Lascivious Casanova 15

3257 Words
CHAPTER 15 AND 16 PUBLISHED NOW. -----Miss IYA----- I stayed a few more minutes on his lap. He had already stopped kissing my neck and shoulders. Nakayakap na lang siya at nagpapakalma. Humahaplos ang mga kamay niya sa likod at bewang ko. Nasa leeg ko ang kanyang mukha at inaamoy na lang ako. Unti unti na rin ang pagkalma ng matigas na bagay sa gitnang bahagi ng kanyang mga hita. "Gamutin natin ang sugat mo?" Nakapikit ako at nanatiling nakasiksik sa kanyang leeg. Hindi ako gumagalaw sa takot na sugudin niya ulit ako ng halik kung maaabot niya ang labi ko. "Gamutin natin ang sugat mo tapos uuwi na tayo. Tuturuan mo ako ngayon-" "Bukas na lang, Jax. Ihatid mo na lang muna ako sa bahay." Sa tingin niya ba matuturuan ko siya sa lagay na ito? Ni hindi ko siya kayang tignan ng diretso sa mga mata pagkatapos ng halik niya. Nagulat ako dahil masiyado siyang mapusok at marahas. Para siyang leon na nabigyan ng pagkakataong sunggaban ang pagkain na matagal na niyang inaabangan. "Okay, huwag mo na muna akong turuan ngayon. Pero sa bahay pa rin kita iuuwi. Wala tayong gagawin. Gagamutin ko lang ang sugat ko." Naikuyom ko ang aking mga kamay na nasa dibdib niya. Ginamit ko itong panulak kanina para pigilan siya. Akala ko kanina, kumalma na ako. Hindi na yata mawawala itong pakiramdam na ito. Hindi na yata huhupa ang kilabot na hatid niya sa akin lalo at nakuha niya ang una kong halik. Hindi lang basta halik, hinayaan ko rin siyang hawakan ako. Hindi ko alam pero hindi ako naniwala sa sinabi niyang wala kaming gagawin. Hindi ko tuloy alam kung paano ko siya matuturuan sa mga susunod na araw na hindi ito mauulit. Kung sakaling maulit, hindi na ako sigurado kung maitutulak ko pa ba siya. "Sa... sa bahay ko na lang gagamutin... Gusto ko nang umuwi, Jax." Sinubukan niya akong silipin at nang makitang nakapikit ako, humalik siya sa aking pisngi at tumango. Tumayo siya at inayos ang natumbang hagdan. Habang nasa labas siya, nagmamadali akong nagbihis. Pagkabalik niya sa kwarto, siya naman ang hinintay kong matapos sa pagbibihis. Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng sasakyan. Tahimik akong pumasok at nagkabit ng seatbelt. Kanina pa kami tahimik at hindi na nag-usap. Pumasok siya sa loob ng sasakyan. Nang magsimulang umandar iyon, bumaling ako sa bintana. Pansin ko ang mabagal na paandar niya sa sasakyan dahil malinaw kong natatanaw ang mga tanimang dinaraanan namin. Kahit nasa bintana ang mga mata ko, nakikita ko sa gilid ng aking mata ang madalas niyang paglingon. Sa sumunod na lingon niya, mahina siyang umubo na parang kinukuha ang atensyon ko. Pinaparating sa akin na magsasalita siya at kakausapin ako. Hindi ko iginalaw ang ulo para tignan siya. Nakapirmi ang tanaw ko sa labas ngunit naghihintay kung anong sasabihin niya. "Kung tatawag ako mamaya. Sasagutin mo ba?" Lalong bumagal ang paandar niya sa sasakyan nang matanaw ko ang scarecrow na ginagawang panakot sa mga ibon sa maisan. Malapit na kami sa bahay dahil hindi kalayuan dito ay taniman ni Tatay. Huminga ako ng malalim bago sumagot. "Kung may sasabihin ka. Sabihin mo na ngayon para hindi ka na tumawag." Bahagyang kumunot ang noo ko. Hindi ko alam na nakakainip pala kapag ganito kabagal ang sasakyan. Naliliitan ako sa sasakyan para sa aming dalawa. Gusto kong magreklamo na bilisan niya pero ayokong masiyadong magsalita. Sariwa pa sa akin ang pakiramdam ng mga labi niya. "Wala akong sasabihin ngayon. Mamaya pa." Marahan akong pumikit dahil sa sinabi niya. Gusto ko siyang irapan at pagsabihan na tigilan ako subalit may malaking bikig na nakabara sa aking lalamunan. Ang dami kong gustong sabihin pero hindi ako makapagsalita. "Tatawag ako. Sagutin mo," kung kanina'y nagtanong siya, ngayon nasa tono niya na ang pag-uutos. Dumilat ako at kumuyom ang mga kamay na nasa hita. Ano bang plano niya sa akin? Nahalikan niya lang ako, akala niya pagmamay-ari na niya? Hindi ako um-oo at hindi rin ako humindi dahil kung tatawag siya mamaya hindi pa ako nakakapagdesisyon kung sasagutin ko ba o hindi. Sasagutin ko ba para patigilin siya sa ginagawa? Paano kung mas lalo niya akong kulitin kung sagutin ko iyon? Huminga ako ng malalim at ipinatong ang aking ulo sa upuan. Nanghihina akong pumikit. "Napagod ka?" tanong niya nang mapansin ang pabagsak na pagsandal ng ulo ko. Oo, pero hindi sa paglilinis. Gusto ko sanang sabihin ngunit pinili ko na lang na hindi umimik. Ang limang minuto lang sana na biyahe, nauwi sa labing limang minuto dahil sa bagal ng patakbo niya. Ramdam kong gusto niya akong kausapin ng matagal, hindi niya lang maipagpatuloy dahil hindi na ako sumagot sa huli niyang tanong. "Anong oras ka papasok bukas?" tanong niya pagkatigil ng sasakyan sa tapat ng bahay. Naghubad siya ng seatbelt katulad ko. Hindi ko siya mapagbigyan kahit isang sulyap. "Maaga," mahinang sagot ko at bumaba ng sasakyan. Bumukas din ang pinto sa side niya at sinabayan akong bumaba. Kagat ko ang aking ibabang labi at nakayuko ko siyang nilampasan. Alam kong pinapanuod niya ako hanggang sa makapasok ako sa gate ngunit hindi ko magawang mag angat ng tingin sa kanya. Hindi ko kayang salubungin ang mga mata niya pagkatapos niya akong halikan. Tumalikod ako. Malapit na ako sa pinto ng sala nang marinig ko ang pag alis ng sasakyan niya. Umikot ako at binalikan ng tingin kung saan huminto ang kanyang sasakyan kanina. Wala na siya doon. Nanlambot ang tuhod ko at napaupo sa upuang kahoy na nasa tapat ng bahay. Ngayon bumigay ang katawan ko. Napahawak ako sa aking labi at nanginginig ang mga kamay. Dinala ko ang aking isang kamay sa tapat ng puso kong ayaw tumigil sa mabilis na pagtibok. Tahimik ako kanina habang kasama siya dahil pilit kong pinapakalma ang sarili sa harapan niya. Ayokong isipin na may kahulugan iyon. Higit pa doon ang mga nagawa ni Jax sa mga babae niya. Hindi porket nahalikan niya ako, special na ako. Maaaring sa akin malaking bagay iyon dahil siya ang unang lalaki na nakahalik at nakahawak sa akin. Pero tanggap ko naman na sa kanya'y walang kahulugan iyon. Likas na sa kanya ang maraming babae. Hindi ko alam kung anong laro ang gusto niya, pero ang alam ko, ayokong mapabilang sa mga babae niyang paglalaruan at kapag sawa na siya wala na rin siyang pakialam. Kaya ang tamang gawin, huwag masiyadong magpaapekto. Halik lang naman iyon. Hindi ko na dapat payagan na lumagpas pa. Hindi dapat ako magmukhang apektado, at least hindi sa harapan niya. Kaya naman pagpasok kinaumagahan, inisip ko na lang na hindi iyon nangyari. Kahit pa siya ang nabungaran ko. Naroon siya sa waiting shed, sa parehong lugar kung saan niya ako inaabangan noong umuulan. Tumakbo siya palapit sa akin at muling nakisilong sa payong ko. Nakapayong ako noon dahil maulan, ngayon naman dahil mainit na ang araw. "Kanina pa ako. Akala ko ba maaga kang papasok? Hindi mo sinagot ang tawag ko!" bahagya siyang nakayuko. Matangkad siya kaya kailangan niyang yumuko para lang makasilong at hindi tumama ang ulo niya sa payong. Sinadya kong magpatanghali. Sinadya ko ring hindi sagutin ang tawag niya. Nag-isip isip muna ako bago pumasok. Ang sabi ko, hindi ako magpapa-apekto. Sabi ko lang pala iyon! E' kamuntikan ko na ngang mabitawan ang payong dahil sa panginginig ng kamay ko! Umirap ako at nagkunwaring naiirita para patunayang wala na sa akin ang nangyari. Halos hindi ako huminga para lang hindi siya maamoy. Papasok lang sa paaralan, bakit kailangan pa kasing magpabango? "Sinabi ko bang maghintay ka?!" inilayo ko ang payong para hindi siya makasilong. Natatawa siyang nagpumilit at sinubukan pang agawin iyon, kaya isinara ko na lang kaysa mag-agawan pa kami. Tinitigan ko siya habang hinaharot ako. Wala lang talaga sa kanya. Nakakatawa pa siya samantalang ako rito tuliro pa rin sa halik niya! Nagmartsa ako at iniwanan siya. Balak pa sanang sumunod kung hindi lang siya tinawag ni Peter sa field. Binigyan niya pa ako ng huling sulyap. Nang irapan ko ulit siya'y ngumisi siya at sumunod sa tawag ni Peter. Tumigil ako sa paglalakad at sinundan siya nang tingin na nagjo-jogging papunta sa field. Tinapik siya ni Peter sa balikat. May sinabi ito sa kanya na tinawanan niya. Bago pa niya ako ulit lingunin, umalis na ako. Pagkapasok sa klase, walang guro pero may iniwan na gagawin kaya tahimik kahit walang tao sa harapan. "Napano iyan?" si Harry pagkaabot sa akin ng report na ipapasa kay Miss Cabarce, english teacher naming mga senior. Lagpas na ito sa deadline na ibinigay niya. Napagbigyan lang kami dahil bumagyo at naging abala ang ilang mga volunteer students sa paglilinis. Magkasunod na araw din akong naglinis kaya't isa kami ni Harry sa mga napagbigyan. Sa labi ko siya nakatingin. Dahil sa ginawa niyang pagpuna sa sugat na nasa gilid ng labi ko, napansin na rin iyon nila Irene at Cathy. Maliit lang iyon, sinubukan kong takpan ng powder kanina kahit hindi naman ako nagsusuot ng make up. Nawala na siguro ang talab ng powder kaya halata na. Kay Jax, hindi ko na nabigyan pansin. Hangga't maaari kasi balak kong iwasang tignan ang mga labi niya. Baka bangungunitin na ako sa susunod kung uulitin pa niya iyon. "Patingin nga?" si Irene na hinila pa ako sa braso para maiharap sa kanya at tignan ang tinutukoy ni Harry. Kumunot ang noo niya. Kinabahan ako na baka nakita niya ang labi ni Jax na kapareho kong may sugat. Sa loob loob ko namumutla na ako. Baka magtaka siya kung bakit nasa parehong lugar ang sugat namin ni Jax. Baka isipin niya naghalikan kami ni Jax! Natigilan ako at saglit na natulala. Hinalikan niya nga pala ako? Pero hindi kami naghalikan dahil hindi ako tumugon! Siya lang ang humalik sa akin kaya hindi kami naghalikan! Kung naghalikan kami, sana hinalikan ko siya! Napasuklay ako ng mga daliri sa buhok at binasa ng dila ang mga labi ko nang maguluhan ako. Naguguluhan na ako. Pati sa sarili ko naguguluhan na ako. "Nakagat mo?" si Cathy. Tinignan siya ni Irene at kinunutan ng noo. "Nakagat? Sa gilid ng labi, nakagat?" "Bakit? Abot naman ng ngipin niya iyan, a! Subukan mo, sige!" Tila uto-uto na ginawa ni Irene ang sinabi ni Cathy. Sinubukan niyang kagatin ang gilid ng labi niya. Katulad ng pwesto kung nasaan ang sugat ko. Napangiwi siya nang makagat niya iyon na tinawanan ni Cathy. "Oh! Ano? Ayan oh! Dumudugo na 'yung labi mo! Ang tanga tanga mo!" Kung normal na araw lang, matatawa ako sa kanilang dalawa. Madalas kasi silang magtalo dahil magkasalungat ang mga opinyon. Ngunit sa halip na matawa, nakahinga pa ako ng maluwag dahil hindi na nila ako inusisa at abala na silang mag-away. Hindi ko na nasagot si Harry. Napatingin ako sa kanya dahil tahimik siyang nakatayo. Nahuli ko siyang pinanliliitan ako ng mga mata at parang malalim ang iniisip na nakatingin sa sugat ko. Nang magtama ang tingin namin, tinaasan niya ako ng mga kilay. Naghihintay siya ng sagot. Umiling lang ako bilang tugon na ayokong pag-usapan. Nagkibit balikat siya at sa huli'y naupo na't hindi na nagpumilit. I was tapping my forefinger on my chin, tahimik akong nakikinig sa prof na nasa harapan. I don't know if it's connected to his subject but the topic is about love and anger. He said that anger is also the result of love. According to him, anger is the most strongest emotion. Kapag nagagalit ang isang tao, mas nangingibabaw ang pakiramdam na iyon sa lahat. We can have a perfect love but when something happens that instill our anger, love can be forgotten. Magagawa nating itapon iyon sa bintana at kalimutan. Minsan nananaig ang pag-ibig, pero mas madalas na hindi. Nawala ako sa topic ng prof nang maramdaman ang sunod sunod na pag-vibrate ng cellphone sa bag ko. Noong una, naisip kong baka si Tatay lang iyon, pero natanto kong wala nga pala sa akin ang cellphone ko. Binalewala ko iyon kahit walang tigil ang pag-vibrate. Sinubukan kong bumalik at intindihin ang sinasabi ng prof sa harap. Tumango ako sa sinabi ng prof at mayroong natutunan. Tuluyan ko na sanang makakalimutan ang cellphone ni Jax kung hindi ko lang siya nasulyapan na sumilip sa pinto ng classroom. Isang mata niya lang ang kita roon at mukhang iniiwasan na mapansin ng mga kaklase ko. Nakalipat na sila sa kwarto nila dahil nalinis na ang first floor. Kaya anong ginagawa ng gunggong na ito dito? Nawala siya at nagtago. Ilang segundo lang, sumilip ulit. Tuluyan na akong nawala sa topic ng prof. Napunta na sa kanya ang buong atensyon ko at inaabangan na lang ang sunod na pagsilip niya. Sa pangatlong silip niya, nagtama ang tingin namin. Kaagad ko siyang tinaasan ng kilay. Ngumiti siya at itinaas ang kanyang kamay. Inilagay niya iyon sa kanyang tainga para isenyas na sagutin ko ang telepono niya. Inilingan ko siya at hindi na ulit binalikan ng tingin. Pinilit kong pinanatili sa isang direksyon ang mga mata ko, sa harapan lang kung saan nagsasalita ang prof. "Si Jax ba iyon?" namumulang tanong ni Irene, hinihila ako sa braso. "Si Jax iyon, 'di ba? Sinisilip yata ako!" Nang sumilip si Jax at napunang napansin na siya ni Irene, hindi na siya ulit sumilip. Kapalit no'n ay naramdaman ko ulit ang pag-vibrate ng cellphone niya sa bag. Umiling ako at binalewala ulit iyon. Hanggang sa matapos ang huling klase hindi ko na siya ulit nakitang sumilip. Tinanaw ko ang kalakhan ng field sa second floor. Hinanap ko si Jax para makaalis na kami at masimulan ko na ulit ang pagtuturo. Wala ang mga kaibigan niya kaya bumaba ako at nagtungo sa field para makapagtanong. "Si Jax?" si Peter ang napagtanungan ko. Nakatalikod siya kaya't malapad niyang likod ang nakaharap sa akin. Nang marinig niya ang boses ko saka lang siya humarap. Ang singkit niyang mata'y lalong lumiit dahil nanggaling sa pagtawa bago ako harapin. Mayroon din siyang hikaw sa kaliwang tainga. Ang narinig ko'y may gusto ito kay Irene, si Jax nga lang ang gusto ng huli. "Clem?" nakataas ang kilay niya at nasa itsurang nagulat sa paghahanap ko kay Jax. Lumagpas ang tingin niya sa akin at may hinahanap sa aking likod. Nang hindi makita ang hinahanap niya'y doon pa lang niya nagawang sumagot. "Nasa sabungan si Jaxsen. Bakit hinahanap mo? May kailangan ka?" Hindi ako nakasagot. Hindi ko alam kung alam nitong tinuturuan ko si Jax. Sa lahat ng naging tropa niya rito, si Peter ang pinaka malapit sa kanya. Kumbaga, kung sindikato sila, ito ang kanan kamay niya. "Oras ng tutor niya," simpleng sagot ko at pinagmasdan siya ng mabuti. Hindi nga ako nagkamali. Hindi ko siya nakitaan ng gulat kaya siguradong may alam siya. Tumango lang siya at pinaglaruan ang bola sa kanyang mga kamay. Nilingon niya ang mga kalaro at mukhang balak magpaalam para samahan ako. Pinigilan ko siya sa braso bago pa niya gawin iyon. Napatingin siya sa akin at nagtataka. "Hindi mo na ako kailangan samahan. Ako na lang. Sabihin mo na lang sa akin kung nasaang sabungan siya." Pagkasabi ni Peter kung nasaang sabungan si Jax, mabilis akong naglakad papunta sa mga nag-aabang na tricycle. Kasama raw nito sila Jigs at ilan sa mga kagrupo niyang ni hindi ko maalala ang mga pangalan. Si Peter lang ang nagpaiwan sa school. Medyo malayo kaya matatagalan ako kung lalakarin. Mapapagastos pa tuloy ako para mapuntahan siya! Pagkarating sa kabilang baryo, maingay kaagad na mga tao ang sumalubong sa aking pagbaba. Nagkakagulo sila, nagsisigawan, nagtatawanan, at nagsisiksikan. Kinagat ko ang dila ko upang mapigilan ang gustong lumabas na mura. Paano ko ngayon siya hahanapin dito?! Alangang makipagsiksikan ako?! Baka masiko pa ako habang nagc-cheer sila sa tinayaan nilang manok! Mahina akong pumadyak sa inis at napasabunot sa sariling buhok bago naalala ang cellphone niya. Dali dali ko 'yung hinanap sa dalang bag. Sa screen at dami ng camera pa lang, halata nang mamahalin. Makinis ang screen at nakakatakot hawakan. Baka malaglag ko at pagbayarin pa niya ako. Wala sa plano kong gamitin ito pero anong magagawa ko? Kaysa naman maghintay ako rito na matapos at magsi-uwian ang mga sugarol. Ni hindi ko nga alam kung nasaan ba siya banda rito. Kanina pa siya senyas ng senyas na mag-reply ako at sagutin ang tawag niya. Simula nang ipahiram niya sa akin ito, ngayon ko lang ito mabubuksan. Walang lock, pagkaswipe ko nabuksan kaagad. Simple lang ang wallpaper, unang tingin masasabi ko kaagad na lalaki ang may ari. Balak ko siyang tawagan nang may makitang limang missed calls. Nagbago nga lang ang isip ko nang makita ang hindi ko mabilang na messages niya. I remember him told me, he don't do text. Ito ba ang ibig sabihin niyang hindi nagte-text? Napalabi ako dahil kilalang kilala ko ang number na gamit niya. Ang sabi niya sira ang cellphone ko? Paano siya nakatawag gamit ang number ko kung gano'n?! Pinalampas ko iyon at nagsimula siyang tawagan. Sa unang tawag, hindi niya nasagot. Maingay at malamang ay hindi niya napansin na may tumatawag sa kanya. Sa pangalawa, ganoon din. Galit akong nag-dial sa pangatlong beses. Nasa isip kong kapag hindi niya pa ito sinagot, uuwi na ako! Hindi niya sinagot sa unang ring na nagpadagdag sa galit ko. Papatayin ko na sana at susuko na kung hindi niya lang sinagot sa pangalawang ring. "Nasaan ka?!" pagalit na tanong ko. "Clem?" "Oo! Ako nga! Sino pa ba?!" pilosopo kong sagot, hindi pa rin nauubos ang galit simula pa kanina. Masiyado nang malaking abala itong ginagawa niya! "Nasaan ka? Bakit parang maingay?" "Ikaw? Nasaan ka ba? Kung nasaan ka, nandoon ako ngayon-" "Nandito ka?! Nasaan?" naiimahe ko siyang lumilinga linga para hanapin ako. "Oo! At pauwi na ako! Magsugal ka na lang!" "Sandali lang, Clem!" awat niya. "Hindi ko alam na tatawag ka, pasensya na. Nagtanong ako kay Harry, ang sabi niya may meeting daw kayo kaya akala ko mamaya ka pa matatapos," mahabang paliwanag niya. May kumausap sa kanya na mukhang hindi niya pinansin dahil kausap niya ako sa telepono. "Nakansel ang meeting. Kung abala ka, uuwi na lang ako-" "Pupuntahan kita! Huwag kang aalis diyan!" Medyo lumakas ang boses niya dahil umingay. Nasa kalagitnaan na yata ng laban at mukhang may nakakalamang na. Hindi na ako nagsalita ulit dahil baka hindi niya lang din marinig. "Oy! Jax! Saan ka pupunta? Patapos na ito!" narinig ko sa kabilang linya, nagtanong siguro ang isa sa mga kasama niya. "Uuwi na! Sinusundo na ako! Sabihin mo na lang sa akin bukas kung sinong nanalo!" Napanganga ako at pinamulahan sa sagot niya. Binabaan ko siya ng tawag dahil sa pagkataranta. Nagtipa ako ng mensahe kung nasaan ako pero bago ko pa mai-send iyon natanaw ko na siyang nakalabas sa kumpol ng mga kalalakihan na nagsusugal. Hindi niya ako kaagad nakita. Nakakunot noo niyang tinignan ang telepono. Nagtataka siguro kung bakit walang sumasagot. Nakaawang ang mapupulang labi niya nang igala niya ang kanyang mga mata para hanapin ako. Wala pang limang segundo na paghahanap, nagtama na ang mga mata namin. Ngumiti siya at tumakbo palapit sa akin. Pinigilan kong ipakitang nagulat ako nang hawakan niya ako sa bewang at igiya papunta sa kanyang sasakyan. "Kanina ka pa? Dapat nagsabi ka na lang. Naghihintay lang akong matapos ang meeting niyo. Babalik din naman ako sa school para sunduin ka." Napatulala ako sa kanya. Naipasok na niya ako sa loob ng sasakyan, naiwan pa rin ako sa huling sinagot niya sa kasama niya nang magpaalam siya. Iba ang dating sa akin, o masiyado ko lang talagang nabibigyan ng kahulugan ang lahat ng ginagawa niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD