Wala ako sa sariling umapak sa eskwelahan. Tila ako multong nakalutang na naglalakad papasok ng school arc. Nang magising ako kanina, hindi na ako nakatulog sa takot na mapanaginipan ulit na hinahalikan niya ako. Mukhang bangkay tuloy akong naglalakad dahil sa sampong kilong eyebags ko.
Gusto kong makalimutan ang mga nakita kong ginawa niya at inalok niya sa akin sa loob ng opisina ng Lolo niya. Gusto kong kalimutan pero paano ko gagawin iyon kung kay aga aga siya ang makikita ko?
Pagkapasok ko sa klase nagkatitigan kaagad kami. Himalang nauna siya roon at wala pa ang mga kaibigan niya. Mabilis akong napaiwas ng tingin samantalang siya'y hindi ako nilulubayan hanggang sa makaupo. Napapabuntong hininga ako kasi kahit nakaupo na ako ramdam ko pa rin ang titig niya mula sa likod. Nakumpirma ko iyon nang maramdaman ko ang hininga niya malapit sa aking leeg. Ang isang braso niya'y nakapatong sa sandalan ko, dumukwang siya palapit.
"You're not answering my call last night-"
"Not here, Jax," patingin tingin ako sa pinto at inaabangan kung papasok doon ang isa kina Irene o Cathy.
"Sa susunod na tatawag ako, sagutin mo-"
"Oo na!" dali dali kong sagot nang matanaw si Irene na nakikipagtawanan sa isa sa mga kaklase namin na nakasabay niya sa pinto.
Mahina siyang natawa sa takot kong boses. Nakita niya si Irene at alam na niya kung bakit. Hindi ko alam kung anong gusto niyang patunayan. Alam niya naman na ayokong kinakausap niya ako sa loob ng school. Kung pupwede nga lang na huwag niya na rin akong tignan.
"So... you want to keep it secret? Magkakasundo tayo dahil ganyan din ang gusto ko."
Lihim akong nagpasalamat nang tumigil si Jax bago pa mapansin ni Irene na kinakausap niya ako. Napayuko ako at hinayaan si Irene na tumabi sa akin. Hanggang ngayon napapatingin pa rin siya sa akin at kay Jax na nasa likod. Hindi pa rin siya nakakausad mula noong nakulong kami ni Jax sa banyo.
Pagkatapos ng unang subject maingay na ang grupo nila Jax kaya't panandalian kong nakalimutan na nasa likuran ko lang siya. Pinag-uusapan nila 'yung naka-away nila sa kabilang school. Hinayaan kong nakalugay ang buhok ko. Hindi kasi ako panatag sa tuwing nararamdaman kong nakatitig siya sa aking batok.
Ni hindi ko alam kung nagsasabi ba siya ng totoo. Nasa akin ang cellphone niya ngunit kahit may tumawag pa roon hindi ko naman bubuksan iyon. Tinanggap ko lang iyon para matigil na siya at makauwi na ako. Hindi ibig sabihin na kinuha ko, pumapayag na ako na magpalit kami ng cellphone.
"Narinig ko hindi raw pumapasok si Maya simula nang bumagyo," si Irene matapos ng pangalawang subject.
Hindi ako mahilig sa mga tsismis. Kaya lang, nang marinig ko ang pangalan ni Maya hindi ko mapigilang ibigay ang mga tainga kay Irene at maghintay sa susunod na balitang nakalap niya.
"Hindi ba't napili siya sa ibang bansa? Doon siya mag-aaral sa huling taon?" naunahan ako ni Cathy sa gusto kong itanong. Mabuti na rin iyon dahil wala akong balak magsalita. Sa isip ko lang iyon naitanong.
Ahead kami ng isang taon sa kanya at malaki ang tanda sa kanya ni Jax. Mas bata rin siya sa amin dahil totoong matalino at maagang nag-aral. Tumahimik ako at hinayaan silang mag-usap. Binabagalan ko ang pagsusulat sa note dahil baka may makaligtaan ako sa pinag uusapan nila.
"Nagkasakit siguro? Baka pumili ng iba kung magpapatuloy ang absent niya."
"Si Clem?" binunggo ni Cathy ang braso niya sa braso ko upang makuha ang atensyon ko. Akala nila wala akong pakialam. Ang hindi nila alam, nakikinig ako. "Ikaw siguro ang ipapalit? Nakausap mo yung isang foreigner na kumukuha ng estudyante rito, hindi ba? Ang narinig ko kay Mrs Emboltura, nagustuhan ka raw no'n kaya lang mas mataas ang mga grades sayo ni Maya kaya siya ang kukunin."
Natatandaan ko nga iyon. Pati ang pangalan niya, Elizabeth, kung tama ang pagkaka-alala ko. Wala siyang mapagtanungan ng maayos dahil nilalayuan siya ng mga estudyante sa takot na mapagtanungan. Ako lang ang lumapit sa kanya. Hinahanap niya ang office ng school chancellor kaya't sinamahan ko siya. Kahit kasi probinsiya'y malaki ang eskwelahan kaya mahirap hanapin ang kwarto kung hindi mo kabisado. May mga puno pa naman at pare pareho ang disenyo ng building kaya nakakalito.
"Last year ko na ito, Cathy. G-graduate na ako kaya bakit pa ako mag-aaral ulit? Hindi na ako qualified doon-"
"Bago magsimula ang pasukan may gusto kang course na wala dito! Pwede ka naman mag-aral ulit kung gusto mo. Doon marami kang pagpipilian!"
Tumango si Irene kay Cathy at siya naman ang nagsalita. Nagsasalitan lang sila.
"Nag-set sila ng ibang rules kaya nga kahit malapit na ang graduation pumipili pa rin sila ng estudyante rito! Kahit graduated na, basta nagustuhan nila ang grades, dadalhin nila sa ibang bansa!"
"Pagkakataon mo na, Clementine-"
"Tigilan niyo nga iyan. Imbis na hilingin niyo na makapasok na siya at matuloy siyang makaalis, iniisip niyo pa kung sino ang pwedeng pumalit sa kanya."
May idadagdag pa sana si Irene. Nakaawang na ang labi niya para sumabat na nauwi sa pag-nguso dahil sa sinabi ko. Itong mga ito, ipagdasal na lang kaya nila na gumaling na kung may sakit si Maya, hindi 'yung pag iisipan pa nila ng masama.
Iginilid ko ang ulo ko at pasimpleng tinignan si Jax sa likod. Nakikipagbiruan ito ng suntukan kay Peter. Tumatawa siya at walang bakas ng konsensya sa mukha. Kung nakarating na sa kanya na hindi nakakapasok si Maya, hindi man lang ba niya maiisip na maaaring siya ang dahilan? Hindi sadyang nakita ko silang mag away noon. Simula nang araw na iyon hindi na pumasok si Maya.
Matiwasay na natapos ang huling subject bago ang break. Sa discipline office ako dumiretso at pinagpaliban muna ang pagkain. Ang mga kaibigan ko ay nauna sa cafeteria lalo at kanina pa nagrereklamo si Irene na gutom na. Mula sa second floor natanaw kong palabas ng school ang grupo nila Jax. Hindi ako sigurado kung babalik pa ito. Narinig ko kasing may pupuntahan silang nakaaway ni Jigs na kasama nila sa grupo. Gagantihan nila? Tapos ano? Gagantihan ulit sila? Hindi matatapos ang isang gulo kapag ganyan.
"Good afternoon po, Mrs. Montemayor," bati ko pagkabalik sa discipline office, ganitong oras ang sinabi niya kaya ngayon ako pumunta.
Tinanong ako nila Irene kung saan ang punta ko. Dinahilan ko na lang na uuwi ako saglit. Hindi nila alam ang nangyari kaya hindi ko na rin ipinaalam ang tungkol sa ipinataw sa aming parusa. Mas marami lang silang magiging tanong kung malalaman nila.
"Mabuti at nandito na kayo! Paalis na ako!" tumingin siya sa aking likod, tumaas ang kanyang kilay at bumalik sa akin ang tingin. Yumuko ito at pailalim akong sinilip sa salamin niya. "Nasaan si Mr. Dawson?"
Maliit akong ngumiti. Mas pabor sa akin na wala si Jax. Hindi ko maiwasan ang mag-alala dahil alam kong makikipag-away siya, pero bukod doon makakahinga rin ako ng maluwag kung maglilinis akong mag isa.
"Ako na lang po-"
Naputol ang sasabihin ko sa mariing pag-iling niya. Sumunod sa paggalaw ng ulo nito ang taling nakalawit sa magkabilang gilid ng kanyang salamin. May disgusto sa paraan ng pagtingin nito.
"Hindi na maaari ang ginagawa niya! Ipapatawag ko si Mr. Dawson! Mauna ka na doon at hintayin mo siya!"
Galit akong itinaboy nito palabas. Noong una nagdadalawang isip pa akong iwan siya. Namumula kasi ito at baka atakihin. Kalaunan, umalis na rin ako dahil sa pagdating ng asawa niya. Sinundo yata, naalala kong nabanggit niya kanina na paalis na siya.
Bago ko tuluyang isara ang pinto narinig ko pa itong bumulong na isusumbong niya si Jax sa Lola nito. Katulad ng naging bilin ni Mrs Montemayor, nauna na ako sa kwartong gagamitin sa registration ng fundraising event na parating. Ito ang pinapalinis niya sa amin dahil kakailanganin na ito.
Ang ibang estudyante ay sa laboratory na kailangan na ring gamitin. Maraming estudyante ang naglilinis, ganoon na rin sa likod ng banyo na mayroong mga tambak na upuan at lamesa. Para sa akin, hindi naman ito isang parusa. Tulong ko na lang ito katulad ng mga ilang estudyante na nag-volunteer maglinis.
Maingay akong nagbuntong hininga. Hindi ko na inaasahan na pupunta si Jax dahil wala naman balak maglinis iyon at abala sa pakikipagbasag ulo. Wala rin iyon sinusunod na mga rules at kahit utos galing sa dean kayang sawayin no'n. Ipinusod ko ang aking buhok pataas at hinubad ang suot na blouse. Itinira ko lang ang manipis na sandong panloob ko. Ganoon rin ang palda ko, hinubad ko iyon at itinira ang hapit kong short. Wala naman ibang tao kaya walang problema kahit labas ang maraming balat ko.
Makalipas ang ilang minuto nagsimula na akong pagpawisan. Mahangin sa labas ngunit madamot ang hangin na pumapasok dito sa loob. Mas malamig pa yata kung hihipan ko ang sarili ko.
"I texted you. Hindi mo nabasa?"
Hindi naman gaanong marumi rito para magpadala ng tutulong sa akin si Mrs Montemayor. Alam ko na kaagad na si Jax iyon.
Humarap ako sa kanya at hindi malaman kung paanong tago sa katawan ko ang gagawin. Napangisi siya nang mapansin ang pag-krus ng mga braso ko para takpan ang dibdib kong puno ng pawis. Basa iyon at nakabakat na ang itim kong bra. Nakahalukipkip siya't nakasandal sa hamba ng pinto. May band aid siya sa kaliwang kilay at nasa akin ang mga mata.
"H-huh? Kailan ka nag-text?"
Tumayo siya ng maayos at nagsimulang lumapit. Inalis niya ang mga braso sa paghalukipkip at dinala ang mga kamay sa butones ng kanyang polo.
"I called last night... and I texted today that I was going to be late," sinasabi niya iyon habang nasa dibdib kong nakabakat ang tingin at... naghuhubad ng sariling damit!
"Anong... anong ginagawa mo?" tanong ko sa nanlalaking mga mata.
Napalunok ako nang tuluyan niyang mahubad ang suot niyang polo. Akala ko, iyon na iyon. Subalit lalong nanlaki ang mga mata ko nang nakangisi niyang isunod na hubarin ang suot niyang t-shirt.
"Mainit," paos niyang tugon. Makahulugan niyang tinignan ang dibdib ko at nang bumalik ang tingin sa aking mga mata, muli siyang nagsalita. "Pinagpapawisan ka na. Hindi ka ba maghuhubad ng damit?"
Nag-apoy ang magkabila kong pisngi. Umakyat ang dugo ko sa mukha dahil sa nakakabastos niyang tingin at salita. Tumigas ang anyo ko at pagalit na ibinaba ang mga kamay kong ginamit na pangharang sa aking dibdib. Hinayaan ko na iyon. Kung makikita niya, e 'di makita niya! Hindi niya naman iyan mahahawakan!
"Ano ako tropa mong lalaki na pwede maghubad sa harapan mo?! Sumobra ka sa sperm pero kinulang sa utak!"
Lumaki ang ngisi niya. Sumilip ang malalim niyang mga biloy nang malakas siyang humalakhak. Napunta ang tingin ko sa ibaba niyang labi nang kagatin niya iyon. Nag init ang magkabilang pisngi ko. Naalala ko ang naging panaginip ko. Sa tuwing kinakagat niya iyon, bumabakat ang ngipin niya. Na-imahe ko tuloy na ako ang kumagat doon.
Napatalikod ako upang maiwasan ang pagtitig sa mga labi niya. Parang ang lambot lambot no'n kung titignan. Lalong naging malinaw sa akin ang napanaginipan ko kagabi. Kung paano niya sipsipin ang ibabang labi ko. Kung paano niya kagatin. At kung paano niya....
Suminghap ako at nakagat ng mariin ang ibabang labi. Pumikit ako ng mariin at napadiin ang pagkuskos sa dingding. Pagdilat ko'y binilisan ko ang paglilinis para maging abala. Naiinitan ako kanina habang naglilinis. Mas tumagaktak nga lang ang pawis ko ngayong dumating siya.
"Paano mo nalaman na sumobra ako sa sperm? Nabilang mo?" bumagal ang pagkuskos ko sa dingding at naging alerto sa presensya niya. "Hindi ka pa nga pumapayag, paano mo makikita?"
Napairap ako at pagalit ang kuskos sa dingding. Hindi ko siya papansinin! Hindi ko siya lilingunin! Iyan ang nasa isip ko at nagpatuloy sa paglilinis. Natawa ulit siya.
"You know... If you agree we can start here," tukoy niya sa kwarto kung nasaan kami. Nagkunwari akong hindi ko siya narinig. Malakas siyang tumawa at nagpatuloy sa pagsasalita. "And if you are good, you'll be able to count my sperm."
Napairap ako nang maalalang baka ganito rin siya mag-alok ng s*x sa maraming babae niya. Naibaba ko ang kamay. Natigil ako sa paglilinis at pairap na humarap sa kanya.
"Huwag ka nang umasa na papayag ako, Jax-"
Nanlaki ang mga mata ko at napa-atras. Tumama ang likod ko sa basang pader. Pagkaharap ko, nasa likod ko na siya. Inilapat niya ang isang kamay sa dingding, sa gilid ko. Bumaba ang kanyang mukha at ipinantay sa akin. Umawang ang mga labi ko at napigil ang paghinga.
Sinaway ko ang sarili at kinumbinsing sa mga mata lang ni Jax tumingin. Hindi pwedeng bumaba sa labi niya at lalong hindi pwede sa kanyang katawan na nakabalandra ngayon. Subalit sadya yatang makulit ang aking mga mata. Kung saan ko sinabing huwag tumingin doon pa talaga sila tumitingin!
Walang awat ang mga mata kong gumapang sa kanyang dibdib, parang napakatigas no'n at kay sarap padaanan ng kamay. Bumaba ang mga mata ko sa kanyang tiyan. Ang alam ko'y madalas silang mag gym ni Peter. Ito siguro ang resulta no'n. Kaya siguro takot ang mga nakaka-away niya dahil ganito ang katawan niya. Kaya rin siguro iniiyakan ito ng ilan sa mga naging babae niya. Bumaba pa ang tingin ko. Ngayon ko lang napansin na naka-short na lang siya. Hanggang tuhod niya lang iyon at labas ang mabuhok na mga binti niya. Hinubad niya siguro ang pants na suot habang nakatalikod ako. Napalunok ako at tinakasan ng kaluluwa. Nakaramdam ako ng biglaang gutom sa katitingin sa katawan niya.
Huli na nang maalala kong nakatingin siya sa magiging reaksyon ko. Napa-angat ako ng tingin sa mga mata niya. Hinagod niya ng kakaibang tingin ang aking katawan. Mula sa suot kong hapit na short, sa sando kong bakat ang panloob, hanggang sa mga mata ko na nahuli niyang pinagmamasdan ang kanyang katawan. Salitan niyang tinignan ang mga mata ko at nang mayroon mabasa roon ay napangisi siya.
"You want me too, Clementine. Bakit hindi ka na lang sumuko at pagbigyan ang sarili mo?"
Nakakulong ako sa dingding at katawan niya kaya't huling huli niya kung paano ko siyang tignan. Marahil ay nasilip niya sa mga mata ko ang emosyon na hindi ko inakalang mararamdaman ko para sa kanya.
Oo, inaamin ko na! Nagnanasa ako sa kanya! Sino bang hindi pagkatapos makita ang mga ginagawa niya! Isama pang inalok niya ako na maikama niya at kung paano niya i-bida na magaling siya!
Naglikot ang mga mata ko at nakahugot ng lakas ng loob para maitulak siya. Nang makawala'y lumabas ako at nagpahangin. Hindi siya sumunod at mukhang binigyan ako ng pagkakataon na mag-isip.
Kahit anong sabi kong ayoko, alam ko sa sarili ko na natutukso na ako! Hindi ko alam kung kailan at paano niya napabaliktad ang pananaw ko! Siguro masiyado lang talaga siyang magaling sa babae at maging ako hindi nakatakas sa karisma niya?
Pumikit ako at tumingala, dinadama ang sariwang hangin na ibinibigay ng mga puno. Masiyado lang siguro akong nag-iisip. Kung hindi ako magpapa-apekto, hindi niya ako maibibilang sa mga babaeng nagkakandarapa sa kanya.
Pagkabalik ko sa loob, naglilinis na siya. Marahan akong pumikit. Nagbuga ako ng hangin at nagsimula na rin maglinis. Hindi na siya ulit nangulit. Pareho kaming seryoso sa paglilinis. Namalayan ko na lang na patapos na kami.
"Wala na?" hingal niyang tanong pagkatapos ilabas ang mga tambak na naroon.
Sabay naming tinignan ang malinis nang kwarto. Napangiti ako at umiling sa kanya.
"Kunin mo 'yung hagdan sa gilid. Diyan sa kabilang kwarto," utos ko.
"Para saan?" kunot noong tanong niya't hinila ang band aid na nasa kilay. Nilukot niya iyon at tinapon sa bintana.
May tuyong dugo doon. Nakaramdam ako ng pag-aalala pero hindi ko pinahalata. Sa halip na komprontahin siya at patigilin sa pakikipag-away, tinuro ko na lang ang kisame.
"Magkakabit ako ng bumbilya. Sira ang hagdan na iyon. Ako na ang sasakay dahil kung ikaw, baka masira lalo at hindi pa natin makabit ang ilaw."
Hindi na siya ulit nagtanong. Lumabas siya ng kwarto at bumalik na dala na nga ang hagdan na gamit sa pang-kumpuni. Pinalagay ko iyon sa gitna kung saan ko ikakabit ang ilaw.
"Ako na kaya? Baka makuryente ka diyan," hinawakan niya ako sa braso at pinigilan akong umakyat.
"Kaya ko na ito. Ako nga ang nag-aayos nito sa bahay," hinawi ko ang kamay niyang nasa aking braso at dali daling umakyat sa hagdan bago pa niya ako ulit pigilan. Nasa mukha niya kasing hindi siya papayag. "Hawakan mong mabuti ang hagdan. Sira ito, baka malaglag ako."
Ginawa niya ang sinabi ko. Nasa gitna na ako ng hagdan. Mas mataas na ako sa kanya. Nang yukuin ko siya'y nakakunot ang kanyang noo. Mariin ang hawak sa hagdan at iniingatan na hindi iyon matumba para hindi ako mahulog at masaktan. Napalabi ako at nagpatuloy. Tumigil ako nang abot ko na ang kisame.
"Don't touch the bulb socket, Clementine, baka makuryente ka-"
"Oo, alam ko! Bakit ko hahawakan? Gusto ko bang mamatay?"
Umakyat pa ako ng isang beses. Nagmura siya nang magsimula akong ikabit ang bumbilya. Habang nakataas ang isang kamay, niyuko ko siya. Pagalit ang tingin niya sa bumbilya na iniikot ko. Natawa ko.
"Bakit takot na takot ka?" puna ko. Namumula kasi siya at parang hindi makahinga hangga't hindi ako nakakababa.
"Huwag ka sa akin tumingin! Bilisan mo diyan at bumaba ka na rito!"
Natawa ulit ako. Lalo kong binagalan bilang pang asar sa kanya. Nakapinta ang ngisi sa labi ko. Nang muli ko siyang yukuin ay pinanliitan niya ako ng mga mata.
"Hindi ako nakikipag biruan, Clementine! Kung hindi mo pa bibilisan iyan, humanda ka sa akin pagkababa mo!"
Lumakas ang tawa ko at tinigilan na ang pang aasar sa kanya. Nakangiti kong tinapos ang pagkabit ng bumbilya. Nagkatinginan kami paghakbang ko pababa. Magaan na ang anyo niya at hindi na nakakunot ang noo. Napanguso ako. Nag-aalala ba siyang mapahamak ako?
Nakakadalawang baitang pa lang pababa, napatili ako sa pagdulas ng hagdan. Nagmura si Jax at mahigpit na hinawakan ang hagdan. Sira ang turnilyo nitong hagdan at kung hindi niya mahahawakan ng maayos, dudulas ang sa kabila. Mahuhulog ako kapag nangyari iyon. Nagmadali na ako sa pagbaba subalit nasa gitna pa lang nang muli 'yon dumulas. Napatili ulit ako at napahawak ng mahigpit sa gilid.
Hindi naman iyon tuluyang bumagsak ngunit laglag panga ako nang maramdaman ang pagdapo ng kamay ni Jax sa p'wet ko! Sapo sapo niya ang isang pisngi ng pang upo ko sa isa niyang kamay. Ang isa niyang kamay ay hawak pa rin ang hagdan.
"Jax!" tawag ko. Bumitaw ako sa gilid ng hagdan at sinubukang itulak ang kamay niyang nakahawak sa akin.
"Just hurry and go down! I didn't mean to touch your butt! Sinalo lang kita!"
"Bitawan mo na ako! Bababa na ako!" sabay hawi ulit sa braso niya pero hindi niya ako binitawan. Sa halip, lalong dumiin ang pagpisil niya doon.
"f**k it! Bumaba ka muna! Kung bibitawan kita, mahuhulog ka!"
Hindi ako nakinig. Naglikot ako at pilit na inalis ang kamay niya. Bumaba ako ng isang baitang pagkabitaw na pagkabitaw niya. Nagmura siya kasabay ng pagdulas ng hagdan. Nakita ko pa ang pagtalsik ng turnilyo mula roon. Ang dalawang magkadikit na hagdan ay naghiwalay dahilan para tuluyang bumigay at bumagsak iyon.
Napapikit ako at hinintay na lang ang pagbagsak ko rin sa matigas na sahig. Ngunit sa halip na matigas na sahig ang sumalo sa katawan ko, mainit at matigas na katawan ang sumalo sa akin.
Napamulagat ako. Nakaikot ang isang braso niya sa aking bewang. Sa palagay ko'y nahila niya ako bago pa tumumba ang hagdan. Mulat na mulat ang mga mata ko at bahagyang nanlalaki nang matanto ko ang posisyon namin.
Nakahiga siya at nasa ibabaw ako. Yakap niya ang bewang ko at ang gilid ng mga labi namin ay magkadikit. Pinamulahan ako dahil kahit gilid lang ng labi niya'y ramdam ko ang lambot no'n. Taas baba ang balikat niya at mabilis ang paghinga. Ang braso niyang nasa bewang ko ay halos bumaon sa pagkakayakap. Katulad ko, nanigas rin siya sa ilalim ko.
"Uh..." hindi ko alam ang gagawin at sasabihin, bigla akong nablangko.
Ilang segundo pa ang namayaning katahimikan bago ko nahila ang wisyo at nagawang paghiwalayin ang mga labi namin. Pagkalayo ko sa katawan niya, nakita kong dumudugo ang gilid ng kanyang labi. Nahintatakutan ako at namutla.
"You... you're bleeding, Jax. Hindi ko sinasadya," itinukod ko ang mga braso ko sa gilid ng ulo niya para mabuhat ang aking katawan.
Nagkatinginan kami. Tahimik siya at nakatitig lang. Hindi ko tuloy mabasa kung nagalit ba siya dahil sa dumudugo niyang labi. Nasaktan ba siya kaya natulala?
Mabilis akong napaupo nang mapansin ang paggalaw ng mga panga niya. Katulad noon, nasa magkabilang gilid niya ang mga hita ko. Nakaupo ako sa tiyan niya. Nagmamadali kong hinipo ang gilid ng sariling labi. Napangiwi ako at nailayo roon ang kamay. Katulad ni Jax, may dugo rin doon!
Pagkakita sa dugong nasa daliri ko, muling bumangon ang irita sa akin. Bakit kailangan niya kasing saluhin iyon? Pwede naman na sa likod ko na lang! Bakit sa pang-upo ko pa?! Tumalim ang mga mata ko dahil nahipuan niya ako! Oo at sinalo niya ako pero kung hindi dahil sa paghipo na ginawa niya sa akin, hindi kami matutumba!
Balak ko siyang singhalan nang mapansin ang paggalaw niya at ambang pag-upo. Umawang ang mga labi ko para sa nakaabang na galit. Sisigawan ko sana siya, nabitin nga lang iyon nang pumaikot ang malaki niyang kamay sa aking batok. Hindi niya ako binigyan ng pagkakataon na magsalita. Pagka-upo niya hinatak niya ako at mabilis na sinakop ang labi ko.
Nagrigudon ang dibdib ko at umikot ang aking paligid. Mas nakaramdam ako ng takot nang malasahan ang malambot na labi niya kaysa kanina nang mahulog ako. Natulala ako nang magsimulang gumalaw iyon. Nakaupo ako sa tiyan niya kanina subalit dahil sa ginawa niyang pag-upo, bumagsak ako sa kandungan niya. Ang kamay kong mayroon dugo ay napakapit sa kanyang braso. Nakaawang ang mga labi ko noong halikan niya ako kaya't malaya niyang naipasok ang dila sa loob nito.
Tumigil siya pagkatapos ng ilang sandali. Tinignan niya ako at nang makitang nakaawang lang ang mga labi ko at hindi pumalag ay kinagat niya ng mariin ang ibabang labi niya.
"Damn it!" malutong na bigkas niya't muli akong hinila para halikan. Nakita ko siyang pumikit at kasabay no'n ay ang mas malalim at gutom niyang paghalik.
Nag-vibrate ang ungol niya at pagtawag sa pangalan ko sa magkalapat naming mga labi. Hindi ko na naisara sa pagkaawang iyon. Para akong tinakasan ng buhay at natulala lang. Nahinto ng tuluyan ang mundo ko at hinayaan siyang pagsawaan ang mga labi ko. Sinisipsip niya iyon na parang matamis na pagkain. Kakagatin niya at halos nguyain kahit hindi niya naman iyon malulunok. Halos magasgas ng ngipin niya ang labi ko sa mariin at mabilis na paghalik.
Humiwalay siya at huminga ng malalim. Wala yatang balak tumigil kung hindi lang kami kakapusin sa paghinga. Namumula ng sobra ang mga labi niya. Iginilid niya ang kanyang ulo para muli akong halikan. Halos humagis ang ulo ko at magsugat ang labi sa sumunod niyang halik. Mas malalim, mabilis, at marahas. Hinila niya ang buhok kong nasa batok pababa nang sa gano'n ay mas malalim akong mahalikan, kung may ilalalim pa ba.
"Tangina!" nagmura siya sa labi ko at mas hinila ang bewang ko.
Doon ko pa lang nagawang gumalaw. Para akong nagising sa malakas na mura niya. Itinulak ko siya sa dibdib gamit ang nanghihina kong mga kamay. Namumula ang mukha niya pababa sa kanyang leeg. Tila lasing sa sobrang pungay ang mga mata niyang nakatutok sa labi ko. Kahit nakarami na ng halik mukhang nakukulangan pa. Lumapit ulit siya upang abutin ang labi ko kaya napa-atras ako. Ang kamay niyang nasa batok ko ay bumaba sa aking likod, pinipigilan akong makalayo.
"Let me kiss you more, please.." pagmamakaawa niya na inilingan ko.
Ibinagsak ko ang aking mukha sa kanyang leeg upang matigil na ang halik niya. Pareho kaming mabilis ang paghinga. Parehong kinakapos ng hangin. Sinubukan niya akong itulak para maipagpatuloy ang halik ngunit hindi ko iyon pinahintulutan. Naramdaman ko ang pamamasa ng aking mga mata at umiling sa leeg niya bilang pagtutol nang tawagin niya ako sa nakikiusap na boses.
"Tama na... Tama na, Jax," kung hindi ko siya pipigilan baka kung saan na kami makarating.
Bumuntong hininga siya at hinayaan ako. Hindi ako makaalis sa kandungan niya kahit ramdam ko ang pagkabuhay ng matigas na bagay doon. Tumango siya kalaunan at niyakap ako.
"I'm Saint, but I am not a saint. The next time you sit on my lap I will do more than kiss. I will force you next time. Do you understand?" his voice was husky when he whispered his sweet warning.
Kinilabutan ako sa paraan ng babala niya. Sa paos ngunit malambing niyang boses mas gugustuhin na lang ng kahit sino na ulitin iyon upang mas higit pa sa halik ang gawin niya. Ngayon pa lang naglalaro na sa isipan ko ang maaari niyang gawin kung suwayin ko siya. Umiling ako habang nakabaon ang namumulang mukha sa kanyang leeg. Mabilis ang paghinga ko at hindi pa kumakalma mula sa malalim niyang halik.
"Why are you doing this to me?" lito kong tanong sa nanginginig na boses.
Nalilito na ako. Akala ko ba hindi ko siya gusto at galit ako sa mga katulad niya? Kaya anong ginagawa ko ngayon sa kandungan niya?
Gusto kong umiyak hindi dahil nababastos ako sa ginagawa niya. Gusto kong umiyak dahil nagustuhan ko ang halik niya at baka bukas lang o mamaya, mapapayag na niya ako sa gusto niya.
"Jax," tawag ko nang maramdaman ko ang mabababaw niyang halik sa aking leeg at balikat. Hindi niya ako mahalikan sa labi kaya doon na lang.
Hahalik at pagkaraan ay aamuyin ako. Umakyat ang halik niya sa aking panga at tumigil sa aking tainga. Mainit ang kanyang hininga. Halos magdugo sa pagkakakagat ko ang aking ibabang labi nang mas hapitin niya ako palapit sa hubad niyang dibdib at marahan na pumisil sa aking bewang. Nabitawan ng ngipin ko ang aking ibabang labi nang magsimulang gumapang ang isa niyang kamay papasok sa loob ng manipis kong sando.
"Jax..." suminghap ako.
I felt like I was out of breath when I felt him squeeze my n****e under my bra. Pumikit ako ng mariin at lalong nagsumiksik sa kanyang leeg. Tumaas ang mga balahibo ko sa buong katawan at kahit may tabing na tela ang dibdib hindi naging sagabal iyon para maramdaman ko ang mga daliri at palad niyang nilalaro at nilalamas ako. Isang mariin at gigil pang pisil ay nagmura siya at nang-aakit na kinagat ang aking punong tainga tsaka paos na bumulong.
"It's your clumsiness why I badly want you now, Clementine, and I will get you no matter what it takes."