Hi Readers!
Uulitin ko lang na maraming sensitive scene ang LC, apart from s****l. Kaya kung medyo sensitive kayo, much better to stop reading this story. May mga offensive scene dito na maaaring hindi magustuhan ng mambabasa. Katulad na lang ng kay Silas na may ilang hindi kinaya ang torture scene. Hindi ko kasi pwedeng i-cut iyon dahil connected iyon sa 2nd Gen. Katulad dito na hindi ako magka-cut dahil kasama siya sa plot. Wala pa sa kalahati ang LC pero ngayon pa lang nagwawarning na ako.
Sa mga naghihintay po ng updates. Hanapin niyo ang mga social media na inilagay ko sa nakaraang update. Doon kasi ako nagpo-post kung kailan ang update o kung mag-a-update ba ako o hindi. And inform ko lang kayo guys. Hindi ako makakapangako ng mabilis na update. Palabasin ko lang sila sa banyo. Haha. After kasi ng INTOXICATED LOVE mag-focus muna ako sa school ng bagets ko. First priority ko muna study nila ngayon kasi hindi ko naasikaso last month. Thanks for reading!
-----Miss IYA-----
Isa pang malalim na halik ay hinila na niya ako palabas. Naroon si Peter paglabas namin ng banyo. Kahit nakainom at nahihilo, pinamulahan ako at naisip kung kanina pa ba siya diyan.
Walang pakialam itong humigop ng kape. Nang makita kaming lumabas sa banyo, itinuro niya kay Jax ang mainit na gatas at kape na katitimpla lang. Hindi natuloy sa pagtimpla si Jax kanina dahil bago pa siya magsimula sa paggawa, sinamahan na niya ako sa banyo.
"Papiliin mo na lang siya diyan kung anong gusto niya. Walang hot choco, hindi nakabili si Ate."
Pumikit ako ng mariin at pinilit na paayusin ang pakiramdam. Kaya ko namang tumayo pero hinayaan ko si Jax na nakaikot sa bewang ko ang isang braso. Pagdilat ko, nagkatinginan kami. Nanghingi siya ng pamunas kay Peter para sa basa kong mukha at nadamay na buhok. Pinaupo niya ako kung saan ako nakaupo kanina bago gumamit ng banyo. Nasa gilid ko siya at panay kuskos sa mukha at buhok ko. Habang pinupunasan ako, pinainom niya sa akin ang gatas.
"Gatas dapat ang iniinom mo. Hindi alak. Ayoko nang maulit ito, Clementine."
Tumango ako habang nakapaloob sa kamay ang mainit na mug. Hindi ko rin alam kung uulitin ko pa ito. Masakit pala sa ulo. At isa pa, kung anu ano ang nasasabi at nagagawa ko. Hindi pala ito maganda sa katawan. Nawawala ako sa wisyo. Pagkaubos ko sa gatas, kinuha niya sa akin ang baso at dinala sa sink.
"Hindi na kami magtatagal, Peter. Pakisabi na lang kay Ynah, salamat."
Nagtanguan sila at muli niya akong hinila palabas, patungo sa sasakyan niya. Ipinasok niya ako sa loob. Hindi niya muna isinara ang pinto. Ngayong nakainom ako, nakakaya ko siyang titigan sa mga mata. Para bang may mahika ang alak at nawalan ako ng hiya. Pati dignidad ko at delikadesa ko nilayasan na ako sa katawan.
"Anong gagawin ko sayo? Hindi kita pwedeng iuwi sa inyo nang ganito."
Ipinasok niya ang kanyang ulo sa sasakyan. Magkalapit ang mga mukha namin. Nasa dashboard ang isa niyang kamay at ang isa ay nasa sandalan ng inuupuan ko. Kinagat niya ang kanyang ibabang labi at tinitigan ako.
"Huwag mong kakalimutan ang ginawa mo ngayon. Nakainom ka pero hindi ka sobrang lasing para makalimutan mo ang ginawa mo bukas."
Pinamulahan ako. Natawa siya at inayos ang buhok kong basa pa rin galing sa sobra kong paghilamos. Lumagpas pala ang tubig sa mukha ko at umabot sa buhok. Kaonti na lang magmumukha na akong bagong paligo.
"Hindi ka ba pwedeng magpaalam na mags-sleep over ka muna kay Irene o Cathy? Pero doon ka matutulog sa akin?"
Lalo akong namula at doon pa lang nagawang mag iwas ng tingin. Nalalasahan ko pa rin hanggang ngayon sa labi ko ang matamis na alak. Ganoon din ang matamis na labi ni Jax. Kapag ganitong malapit siya at abot tingin ko ang labi niya parang gusto ko na lang siyang halikan at huwag nang magsalita.
"Nahihilo ka pa?"
Bumalik ang tingin ko sa kanya at tumango. Nakatulong naman kahit papaano ang gatas pero hindi nito tuluyang naanod ang lahat ng alak sa katawan ko. Tinignan niya ang labi ko at binasa ng dila ang labi niya. Nagbuga siya ng malalim na paghinga at yumuko para bigyan ako ng mabilis at mariin na halik. Mabilis lang iyon. Ni hindi niya ako binigyan ng pagkakataon na tumugon. Nang tapusin niya ang halik, mas malapit na ang mukha niya ngayon.
"Sa bahay ka muna? Patatawagin ko na lang si Lola sa Nanay mo-"
"Anong sasabihin mo? Mapapagalitan ako, Jax. Pagabi na," ngayon ko lang nahanap ang boses ko mula pa kanina. Ngayon ko lang naalala na maaari akong mapagalitan dito sa ginawa ko.
Tinitigan niya ako ng matagal. Nasa mga mata niyang nag iisip siya ng paliwanag. Pumikit ako dahil hanggang ngayon masakit pa rin ang ulo ko. Mapapansin ba nilang lasing ako? Namumula ako at basa pa ang buhok ko. Sa palagay ko'y magtatanong sila at baka mahalata.
"Si Lola na ang bahala doon. Sa kwarto ka muna-"
Napadilat ako.
"Sa sala na lang-"
"Matutulog ka sa kwarto ko," kinabit niya ang seatbelt ko. "Wala akong gagawin. Kung hindi ka nakainom, baka meron. I won't do that to you when you're drunk. I prefer you sober."
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay bumiyahe na kami. Ilang minuto lang, nakarating kami sa mansion nila.
Sa lift kami dumiretso para makapunta sa kwarto niya. Kung hindi masakit ang ulo ko, mas gugustuhin kong umakyat sa hagdan. Pinindot niya ang third floor. Habang umaandar iyon paakyat, tumataas din ang kamay niya.
"Jax," saway ko nang makarating iyon sa gilid ng dibdib ko.
Natawa siya at niyuko ako. Tinaasan niya ako ng kilay. Ang saya saya ng mga mata niya ngayon.
"Kanina halos lumuhod ka na sa harapan ko. Ngayon, pinipigilan mo ako?" May paglalaro sa paraan ng ngisi niya.
"Mas lasing ako kanina. Nabawasan lang ngayon-"
"Ang mga lasing, nagsasabi ng totoo. You were drunk, baby, and you told me you want me."
Napalabi ako at sinubukang alisin ang braso niyang nakapako na yata sa bewang ko. Tumunog ang lift. Kusa niyang inalis ang pagkakayakap ng braso sa akin para mahawakan ako sa kamay at hilahin palabas. Tumigil kami sa pinto ng kwarto niya. Pagkabukas no'n, madilim at malamig na kwarto ang bumungad sa amin. Hinila niya ako papasok sa loob. Nang magsalita siya'y bumukas ang lahat ng ilaw.
"Voice control," maikling paliwanag niya nang makitang nagulat ako. "Dito ka muna. Pumasok ka sa kwarto at humiga sa kama. Kakausapin ko lang si Lola," pagkasabi niya no'n, iniwan niya ako sa sala.
Sala, dahil ang kwarto niya'y parang buong bahay na! Pagkapasok namin sa pinto, ang inasahan ko'y kama ang bubungad katulad sa mga normal na kwarto. Pero hindi, pagkabukas ng ilaw, sala ang unang bumusog sa mga mata ko. May isang pinto at mukhang iyon ang tinutukoy niyang kwarto niya.
Pagkalabas niya, lumapit ako sa sinasabi niyang kwarto. Binuksan ko ang pinto at paggala ng mga mata ko'y napanganga ako. Mas malawak pa ang kwarto niya kaysa sa buong bahay namin! Hindi pa kasama ang balkonahe at malawak na banyo. Kung isasama ko pa ang sala sa labas triple na ang laki nito sa bahay namin o higit pa. Ang banyo niya ay purong salamin. Kung naliligo siya rito at nasa kama ako, kita kitang ko ang kahubdan niya.
Pabagsak akong napaupo sa kama at naisip ko kung gaano siya kayaman. Sobrang laki ng lupain ng Lola niya. Nakaya nga nitong ialok sa akin ang tatlumpung hektarya na hindi gumagalaw ang pilit mata. Na para bang piso lang sa kanya iyon at hindi niya iyon ikakahirap. Bukod doon, ang balita ko'y sobrang yaman din ng Tatay niya sa Ireland. Nagmamay-ari ng malalaking kompanya at siya lang ang natatanging tagapagmana. Kahit humilata siya sa buong buhay niya, hindi siya maghihirap!
Humiga ako at dinama ang lambot ng kama at ang lamig ng buong kwarto. Ngayon ko lang naranasan na humiga sa ganito kalambot na kama. Ngayon lang din ako nakapasok sa de aircon na kwarto. May aircon ang ilang opisina sa school at sa opisina ng Lolo ni Jax, pero hindi naman katulad nito na pwede akong humilata at mag-relax.
Payak ang pamumuhay namin ngunit masaya. Gayunpaman, hindi ko mapigilan na isipin na sa ganito kami nakatira. Gusto ko itong iparanas sa mga magulang ko. Lahat naman siguro ng anak gustong mabigyan ng magandang buhay ang mga magulang nila bilang kapalit sa pagluwal sa kanila. Hindi dahil obligasyon ko iyon bilang anak, kundi dahil gusto ko lang bilang mabuting anak.
Dahil na rin nakainom at sa kumportableng higaan, hindi ko namalayan na nakatulog ako. Naalimpungatan ako na madilim ang paligid. Akala ko'y nananaginip lang ako kaya't bumalik ako sa pagtulog. Subalit sa pangalawang beses na magmulat ako, maliwanag na kaya't biglaan ang aking pag-upo. Napabalikwas ako ng bangon at hindi kaagad rumehistro sa akin kung nasaan akong kwarto.
Nagkusot ako ng isang mata. Parang ang bigat bigat no'n kahit kagigising ko lang. Naibaba ko ang aking kamay nang maaninag na may gumalaw sa gilid ko. Doon natuon ang paningin ko. Naroon si Jax. Tumayo siya ng maayos at mayroong bitbit na tray. Ibinaba niya iyon sa harapan ko sa kama at tumayo ng tuwid.
"Kumain ka muna. Pagkatapos mo, ihahatid na kita," turo niya sa mga pagkain at muling itinago ang mga kamay sa bulsa.
Wala pa ako sa sarili ngunit hindi na ako nahihilo. Nakatulong yata ang pagkakatulog ko para mawala ang tama ng alak sa akin. Niyuko ko ang sinasabi niyang pagkain. Kanin at tatlong putahe ng ulam. Hiniwang sariwang prutas. Orange juice at tubig. Hindi ako nakaramdam ng gutom pero kung hindi ako kakain kahit kaonti baka hindi niya ako ihatid. Hindi ko alam kung anong oras na. Sarado ang lahat ng kurtina, maging sa balkonahe hindi ko masilip ang labas mula rito.
"Eat. I'll wait for you to finish," naiiba ang boses niya ngayon kaysa kanina. Wala na ang pang-aasar sa tono niya.
Seryoso siyang naglakad sa paanan ng kama. Dumiretso siya sa pader hindi nalalayo sa akin. Sumandal siya roon at naghalukipkip sa harapan ko. May balak yata siyang panuorin ako at siguraduhin kung kakain talaga ako.
Umawang ang labi ko at susubok pa lang umayaw nang taasan niya ako ng kilay. Masungit ang mga mata niya na para bang hindi uubra kung hindi ako kakain. Sa huli, nagbuntong hininga na lang ako at nagsimulang kumain.
Pareho kaming tahimik at tunog lang ng mga kubyertos ang maririnig. Nilalamig ako sa malakas na aircon subalit mas pinapanayuan ako ng balahibo sa titig niya habang kumakain ako. Nahihirapan akong ibuka ng maayos ang mga labi ko sa kaalaman na may nanunuod sa akin.
Hindi ba pwedeng umupo na lang siya? Bakit nasa harapan ko pa? Para siyang bruha sa Hansel and Gretel na pinapakain ako para tumaba dahil mamaya ako naman ang kakainin niya!
Wala akong gana kanina. Ngayon, mas lalong hindi ako makakain dahil ramdam kong may nanunuod sa akin. Binitawan ko ang kubyertos pagkatapos ng tatlong subo. Inabot ko ang orange juice. Naubos ko iyon dahil mukhang mas uhaw ako kaysa gutom. Pagkababa ko sa baso, tiningnan ko siya.
"Ayoko na," maliit ang boses ko at parang bata na takot mapagalitan kung hindi kakain.
Nagtagal ang titig niya sa akin. Partikular sa labi kong mayroon pa yatang katas ng orange juice sa itaas ng labi. Nilubayan niya ang labi ko at tinignan ako sa mga mata. Naghahalo ang pagiging madilim at marahas sa mga mata niya.
"Are you sober now?" Paos na tanong niya.
Mabilis akong tumango para maihatid na niya ako. Hindi niya ako maihatid kaninang lasing ako. Siguro naman ngayon pwede na? Hindi na siguro ako maaamoy at hindi na namumula.
Humakbang siya palapit. Niyuko ko ang tray at inusog dahil inakala kong iyon ang kukunin niya. Napasinghap at napaawang na lang ang labi ko sa gulat nang sa halip na ang tray ang kunin ay ako ang kinuha niya. Hinablot niya ako sa batok. Hindi ko na nasundan ang nangyari. Ang alam ko na lang ay hinahalikan na niya ako.
Dilat ang mga mata ko dahil sa gulat. Kitang kita ko kung paano siya pumikit at palalimin ang halik. Ang malambot at mainit niyang dila ay gumalugad sa loob ng bibig ko. Tila sinisimot sa loob ang katas nang kaiinom ko lang na juice.
Ang kamay niyang humablot sa batok ko ay umakyat sa likod ng aking ulo. Ang isa niyang kamay ay umalalay sa likuran ko habang hinihiga niya ako. Nakahawak ang dalawang kamay ko sa kanyang braso. Hindi niya ako binigyan ng pagkakataon na tumanggi nang patungan niya ako.
"Wait, Jax..." padaing na bigkas ko sa labi niya nang maramdaman sa aking likod ang malambot na kama.
Nang maihiga niya ako'y tumigil siya at tinitigan ako sa aking mata. Nagsusumigaw ang pagnanasa sa mga mata niya.
"What? We want this, right?" Malambing niyang tanong.
Hindi ako nakasagot dahil nanibago ako sa malumanay na boses niya. I blinked my sleepy eyes as my lips parted. He didn't wait for me to answer. He just lowered his face and covered my lips with his.
Ang kalahating katawan ko'y nasa loob ng kumot. Samantalang nasa labas siya ng kumot at nakapaibabaw sa akin. Maingay ang t***k ng puso ko subalit tinalo iyon ng tunog ng kanyang halik. Sinipsip niya ang itaas na labi ko kung saan naroon ang katas ng natirang juice, sinunod niyang sipsipin ay ang aking ibabang labi, at sa huli ay sinakop niya ang buong bibig ko. Hinawi niya ang makapal na kumot na hindi pinuputol ang halik. Pumasok siya sa loob upang saluhan ako.
"Kiss me! Damn it!" Mura niya nang maghiwalay ang aming mga labi nang maghubad siya ng t-shirt.
Nagtama ang parehong mapungay naming mga mata. Mula sa kanyang mukha'y bumaba ang tingin ko sa kanyang katawan. Napalunok ako at hindi naging sapat ang juice upang mapawi ang aking uhaw. Akala ko ba'y maayos na ang pakiramdam ko at wala nang tama ng alak? Bakit ang pakiramdam ko ngayo'y mas mainit kaysa kanina nang hilahin ko siya sa banyo?
Kagat ang ibabang labi'y muling bumaba ang kanyang mukha upang sakupin ang labi ko. Kusang umawang ang mga labi ko upang pagbigyan siya. Inilambitin ko ang kamay sa kanyang leeg. Iginilid ko ang aking ulo at tumugon sa halik.
Narinig ko siyang nagbitaw ng malakas na mura at hinayaan ko ang kanyang isang kamay na kalasin ang butones ng suot kong blouse. Nang magtagumpay ay mabilis kong naramdaman ang palad niya na sumalo sa aking dibdib. Hindi ko alam kung paano niyang mabilisang natanggal ang hook ng suot kong bra sa likod. Napadaing na lang ako nang mula sa labi ko'y bumaba ang halik niya patungo sa aking dibdib.
"Ah! Jax!" malakas na sigaw ko, para akong tinamaan ng kidlat sa ginawa niya.
Gamit ang namimigat na talukap ay niyuko ko siya. Nasa akin ang mga mata niya habang patuloy sa pagdila, pagkagat, at pagsipsip sa tuktok ng dibdib ko. Hawak niya sa magkabilang kamay ang malulusog kong dibdib at salitan na nilalaro ang tuktok no'n.
"Jax!" paos na sigaw ko at nasapabunot sa kanyang buhok.
Unang beses kong maramdaman ito at hindi ko naisip na magiging ganito ang epekto nito sa katawan ko. Awang ang aking mga labi at hindi ko magawang isara. Nakatitig siya sa akin habang pinapanuod ko ang ginagawa niya.
Tinigilan niya iyon at pumaibabaw sa akin. Nailapat ko ang mga kamay sa matigas at hubad niyang dibdib. Namumula siya. Pareho kami.
"I told you I want you sober," saad niya at itinaas ang palda ko.
"Ahh! Jax!"
Pumikit ako ng mariin. Naibaon ko ng husto ang aking ulo sa unan nang pagka-angat niya sa palda ko'y hinila niya pababa ang garter ng panty ko dahilan upang maipasok niya ang kanyang kamay sa loob. Bahagya niyang pinaghiwalay ang mga hita ko at hinawakan ako. Dumilat ako na mabilis ang paghinga. May mumunting ungol na lumalabas sa nakaawang kong bibig dahil iginagalaw niya ang kanyang daliri sa aking gitna. Nasa labas lang iyon at kinakapa ako.
"Damn it! You are soaking wet!" Lalong nagdilim ang mga mata niya.
Umawang ng malaki ang bibig ko at napahawak sa kanyang braso nang subukan niyang ipasok ang isang daliri sa loob. Ang akala ko'y ipapasok niya iyon ng diretso subalit hindi pa iyon nangangalahati'y hinugot na niya palabas.
"Fvck it! You're so tight! I'll take you now!"
Hindi maputol ang pagmumura niya nang hubarin niya ang suot niyang short. Sinubukan niyang kalasin ang palda ko subalit hindi na yata makapaghintay kaya't sa halip na hubarin sa akin iyon ay inangat niya na lang iyon sa aking tiyan.
Mariin niyang pinisil ang pisngi ng pang upo ko at mula sa likod ay hinila niya pababa ang panty ko. Hindi niya pa tuluyang nahuhubad sa akin iyon nang magulat ako sa pagkabasag ng pinggan at baso. Napabaling ako sa gilid at ngayon lang naalala na naroon pa ang tray na naglalaman ng mga pagkain. Mukhang wala lang kay Jax iyon dahil nagpatuloy siya.
Para akong nakatulog at nagising sa ingay ng mga nabasag na gamit. Nagbaba ako ng tingin at nabigla sa ayos ko. Ang suot kong blouse ay nasa katawan ko pa rin. Nakatanggal ang lahat ng butones nito sa harapan at ang aking bra ay nakaangat. Nakalabas ang dalawa kong dibdib mula roon. Ang palda ko ay nasa aking tiyan. Nasa ibabaw ko si Jax. Nakatukod ang isang kamay niya sa gilid ko at ang isang kamay ay nakahawak sa aking panty. Pinigilan ko ang kamay niya at tinitigan siya sa kanyang mga mata.
"Jax, kailangan ko nang umuwi..."
Nanlaki ang mga mata niya at hindi makapaniwalang napatingin sa akin. Nabanaag ko ang irita at pamumutla sa anyo niya. Kung kanina'y namumungay ang kanyang mga mata, ngayon ay biglang nagalit.
"Fvck! Don't do this to me, Clementine! Do you know how many times have you given me blue balls?!" Nagmura siya. Hindi siya nagpaawat at nagmamadaling hubarin ang panty ko.
Napalunok ako at hinayaan siyang magmadali kahit nawala na ako sa ginagawa namin. Para siyang kabayo na nangangarera at hindi maaaring pahintuin.
"Jax, magdahan dahan ka!" sigaw ko nang marinig ang paglagutok ng panty ko dahilan ng bahagyang pagkapunit nito.
"Do you think I will fvck you gentle after what you said? Damn no!"
Nagmura siya nang mahubad sa isang paa ko ang panty. Nakasabit pa ang isang side ng panty ko sa aking kaliwang binti. Hinayaan niya iyon at hindi na hinubad. Hinawakan niya ang garter ng boxer briefs niya.
Bago niya iyon mahubad ay napatingin ako sa side table. May nagv-vibrate na cellphone doon. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang sa akin iyon. Malakas kong naitulak si Jax at nagmamadali akong isinuot pabalik ang panty ko. Napaupo ako at inabot ang telepono. Nagsasabi nga siya ng totoo na mas nabasag ang screen nito, pero kahit ganoon, nababasa ko pa rin na si Tatay ang tumatawag!
"Come on! Clementine!" Niyakap niya ako sa tiyan at pinipilit na pahigain ulit.
Hinawi ko ang kamay niya.
"Uuwi na ako! Tumatawag si Tatay!" Sabay nagkukumahog na bumaba sa kama.
Kinakabahan ako. Ni hindi ko na naisip na muntik nang may mangyari sa amin. Na nahubaran na niya ako. Nadilaan at nahawakan niya ang pribadong parte ng katawan ko. Ang tanging gusto ko na lang gawin ngayon ay makauwi!
Inayos ko ang damit ko at natatarantang nilingon si Jax. Nakaluhod siya sa kama at aburidong nakatingin sa akin. Nakaboxer briefs na lang siya at kahit gaano pa kaganda ang katawan niya'y hindi niyon mabawasan ang kaba ko. Namula ako nang makita ang malaking bukol doon na alam kong ako ang may gawa. Nagkatinginan kami. Mula sa iritadong mata'y sinubukan niya itong palamlamin.
"Let's just do this, please? It won't take an hour," nang-aamo ang boses niya, gusto akong mapapayag.
Umiling ako. Kahit sampong minuto lang, hindi na ako pwedeng magtagal. Hinanap ng aking mga mata kung saan naroon ang bag ko. Nasa magarang couch niya iyon. Lumapit ako doon at nagmamadaling hinablot.
Umikot ako paharap sa kanya at muling umiling. Kabado kong pinagmasdan ang pag-igtingan ng mga panga niya nang matanto niyang hindi ito matutuloy ngayon. Binasa niya ng dila ang labi niya at tumingin sa gilid saka bumuga ng hangin.
"Damn girl..." Napasuklay siya sa kanyang buhok. Napahilamos sa kanyang mukha at pumikit ng mariin bago tumayo at magbihis para maihatid na ako.