dala niyang Porsche hybrid. Iba iba ang gamit niyang sasakyan. Mamahalin ang lahat pero magkakaparehas ang kulay na kung hindi itim ay puti. Hinayaan niyang nakabukas ang makina para hindi mamatay ang aircon at hindi ako mainitan. Mula rito'y nakikita ko ang ginagawa nila. Lumabas ang Ate ni Peter. Kasama nito ang mga babaeng kainuman namin noon. Siguro'y nag-iinuman ulit sila. Balak yata akong puntahan dahil patungo rito kung hindi lang sila hinarang ni Jax. Nais ko sana silang babain para makabati. Naalala ko nga lang ang sinabi ni Jax na huwag nang bumaba. May sinabi si Jax kay Ynah. Pabiro siyang sinuntok nito sa tiyan bago pumasok sa loob ng bahay nila. Pagkalabas ay mayroon na itong dalang damit. Lumapit si Jax sa sasakyan niya kung nasaan ako at binuksan ang pinto sa side ko. "Lock the door and change your clothes here. Sa loob nila Peter ako magpapalit," sabay abot sa akin ng dress. Hindi ko pa kinuha iyon. Tiningala ko muna siya. "Sa banyo na lang din nila Peter ako magpapalit-" "Magkasama tayo? Kapag nakita pa kitang nakahubad ulit. Hindi na kita dadamitan, Clementine." Napaawang ang labi ko at hinablot ang dress na binibigay niya. Natawa siya at pinauna akong magbihis. Nasa labas siya ng sasakyan habang nagpapalit ako. Nang buksan ko ang bintana at makita niyang tapos na ako, saka lang siya umalis. Ayaw niya akong pababain at ayaw palapitin sa Ate ni Peter. Baka turuan na naman daw ako ng kalokohan. Saktong sakto at kumportable sa akin ang itim na dress na aabot lang sa ibabaw ng tuhod. Napagliitan siguro ito ni Ynah. Nag-angat ako ng tingin. Naroon na si Jax. Pinasadahan ko ng tingin ang ayos niya pagkalabas niya sa bahay nila Peter. Nakasuot siya ng dark brown short, white button down shirt, at boat shoes. Inaayos niya ang kanyang buhok at sinusuklay pataas. Pinapadaanan ng dila ang mapupulang labi at malinaw na nakalitaw ang malalalim na biloy. Pareho kaming casual ang ayos. Ano kayang dadaluhan namin at pinagbihis niya pa ako? Hindi pa umabot ng sampong minuto, dumating na ang iba nilang kasama. Kaonting usap at nagkanya kanya na ng mga sakay sa magagarang sasakyan. "Painom," hindi niya hinintay na iabot ko ang frappe, siya na mismo ang kumuha sa kamay ko. Nang mangalahati iyon, ibinalik niya sa akin at pinasibat na ang sasakyan. Hindi naman ganoon kalayuan pero para sa akin masyido na itong malayo sa baryo namin. Nalalayuan na nga ako sa bayan, dito pa kaya? Unti unti na ring nawawala ang mga puno rito na parang nasa siyudad na rin. Hindi pa man ako nakarating sa siyudad, madalas ko naman itong makita sa television. "Is this your first time coming here?" Mula sa labas ng bintana ay inilipat ko ang tingin kay Jax. Bahagya akong nakaramdam ng hiya. Mukhang nahuli niya yata akong tinitingnan ang lahat ng nadaraanan. Nakasilip ako sa bintana at nakaangat ang likod mula sa sandalan ng upuan ng kanyang sasakyan para lang makita ng mabuti ang labas. Halos idikit ko na ang mukha ko sa salamin ng bintana. "Oo. Wala naman akong gagawin dito kaya bakit ako pupunta?" "Hindi ka pa nakakapunta sa Manila?" "Hindi pa." Sandali niya akong sinulyapan. Nakahawak ako sa seatbelt at nakatingin sa kanya. "Gusto mong pumunta?" Sinulyapan niya ulit ako nang hindi ako sumagot. Maluwag ang kalsada at magkakasunod ang mga sasakyan nilang magkakagrupo kaya hindi niya pwedeng bagalan ang takbo para makausap ako. Gusto ko pero hindi naman kailangan magpunta do'n. Kung magtatrabaho ako at mabibigyan ng oportunidad, okay lang. Mahirap yata ang buhay sa siyudad lalo at laking probinsiya. Kung doon ako titira, isasama ko si nanay at tatay. "May pag-uusapan kaming business ng mga kaibigan kong nasa Manila. Isasama kita kung papayagan ka ng magulang mo-" "Huwag na! Hindi ako papayagan lalo kung ikaw ang kasama! Kahit malaki ang utang na loob ng mga magulang ko sa Lolo at Lola mo hindi nila ako ipagkakatiwala sayo!" Naitikom ko ang labi nang alayan niya ako ng matalim na tingin. Pagkatapos ng ilang minuto, tumigil kami sa tapat ng malaking bahay. Wala yatang mahirap na kagrupo itong si Jax. Kahit bahay nila Peter malaki at may sinasabi rin sila sa buhay. Puro pa de kotse lahat. Nagbukas ng bintana si Jax kasabay ng pagbukas ng malaking gate. Mayroon doon lumabas na lalaki at pinapasok ang mga sasakyan nila. Hindi nito isinara ang gate at hinayaang nakabukas na para bang welcome ang lahat doon. O siguro rin para hindi mahirapan mag-bukas sara sa tuwing may darating. We went straight to the parking lot which was full of expensive cars. Walang tao subalit punong puno ng mga mamahaling sasakyan na para bang mga nagpapayabangan kung sino ang may pinakamahal na sasakyan sa kanila. Maririnig din mula rito ang malakas na patugtog sa buong kabahayan. "Let's go," ani niya at siya na rin ang naghubad ng seatbelt ko dahil hindi pa ako tapos mamangha sa mga sasakyang narito. Umikot siya at pinagbuksan ako ng pinto. Natutok sa sahig ng parking ang mga mata ko. Parang gusto ko na lang umalis dahil wala akong karapatan na umapak sa bahay na ito. Maging ang sahig kasi ng parking parang mamahalin. "Jax-" Hindi ko natapos ang balak sabihin nang hatakin niya ako palabas ng sasakyan. Pinagsalikop niya ang mga kamay namin at magka-hawak kamay na nagtungo kung nasaan ang party. Mahigpit ang hawak ko sa kanya at takot mawala sa dami ng bisita. Sa unang tingin pa lang alam na kaagad kung gaano karangya ang pamumuhay ng mga bisitang narito. Masiyadong simple ang suot ko ngunit tahimik na nagpapasalamat na ring pinagpalit ako ni Jax. Kung naka-uniporme ako, makakaagaw pa ng pansin iyon. Mabuti na lang at bumagay ang sapatos ko sa suot na itim na damit. Ang mga babaeng narito'y nakasuot ng matataas na sapatos. Nakasuot ng hapit na dress ang ilan at nakaayos ang mga buhok at mukha. Napahaplos ako sa aking buhok at pisngi. Hindi ako sinabihan ni Jax na ganito ang dadatnan dito! Nakapagsuklay man lang sana ako at nagpahid ng liptint sa maputla kong labi! Sinubukan kong kagat kagatin ang mga labi ko para pumula. Hindi ko nga lang sigurado kung tatalab iyon. May pagkaputlain pa naman ako. Mas mapula at malambot pa nga ang mga labi ni Jax kaysa sa akin. Sinunod kong kinilatis ay ang mga kalalakihan. Ganoon rin ang ayos ng mga lalaki. Pormado at may mga hawak na baso na naglalaman ng mamahaling alak. Nilingon ko ang katabi ko. Mas simple ang kasuotan niya kaysa sa kanila ngunit mas nangingibabaw pa rin ang dating niya. Ngayong nakikita ko kung paano magsaya ang mga mayayaman mas naramdaman ko kung gaano kasimple ang buhay na kinalakihan ko. Ilang kilometro lang ang layo ng lugar na ito sa amin ngunit kung pagbabasehan ang antas ng pamumuhay, sobrang layo nila. Kung hindi ko lang hawak ang kamay ni Jax, iisipin kong kahit siya hindi ko maaabot. Nawala sa mga taong narito ang tingin ko at napatingala kay Jax nang hilahin niya ang kamay ko para mas mapalapit sa kanya. Masiyado akong abalang ikumpara ang sarili sa mga bisitang narito. Ni hindi ko namalayan na may mga kausap siya. "Hindi mo kami ipapakilala sa kasama mo?" tudyo sa kanya ng ilang kalalakihan na kasama niyang bumati sa may kaarawan. Ramdam ko ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko. Bahagya niya akong hinila upang itago sa kanyang likod at malamig ang mga matang hinarap ang nagbiro sa kanya dahil naabutan niyang malagkit ang tingin nito sa aking dibdib. Hapit pa naman ang itaas na parte ng dress ni Ynah kaya't bakat na bakat kung gaano kalaki ang dibdib ko. "I don't bring her here to introduce to you, Lloyd. She's not the type of woman who's willing to be your fvck buddies." Nagkamot sa batok ang kausap niya. Tinulak ito sa braso ng mga kasama niyang kaibigan at pinagtawanan. "Nagbibiro lang-" "Consider this as a threat, so you won't hit on her." Mahina akong natawa sa likod niya. Nagreklamo kasi 'yong Lloyd na sinabihan ni Jax nang may bumatok ditong kaibigan. Mukha naman siyang mabait at palabiro talaga. Sadyang babaero lang siguro katulad ni Jax. "Tama na nga iyan!" Saway nang celebrant sa magugulong bisita bago hinarap si Jax. "Kumain na muna kayo sa loob." "Clementine," inilabas niya ako mula sa pagtago sa kanyang likod. Itinuro niya ang nasa harapang lalaki. "This is Levi, my friend." Ngumiti lang ako dahil hindi naman ito nag-alok ng kamay. Binalik niya lang ang ngiti ko. Nahiya na rin akong bumati dahil nag-usap na sila ni Jax. "Pupunta si Enzo?" Nagsimulang maglakad si Levi at umiling. Sumunod sa kanya si Jax. Napasama ako dahil hawak niya ang kamay ko. "I don't think so. He's in Aklan now. Uuwi rin ako roon bukas kaya doon na lang kami magkikita." "Aklan? May usapan kami sa Manila no'n!" Iginilid ni Levi ang kanyang ulo para tingnan si Jax at nagkibit balikat. "Kung hindi pa naman ngayong linggo ang usapan niyo. Baka luluwas iyon bago kayo magkita." "Wala bang balak tumira iyon dito sa Mindoro?" "Wala siguro. Alam mo naman na kung nasaan ang Mama no'n, nandoon siya. Sa Aklan lang naman namamalagi si Tita Graciela bukod sa bahay nila sa Manila." Tahimik akong nakikinig sa usapan nila habang naglalakad kami patungo sa naka-set up na buffet. "You know Mason, right?" si Jax ulit. "Yeah." Tumango si Levi. "I met him once in Italy. Sa business trip ni Lolo." "He'll be there in Manila too. May in-o-offer siya sa aking business kaya balak kong isama si Enzo kung magiging interesado siya. Ikaw? Ayaw mo ba?" Umiling ang kausap ni Jax at nagbuntong hininga. "Hindi na iyan kakasiya sa oras ko. Tatlong kurso ang pinapaaral sa akin ni Lolo ngayon." "What? I thought your grandfather wants you to run in politics?" "Gusto niya. Pero pinupurso niya akong kumuha ng law at engineering bukod sa political science. Mabuti ka nga at kahit anong kunin mo hindi ka pinepressure." Humigpit ang hawak ni Jax sa kamay ko at natawa. Walang laman ang tawa niya. Na para bang kabaliktaran ng nakakatawa ang nararamdaman niya. "Paano ako mape-pressure kung wala naman silang pakialam." Kunot noo siyang binalingan ni Levi. "Hanggang ngayon ba?" Tumango si Jax. I glanced at him and noticed that he was gritting his teeth. It was as if he didn't want to talk about it. Napansin din ni Levi iyon kaya't nagpaalam na ito at itinuro sa amin ang pagkain. Tiningnan niya ang mga pagkain at pagkaraa'y hinila niya ako papasok sa dining. Pinaghila niya ako ng upuan malapit sa dulo ng malaking lamesa at pinaupo. Walang masiyadong tao at magkakalayo. Nasa labas ang karamihan at nakikisaya. Malamang na nauna na silang kumain dito o maaari ring hindi pagkain ang ipinunta nila kundi alak at pakikihalubilo. "Stay here. I'll get you some food." Sakto sa paglabas niya sa malawak na dining ang pagpasok naman ng apat na sopistikadang babae. Nag-iingay sila at nagtatawanan. Nagkunwari akong hindi nakikinig kahit narinig ko ang pangalan ni Jax. Palihim akong huminga ng malalim dahil sa harapan ko pa sila naupo. Nakapagitan naman sa amin ang lamesa ngunit hindi iyon hadlang para marinig ko ang pinag-uusapan nila. "Si Jax iyon?" "Oo. May kasama siyang babae kanina-" "Hindi naman iyon nagdadala ng babae rito!" "Meron nga! Hindi ko lang nakita ang mukha dahil nakatalikod!" "Maybe some cheap girl from their school? Bakit ba kasi doon siya nag-aaral? Dahil pa rin ba sa nangyari sa Ireland?" "I think so! Or maybe because of his grandmother? What I heard was he should be thrown by his parents in Melbourne! Nakiusap lang ang Lola niya na dito na lang!" "Sana sa Australia na lang siya nagpatapon! Wala naman magandang course dito, hindi ba? Anong course niya? Tungkol sa pagtatanim? Paano mamingwit ng isda? O paano mag alaga ng mga baka?" Sabay sabay silang nagtawanan at sabay sabay din ang pagtigil. Nakatingin sila sa likod ko. Nag-isang linya ang mga labi ko at nagpigil kahit kating kati akong ipagtanggol ang mga taga-probinsya! Anong masama sa pagtatanim, pangingisda, at pag-aalaga ng hayop? Kung hindi dahil sa mga minamaliit nilang magsasaka, mangingisda, at ranchero, may kakainin ba sila?! Yayaman ba sila kung hindi dahil sa maliliit na taong nagtatrabaho para sa kanila?! Namumula ako sa pagpipigil na magsalita. Humugot ako ng malalim na paghinga nang hindi na mapigilan. Handa na akong buweltahan sila subalit sa halip na magsalita ay napayuko ako sa pagkain na inilapag ng kung sino sa aking harapan. Naghiwalay ang mga labi ko at nakita ang gulat na anyo ng apat na babaeng nasa harapan ko. "Anong gusto mong inumin? Orange Juice?" Tila alipin na tanong ni Jax at bahagyang nakayuko. Nakapatong sa lamesa ang isang kamay niya at ang isa'y nasa sandalan ng upuan ko. Sinisilip niya ako at hinihintay akong sumagot. Gusto ko na lang siyang itaboy at pagalitan kung bakit kailangan niyang lumapit sa akin gayong narito yata ang ilan sa mga naging babae niya o kakilala ng mga naging babae niya! Masama ko siyang tiningnan. Naipasa ko yata ang galit sa kanya dahil sa mga narinig ko. "Tubig na lang." "Sige. Sandali. Ikukuha kita," sabay tayo ng tuwid at iniwan ulit ako sa dining. Ni hindi niya napansin ang mga babaeng nasa hapag! Pagkalabas niya'y muling dumagsa ang mga babae. Apat lang ang nandito kanina. Dumagdag ang mga pumasok ngayon at wala akong pagkakataon na bilangin sila dahil hindi pa ako kumakalma sa pang iinsulto na ginawa ng mga bruhang babaeng ito! Pakiramdam ko, isa akong tanso na napaligiran ng mga kumikinang na ginto. Gusto ko silang irapan isa isa sa paraan ng pagtitig nila sa akin dahil naiiba ako. Nagbaba ako ng tingin at ikinuyom sa hita ang mga kamay. Nagpipigil ako na magsimula ng away. "Kasama mo si Jax?" Hindi napigilang gulat na bulalas ng isa. Hindi ko alam kung sino sa kanila sapagkat napako sa pagkain ang tingin ko. "Who's with Jax? Jaxsen Dawson?" Ako ang tinanong ng katapat kong babae ngunit maarteng boses ang sumagot. Boses ito ng isa sa mga babae na kararating lang. Tumigil ang babaeng nagsalita sa gilid ng lamesa at itinukod ang isang kamay doon. Nasa nagtanong ang tingin niya subalit nang mapansin na nasa akin ang titig ng mga babae'y lumipat ang kuryusong mga mata nito sa akin. Ngayon lang yata napansin na may ibang tao. Tumaas ang kilay nito at hinarap ako. "Sino ang kasama ni Jax? Ito ba?" Nakangisi niya akong ituro. Naaninag ko ang malalantik na daliri niyang nababalutan ng mamahaling nail art ang kuko. Mataray at nangmamata nitong pinasadahan ng tingin ang kabuuan ko. Kahit nakayuko nakikita ko ang mga kilos nila. Taas noo akong nag-angat ng tingin nang matantong bakit ako magpipigil na sumagot dahil lang mas mayaman sila. Mas makinis sa akin ang kanilang mga balat. Nakaayos ang kanilang mga buhok at nakabihis ng mga mamahalin na gamit. Oo, mataas sila. Ngunit hindi porket nasa itaas titingalain ko na at katatakutan. Inisa isa ko silang tiningnan. Sarkastiko ang mga ngisi nila at karamihan ay tumataas ang kilay pagkatapos akong titigan. "Jeralyn," narinig kong tawag sa kanya nang isa pang babae na bagong dating. Lumapit ito at katulad niya'y tumayo rin sa gilid ng lamesa. "Isn't Jax your ex boyfriend?" Ang mariin at malamig na titig nito sa akin ay inilipat niya sa nagtanong sa kanya. "He's not my ex, Coleen. We didn't broke up." "Oh? If he's not your ex, you mean he's still your boyfriend?" "Yes," mayabang at walang kurap na sagot nito. "Really?" Natatawang singit nang babae na nakaupo sa harapan ko. Sa palagay ko'y siya 'yong gulat na unang nagtanong sa akin kanina nang makitang lapitan ako ni Jax. Mapang-asar itong ngumiti sa nagngangalang Jeralyn. Naghalukipkip ito, nagdekwatro, at tamad na sumandal sa likod ng upuan. "If you two are really still together. Bakit iba ang kasama niya?" Umangat ang isang kamay nito. Itinuro niya ako ngunit nakay Jeralyn ang kanyang mga mata. Umabante ang isa pang kasabayang dumating noong Jeralyn. Umiling ito sa babaeng nasa harapan ko. Mukhang magkakakilala silang lahat at iniiwasan nila na magkasagutan ang dalawa. "Don't start, Aisha-" "Bakit, Rose? Hindi ba't pare parehas nating alam na wala rito ang totoong girlfriend niya?" "Matagal na silang wala ni Georgina! Kaya nga naging boyfriend ko siya dahil naghiwalay sila!" namumulang ipinagtanggol ni Jeralyn ang sarili niya. Malakas na humalakhak si Aisha. Parang tawang tawa siya sa pagiging delusional ng kaharap at kulang na lang ay mapahawak ito sa tiyan. Pareho silang namumula. Namumula sa sobrang pagtawa si Aisha. Samantalang namumula naman sa galit at pagkapahiya ang huli. Salitan kong tiningnan kung sino ang susunod na magsasalita sa kanila. May namumuo pa yatang tensyon sa grupo na ito at mukhang ang presensiya ko pa ang pinagmulan ng away nila. Kung walang kasama si Jax na babae, hindi sila magtatalo. "Paano mo naging boyfriend si Jax? Bakit Jeralyn? Niligawan ka ba niya? Bakit hindi mo tanungin si Charlene at Mhariel? They witnessed how Jax's courted Georgina-" Natigilan si Aisha. Nanlaki ang mga mata niya at napatayo nang sabuyan siya ni Jeralyn ng alak na hawak ng katabi nitong babae bago pa siya matapos sa sinasabi. "You shut up!" "Make me! You b***h!" Sabay lapit kay Jeralyn at hila sa buhok nito. Napairap ako at marahan na tumayo. Napailing ako at bumuntung hininga nang makalabas sa dining. Hindi ko na nasundan ang pagtatalo nila. Nang tumayo 'yong Aisha nagsimula silang paglayuin ng mga kasama nila. Sa tingin ko nga, walang nakapansin na nakalabas na ako ng dining. Balak kong sumagot kung pupuntiryahin nila ako. Nakaiwas lang ako dahil nauna silang magsagutan. Georgina? Hindi pamilyar sa akin. Siguro, isa sa mga naging babae niya katulad nina Maya at noong Jeralyn na inaari si Jax bilang boyfriend. Pagkaliko ko sa hallway palabas nagkagulatan kami ng lalaking pinag-aawayan ng mga babaeng nasa loob. Muntik pang matapon sa akin ang hawak niyang tubig. "Bakit nandito ka? Halika sa loob-" "Could you please stop being a fvckboy?" Pagalit na putol ko sabay agaw sa inumin na hawak niya. "What?" Naguguluhan ang itsura niya dahil wala naman siyang ginawa kundi ang ikuha ako ng pagkain at tubig pero pagbalik niya galit na ako. Nauhaw ako dahil sa mga nag-aaway na babae sa kanya! Diretso kong ininom ang tubig at wala nang laman nang ibalik ko iyon sa kamay niya. Masama ang tingin ko sa kanya habang pinupunasan ko ang natirang tubig sa aking mga labi gamit ang likod ng aking kamay. "I said stop playing as casanova... Or else karma will severely hit you back, Jax."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD