I nervously bit my lowerlip. Sumulyap sa akin si Jax na nakapamulsa at madilim ang mga mata.
"I f****d women inside school but no one catches me. Kung kailan wala akong ginagawa saka pa ako mahuhuli."
Hindi pa ako nakakalingon sa kanya, tumalim na ang mga mata ko. Gusto kong apakan ang mga paa niya dahil parang sa akin niya ibinabato ang sisi.
"Ako ba ang may condom sa sasakyan? Kung wala ka no'n sa loob ng sasakyan mo, hindi sana tayo pag-iisipan ng masama!"
"I keep that in the car for emergency! Paano kung makaramdam ako ng libog at wala akong baon? Mabibitin lang ako dahil hindi ako gumagamit ng babae na walang condom!"
Malulusaw yata ang pisngi ko sa biglaang pag-iinit. Kung sagutin niya ako akala mo lalaki ang kausap niya. Hindi niya man lang ba naiisip na natatanim at nagbubunga sa isip ko ang mga nakikita kong ginagawa niya at mga sinasabi niya?
Tinantanan ko siya at hindi na kinausap. Masiyado talaga siyang bastos at walang preno kung magsalita!
Nasa unahan namin ang guard. Tumigil ito sa harapan ng discipline office. Simula nang nag-aral ako ngayon lang ako makakapasok dito. Kasama ko pa si Jax at hindi ko alam kung anong idadahilan ko. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ang nangyari na mapapaniwala sila. May hawak akong condom nang mahuli ng guard. Paano ko sasabihin na binuksan ko iyon dahil gusto ko lang makita ang laman?
Sinulyapan ko si Jax nang tumigil kami sa tapat ng pinto. Siguro naman palalampasin nila ito lalo at si Jax ang involve? Kung mga datihan na guard nga baka hindi pa kami sinita. Bago lang kasi itong guard at mukhang hindi kilala ang kasama ko.
Bakit nga ba ako kinakabahan gayong wala naman kaming ginawa? At hindi tama kung gagamitin ko ang pangalan ni Jax! Sinasalungat ko nga ang mga kabulastugan niya tapos ngayon naiisipan ko pang gamitin ang koneksyon niya?
Pagkapasok ng guard sa pinto ng office kusa na rin 'yung sumara. Tumigil kami sa tapat ng pinto. Pareho lang kaming nakaharap doon at nagpapakiramdaman kung sino ang mauuna.
"Pasok na," pumunta siya sa aking likod at pinirmi ang dalawang kamay sa bewang ko, tinutulak ako palapit sa pinto.
Napanganga ako't tinigasan ang aking mga paa para hindi niya maitulak. Umikot ako paharap sa kanya. Tiningala ko siya at pinanlakihan ng mga mata. Nasa bewang ko pa rin ang mga kamay niya. Humawak ako sa kanyang braso at pilit na inaalis iyon para makawala ako.
"Bakit ako ang mauuna?! Ikaw ang lalaki ah!"
"Ladies first," ngisi niya.
Walang bakas sa kanyang mukha na kinakabahan. Parang natutuwa pa siya sa nangyayari.
"Anong ladies first? Bigla kang naging gentleman? Ikaw ang mauna dahil ikaw ang may kasalanan kung bakit tayo nandito!"
Nakayuko siya sa akin. Sa tuwing itutulak niya ako palapit sa pinto lalo akong lumalapit sa katawan niya sa takot na maitulak niya ako papasok. Nagawa ko pang kumapit sa damit niya sa takot na ipagpilitan niya akong maipasok sa pinto.
Ang kapal ng mukha nito! Siya ang lalaki pero ako pa yata ang balak ipain! Gusto niya yatang ako ang unang mapagalitan!
"Tigilan mo nga ako Jax!" sigaw ko nang subukan niya ulit akong itulak.
Tinawanan niya lang ako at pinagapang ang isang kamay sa aking balakang. Hinapit niya ako palapit sa kanya at isinama nang humakbang siya palapit sa pinto. Nagtutulakan kami. Siya, na balak pumasok. At ako, na pilit na lumalayo sa pinto. Ngunit paano ako makakalayo kung gapos gapos niya ako sa kanyang braso? Magkadikit na ang mga katawan namin at halos yakapin na niya ako para lang hindi ako makawala at hindi makapalag habang pinapasok niya.
"Jax!" mahina ngunit mariing saway ko.
Nakagat ko ang aking ibabang labi. Nasa mga mata niya ang paglalaro nang abutin niya ang pinto at tuluyan 'tong buksan. Nang maipasok niya ako'y wala na akong nagawa kundi ang humarap sa Dean. Binitawan ako ni Jax bago pa magawang mag-angat ng tingin si Mrs Montemayor at bago pa kami mahuling nagtutulakan.
"Totoo ba ang sinasabi ni Enteng na nahuli niya kayong may ginagawa sa sasakyan? I don't expect this from you Miss Alvarina," nasa boses nito ang pagiging dismayado.
Halata ang kulubot nito sa mukha na nadagdagan nang makita ang katabi kong pasaway na lalaki. Agaran ang pag-iling ko at lalong kinabahan kung paano magpapaliwanag para maitama ang nakita ng guard.
"Hindi po totoo-"
"Nakita ko po siyang may hawak na condom Ma'am! Nakabukas na at napansin ko rin po na panay galaw ng sasakyan nila!" hindi pa ako natatapos, sumingit na ang guard. Nasa tono nitong pinagmamalaki na nahuli niya kami.
Alam kong ginagawa niya lang ang trabaho niya ngunit hindi ko maiwasang mainis. Mrs Montemayor asking me if it was true, bakit hindi niya muna ako patapusin! Kinakabahan na nga ako, e! Ito ang dahilan kaya hindi ako pumapayag sa tuwing pinipilit ako ng mga guro at estudyante na sumali sa mga contest na pageant sa loob o labas ng eskwelahan. Matalino ako sa klase at mabilis sumagot kung tungkol sa mga lesson. Pero ang ganito na kailangan mag-explain, kinabahan ako na baka mali ang masabi ko at mag-iba ang tingin nila sa akin.
"Is that true?"
"Uh, Mrs Montemayor..."
Nag init ang magkabilang pisngi ko. Pinanliitan ako ng guro ng mga mata dahil sa nahihirapan kong pagsagot. Professor ko siya sa isang subject at madalas niya akong purihin dahil sa pangunguna ko sa klase. Pakiramdam ko sobrang kahihiyan ito at baka magbago ang tingin niya sa akin kung hindi ko maipapaliwanag ng maayos kung ano ang naabutan ng guard na kasama namin dito sa kwarto ngayon.
Pinadaanan ko ng ngipin ang aking ibabang labi at binalingan si Jax. Tinignan ko siya at nasa mga mata kong naghihintay akong tulungan niya. Nahihiya akong magsalita at hindi ko alam kung paanong paliwanag ang gagawin kaya't naisip kong si Jax na lang sana ang pagpaliwanagin. Subalit sa halip na tulungan ako'y sumandal pa siya sa pinto. Naghalukipkip at nasa mga matang tuwang tuwa siyang makita akong namumula at nahihiya.
"Mr. Dawson? Any explanation?"
Nakahinga ako ng maluwag nang si Mrs. Montemayor na ang magtanong kay Jax. Ikiniling ko ang aking ulo at tinaasan siya ng kilay. Wala siyang pagpipilian. Kailangan niyang magpaliwanag. Nasa isip kong paaalisin kami kaagad pagkatapos magpaliwanag ni Jax kaya't kalmado at nawala na ang pag-aalala ko habang hinihintay siyang magsalita.
"We don't have intention to do that inside my car," napatango ako sa simula ni Jax.
Ngumiti ako sa kanya at humarap sa guro na magkasalikop ang mga kamay sa ibabaw ng lamesa. Wala naman talaga kaming balak na gawin iyon. Huminga ako ng malalim at pinakinggan ang susunod niyang sasabihin. Salitan kaming pinanuod ni Mrs Montemayor at sa huli ay tumigil ang tingin nito sa aking likod kung nasaan si Jax.
"She was aggresive, Ma'am, and I was too temp to refuse. Hindi na ako nakatanggi-"
Laglag pangang nanlaki ang mga mata ko. Lalo akong namula nang tignan ako ni Mrs Montemayor. Nang masulyapan ko ang guard ay may panghuhusga rin sa mga mata nito. Umiling ako sa kanila at padarag na inilipat ang mga mata kay Jax. Hinarap ko siya at galit na dinuro.
"Hoy, Jax! Pati ba naman sa harapan ng guro magsisinungaling ka?!" para akong bomba na ilang minuto na lang ay sasabog na sa kahihiyan at galit.
"Pero iyon ang totoo. The guard here can testify-"
"Alam mong hindi iyan totoo!" gusto ko siyang sipain pabalik ng Ireland!
"Bakit hindi natin tanungin ang guard kung ano ang naabutan niyang ginagawa mo sa akin-"
"Binuksan ko lang ang condom pero wala akong balak na gamitin iyon! Bawiin mo ang sinabi mo Jax!"
"Kung wala kang balak gamitin, bakit mo binuksan?" Nakangisi siya at tuwang tuwa, kabaliktaran sa akin na galit na galit.
"Binuksan ko iyon dahil gusto kong makita ang laman! I was curious what it looks like but I have no intention of using that on you! Mandiri ka nga! Huwag mo akong siraan at huwag mong dumihan ang pangalan ko!"
Napalabi siya nang makita akong malapit nang sumabog at ano mang oras ay baka masuntok ko na siya!
"Kaya mo naman pala! Madali lang magpaliwanag kaya bakit hindi ka makapagsalita?"
Mahina siyang natawa at nilagpasan ako. Nakapamulsa siyang lumapit sa lamesa ni Mrs Montemayor na seryoso ang tingin sa aming dalawa. Tumigil siya sa harapan nito. Inilapat ang mga kamay sa lamesa at bahagyang yumuko. Napansin kong malagkit niyang tinitigan si Mrs Montemayor na ikinailing ng matanda.
"That won't work on me, Mr Dawson. Sa tanda kong ito tingin mo tatalab sa akin ang pa-charming mo?" nasa boses nito ang pagiging istrikta.
Tumikhim si Jax. Umayos ng tayo at muling isinilid ang mga kamay sa bulsa. Kinagat ko ang likod ng ibabang labi ko nang lingunin niya ako. Nag-iwas ako ng tingin at ibinalik lang ang mga mata sa kanya nang mapansin kong hinarap na niya ulit ang guro.
Gusto kong matawa sa pagkapahiya niya. Pati matanda gusto niyang kunin sa isang titig lang? Pareho yata kami ni Mrs Montemayor, hindi niya makukuha sa paganyan ganyan lang.
Umubo ulit ng mahina si Jax. Sinulyapan ako ng isang beses. Pairap siyang nag-iwas ng tingin nang mapansin na wala na ang galit ko at nagpipigil na ako ng tawa. Seryoso na siya nang muling humarap sa matandang naghihintay ng paliwanag niya.
"Guys at my age normally have condoms in their car, Ma'am. Nagtatalo kami sa loob ng sasakyan kaya kami malikot. Nagkalat ang condom sa sahig ng sasakyan ko. Pinupulot iyon ni Clementine at iyon ang naabutan ng guard. Wala kaming ginagawa sa loob. Kung may ginagawa kami, hindi ko iiwanan na nakabukas ang bintana ng sasakyan ko."
Tumaas ang pinaghalong itim at puti na kilay ni Mrs. Montemayor at iginilid ang ulo para ilipat ang atensyon sa guard na nakahuli sa amin. Inayos niya ang nahuhulog na salamin. Dito na ito tumanda sa paaralan at sa palagay ko'y hindi ito ang unang beses na may dinala ditong estudyante na ganito ang dahilan.
"Nakabukas ba ang bintana ng sasakyan niya, Enteng?"
"Opo, Ma'am," tumango ang guard sabay kamot sa batok.
"Anong nakita mo pagsilip mo sa bintana ng sasakyan kung nasaan sila?"
Sinabi ng guard ang nakita niya. Na may hawak akong condom. Naipaliwanag na iyon ni Jax kung bakit ganoon ang pwesto namin kaya hindi ko na kailangan ulitin. Mukhang hindi na rin naman kailangan magpaliwanag dahil hindi na siya nagtanong tungkol doon. Hinawakan ni Mrs Montemayor ang gilid ng salamin niya na para bang sinusuri kami ng mabuti.
"Anong relasyon niyong dalawa? Boyfriend mo ba siya, Clementine?"
Agaran ang pag-iling ko na may kasamang pag-ngiwi. Humakbang ako palapit sa lamesa.
"He's not my boyfriend, Ma'am, and I have no plan of doing that inside school!"
Nang mapatingin ako kay Jax na katabi ko na, masama ang tingin nito sa akin. May kasama kasing pandidiri ang pagtanggi ko na boyfriend ko siya. Napasuklay ako ng mga daliri sa aking buhok at ibinalik ang tingin sa matandang Montemayor. Tinitigan niya ako at kalaunan ay nagbuntong hininga saka tumango. Tuluyan nang nawala ang agam agam ko dahil nasa mga mata nitong naniniwala ito sa akin.
"If that's the case Miss Alvarina, bibigyan ko pa rin kayo ng parusa dahil nakakaeskandalo ang ginawa niyo. Paano kung mga estudyante ang nakakita sa inyo at gayahin kayo dahil iniisip nilang may ginagawa kayo sa loob ng sasakyan?" tinignan niya si Jax at muling problemadong nagbuntong hininga. "And I heard many bad things about you. Nagkausap kami ni Mrs Valiente at ang Lola mo na mismo ang nakiusap sa akin na huwag kang paboran. Your name will not save you from punishment today, Mr Dawson."
"I will accept any punishment, Ma'am," mabilis na sagot ko samantalang si Jax sa tabi ko'y nakasimangot na.
Nagbuga ako ng malalim na paghinga pagkalabas sa discipline office. Panay ang palatak ni Jax habang naglalakad kami pabalik sa kanyang sasakyan.
"What a cheap punishment! Community service? Really?"
"Mas mabuti nga iyon. Maglilinis lang naman-"
"That's fine with you because you used to help people. Hindi pa ako nakapaglinis ng maruming kwarto sa buong buhay ko-"
"There's a first time for everything, Jax, at ito ang first time sa buong buhay mo na maglilinis ka. Kung hindi mo ako tutulungan, isusumbong kita dahil dalawa tayong pinarusahan at hindi pwedeng ako lang ang gagawa."
"Bakit kasi pumayag ka? Napatunayan na wala tayong ginawa kaya bakit kailangan ng parusa?"
Napalabi ako at iginalaw ang mga balikat. Idiniretso ko ang tingin sa daan at hindi na siya sinulyapan.
"Katulad ng sinabi mo. Sanay naman akong maglinis-"
"Sanay ka naman pala. Ikaw na lang din ang gumawa lahat-"
Halos mabali ang leeg ko sa mas marahas na paglingon sa kanya. Kanino ba ito nagmana ng kakapalan ng mukha?! Dapat nga akuin niya ang lahat dahil lalaki siya! Tapos ako pa pala ang gusto niyang pagawain lahat?!
"Sanay ako pero hindi ako tanga na aakuin ang responsibilidad ng iba! Isang kwarto lang! Kaya ng isang araw iyon! Isipin mo na lang na mababawasan ang kasalanan mo at magiging mabuti kang tao sa loob ng isang araw dahil maglilinis ka!"
Habang pinagsasabihan kami ni Mrs Montemayor, tahimik siya. Nakasimangot lang buong magdamag at ngayong pinakawalan na kami, saka lang siya nagreklamo.
Napalabi ako pagkapasok sa loob ng sasakyan at wala sa sariling hinila ang seatbelt. Nabitin nga lang ang pagsuot ko no'n nang mapasulyap sa mga condom na nanatiling nakakalat sa sasakyan niya. Yumuko ako at akmang pupulutin ang pinakamalapit sa akin na isa.
Ngayon ko lang napansin na iba ang kulay no'n. Kulay pula ito na mayroon tatak na rabbit at may nakasulat na playboy condoms sa itaas. Pati ang malapit sa paanan ko'y iba rin. Pinulot ko ulit iyon. Hindi ako mahilig sa mamahaling materyal na bagay ngunit alam ko ang tatak ng isang ito.
"Bakit magkakaiba ng kulay ito? Kulay black 'yung nabuksan ko kanina. At bakit may tatak 'tong Louis Vuitton? Totoo ba ito?"
Naagaw ko ang atensyon niya nang makita niyang hawak ko ang dalawang magkaibang condom. Bakas sa mukha ko ang pagtataka habang nakatingin doon. Nagtiim bagang siya at napalakas ang pagsara sa pinto ng kanyang sasakyan na nasa tabi niya.
"Damn it! Your curiousity will kill me, Clementine!" at mabilis na inagaw sa kamay ko ang mga iyon.
Kahit hawak na niya'y naroon pa rin ang mga mata ko. Medyo namangha ako sa balot ng isa doon. Madalas kong makita iyon sa mga kagamitan tulad ng mga damit, bag, o sapatos. Kaya hindi ko mapigilang mas dumami ang tanong.
"Condom din iyan? Bakit magkakaiba? Magkano 'yang Louis Vuitton? Disposable din?"
Kung ganyan kamahal siguro naman reuseable iyon? Kasi ano iyon? Isang beses lang gagamitin? Para ka lang nagtapon ng pera. Pero pwede ba iyon kung gagamitin ulit? Napalabi ako dahil talaga pa lang wala akong alam sa mga bagay na ganito. Yung ibang mga ka-edad ko, marunong na gumamit niyan. Subalit ako, ni hindi ko nga nakita ang laman kanina dahil nang mahawakan kong malagkit, binitawan ko kaagad.
Padabog niyang ibinalik sa loob ng compartment ang lahat ng condom. Siya na ang naglinis no'n at pabalibag na sinarado ang compartment nang matapos. Salubong ang mga kilay niya akong hinarap at halos mag-isang linya ang mga labi.
"Tigilan mo nga 'yang katatanong mo! I don't know if you're just clumsy or innocent! Ako ang nahihirapan sa mga ginagawa mo! Itikom mo iyang bibig mo kung gusto mong makarating tayo sa bahay ng maayos!"
Kahit marami pang tanong at sobrang nagtataka kung mamahalin ba iyon, tumahimik na lang ako. Nasa itsura kasi niya na sisigawan niya ako kung magtanong ako ulit.
Pagalit niyang pinaandar ang sasakyan. Nag-seatbelt ako nang humarurot iyon. Mabuti na lang din at kakaunti lang ang estudyante ngayon. Ni wala kaming nakasalubong habang papunta sa office. Sana lang ay hindi na iyon kumalat lalo at napatunayan naman na wala kaming ginagawa sa loob ng sasakyan katulad ng malisyosong iniisip ng guard.
"Cover it to your head later. Umaambon yata," aniya nang pumatak ang kaunting ulan sa windshield.
Nasa kamay niya ang jacket na katulad nang pinahiram niya noon sa akin. Same style but just a different color. Inaabot niya sa akin iyon habang nasa daan ang kanyang tingin.
"Hindi na, mahina lang naman," itinulak ko iyon kaya't ipinatong niya sa ibabaw ng dashboard.
Napatitig ako sa compartment dahil humahampas doon ang zipper ng jacket. Napatulala ako at hindi namalayan na nakarating na kami sa mansion. Nalaman ko na lang nang tumigil din ang pagbunggo ng zipper sa compartment. Tinapos ko ang katititig sa zipper at humarap sa kanya.
"Jax-"
"What?" masungit at nakataas ang kilay niya. "Subukan mong magtanong ulit, gagamitin ko sayo iyan."
"Huh?" anong gagamitin niya? Itatanong ko lang naman kung pwede niya akong ihatid pauwi mamaya kung gagabihin ako.
Makahulugan niyang tinignan ang suot kong damit niya. Binasa niya ng dila ang kanyang mga labi at mataman akong tinitigan sa mga mata.
"Bumaba ka na. Mauna ka sa opisina ni Lolo. Magpapalit lang ako ng damit."
Nagtataka ko siyang sinundan ng tingin pagkababa niya sa sasakyan. Katulad ng ginawa niya'y napatingin din ako sa suot kong t-shirt. Maluwag sa akin ang damit niya. Nakatali ang laylayan at litaw ang kaunting balat sa aking tiyan.
Nakakunot noo ako at huli na nang maintindihan ko ang sinabi niya. Nakatingin ako sa compartment kanina at madilim ang kanyang mga mata nang lingunin ko. Hindi pa ako nakakapagtanong, inunahan na niya ako. Anong ibig niyang sabihin na gagamitin niya sa akin? Nanlalaki ang mga mata kong napabaling sa compartment. Ito bang mga condom niya?!
Namumula akong bumaba sa sasakyan at pumasok sa malaking pinto ng mansion nila. Lakad takbo siya sa hagdan, malamang ay d-diretso sa kwarto para makapagbihis. Nauna na ako sa opisina ng Don at pinagkaabalahan na lang ang mga libro na ituturo ko sa kanya habang naghihintay.
Limang beses kong binasa ang unang lesson na ituturo ko subalit hindi ko talaga maintindihan. Hindi ako makapag-focus sa tuwing naiisip na mamaya lang ay kaming dalawa lang ang narito. Tinigilan ko ang pagbabasa at bumuntong hininga. Hindi na maalis sa isipan ko ang banta niyang gagamitin niya sa akin ang condom niya.
"Gago iyon, a!"