Lascivious Casanova 13

2921 Words
CHAPTER 13 AND 14 PUBLISHED NOW! ISANG CHAPTER LANG DAPAT ITO KAYA LANG UMABOT NG LAGPAS 7K WORDS KAYA KAILANGAN HATIIN. -----Miss IYA----- Inikot ko ang mga mata sa buong opisina matapos sipatin ng tingin ang aking lumang relong nasa pulsuhan. Iniisip ko pa rin 'yung dagang nakita ko rito noon. Hindi naman ito luma at abandonadong opisina kaya't di maalis sa akin ang magtaka kung saan nanggaling ang daga. Nakanguso ako at nakapangalumbaba nang bumukas ang pinto. Nakatukod ang siko ko sa librong sinukuan ko na dahil hindi ko naman maintindihan. Iniluwa nito si Jax na basa pa ang buhok. Nagtama ang tingin namin at kamuntikan na akong mapahalik sa lamesa nang malaglag ang ulo ko sa aking kamay. Hindi ito ang unang beses na makikita ko siyang bagong paligo at mabango, ngunit bakit nagkakarambolan ang utak at puso ko nang magkatinginan kami. "Let's start. Ayokong gabihin," kunwaring walang emosyon na sabi ko. Patago akong napalunok upang alisin ang bumarang kaba sa aking lalamunan at pinilit na hindi mapilipit ang dila at hindi mautal nang magsalita. Umayos ako ng upo at hindi pinahalata na naaapektuhan ako sa presensiya niya nang lumapit siya sa akin at pumwesto sa aking likod. Bahagyang dumikit sa aking likod ang mga kamay niyang humawak sa sandalan ng swivel chair. Kagat kagat ko ang dila ko, pinipigilang matuloy ang nais lumabas na singhap dahilan ng tila kuryenteng dumaloy sa daliri niya papunta sa likod ko. "Anong subject iyan?" mababa at lalaking lalaki ang boses niya nang magtanong. Dinudungaw mula sa aking likuran ang libro na kabubukas ko lang. "Science," mabilis at labas sa ilong na sagot ko, takot na takot mautal at mahalata niya ang hindi pamilyar sa aking nararamdaman ko. Yumuko siya't sinilip ang mukha ko. Nagkunwari akong abala sa pagbuklat ng libro, hindi ko siya nililingon. Hangga't maaari'y pinapanatili kong walang emosyon ang mukha ko. "You're sitting in my chair. Ito ang upuan mo," turo niya sa katabing swivel chair. Kinilabutan ako nang maramdaman ang hininga niya malapit sa aking tainga. Tila ba nananadya siya't alam ang nararamdaman ko kahit hindi. Hindi ko magawang umiwas at lumipat sa kabilang upuan, dahil kung gagawin ko iyon, baka manlambot ang tuhod ko. Ipapahiya ko pa ang sarili ko kapag nagkataon. Pigil hininga ako dahil alam kong nasa gilid ng ulo ko ang kanyang mukha. Isang lingon ko lang baka maduling na ako sa sobrang lapit niya. Kung ibang babae siguro'y sinunggaban na siya ng halik. Hindi ako ibang babae, kaya hindi ko iyon gagawin. Kahit iba na ang nararamdaman ko, malakas ang kontrol ko sa sarili ko. "Diyan ka na lang. Mas gusto ko ito kasi mas malaki," marahan akong pumikit at pasimpleng nagbuga ng hangin pagdilat. Nasipat ko sa gilid ng aking mata na napalabi siya at nanatili pa ng ilang saglit sa aking likod. "Okay," kibit balikat niya sabay upo sa dating pwesto ko. Sinadya ko ritong umupo dahil noong unang beses na narito kami, nilalamig ako sa aircon. Tinignan ko ang aircon na nasa gilid niya. Nagkamali yata ako ng desisyon dahil ngayong diyan siya nakaupo, hinahangin papunta sa akin ang kanyang amoy. Ang ibang lalaki kahit mamahalin ang pabango, hindi ganitong masarap sa ilong. Minsan pa nga'y masakit na sa ilong dahil sa sobrang tapang. Subalit itong si Jax, parang gugustuhin mo pang katabi mula umaga hanggang sa pagtulog dahil nakakaadik ang amoy niya. At hindi ko iyon nagugustuhan. Mas lalo akong hindi makapag-isip kapag ganitong nalalanghap ko ang mabangong pabango niya! "Saan ba dito?" inosente ang boses niya at walang kaalam alam na may ibang tumatakbo sa utak ko habang ganito siya kalapit sa akin. Nakikitingin siya sa librong nasa harapan ko. Nakikibuklat na animo'y seryoso sa pag-aaral. Binitiwan ko na ang libro at hinayaan ko siyang mag-isang magbuklat. Nasa libro ang mga mata niya, samantalang ako'y nasa kanya. Anong ibig niyang sabihin na gagamitin niya sa akin iyon? Isusuot niya iyon at may mangyayari sa amin? Ganoon ba? Gagawin niya rin sa akin ang nahuli kong ginagawa niya kina Maya at Miss Abadiano? Nakatayo rin ba? Hindi ba nakakangawit iyon? Mas maganda yata kung nakaupo o nakahiga? "Clementine?" "Huh?" natatangang sagot ko at kalaunan ay pinamulahan nang maalala ang mga naiisip ko bago niya tawagin ang pangalan ko. Pinagalitan ko sa isip ang sarili. Bakit ko nga ba iniisip iyon? Hindi naman ako interesado at hindi ako papayag na gamitin niya iyon sa akin! Bakit ang dating ng tanong ko sa isip ay parang kinokonsidera ko pa iyon? Hindi mangyayari iyon! Nasa katinuan pa ako para gawin iyon! "Saan nga dito?" kunot ang noo niya. Kanina pa yata may tinatanong sa akin na hindi ko narinig. Nakatingin siya sa akin at nagtataka yata kung bakit ako namumula. Hindi ko muna siya sinagot. Nagpaypay ako ng kamay sa aking mukha at bahagya siyang itinulak pagilid para umabot sa akin ang malakas na buga ng aircon. "Ang init!" Gusto kong palabasin na namumula ako dahil naiinitan. Sa halip ay mas lalo siyang nagtaka. Salubong ang kilay niyang tumitig sa akin. Bakit hindi siya magtataka? Ang lamig ng buong kwarto tapos maiinitan ako? Tinago ko ang pagkataranta. Inalis ko ang mga mata sa kanya at dinirekta sa libro. Mahina kong binasa ang mga letrang naroon kahit hindi ko maintindihan. Napailing ako sa isip at pinilit 'yung intindihin. Paano ko siya matuturuan kung ganito ako? Aayusin ko muna ngayon at pagkauwi na lang ako magpapakalunod sa pag-iisip. "Parang wala ka sa sarili mo?" may pagdududa sa boses niya na nakadagdag sa aking kaba. Lalo't nahihimigan ko rin doon ang paglalaro. Dinala ko ang isang kamay ko sa aking labi at pinagdiskitahan na kagatin ang kuko sa aking hintuturong daliri. Kahit hindi ko siya sagutin sa palagay ko'y alam na niya ang nangyayari sa akin. At kahit hindi ko siya lingunin ramdam kong nakangisi siya. Itinaas niya ang kanyang isang kamay at ipinatong sa ibabaw ng swivel chair ko. Natawa siya nang mapansing pinagpapawisan ako kahit malamig sa loob ng kwarto. "B-basahin mo ito," gusto kong putulin ang dila ko dahil sa pagka-utal! Napasuklay ako sa aking buhok at ginawang pantakip iyon sa aking mukha. Kahit imposibleng hindi niya ako makita sinubukan ko pa ring tabunan ang mukha ng mga hibla ng buhok at nagbabaka sakaling matigil siya sa katitingin at liparin na lang ako palayo ng carpet nila. Lalo akong namula nang marinig siyang matawa, malamang na napansin niya ang ginawa ko. Sa ngayon, alam na niya sigurong naproseso ko na ang ibig niyang sabihin sa gagamitin niya iyon sa akin kung magtatanong ako ulit. "Ito ba?" natatawa niya pa ring tanong, mukhang nagtanong lang siya para hindi ako mailang. Tumango ako nang hindi siya tinitignan. Sa mga sumunod na minuto'y naging kalmado ang pakiramdam ko. Basta hindi ko lang iisipin na nasa likod ko ang isang braso niya at halos dumikit na ang dibdib niya sa balikat ko. Idagdag mo pa ang pabango niyang hindi yata nauubos. Kahit dumaan ang ilang minuto'y naroon pa rin ang amoy niya. Natapos kami sa isang libro at lumipat sa kabilang subject. Tahimik kami at kaunting ingay lang mula sa aircon ang maririnig. Pati na rin ang tunog ng paglipat ng papel. Nagsasagot siya at hindi naman nagrereklamo. Siguro, gusto na niya talagang maka-graduate at makaalis sa lugar na ito. Ano bang nasa city na wala rito at parang mas gusto niyang tumira roon? Maaliwalas ang paligid dito at kahit mainit ang panahon ay malamig at presko ang hangin. Sandali pa akong nag-isip kung anong itsura ng siyudad subalit sandali lang iyon dahil muling lumipad sa tatlong tao ang isipan ko. Kay Jax, Maya, at Miss Abadiano. "Why do they moan so loud? Do they feel pain or pleasure? Ano kayang nararamdaman nila at hindi nila mapigilan iyon?" Biglaan ang pagtigil ng kamay ni Jax sa pagsusulat. Pinapanuod ko siyang magsagot kaya't mabilis kong napansin iyon. Tinignan niya ako gamit ang seryoso niyang mga mata. Napatitig ako sa kanya at nagtataka kung bakit siya tumigil para tumingin sa akin. "Tell me," sinundan ko ng tingin ang dila niya nang ilabas niya iyon upang basain ang kanyang ibabang labi. "Tell you what?" nakataas ang kilay ko, nagtataka pa rin kung bakit biglaan ang pagtigil niyang magsulat. May itatanong ba siya tungkol sa lesson? May hindi ba siya naintindihan? Napatuwid ako sa pagkakaupo sa ginawa niyang pagsulyap sa suot ko. Saglit lang iyon, bumalik din naman kaagad sa mga mata ko. Kanina ko pa napapansin ang paulit ulit na paghagod niya ng tingin sa aking suot na damit. Hindi ko alam kung ano bang interesanteng nakikita niya roon. Itinataas ko ang neck line nito sa tuwing bumababa at sa tuwing nayuyuko kong nakalabas ang ibabaw ng dibdib ko. Maluwag kasi sa akin ang t-shirt dahil malaki ang katawan ni Jax. "Tell you what, Jax?" ulit ko. Madilim ang mga mata niya akong tinitigan at ipinatong ang kanyang isang siko sa ibabaw ng lamesa para harapin ako. Ang isang kamay niya'y ipinatong sa likod ng swivel chair na kinauupuan ko, kinukulong niya ako sa swivel chair at malaki niyang katawan. Para akong pusang kinorner at walang takas. Napaatras ako at bahagyang ibinigay ang bigat sa sandalan. Napatuwid nga lang ulit ng upo nang mula roon ay maramdaman kong naipit ang braso niya. Ayan na naman, naging okay na ang pakiramdam ko kanina, sinisimulan niya na naman. Tuluyan na naming hindi pinansin ang sinasagutan niya. Hindi pa siya nagsasalita hindi na matigil sa pagkabog ang dibdib ko. Hindi ko mapayapa ang puso ko. Nakatitig siya sa akin habang ako'y hinihintay ang sasabihin niya. Sa huli, pinanliitan niya ako ng mga mata at para akong maliit na mikrobyong sinusuri niya. "Tell me, Clementine. Do you want to experience s*x?" paos at malalim ang boses niya, ang banyaga niyang mga mata'y hindi ako nilulubayan ng tingin. Napakurap ako. Sandalian akong nabingi at tila hindi sigurado sa narinig. Bago ko pa maproseso at bago pa ako magalit sa tanong niya'y natanto ko nang malakas kong nasabi iyon! Sa sarili ko lang iyon dapat itatanong dahil sobrang nagtataka ako kung ano bang pakiramdam no'n at kung bakit hindi nila mapigilan na sumigaw kahit alam nilang pwedeng may makahuli sa kanila. Hindi ko naman narinig si Jax na maingay noong makita ko silang ginagawa iyon. Naisip ko lang kung mga babae lang ba ang nakakaramdam ng nararamdaman nila kaya sila lang ang maingay at hindi si Jax. Nagbukas sara ang mga labi ko at hindi makahanap ng tamang salita. Bago pa ako makasagot, nauna na siya. "If you are that curious, then why don't we have a deal? If you are curious, why don't you let me fill your curiosity?" Napanganga ako at nanlaki ang mga mata sa sinabi niya. Walang kalokohan sa mga mata niya nang subukan kong hanapin iyon. Purong kaseryosohan lang. Peke akong tumawa para alisin ang nararamdaman ko kanina pang pagka-ilang. Subalit nang hindi magbago ang ekspresyon niya'y kinabahan na ako. Napalunok ako at napapasong sinubukang lumayo sa kanya. Kinabig ko paikot ang swivel chair upang makalabas sa kabilang gilid kung saan wala siya. Alam niya yata ang balak kong gawin na paglayo kaya't bago pa iyon ay napabalik na ako nang itulak niya ang sandalan ng swivel chair para mapaharap ako sa kanya. Mahigpit ang hawak niya sa sandalan at pinipigilan 'yung gumalaw. Hindi makapaniwalang pinanlakihan ko siya ng mga mata. "Clem-" "Hindi ako interesado! Napaisip lang naman ako kung ano bang nararamdaman nila kaya gano'n! Wala akong bakak gawin iyon! Naitanong ko lang-" "I can't answer you what they feel. Hindi naman ako babae. Ikaw ang makakasagot niyan, and you can’t answer that until you experience it first hand-" "Hindi naman kita tinatanong kaya hindi mo kailangang sagutin! Sarili ko ang kausap ko! At hindi ko kailangang gawin iyon para lang masagot ang tanong ko! Kalimutan mo na iyon! Mag sagot ka na lang-" Pinigilan niya ang kamay ko nang abutin ko ang ballpen na binitawan niya. Balak ko sana iyon ibigay sa kanya para makapagpatuloy siya sa pagsagot. Hawak niya ang pulso ko. Hindi ako makapag-angat ng tingin. Nasa kamay niyang nakahawak sa akin ang mga mata ko na para bang may pumipigil sa akin na lingunin siya. Inawang ko ang mga labi upang doon huminga. Kaunti na lang manginginig na yata ako sa kaba. "Be one of my secret women. Let's f**k secretly. Wala akong pagsasabihan. Wala kang pagsasabihan. Kung gusto mong gawin, call me because I don't do text. Kapag ako ang may gusto, tatawagan kita. I will fill your curiosity and we're done after the exam for last semester-" "H-hindi nga ako interesado-" "That's not what I see in your questions, Clementine." "Jax," pilit kong inagaw ang kamay ko at hinihingal akong napatingin sa kanya. Nahuli kong nasa mga labi ko ang tingin niya at habang nakatitig siya roon, pansin ang paglamlam ng kanyang mga mata. Nang maramdaman na nasa kanya ang atensyon ko'y doon lang siya nag-angat ng tingin. Nagtama ang mga mata namin. Galit o irita ang madalas kong masilip sa mga mata niya noon. Ngayon, para akong hinihigop ng mga mata niya papasok dahil sa sobrang pungay no'n. "Ayoko," umiling ako at sinubukang tigasan ang ekspresyon subalit sumusungaw pa rin ang kaba ko kahit anong pilit na tago ang gawin ko. "You know how good I am in s*x, Clementine. If you are wondering why they moan so loud, pwede kong iparamdam sayo kung bakit." Muli akong umiling. Nag-iwas ako ng tingin ngunit nahuli niya ulit ang mga mata ko nang galawin niya ang swivel chair. Para niya ako pilit na hinihipnotismo at ini-engganyo. "You'll be busy with work after graduation. Will you allow yourself not to experience that? Aalis na rin ako dito at hanggang huling semester lang natin pwedeng gawin iyon-" "Ayoko nga! Kung hindi mo titigilan iyan, uuwi na ako!" Pagkabawi ko sa aking kamay ay pinakita ko sa kanya ang oras sa relong nasa pulso ko. Subalit sa halip na tignan iyon ay hindi niya pinutol ang paninitig sa akin. Salitan ang tingin niya sa mga labi ko at mga mata. Para bang gustong gusto niya akong halikan. Hindi niya lang maituloy hangga't walang pahintulot ko. "N-natapos na tayo sa isang subject! Isang oras na ako dito! Bukas na lang natin ito ituloy!" Tinulak ko ang upuan gamit ang aking nanlalambot na mga paa. Dahil de gulong iyon, mabilis akong nakalayo sa kanya. Mukha rin namang hinayaan niya ako dahil kasabay ng pagtulak ko'y binitawan niya rin ang aking upuan. Nang makawala'y tumayo ako at inayos ang ilan sa mga gamit kong inilabas ko sa bag. Tumayo rin siya at lumapit sa akin, pinapanuod akong mamula at magmadali. "Pag-isipan mo. Huwag mong gutumin ang sarili mo. Lalo ka lang maglalaway-" "Hindi ako gutom sa bagay na iyan, Jax!" sigaw ko at padabog na ipinasok ang mga gamit sa bag. "Hindi pa sa ngayon dahil hindi mo pa natitikman..." paos ang boses niya at tunog nandedemonyo para lang mapapayag ako. Nanginginig ang mga kamay ko at lalong nagmadali. Kung mananatili pa ako rito hindi ko na alam kung anong sunod na mangyayari. Habang inaayos ang dala kong bag, humarang doon ang kamay niya. Hawak niya ang kanyang cellphone na inaabot sa akin. Kumunot ang aking noo at kahit nahihirapan na huminga'y nagawa kong salubungin ang mga mata niya. "Anong gagawin ko diyan? Ibalik mo ang cellphone ko! Dahil hindi ko matatanggap ang binili mo-" "Magpalit muna tayo. Ipapaayos ko iyon dahil lalong nasira nang binato mo. Ako muna ang gagamit no'n. Ikaw muna dito sa cellphone ko." Umawang ang mga labi ko at balak magreklamo. Pinigilan ko na nga lang ang sarili ko at hinablot na lang ang cellphone niya kaysa humaba pa ang usapan namin dahil alam ko naman na ipipilit niya ito. Gusto ko nang makalayo sa kanya at hindi makakatulong kung makikipagtalo pa ako. Hindi ko na siya binalikan ng tingin pagkakuha ko sa telepono niya at tuluyang lumabas sa opisina ng Don. Iniwan ko siya doon ngunit nadala ko ang mga pinag-usapan namin. Kahit nakadapa na sa kama, hindi ko maiwasang isipin kung seryoso ba siya sa inaalok niya. Paanong ganoon kadali niyang mai-offer iyon? He offers me s*x as if he was only offering me candy! Ganyan din ba ang sinabi niya noon kay Maya, Miss Abadiano, at sa iba pang mga babae niya? Hindi na ako magtataka kung bakit ang dami niyang baon sa sasakyan. Hindi na rin ako magtataka kung nagawa na rin niya ang inakusa sa amin ng guard kanina. Sigurado akong nagawa na niya iyon sa sasakyan kasama ang ibang babae. Nakatulog akong iyon ang nasa isip. Nagising lang at napatakbo sa banyo para maghilamos nang mapanaginipan kong hinahalikan niya ako! Pumikit ako ng mariin at kulang na lang ay lunurin ko ang sarili sa tubig. Inilubog ko ang aking mukha sa malaking drum na nasa loob ng banyo. Pinigilan kong huminga at napadilat sa tubig nang maalala kung gaano kalambot ang mga labi niya sa panaginip ko! "Ano ba, Clementine!" saway ko sa sarili habang nakalublob pa rin ang mukha sa tubig. Walang boses na lumabas sa aking bibig kundi mga bula lang. Umahon ako at tumitig sa maliit na salamin. Namumula ang pisngi ko, ganoon rin ang aking mga labi dahil sa sobra kong pagkagat. Gusto ko siyang murahin ng paulit ulit! Ano bang ginawa niya sa akin? Tinaniman niya ng maruruming bagay ang isip ko at ngayon gusto na niya akong anihin! Para siyang manok at ako ang palay na pilit niyang pinapalapit sa kanya para matuka niya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD