Lascivious Casanova 16

2272 Words
Ipinagkibit balikat ko muna iyon. Sa halip na palalain, inilaan ko na lang ang pag-iisip sa mga nadaraanan namin. Nang mapansin kong ibang daan ang tinatahak niya, napaahon ako. Hindi ito daan papunta sa kanila at hindi rin sa amin. "Saan tayo pupunta?" Sinulyapan niya ako at ibinalik din kaagad sa kalsada. "May pupuntahan lang. Sasaglit lang tayo, tapos uuwi na tayo." Hinayaan ko siyang magmaneho at hindi na umapila. Malapit lang sa bayan ang pinuntahan namin. Dalawang minuto lang yata, nakarating na kami. Mayroon doon malaking kubo na gawa sa bamboo at nipa. Ang likod nito ay open space at hindi kalayuan ay malaking bahay na bato. Sa loob ng kubo na sa palagay ko'y pahingahan ay mayroon mga nag-iinuman. "May okasyon?" hindi ko napigilang itanong pagkababa ng sasakyan. "Birthday ng kapatid ni Peter. Tumatawag ako sayo kanina kasi magpapa-alam akong dadaan muna tayo dito. Hindi mo naman sinasagot." "Nasa klase ako nang tumawag ka! Paano ko sasagutin?" Natawa siya at humingi ng pasensya. Inilapat niya ang kanyang kamay sa aking likod upang isama ako palapit sa mga nag-iinuman. Maraming babae at lalaki subalit nakahiwalay ang mga babae na mukhang nag-iinuman din. Magkaiba yata ang iniinom nila kaya hindi sila sa iisang lamesa. "Si Jax! May kasamang babae!" Mabilis ang naging panunukso sa kanya ng mga nakakita sa amin. Hindi nagtagal ay dumating ang iba sa mga kaibigan niya. Kasama niya yata sa sabong kanina dahil saglit na napag-usapan at pinaalam sa kanya kung sino ang nanalo. "Girlfriend mo, Jax?" babae ang nagtanong sa kanya at mukhang mas matanda sa amin. Natawa lang si Jax sa tanong nito. Hinila niya ako sa braso at inilapit sa babae. "Clementine, si Ynah. Ate ni Peter." Palakaibigan itong ngumiti sa akin. Binigyan niya ng makahulugan na tingin si Jax at nagulat ako nang hablutin niya ako sa pagkakahawak nito. Napabitaw si Jax sa braso ko at ang kapatid ni Peter na si Ynah na ang nakahawak sa akin ngayon. "Hihiramin ko muna siya! Doon ka muna sa mga lalaki!" Umiling si Jax at sinubukan akong kunin kaya itinago ako ng Ate ni Peter sa likod niya. Wala akong ideya sa pinag-uusapan nila kaya hindi ako kaagad nakapag-react. Wala rin akong ideya kung bakit nila ako pinag-aagawan. "Hindi siya pwede. Uuwi na kami. Dumaan lang ako-" Tumigil si Jax sa pagsasalita nang lingunin ako ng babae. Nagulat pa ako nang lingunin ako nito at panliitan ako ng mga mata na para bang tinatakot ako at kailangan kong sumang ayon sa sasabihin niya. "Uuwi na kayo? Birthday ko ngayon!" Umawang ang mga labi ko at napasulyap kay Jax para maghanap ng sagot. Tinanguan niya ako. Nais niya yatang isagot ko na kailangan na naming umalis. Ngumiti ako sa kapatid ni Peter. "Birthday ko ngayon!" ulit nito habang pinanlalakihan ako ng mga mata. Nakainom na yata. Napalunok ako. Hindi ako marunong kumausap ng lasing. Nakagat ko ang ibabang labi ko at nagbaba ng tingin sa suot kong relo. Okay lang sigurong manatili ng ilang minuto? Maaga pa naman at... Nanlaki ang mga mata ko nang hatakin niya ako hindi pa man ako pumapayag. Dinala niya ako sa lamesa ng mga babae. Sumunod si Jax at hinawakan ako sa braso. Nasa magkabilang braso ko ang kamay nila. "Hindi siya pwedeng uminom. Hindi naman iyan katulad ng mga tropa mo na malakas uminom-" "Sila Judy, Mavie, at Melody. Mga kaibigan ko," pakilala niya sa mga babaeng nakaupo sa pahabang kahoy na upuan. Hindi niya pinansin si Jax at sapilitan akong pinaupo sa gitna ni Judy at Melody. Nalulula ako at hindi makapagsalita. Ang bilis niyang kumilos na pati si Jax hindi na siya napigilan nang itaboy siya nito at itulak papunta sa lamesa ng mga lalaki. "Anong pangalan mo ulit?" si Ynah, matapos niyang tumabi kay Mavie. "Clementine po," magalang na sagot ko, mas matanda yata silang lahat sa akin. Pahaba ang lamesa at ganoon din ang mga upuan. Nasa magkabilang gilid ang mga upuan kaya kaharap ko siya. Nagtanong pa ang isa sa mga kaibigan niya kung papunta na ba ang iba. May hinihintay yata sila at dadami pa mamaya. Bahagya akong nakaramdam ng ilang. Hindi ako sanay sa ganito. Ni hindi pa ako nakatikim ng alak. Napapalunok ako habang pinapanuod kong magtimpla ng alak si Ynah. Panay rin ang kagat ko sa ibabang labi ko habang nakatingin sa katabi niyang nangsisindi ng sigarilyo. Nang mapabaling ang tingin ko kay Jax, inaawat siya ng mga kasama niyang lapitan ako. Pinagbilinan yata ang mga ito ni Ynah na huwag papalapitin sa akin. "Tagay mo, Clementine!" inabutan ako nito ng baso sabay hithit sa sigarilyong sinindihan ng katabi niya. "Gago ka, Ynah! Huwag mong patikimin ng sigarilyo iyan!" tumayo si Jax at napaupo pabalik nang hilahin siya ng mga lalaki. Natawa ang kapatid ni Peter. Hindi niya naman ako inaalok ng sigarilyo. Pumalatak si Jax nang makitang inabot ko ang baso. Titikman ko lang, sa totoo kasi, medyo curious din ako kung ano bang lasa nito. Nakatingin ang apat na babae sa akin, wala tuloy akong nagawa kundi diretsuhin ng inom iyon. Natawa sila at sumigaw pa ang katabi ko. "Kumusta? Masarap, 'di ba?" si Ynah. Maliit akong ngumiti at tumango. Mainit iyon sa lalamuna pero totoo ngang masarap. Hindi ko alam kung anong tawag dito sa alak na tinimpla niya. Basta matamis at lasang prutas. Sa pangatlong inom ko, dumating ang maraming babae. May tinukso pa doon dahil may gusto yata kay Jax. Nasa anim yata o pitong babae ang nadagdag. Nag-ingay sila at mas maraming alak na ang tinimpla. Hindi ko na napapansin kung naka-ilan na ba ako. Sa tuwing may iaabot silang baso tungga lang ako ng tungga. May tumigil na sasakyan. Si Peter ang iniluwa no'n na kararating lang. Nilapitan siya ni Jax at itinuro nito si Ynah. Umiling si Peter at lumapit sa kapatid. "Pakawalan mo na sila, Ate. Hindi pwedeng malasing iyan, baka maamoy ng magulang. Si Jax ang malilintikan." Sabay nila akong tinignan. Umiling ako. "Okay lang ako, Peter. Dito muna ako-" "Narinig mo iyon?" tumawa si Ynah na sinimangutan ng kapatid. Ayoko pang umuwi. Nang lumapit si Jax, nalungkot ako. Hinawakan niya ako sa kamay. Binawi ko iyon dahil ayoko pang unalis. Umupo siya sa tabi ko at pina-ikot sa bewang ko ang isang braso. "Dito muna tayo, Jax," nakalabing sabi ko nang hilahin niya ako sa bewang patayo. Gusto ko silang kasama. Masaya. At gusto ko pang uminom no'n dahil masarap. Malamig niya akong tinignan at mariin na pumisil sa bewang ko. "Uuwi na tayo. Iuuwi na kita," malamig din ang boses niya. Nagreklamo ang mga babae ngunit wala na silang nagawa dahil mahigpit na ang yakap sa akin ng braso niya. Kahit nang subukan nila akong hilahin hindi nila ako naagaw kay Jax. Sinalubong siya ni Peter. "Pagkapehin mo muna sa loob iyan para mahimasmasan. Baka maamoy ng magulang niya iyan kung ihahatid mo ng lasing." Akala ko kanina ayos pa ako. Subalit nang tumayo at maglakad, nakaramdam ako ng hilo. Nasa bewang ko ang kamay niya. Binitawan niya lang ako at pinaupo pagkarating sa lamesa. Lumapit siya sa mga gamit ng kusina at nagsimulang magtimpla ng kape. Umiikot siya sa paningin ko pero nasusundan ko ang galaw niya. "I think I need to go to the bathroom," paos ang boses ko. Mabilis niya akong dinaluhan nang tumayo ako. Umikot ang isang braso niya sa aking bewang at inalalayan ako papuntang banyo. "Huwag ka na ulit iinom! Paano kita iuuwi sa inyo?! Hindi ka naman papayag kung sa kwarto kita patutulugin!" Lalong sumakit ang ulo ko sa sigaw niya. Iginilid ko ang aking ulo at tinignan siya. Salubong ang kilay niya at nagngangalit ang panga. Wala sa itsura niyang natutuwa sa nangyayari sa akin. Kahit gano'n, mas gwapo siya ngayon sa paningin ko. Pagkapasok sa banyo, naghilamos ako. Gusto ko nang ipikit ang mga mata ko. Ganito pala ang pakiramdam nito. Masarap sa una, subalit masakit sa ulo. Nang magtagal ako sa banyo, kumatok si Jax. Lumapit ako doon at binuksan ang pinto. Pagkabukas na pagkabukas ko, galit na anyo ni Jax ang bumungad sa akin. Kunot noo niyang pinagmasdan ang basa kong mukha. "Ang kulit mo kasi! Dumaan lang ako dito pero wala akong balak na magtagal! Bakit hindi ka tumanggi?! Tignan mo nga 'yang itsura mo! Hindi ka naman umiinom kaya bakit-" He halted from talking and quickly closed his lips. Maingay siyang napalunok at salitan na tinignan ang mga mata ko. Mapungay ang mga mata kong nakatitig sa labi niya. Parang ang sarap no'n habang nagsasalita siya at pinapagalitan ako. "Clementine?" mahinahon na ang boses niya at akala mo'y hindi niya ako sinigawan ngayon lang. Tinigilan ko ang katititig sa mga labi niya at inilipat sa kanyang mga mata. Nasa pinto kami ng banyo. Walang ibang tao dito dahil nasa labas at nagsasaya ang lahat. Kinagat ko ang ibabang labi ko. Pwede rin naman siguro kaming magsaya rito? "Jax-" "Let's go home..." marahan niyang putol sa akin, nabasa yata sa mga mata ko ang gusto kong gawin. Nasa mga mata niya ang pagtutol. Lumapit siya at hinawakan ako sa bewang, hinihila ako palabas ng banyo. "Jax-" "We'll talk tomorrow, okay? Hindi ngayon na lasing ka-" Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin. Hinila ko siya papasok sa banyo. Sinara ko ang pinto. Itinulak ko siya sa tiles na dingding at tumingkayad para maabot ang mga labi niya. Ang lambot no'n. Katulad sa panaginip ko at katulad nang una niya akong halikan. Nagulat si Jax at pansin ko ang bahagyang panlalaki ng mga mata niya. Magkalapat lang ang mga labi namin dahil hindi ko alam kung paano ang gagawin. Nang makabawi siya, labi na niya ang unang gumalaw. Humigpit ang hawak niya sa bewang ko. Ang isa niyang kamay ay lumipad papunta sa likod ng aking ulo. Idiniin niya ako sa mukha niya at pinagpalit ang pwesto namin. Ako na ang nakasandal sa malamig na tiles ng banyo habang siya ay gutom na akong hinahalikan. "Jax!" tawag ko at sinubukang kopyahin ang galaw ng labi niya. Umungol siya nang makagat ko ang ibabang labi niyang may maliit pa ring sugat. Tila naging gatilyo ang ginawa kong pagtugon at lalo siyang nagdingas. Pumailalim ang kanyang kamay sa batok ko at hinila ang aking buhok pababa. Napatingala ako at naiawang ng maigi ang mga labi. Pumasok ang dila niya sa loob. Wala sa sariling sinipsip ko iyon na umani ng malakas na ungol sa kanya. Nagkaroon ng sariling buhay ang mga labi ko at nagawang sabayan ang nakakabaliw niyang halik. Pakiramdam ko'y hinihigop niya ako. Hindi ako makapag isip ng matino at tuluyan nang nalunod sa mga labi niya. Ang mga kamay ko'y naikawit ko sa kanyang leeg. Pumikit ako at dinama ang pagsasalin ng mga laway namin. Matamis ang labi niya at hindi lasang alak. Siguro hindi siya uminom at binantayan lang ako buong magdamag. "s**t! Clementine!" mura niya at ipinasok ang isang kamay sa suot kong blouse. Inalis niya ang pagkaka-hook ng bra ko sa likod at mabilis na sinakop ng palad ang aking dibdib. "Ah!" napaliyad ako at napasabunot sa kanyang buhok. Hindi pamilyar na tunog ang lumabas sa labi ko nang nanggigigil niyang ikutin ang tuktok ng dibdib ko. "Damn it! You are drunk!" sigaw niya sa paraang sinasaway ang sarili. Ngunit sa halip na tumigil ay mas nilaliman niya pa ang halik. Binuhat niya ang isang hita ko at ikinawit sa kanyang bewang. Iginalaw niya ang kanyang balakang upang iparamdam sa akin kung gaano siya katigas. Inulit niya iyon ng ilang beses at sunod sunod na nagmura. Kahit may suot akong manipis na pang-ibaba, nararamdaman ko 'yon na tumatama sa akin. Napakapit ako sa braso niya at sabay kaming napaungol habang magkahinang ang mga labi. Hindi ko na alam kung saan ako mas nalalasing. Sa alak ba o dito sa ginagawa niya. "Clementine..." bumilis ang paggalaw ng ibaba niyang katawan kasabay ng mga labi namin. Suminghap ako at bumitaw sa halik. Hinabol niya ang labi ko at nagpatuloy kahit hindi ako makatugon. Bumaon ang kuko ko sa braso niya at may kakaibang nararamdaman sa aking puson. "I want you, Jax!" hindi ko na makilala ang boses ko, hindi ko alam kung ako pa ba ang nagsasalita. Nanigas siya. Natigilan sa kahahalik at pasigaw na nagmura. Inilayo niya ang kanyang mukha sa akin at tinitigan. Binitawan niya ang hita ko at habol hiningang pinagdikit ang mga noo namin. "I want to slide my big c**k inside you! But not now that you are drunk! Damn it!" Kinagat niya ang ibabang labi ko at ang kamay na nasa aking dibdib ay gumapang pababa. Lasing akong nakatitig sa magagandang kulay niyang mga mata at hinayaan siyang iangat ang aking palda. Mabagal siyang humaplos sa aking hita paakyat, kinikiliti ako at sinasabik. Kinagat niya ang ibabang labi ko at hinila ito gamit ang kanyang ngipin. Suminghap ako nang makarating ang kanyang daliri sa aking panloob. Hindi iyon nangahas na pumasok at tumigil lang sa labas. Nakaramdam ako ng matinding pagkabitin nang tumigil ang daliri niya. Para bang gusto ko siyang utusan na magmadali at ipasok iyon sa aking loob. "Jax..." daing kong tila kandilang nauupos, maging ang tuhod ko'y hindi ko na rin maramdaman. Pumikit ako ng mariin nang gumalaw ang daliri niya paikot, tinatakam ako dahil sa sobrang dahan. I couldn't help but let out a small gasp as he's caressing me through my panties. Inilapit niya ang kanyang labi sa aking nakaawang na bibig. Marahan niya akong hinalikan at bumulong sa ibabaw ng aking labi. "When that happens... I'll promise to rip this little cunt, and I won't stop until you beg me to stop, Clementine."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD