"Gosh! Clementine!"
Nagulat si Cathy sa tabi ko at natigil sa pagpapatuyo ng kamay. Hindi ko sadya at hindi ko napigilang isigaw iyon nang maalala ang nagawa ko. Kung makaungol ako kanina, akala mo'y boyfriend ko siya. Hiyang hiya ako sa sarili ko. Wala na yata akong mukhang maihaharap pa kay Jax.
"Okay ka lang? Hindi ka nakasagot kanina 'tapos ngayon bigla bigla kang sumisigaw."
Alam kong nakatingin si Cathy sa akin sa salamin. Tumango lang ako bilang sagot na okay lang ako at naghilamos ulit ng mukha. Pagkatapos na pagkatapos ng unang subject, niyaya ko siya rito. Kinailangan kong maghilamos ng paulit ulit para mahimasmasan sa nangyari.
I can't believe Jax made me moan outside the school with just his single finger! Hindi ko kayang makinig sa lesson kanina dahil naiwan sa puno ang ulirat ko. Bigla na lang napapaawang ang mga labi ko at natutulala sa harapan habang nasa gitna ng klase. That feeling was so foreign and new to me. But I will admit that it felt... good. I groaned and bit my lower lip hard because I feel like his long and rough finger is still thrusting inside me until now.
Kahit oras na ang lumipas pakiramdam ko'y nanatili ang daliri niya sa loob ko. Hindi mawaglit sa akin kung gaano kahaba at kung gaano kagaspang iyon. Kung paano niya ginalugad ang loob ko na akala mo'y may inaabot na kayamanan. Sanay na sanay siya at kabisado kung saan sa loob ko ang sasalatin at patatamaan. Hindi nga siya nagyayabang lang nang sabihin niyang magaling siya dahil napatunayan ko iyon sa sarili ko kanina.
Kahit isang salita sa mga itinuro ng guro, walang pumasok sa kukote ko. Paulit ulit ko lang naisasara ang mga hita dahil kahit wala si Jax sa harapan ko, maalala ko lang ang nangyari'y nabubuhay ang init sa buong himaymay ng katawan ko. Hindi pa nakatulong na hindi niya ako hinayaan na ilabas ang kailangan lumabas. Ngayon tuloy, mas nasasabik akong maramdaman iyon.
I feel guilty because I have broken so many school rules. He kissed me in one of the rooms here which prohibited and inappropriate in school setting. And now, outside the school he... I halted thinking and groaned. Ugh! Damn him! That one of a hell underrated maniac!
Pumikit ako ng mariin at mahigpit ang kapit sa gilid ng sink. Bukod sa nakokonsensya'y nahihiya ako sa ginagawa ko. Kahit sabihin na sa labas ng school iyon, malapit pa rin sa school. Malayo man ang puno kung nasaan kami, may dumadaan pa rin na mga estudyante roon!
I know what I am doing is a death trap. Para akong kumuha ng kutsilyo at itinutok ko sa sarili ko. Para akong tumalon sa malalim na balon kahit hindi ako marunong lumangoy. Hindi ko nga lang mapigilan kahit na alam kong maaaring ikapahamak ko.
Bahagya akong umiling at mabagal na nagbuntong hininga. Hindi naman siguro ako magkakagusto sa kanya kung papayag ako sa offer niya? What I feel for him is just a overwhelming s****l tension. Nahawaan niya lang ako dahil sa mga bagay na natutuklasan ko sa kanya. It's probably just lust and temporary s****l desire.
"Ano naman kayang ginagawa ng grupo nila diyan?"
Nasa sahig ang mga mata ko nang marinig si Cathy. Kalalabas lang namin sa banyo. Narinig ko ang sinabi niya ngunit hindi ko naintindihan kaya hindi na ako nag-abala na tingnan siya. Wala rin ako sa sarili para magtanong kung sino ang tinutukoy niya.
"Nasa tapat ng classroom ang grupo nila Jax. Tingin mo sinong pinuntahan nila diyan?"
Hindi ko pa tinitingnan ang sinasabi niya'y nahinto na ang mga paa ko. Nauna ng ilang hakbang si Cathy dahil sa pagtigil ko. Gulat akong nag-angat ng tingin at naroon nga sila Jax sa tapat ng pinto ng susunod na klase ko.
Tinitigan ko pang mabuti upang makasigurado na sila nga iyon. Hindi ko inasahang makikita ko siya kaagad sa araw na ito. Kadalasan, malapit na ang uwian saka ko siya nakikita. Malaki ang school at may kanya kanya kaming klase. Hindi rin naman sila nagpupunta at tumatambay dito noon. Kung wala sila sa field, nasa gym sila, o di kaya'y malapit sa bakod ng school para mag-inuman.
"Hoy! Halika na!" nang kinawayan ako ni Cathy saka lang ako nagpatuloy sa paglalakad.
Diretso ang lakad ko at balak silang lagpasan kung hindi ko narinig ang boses ni Peter. Tinawag niya ang pangalan ko at nakakabastos kung hindi ko siya lilingunin. Kahit naiilang ako sa ngisi ng katabi niya'y wala akong nagawa kundi kausapin siya.
"Kasama niyo si Irene sa klase?"
Tumango ako kay Peter.
"Oo. Nauna lang kami ni Cathy. Nagkita yata sila ni Dhustin."
Pinilit kong gawing normal ang boses kahit hindi normal ang t***k ng puso ko. Kinakabahan ako sa presensya ni Jax. Hindi man lang niya pinatagal ng limang oras bago magparamdam!
Sumimangot si Peter sa pangalan na binanggit ko. Nakaaway na rin kasi nila iyon sa kabilang school. Hindi ko alam kung bakit madalas silang mapaaway. Matino naman sila rito sa loob... hindi pala matino. Pero hindi sila palaaway sa mga kamag-aral at hindi naman nambubully. Sa tuwing may dayo lang na estudyante rito saka nagkakaroon ng gulo.
"Bakit sila nagkikita? Sinagot na ba niya iyon?"
Hindi ako nakasagot sa kanya dahil hindi ko mapigilang lingunin ang katabi niya. Tila ito nagpapapansin at umusog pa palapit kay Peter para maagaw niya ang paningin ko.
Nang magkatinginan kami'y sinuklay niya pataas ang kanyang buhok gamit ang mga daliri. Ayokong alalahanin ang nangyari habang nasa loob ng school subalit ngayong nakikita ko... o sadya niyang ipinapakita ang daliri niya'y pinapamulahan ako. Sinamaan ko siya ng tingin at bumalik kay Peter.
"H-hindi ko alam kung nanliligaw iyon. Tanungin mo na lang siya," sabay talikod at hinila si Cathy para sabayan niya akong pumasok sa loob.
Pinigilan kong manginig ang mga binti ko. Lalo't ramdam ko sa titig niya ang panunukso. Ingat na ingat ako sa paglalakad sa takot na mapahiya kung mapapatid ako. Maging sa pag-upo nagdahan dahan ako at para bang takot akong magkamali sa paningin niya.
"Nakatitig sayo si Jax."
Napansin na rin pala ni Cathy. Nasa harapan kami kaya kahit nasa loob na kita pa rin kami sa labas. Hindi ko maigawi ang mga mata sa pinto dahil kahit hindi ko tignan ramdam kong nakatitig sa akin si Jax.
"Nang-aasar lang iyan. Huwag mo na lang pansinin."
Sinikap kong hindi siya tignan hanggang sa marinig ko ang pag-alis ng grupo nila. Saka lang ako nakahinga ng maluwag. Pinilit kong maging maayos sa mga sumunod na klase. Dahil kung hindi, baka maging dahilan pa ito ng pagbaba ng grades ko.
Dumating ang break at nagkayayaan sa canteen. Marami kaming kasama dahil napagkasunduang mag-meeting na rin habang kumakain. Nalalapit na kasi ang fundraising at lahat kami'y gustong maging maayos ang kalabasan no'n.
Maingay at marami nang estudyante nang pumasok kami. Nauna roon sina Harry bilang President ng student council. Kasama si Cham na Treasurer namin. Sabay silang kumaway sa amin para mabilis silang makita. Sabay ding natawa dahil nagkasabay sa taas ng kamay.
"Mamaya na iyan! Order muna tayo!" Kakaupo lang nagrereklamo kaagad si Irene.
Tinawanan siya ng mga kasama namin at pinagbigyan dahil isang oras lang naman ang break. Pwede naman daw mag-meeting habang kumakain.
"Dito na ako sa huli. Mauna na kayo," pagpaparaya ko sa mga kasamang pumila. Hindi pa naman ako gaanong gutom.
Nang ako na ang kukuha ng pagkain. Nagulat ako nang hindi ako singilin ni Ate Amor, baklang tindera sa canteen.
"Binayaran na ni Jaxsen! Boyfriend mo ba iyon? Bakit biglang naging sponsor ng pagkain mo?"
"Binayaran ni Jax?" Kumunot ang noo ko.
"Oo! Nagbigay ng bente mil! Pang isang taon na pagkain mo na yata iyon dito!"
Nasa boses niyang tuwang tuwa dahil pabor sa kanya ang malaking pera. Nagtiim bagang ako at kahit ipilit ko ang bayad kay Ate Amor alam kong hindi niya 'to tatanggapin. Hindi niya ipagpapalit ang fifty pesos sa twenty thousand! Alam kong marami siyang pera, pero hindi ko naisip na babayaran niya ng libo libo ang pagkain ko. Sobra sobra pa nga iyon sa isang taon. Madalas akong magbaon dahil nanghihinayang ako sa pagbili ng mga pagkain sa canteen araw araw.
"Nasaan siya?"
"Ayun, oh!"
Umikot ako para hanapin ang itinuro niya. Nakikipagtawanan ito sa mga kagrupo. Nakasuot siya ng puting sumbrero pabaliktad at nakataas ang isang paa, nakapatong sa upuan na nasa harapan niya.
Napabaling siya sa akin at nagkatinginan kami. Bumaba ang mga mata niya sa pagkain ko at nag-iwas ng tingin. Kahit hindi siya nakatingin, tinitigan ko ang grupo nila. Kaya pala sobrang ingay pagkapasok namin. Sila pala ang maingay. Dinig na dinig sila sa buong canteen kahit nasa pinaka sulok na lamesa ang grupo nila.
"Anong ginagawa nila dito? Hindi naman sila dito kumakain."
Napaharap ako kay Ate Amor nang mapalakas ang pagkakasabi ko no'n. May kung ano sa mga mata niya. Susulyapan niya si Jax at nangingiti na titignan ako.
"Baka binabakuran ka? Hayaan mo at sikreto lang natin ito. Hindi ako magk-kwento sa iba-"
"Kahit magkwento ka po. Wala naman po kaming relasyon-"
Natigil ako nang itaas niya ang kamay niyang bagong manicure at hampasin ako ng malakas sa balikat. Napangiwi ako. Ang bigat ng kamay!
"Sus! Itatanggi pa! Dumaan din ako sa ganyan noong dalaga pa ako!"
Napailing lang ako sa panunuksong nakapaloob sa boses niya. Noong dalaga pa raw siya, hindi naman siya naging dalaga.
Pagkabalik ko sa upuan. Nakihingi si Irene ng pagkain sa akin. Ngayong alam ko na kung saan ang pwesto nila Jax, hindi ko na tuloy mapigilan na mapalingon sa kanya. Sa tuwing mag-aangat ako ng tingin, siya ang hinahanap ng mata ko. Nahuhuli ko rin siyang nakatingin sa akin. Nagkakasabay kami ng angat ng tingin kaya't napapaiwas ako.
Hindi pa tapos sa pagkain at kasisimula lang ng meeting, nakaramdam na ako ng vibrate sa bag. Awtomatikong napunta kay Jax ang atensyon ko. Kabababa niya lang sa telepono. Nasa akin ang cellphone niya pero may ginagamit siya ngayon. Iyon yata 'yong binibigay niya sa akin na hindi ko tinanggap.
Nang magkatinginan kami, napayuko ako at kinuha ang telepono sa bag. Sa pagkakaalam ko'y wala akong numero niya. Naka-save ang pangalan niya rito at nasisiguro kong pinakialaman niya ito habang nasa kanya.
Jax:
I'm going to Peter's house later. Do you want to come?
Nakalabi at kunot noo kong binasa ang mensahe niya. Isang beses ko siyang sinulyapan bago nagtipa.
Me:
Anong gagawin mo doon?
Pagkapos kong itanong iyon ay sinubukan kong makinig sa meeting. Tinignan kasi ako ni Harry at baka isipin na hindi ako nakikinig. Kahit ang totoo, wala talaga akong maintindihan. Nang mag-vibrate ulit ang phone ko, hindi ko mapigilang silipin iyon.
Jax:
May dadaluhan kami. Birthday ng kaibigan ko. Sa bahay nila Peter magkikita kita.
Hindi ko na siya tinignan at mabilis akong nagreply. Naiiwan na ako sa meeting. Nakaw na oras na nga lang hindi pa ako nakikinig.
Me:
Pag-iisipan ko.
Nagpangalumababa ako at pasimpleng iginalaw ang mga mata upang dalhin kay Jax. Nakakunot ang noo nito at halos nakabakas sa mukha ang irita. Tiim bagang itong nagtipa. Napapaisip tuloy ako kung anong tina-type nito. Pagkatapos niyang maipadala iyon. Binasa ko kaagad.
Jax:
Sasama ka. Samahan mo ako.
Base sa itsura niya kanina habang nagta-type, sa palagay ko'y nang-uutos ang paraan ng mensahe nito. Tama nga ako nang tignan ko siya. Masama ang tingin niya sa akin at nakabusangot. Inilingan ko siya at tuluyan na akong hindi nakinig sa meeting.
Me:
Hindi pwede. May praktis kami sa cheering.
Matagal siyang tumitig sa celllphone niya. Siguro'y nag-iisip ng isasagot. Maya maya nagtipa ulit.
Jax:
Saan ang praktis niyo?
Me:
Gym.
Jax:
Yayain ko muna sila Peter doon. Hihintayin na kita para makasama ka.
Nag-init ang magkabila kong pisngi. Nakanguso kong tinaliman ng tingin si Jax. Napaiwas lang ako nang kausapin ako ni Irene at hingin ang natira kong pagkain. Balak ko pang kainin iyon ngunit ibinigay ko na lang para hindi na mangulit.
Me:
Bakit ba kailangan kong sumama? Anong gagawin ko doon? Mga barkada mo iyon. Wala naman akong kaibigan do'n.
Hindi ko pa naibababa ang telepono sa aking hita, nag-vibrate kaagad iyon sa reply ni Jax. Pagkabasa ko kamuntikan na akong malagutan ng hininga.
Jax:
Dahil gusto kita... I mean... Dahil gusto kitang isama.
Awang ang mga labi kong napatingin sa kanya. Nagsisimula na naman mag-init ang mga pisngi ko kaya pinigilan ko na. Tamad siyang nakasandal sa upuan. Nag-iingay ang mga kaibigan niya maliban sa kanya na nakatitig sa akin at nilalaro ang telepono na nakalapag sa lamesa. Pinapaikot niya iyon. Pinanliitan ko siya ng mga mata. Mahina siyang natawa. Pinagt-tripan na naman ako ng gunggong na ito!
Nang magtagal ang tingin ko, tinaasan niya ako ng kilay. Gamit ang kanyang nakangiting labi'y ininguso niya ang teleponong hawak ko, sinesenyasan ako na magreply. Napairap ako at nagbuntong hininga saka nagreply tulad ng gusto niya.
Me:
Okay.
Hindi na mawala ang ngiti niya habang nagt-type. Inayos niya ang suot niyang sumbrero paharap at nagpatuloy sa pagtipa.
"Sinong kausap mo?" mahina akong siniko ni Irene.
Naramdaman ko ang pagpasok ng text ni Jax ngunit hindi ko muna iyon binasa at sinagot ko muna si Irene.
"Si Tatay lang," sagot ko sabay bukas muli sa telepono.
Jax:
Good. Magsuot ka ng mahaba sa praktis. Ayoko nang naka-maikling short ka.
Kinagat ko ang ibabang labi ko at patagong tumango kay Jax. Wala naman kasi talaga akong balak mag-short. Ibinalik ko ang telepono sa loob ng bag at hindi na nagreply.
Madalas kaming magkatinginan. Ako ang nauunang umiwas ng tingin bago pa may makapansin sa amin. Nalingunan ko rin kasi si Ate Amor na parang kinikilig at salitan ang tingin sa amin ni Jax. Nagkamali pa siya ng bigay sa pagkain na inorder ng bumili sa kanya.
Sampong minuto pa bago ang susunod na klase'y nagtungo na kami sa kwarto. Mabilis lang tumakbo ang oras at natapos ang lahat ng subjects. Kasama si Irene, Paolo, Christian, at iba pang mga babaeng kagrupo'y nagtungo kami sa gym.
Bakante ito ngayon. Ilan ilan lang ang narito na mga nag-e-ehersisyo at nakatambay na estudyante. Hindi na ako nagulat nang makita ang grupo roon nila Jax. May dalang bola si Peter at nakikipaglaro kay Jigs. Si Jax at ilan sa mga kagrupo nila, nasa bleachers lang at nanunuod. Sabay sabay na gumawi ang tingin nila sa amin nang pumasok kami.
"Kaya pala nagyaya dito si Peter kasi nandiyan si Irene!" Nagtawanan ang mga kasama nila.
"Tarantado! Hindi ako ang nagyaya! Si Jax!"
Pinamulahan si Irene. Lumapit siya sa akin at inangkla ang isang kamay sa braso ko.
"Si Jax daw ang nagyaya? Gusto akong makitang sumayaw ni Jax? Nakakahiya! Dapat galingan ko!"
Nawiwirduhan ko siyang tiningnan. Mas matangkad ako sa kanya kaya medyo nakayuko ako. Halos maglambitin na siya sa akin. Bumabagal tuloy ang paglalakad ko. Nang kurutin niya ako sa braso, pilit ko siyang nginitian at tumango.
Hindi ko pinansin ang panunuod nila Jax. Ayokong magkamali kaya mas inigihan ko ang pagsayaw. Nakaupo lang siya noong una. Nakadekwatro at pinaglalaruan ng isang kamay ang ibabang labi. Nang dumating na sa pagbuhat sa akin at ng dalawa ko pang kasama sa sayaw, bigla siyang napatayo at nagpamewang. Lumapit pa siya ng kaonti na naging dahilan ng pag-uga ng tuhod ko. Mabuti na lang at magaling magbuhat si Christian. Naalalayan niya ako kahit muntik na akong bumagsak.
Hindi maganda ang timpla niya lalo't ilang beses akong binuhat sa harapan niya. Napapanuod niya naman ako dating binubuhat. Pero hindi katulad ngayon na nasa tuktok ako at tatlong tao ang taas para sa porma ng pyramid. Masiyadong mataas at maaari akong mabalian kung hindi sadyang malaglag. Natapos ang praktis. Nauna na ang ilan na magbihis. Ako ang huli dahil kinausap pa ako ng corgeographer.
Pagod at puno pa ng pawis ang damit akong pumasok sa locker room. Naghubad ako ng pang itaas na damit at binuksan ang locker ko. Pagka-abot ko ng malinis na damit, isinara ko iyon.
"Jax!" gulat na sigaw ko at napaatras.
Nakapahawak ako sa dibdib ko at muntik nang malaglag ang puso nang pagkasara ko sa pinto ng locker ko, tumambad ang galit na anyo niya. Nakatagilid siya. Nakapamulsa. Ang isa niyang balikat ay nakasandal sa katabi kong locker. Kaya pagkasara ko, nagulat ako na may tao roon.
"Kanina ka pa ba rito?" tanong ko nang medyo kumalma. Ibinaba ko ang kamay na nasa dibdib.
Hindi siya sumagot. Wala sa mata ko ang tingin niya kundi nasa dibdib kong nakalitaw at taas baba. Nakasuot naman ako ng bra at ilan beses na rin niyang nahawakan ito kaya inuna ko munang tanungin siya bago magbihis. Kung nauna ako sa kanya, dapat maririnig ko siyang pumasok. Pero wala siyang ingay na nakalapit sa akin kaya nasisiguro kong kanina pa siya rito.
Umayos siya ng tayo. Hinila niya ako sa braso at isinandal sa locker. Hindi ako pumalag at nakatingala lang sa kanya. Nasa gilid ko ang isang kamay niya at ang isa ay nasa bulsa. Niyuyuko niya ako at galit pa rin ang mga mata. Hindi niya pa ibinubuka ang labi niya, mukhang alam ko na ang dahilan.
"Bakit ikaw ang nasa itaas? Makipagpalit ka ng pwesto mo-"
"Hindi pwede! Final na 'yong routine na iyon!"
"Paano kung malaglag ka?"
"Matagal na akong sumasayaw, wala ka pa rito! Sanay na ako! Ihahagis pa nga ako sa actual-"
"What?! Ihahagis ka?!"
Kung may tao sa labas siguradong dinig hanggang doon ang boses ni Jax. Mabuti na lang at tapos na silang gumamit lahat at ako ang huli. Walang makakakita at makakarinig sa amin na magsigawan.
"Oo-"
"Ayoko," iling niya at mas nagalit ang mata. "Magback out ka. Hindi kita papayagan."
Laglag panga ko siyang tinignan. Sumeryoso ang mga mata niya at alam na hindi ako magpapapigil kahit anong bawal niya.
"Bakit hindi mo ako papayagan? At bakit ikaw ang magd-desisyon sa akin? s*x lang ang alok mo Jax at hindi ang maging girlfriend ako para pagbawalan mo!"
"Kung aalukin kitang maging girlfriend ko. Susundin mo ako kung hindi kita papayagan?"
"Hindi! Ayoko ngang maging girlfriend mo! Marami kang babae at ayokong mapraning kakaisip kung sino sa kanila ang sikreto mong kinakatagpo!"
Umawang ang labi niya. Hindi niya yata mapaniwalaan na tinatanggihan ko ang alok niyang maging girlfriend ako. Umalon ang lalamunan niya sa marahas na paglunok tsaka umiling.
"Wala akong babae-"
"Huwag mong sasabihin na wala! Huling huli ko na ang gawain mo!"
Naglaban ang parehas na matalim naming mga mata. Mariing nakasara ang mga labi niya at umiigting ang panga. Samantalang nakahalukipkip ako. Nakatingala sa kanya at tinataasan siya ng kilay. Sa huli, nag-iwas siya ng tingin at mahinang umusal ng mura sa gilid niya.
"Damn it..."