Lascivious Casanova 18

2463 Words
Sa lift ulit kami dumaan pababa. Nakasandal siya sa kabilang gilid malayo sa akin. Walang emosyon ang mukha niyang pinapanuod ang pagbaba ng numero at palagay ko'y galit pa rin. Nakatitig ako sa ginagawa niyang paglalaro sa hawak na susi ng sasakyan. Hindi niya ako sinulyapan kahit nang lumabas siya sa lift at nagtungo sa sasakyan. Nakikiramdam ako habang nasa biyahe. Tahimik kami sa loob ng sasakyan lalo't gabi na. Pinaglalaruan niya ang ibabang labi niya gamit ang dalawang daliri at mabilis ang patakbo na parang nagmamadaling maihatid ako. May kung anong bumara sa lalamunan ko nang matantong nagalit siya dahil hindi niya ako nagalaw. Kaya sa halip na humingi ng pasensya sa nangyaring pambibitin sa kanya, tumahimik na lang din ako. Pagkatigil ng sasakyan, bumaba ako na hindi nagpapaalam sa kanya. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng panlalamig sa kaisipan na iyon lang ang habol niya sa akin. Oo at inalok niya ako noon. Subalit sa tuwing naghahalikan kami at kaninang nasa kama niya kami, nawala iyon sa isip ko. Nawaglit sa isip ko na in-offeran niya ako ng s*x at iyon lang ang habol niya sa mga babae. Natigilan ako sa pagsara ng gate nang marinig ko ang pag-andar ng sasakyan niya. Sinundan ko iyon ng tingin at mabilis na nag-init ang mga mata. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Hindi ko naman siya gusto kaya dapat okay lang sa akin kung iyon lang ang gusto niya. Isa pa, kaya niya lang naman ako inalok dahil napansin niyang masiyado akong curious sa bagay na iyon. Nag-aaral pa kami pero pareho kaming hindi na bata. Magaling siya doon at kuryuso ako. Pareho kaming makikinabang sa isa't isa kung papayag ako. Pinigilan ko ang nararamdaman at nagpatuloy ako sa pagpasok sa bahay. Tulog na si Nanay ngunit si Tatay ay inabangan yata akong makauwi. Napatayo siya mula sa lumang kahoy namin na sofa pagkapasok ko't pagkasara ko sa pinto ng sala. "Ginabi ka?" kinabahan ako sa tanong ni tatay. Piping pinapakalma ko ang sarili at pasimple na nagbaba ng tingin upang sipatin kung maayos ba ang pagkabit ko ng butones sa suot na blouse. Sa unang tingin malalaman kaagad na kay tatay ko nakuha ang morena ngunit makinis kong balat. Mahigit kwarenta pa lang sila ni Nanay at hindi pa ganoon katanda. "Sorry po. May pinagawa lang po ang Senyora." Tumango siya at binuksan ang kaldero na may lamang pagkain. Sinisilip niya iyon habang nagsasalita. "Pinagmasahe ka raw ng Senyora?" Bahagyang nanlaki ang mga mata ko dahil hindi ko alam na iyon ang dinahilan ng Lola ni Jax. Mabuti na lang at nakatalikod si tatay at hindi niya nakita ang gulat na rumehistro sa akin. Nang humarap siya'y nakuha ko na ulit ang sarili ko. "Opo, Tay." Nakokonsensya ako. Pero kung sasabihin ko ang totoong ginawa ko, namin ni Jax, baka masaktan ako ni tatay. Kahit kasi mabait siya, istrikto siya pagdating sa akin. Kung hindi iyon si Senyora, nasisiguro kong hindi siya papayag. Tumango siya. Tinawagan daw sila nang Senyora pero hindi siya makatulog hangga't hindi ako nakakauwi. Kalaunan, pumasok na siya sa kwarto nila at ibinilin na initin ko ang luto ni Nanay kung sakaling hindi pa ako kumakain. Pahagis kong ibinaba ang bag sa kama at pabagsak ring naupo. Napatakip ako sa aking mukha at naalala ang mga ginawa namin ni Jax sa araw na ito. Hindi sadyang nakagat ko ang aking ibabang labi nang maalala ang pakiramdam ng labi niya. Napapikit ako ng mariin dahil hanggang ngayon ramdam ko ang magaspang na palad niya sa aking dibdib at ibabang katawan. Naisara ko ng mabuti ang mga hita at impit na umungol dahil sa kahihiyan. Nakita niya ang katawan ko. Ikinukumpara kaya niya ako ngayon sa mga naging babae niya? Base kay Maya at Miss Abadiano, tipo niya ang makikinis at mapuputing babae. Makinis nga ako pero hindi ako kaputian. Bumuntong hininga ako at tumayo para makapaghanap ng pantulog sa lumang cabinet. Sakto sa paghila ko sa terno ng pantulog ang malakas na pag-vibrate ng telepono. Nilapitan ko ang bag at nakita doon ang dalawang cellphone. Nadala ko ang sira kong cellphone ngunit hindi ko naibalik ang cellphone ni Jax dahilan ng pagmamadali. Iyon ang umiilaw, nagv-vibrate dahil may tumatawag. Napaupo ako sa lumang papag na mayroong malambot na kutson. Bumalik sa akin ang itsura ng kwarto niya. Sobrang ibang iba ang kinalakihan namin. Kaya pala nang lutuan siya ng pagkain ni nanay noon, nag-inarte siya at pinagdudahan kaagad na marumi iyon. Hindi siya sanay sa ganoong pagkain. Kahit narito sa probinsiya'y masarap ang pagkain nila sa mansion. May sarili silang chef doon subalit ang mga specialty ni nanay ang mas gusto ng matanda kaya madalas pa rin magpaluto ng ganoong pagkain kay nanay. Namatay ang tawag at pumalit naman ang pagpasok ng isang mensahe. Jax: Tulog ka na? Binasa ko iyon at nagdalawang isip kung magrereply ba ako o iignorahin na lang. Napasimangot ako nang maalala ang walang emosyon niyang mukha kanina. Ganoon din ang pag iwas niya ng tingin sa akin. Galit siya kanina kaya bakit nagt-text siya ngayon? Gusto ko siyang makausap o gusto kong pag-usapan namin ang nangyari kanina subalit kinain yata ako ng pride ko. Napairap ako nang muling umilaw iyon sa muli niyang pagtawag. Pagkatapos mo akong halikan at hawak hawakan, hindi mo ako kakausapin?! Nagpunta ako sa banyo at hinayaan iyon na mag-vibrate nang mag-vibrate. Pagkalinis ko sa katawan at pagbalik sa kwarto, naabutan ko pa ring umiilaw iyon. Pagalit kong kinuha iyon at isinaksak sa aking cabinet para hindi ko maramdaman ang pag-vibrate. Nakatulog ako at nagising. Nag-ayos at pumunta sa eskwelahan. Nagmamadali ako dahil nasobrahan sa pagtulog. Hindi ko naalala na madalas pa lang maghintay si Jax sa waiting shed. Bumagal ang paglalakad ko nang matanaw ko siya doon. Nagkatinginan kami. Nakasimangot siyang mabilis na tumungo sa akin. "Why do you always don't answer my calls and messages?!" Hinatak niya ako sa braso nang balak ko siyang lampasan. Napaharap ako sa kanya dahil sa ginawa niya. Gulat ko siyang tiningala. Hindi ko inasahan ang galit na salubong niya. Maiging nakaigting ang kanyang mga panga at madilim ang mga mata. "Ano? Iiwasan mo ako? Ikaw ang naunang humalik! Kaya bakit ikaw ang umiiwas ngayon?!" Awang ang mga labi akong umiling. "Hindi kita iniiwasan! Bitiwan mo nga ako! Magsisimula na ang unang klase ko-" "Hindi kita bibitawan kung hindi ka mangangako na sasagutin mo ang tawag ko!" Nanlaki ang mga mata ko at umahon ang inis. Nagtiim labi ako at pumalag. Nang mabitawan niya ako'y itinulak ko siya sa dibdib. Matalim ko siyang tiningnan na ikinakunot ng noo niya. "Bakit ko sasagutin?! Hindi mo nga ako kinausap pagkatapos ng nangyari kaya bakit din kita kakausapin?!" Bumukas ang mga labi niya at nawala ang pagkunot noo. Kumukulo ang dugo ko sa kanya noon sa tuwing kinakausap niya ako. Ngayon, nagagalit ako dahil hindi niya ako kinausap kagabi! Dahil ba hindi ko siya napagbigyan?! Dahil lang doon?! Dahil lang hindi niya nailabas ang libog niya?! Pinanliitan niya ako ng mga mata. Nang dumami ang dumadaan na mga estudyante ay hinatak niya ako sa pulso. Napakurap ako at huli na nang matanto kong isinandal niya ako sa puno kung saan hindi kami kita ng mga estudyante. Hinawakan niya ako sa batok at yumuko upang kuyumusin ako ng halik. Sinubukan ko siyang itulak ngunit nang paghiwalayin niya ang mga hita ko gamit ang kanyang tuhod ay nanghina ako. Tila kidlat sa bilis na pumaloob sa aking panty ang isa niyang kamay. Nanginig ako sa pakiramdam ng pagtatama ng pribado kong katawan at daliri niya. Malalalim ang pinakawalan kong singhap sa bibig niya at hindi makatugon. Nang pumasok ang dila niya sa aking bibig ay kasabay din ng mabagal na pagpasok ng daliri niya sa aking loob. "Ah!" pigil na daing ko. Napapikit ako ng mariin at napahawak sa braso na gamit niya para parusahan ako. Hindi ko alam kung pipigilan ko ba siya o lalong itutulak para mas bumaon. Katulad kagabi ay hindi niya iyon tuluyang ipinasok subalit sapat na ang kalahati niyang daliri para mapaluhod ako. Mula sa aking batok ay bumaba ang kanyang kamay upang saluhin ako sa bewang at tulungan akong makatayo. Nasa loob ko pa rin ang daliri niya na nagpatigil sa aking pumalag. Bumaba ang halik niya sa aking leeg at umakyat sa aking tainga. Nakadagdag sa nararamdaman ko ang pagpasok ng basang dila niya sa tainga ko, tinutukso ako at isinasabay ang pagpasok no'n sa unti unti ring pagpuno ng daliri niya sa aking loob. "Ah... Jax..." pinigilan ko ang braso niya nang makaramdam ng hapdi. Naikuyom ko ang aking isang kamay sa kanyang dibdib at bumaon ang mga kuko sa braso niyang hawak ko. Nakakapit ako sa kanyang polo at kumukuha roon ng lakas. Nahihila ko siya at pinipigilan na umalpas ang malakas na ungol sa aking bibig. Kahit masakit, hindi ako makapaniwalang nasasarapan ako! "Sinasadya mo ba? Sinasadya mo ba ito para mas lalo akong mabaliw sa kaiisip kung anong pakiramdam na nasa loob mo?" "Ah..." napasubsob ako sa kanyang dibdib nang gumalaw ang daliri niya na parang may kinakalabit sa aking loob. "How can I look and talk to you if all I can imagine is fvcking you hard? Gusto mo bang hindi ko mapigilan ang sarili ko at gawin iyon sayo sa loob ng elevator o sasakyan?" "Ah! Ah!" iyon lang ang tanging naisagot ko nang magsimulang gumalaw ang daliri niya. Marahan niyang hihilahin palabas at kapag nasa kalahati na'y ipapasok niya ulit paloob. Mahina siyang natawa at kinagat ang tainga ko. "Tangina... ang init ng loob mo..." bulong niya't katulad kanina'y pinatigas niya ang kanyang dila at inilabas pasok iyon sa aking tainga. Hindi ko tuloy malaman kung saan ko ba ibabaling ang atensyon ko. Sa daliri ba niyang gumagalaw sa aking loob o sa mainit niyang dila na nilalaro ang tainga ko. Bumilis ang galaw ng daliri niya. Ang braso niyang nakaikot sa bewang ko'y pinapanatili ako sa pwesto upang maisagad ng husto ang mahaba at mataba niyang daliri. Kahit nasa ibaba, naririnig ko kung gaano ako kabasa. Tumutunog iyon sa tuwing ilalabas pasok niya. Mula sa pagtatago sa kanyang dibdib ay nagawa kong tingnan ang ginagawa niya. Hindi ko kita ang kamay niya dahil natatakpan iyon ng suot kong palda. Subalit ang paggalaw ng kamay niya sa ilalim ng palda ko at ang paglabas ng ugat sa kanyang braso'y lalong nagpatindi sa init na nararamdaman ko. "Jax..." igilid ko ang aking ulo upang tignan siyang nakasandal ang noo sa aking balikat. Nahuli ko siyang nakatingin din sa ginagawa niya. Hinarap niya ako at parang naging isa ang isip namin nang sabay naming salubungin ang labi ng isa't isa. Mapusok ang mga labi namin at pinaglaban ang mga dila. "Hmm..." Nakukulong ang impit kong sigaw sa labi niya. Itinaas ko ang aking isang kamay at nangunyapit sa kanyang leeg. Sa tuwing may matatamaan siya sa loob ko'y malakas kong nahihila ang buhok niya. Umungol siya at nagmura sa aking labi. Tinawag niya ang pangalan ko at idiniin ang sarili sa aking hita. Sobrang tigas no'n na halos masaktan na ako. Marahan niyang ikinikiskis sa akin iyon kasabay ng ritmo kung paano niya pagalawin sa loob ko ang magaspang na daliri niya. "Uh... Fvck..." gigil niyang hinigop ang dila ko at nagmura. Para bang nahihirapan siya sa ginagawa niya. Natigil siya sa paghalik nang lumayo ako, tama lang para maharap siya. Nakatingala ako sa kanya at kulang na lang ay sambahin ko siya dahil sa pinaparanas sa akin ng daliri niya. Basa at mapula ang mga labi niya galing sa halik. Hinihingal siya't magulo ang buhok. "Jax... I'm..." hindi ko masabi kung ano ang tamang salita para sabihin na may gustong lumabas sa puson ko. Nakaigting ang mga panga niya at sa palagay ko'y alam niya ang nangyayari sa akin. Mahigpit lang ang hawak ko sa braso niya pero hindi ko siya pinipigilan. Am I still a virgin after this? Kung gagawin ba namin sa susunod, hindi na masakit dahil sa daliring nauna niyang ipasok sa akin? Ilang taon na ba ako at tila wala akong kamalayan sa mga ganito? O talagang eksperto lang si Jax kaya't marami siyang alam? "Shit..." mura niya at ibinaon ang kanyang mukhang sa aking leeg. Mas dumiin at dumalas ang pagbaon ng kanyang gitnang daliri. Marahan ko na ring sinasalubong iyon sa pamamagitan ng paggalaw ng aking balakang. Nanghihina kong naisandal ang likod ng aking ulo sa puno. Napatingala ako at pumikit. Nakasara ang mga mata ko ngunit hindi ko maisara ang mga labi. "Ah! Jax!" Ang mga daliri ko sa paa'y pilit namaluktot kahit nasisikipan sa suot kong sapatos. Pinigilan kong maipit ng aking mga hita ang kamay niya. Hindi ko nais na matigil iyon lalo at ramdam ko na ang papalabas na kung ano sa aking puson. "Jax! Bilisan mo!" sumikip ang loob ko at naipit ang kanyang daliri. Hindi ko na ma-kontrol ang mga isinisigaw at mas mahahaba kong daing. Ang dalawang kamay ko'y nagtulong nang kumapit sa kanyang leeg. Halos lumambitin na ako at ibigay sa kanya ang buong bigat. Naghahanap ako ng makakapitan habang pilit na pinapatatag ang mga tuhod. Sunod sunod ang impit kong singhap at handa nang isigaw ang masarap na pakiramdam at nagbabadyang paglabas. Subalit bago pa maabot iyon ay biglaan ang pagtigil ng kanyang kamay. Kahit namimigat ang talukap ng mga mata'y pinilit kong dumilat upang makita siya. Nasa loob ko pa rin ang daliri niya ngunit tumigil na iyon sa paggalaw. Mabilis pa ang paghinga ko at hindi pa humuhupa ang mabilis na t***k ng puso. Pagdilat ko'y nagkatinginan kami. Nakatitig na pala siya sa akin at seryoso ang mga mata. Mukhang kanina pa ako pinapanuod. "Why... why did you stop?" paos ang boses ko at wala pa sa sariling nagtanong. Gusto kong sabihin na magpatuloy siya. Hindi ko na nga lang nadagdagan ang sasabihin ko. Ang namumungay kong mga mata ay napalitan ng panlalaki nang imbis na ipagpatuloy ay hinugot niya ang kanyang daliri palabas. Nanlulumo kong sinundan ng tingin ang gitnang daliri niya. Nangingintab iyon sa pagkabasa. Gusto kong magmakaawa na ibalik niya iyon sa aking loob. Subalit pag-angat ko sa kanya ng tingin ay nakapinta na sa mapupulang labi niya ang mayabang na ngisi. "This is your penalty for giving me another blue balls last night. I'll give you your release if you make me c*m*. In that way, it will be fair." Laglag panga ko siyang tinignan. Napakurap ako at natauhan dahil doon. Inayos niya ang panty ko at ang palda kong umangat. Kinabig niya ako sa bewang at dinala ang kanyang labi sa aking tainga upang magbitaw ng babala. "Sagutin mo ang tawag o text ko sa susunod. Kung hindi mo gagawin iyon, gagawin ko ito sayo sa harapan mismo ng mga kaibigan mo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD