"Bakit kayo magkasama? Sinundan ka niya?"
Hindi na nagkaroon ng pagkakataon si Irene na magtanong kahapon dahil umuwi na ako pagkatapos mabuksan ang pinto ng banyo. Akala ko makakaligtas na ako sa tanong. May kasunod pala ngayong araw ang pang uusisa niya.
"Kanina ka pa niya sinagot na nakulong sila. Hindi ka pa rin tapos sa pagtatanong?" si Cathy.
Inabot niya sa akin ang gagamitin na gloves at safety boots. Maaga kaming narito dahil sa meeting at napagkasunduan na tumulong na sa paglilinis ng mga nabahang kwarto ngayon.
"Bakit nga doon kayo nakulong? Sinundan ka niya? Anong pinag-usapan niyo?"
Sumimangot si Cathy at bumaling kay Irene.
"Gusto mo yata ikaw ang nakulong kasama ni Jax! Hindi ka na natapos sa katatanong-"
"Bakit ba ikaw ang panay sagot? Si Clementine ka ba?"
Napailing ako habang nakikinig kay Irene at Cathy na nagtatalo. Umupo ako sa isang bato na malinis at nagsimulang isuot ang mga inabot ni Cathy sa akin. Kailangan ito dahil maputik ang mga kwarto na lilinisin namin.
"Just ask her if she likes Jax! Iyon naman talaga ang gusto mong itanong! Pinapahaba mo pa!"
Tumahimik si Irene. Alam kong nakatingin siya sa akin ngunit hindi ako nag-angat ng tingin at inabala ang sarili sa pag-check ng safety boots.
"W-wala naman siyang gusto kay Jax."
Nasa boses ni Irene na hindi sigurado sa sinabi niya subalit takot akong diretsuhin. Maraming banyo sa itaas kaya kahit sino siguro magtataka kung bakit sa unang palapag kami nakulong. Si Irene ang pinaka apektado lalo't alam namin na may gusto nga ito kay Jax. Hindi siya mapigil at mas gugustuhin pa yata na siya ang nakulong sa banyo kasama ang crush niya. Hindi ako nagre-react. Tumabi sa akin si Cathy at ginaya ako sa pagsuot ng boots.
"Obviously, she doesn't like him! She's smart! Alam niya kung sino ang dapat niyang magustuhan sa hindi! Mataas ang pangarap ni Clementine! Alam niya kung ano ang kahihinatnan niya kung magkakagusto siya sa ganoong klase ng lalaki!"
Pinigilan kong matigilan sa sinabi ni Cathy. Hindi ko sila nililingon ngunit nagsisimula na akong magsisi kung bakit ako pumayag na magpahalik kay Jax kahapon. Mabuti na lang at dumating sila kaya't hindi natuloy.
Ngayon ko napag-isip isip na nagpauto ako kay Jax. Hahalikan niya ako at kung tumugon ako ay may gusto raw ako sa kanya. Hindi ba't parehong pabor iyon sa kanya, tumugon man ako o hindi?
Sang ayon ako kay Cathy. Sa lahat ng estudyante rito'y ako ang nakakaalam ng mga ginagawa ni Jax. Tama siya na walang kahihinatnan dahil puno ng yabang si Jax sa katawan at kabastusan. Sa ngayon ang nararamdaman ko dapat ay nandidiri sa kanya. Sa mga naaktuhan kong nakakapanindig balahibong gawain niya'y dapat iwasan ko siya.
"Gusto mo bang sabihin na hindi ako matalino dahil may gusto ako kay Jax?!"
Padabog na naupo si Irene. Bahagya akong sumandal sa puno na malapit sa bato na inuupuan namin para hindi ako maipit sa sigawan nila.
"He's a playboy! Mga tanga na lang ang mai-in love sa gano'ng lalaki-"
"Kung magsalita ka parang hindi na siya pwedeng magbago ha?! At puro lang iyon chismis! May nakita ka bang kasama niyang babae?!"
Nasa magkabilang gilid ko sila. Pinaggigitnaan nila ako. Parang mga anghel at demonyo na nagsasalitan sa pagbulong sa magkabila kong tainga. Si Irene sa kanan na ipinagtatanggol si Jax. Sa kaliwa ay si Cathy na mukhang may galit sa mga babaero.
"Who knows? Maaaring patago? May ilang mga babae na nagsasabing girlfriend sila ni Jax! Bukod sa malikot sa babae, mabisyo pa! Anong magiging future mo kung ganyang lalaki ang makarelasyon mo? Paiiyakin ka lang niyan at kung magsisi ka baka huli na!"
"You are generalizing men! Marami namang babaero dati na happily married na ngayon! Maybe they're playing now because they love girl's company pero pwede silang magbago kapag nagpakasal na! When playboy falls in love, they falls so hard and deeply! A girl is lucky if she'll be the last love of a playboy!"
"Lawyer ka ba nila? They will not change the way you want them to be! If they got married they'll surely lose interest eventually! They will keep flirting! They will cheat! They will just take advantage women's feelings and innocence!"
"Tatanda kang dalaga dahil sa pagiging choosy mo!"
"At least hindi ako mabubuntis ng maaga at iiwanang luhaan dahil takot sila sa responsibilidad!"
"Bakit ka kasi magpapabuntis?"
"Ang mga ganyang babaero mahilig mambuntis iyan! At kapag positive ang pregnancy test mo, iiwan ka niyan at sasabihin nilang hindi sa kanila ang pinagbubuntis mo!"
"Paano mo nalaman na iiwan kung hindi ka pa naman nagkakaroon ng boyfriend?!"
"Hindi ko naman ikamamatay kahit wala akong boyfriend! Kagustuhan kong maging single! Ikaw nga diyan, gusto na magkaboyfriend kaya lang wala naman nanliligaw!"
Nanlaki ang mga mata ni Irene at napatayo. Namumula siya. Nasa harapan na namin siya ngayon ni Cathy. Nakapamewang at may pagyayabang sa mga mata kahit halata sa itsura na sobrang naiirita na sa kausap niya.
"Hoy! May nanliligaw sa akin!"
Tumayo rin si Cathy at ginaya ang ayos ni Irene na nakapamewang.
"Wala akong nakikita depende nalang kung may imaginary suitor ka!"
"Bruha ka!"
Pumagitna na ako at hindi na hinintay na magkasakitan pa sila dahil nasa itsura ni Irene na sobrang napipikon na. Tinapos ko ang pagsuot ng gloves at tumayo.
"Wala akong gusto sa kanya o kahit kanino. Kaya tigilan niyo na iyan dahil hindi ako magkakagusto kay Jax. Aksidente ang pagkakakulong namin at wala kaming ginawa sa loob. Ni hindi nga kami nag-usap."
Parehas silang salubong ang mga kilay na nakatingin sa akin. Huminga ako ng malalim nang maalala ang nangyari sa loob ng banyo. Wala naman talagang nangyari pero sobra akong kinabahan sa pagsisinungaling ko. Hindi ko naman pwedeng sabihin na kamuntikan na kaming maghalikan ni Jax kung hindi lang sila dumating sa tamang oras.
"Sumunod na kayo sa akin. Magsimula na tayo," sabi ko at naunang maglakad.
Natapos namin ang isang kwarto pagkatapos ng ilang oras. May oras pa kaming pumasok sa mga susunod na klase. Marami pang kailangang linisin. Inuna lang namin ang school laboratory upang magamit na sa susunod na araw.
Naglinis lang ako ng mga kamay at paa at hindi na nakapagpalit ng damit. Akala ko kanina'y nakapagdala ako. Naiwanan ko siguro ang babaunin ko sanang damit dahil sa pagmamadali. Halata pa naman ang ilang talsik ng putik sa damit ko.
Nasa damit ko ang buong atensyon nang pumasok ako sa loob ng classroom. Bahagya ko 'yung hinihila palayo sa katawan ko. Medyo nakaramdam ng panlalagkit dahil pawisan ako kanina at marumi pa ang damit.
"I have spare clothes. Come with me," ilang hakbang pagkapasok sa pinto, nagulantang ako dahil may humatak sa braso ko at hinila ako palabas.
Bago pa kami makalabas nasilip ko na ang loob na walang guro. Kakaunti rin ang mag-aaral. Nauna akong pumunta rito dahil nagbihis pa sila Irene at Cathy. Wala naman akong damit kaya wala akong ipampapalit.
Gulat ko pa ring dinala ang tingin sa kamay na nasa aking braso. Hindi ko pa naiaangat ang mga mata sa mukha ng taong may hawak sa akin alam ko na kaagad na si Jax iyon dahil sa pamilyar niyang bango. Tinitigan ko siya habang hila hila ako. Malapad ang kanyang likod at magulo ang buhok, halatang ilang beses na pinadaanan ng mga kamay. Ang isang kamay niyang hindi nakahawak sa akin ay nakapaloob sa kanyang bulsa.
May takong ang suot kong sapatos ngunit hindi man lang ako umabot sa kanyang leeg. Matangkad siya at masasabi kong walang babae ang hindi magkakagusto sa kanya. Normal akong tao, may mga mata at marunong tumingin ng magandang lalaki pero may isip din ako at hindi tanga katulad ng sinabi ni Cathy.
Hindi sa hindi ako naniniwala sa pag-ibig. Hindi rin sa nilalahat ko ang mga lalaki. Kay Jax lang ako walang tiwala. Kung 'yung mga mababait ngang asawa o kasintahan, nagloloko. Katulad pa kaya ni Jax na hindi yata mabubuhay ng hindi nakakagalaw ng babae sa isang araw.
Paano ko nalaman na araw araw niya ginagawa? Hindi ba't magkasunod na araw ko siyang nahuli na kasama si Miss Abadiano at Maya? May ilang mga babae na sinasabing naging girlfriend niya. Walang naniniwala dahil never naman nakitang kasama niya. Pero ako, naniniwala na ngayon dahil hindi rin naman makikitang kasama niya si Maya at Miss Abadiano pero nahuli ko sila.
Kaya ngayon pa lang, natatakot na ako sa init ng palad niya, sa nakakasanayan ko nang amoy niya, sa maganda niyang mga mata, sa malambot niyang mga labi, at sa nakakahipnotismo niyang mga salita. Sa mga nangyari sa amin nitong mga nagdaan na araw mukhang nasa bingit na ako ng kapahamakan. Kaunting tulak na lang sa gilid ng bangin, baka mahulog na ako ng tuluyan at walang sumalo.
"Saan mo ako dadalhin?" pilit kong inagaw ang braso ko na wala namang galaw dahil mahigpit ang hawak niya.
Narinig ko ang sinabi niya kanina. Balak niya akong pahiramin ng damit? Hindi ko pa nga naibalik ang jacket na pinahiram niya sa akin pagkatapos kukuha na naman ako ng bagay na pagmamay-ari niya ngayon?
"You heard me-"
"Hindi na! Sa bahay na ako magpapalit!"
Ilan beses pa akong tumanggi ngunit sa huli nahila niya rin ako sa loob ng locker ng mga lalaki. Mabilis niyang binuksan ang isa sa mga pinto ng locker doon. Humila ng puting round neck shirt at hinagis sa akin. Muntik ko pa 'yung hindi masalo.
"Magbihis ka na. Hihintayin kita dito-"
"Locker room ng team niyo ito, Jax!" sigaw ko na parang sapat na dahilan na iyon para hindi ako dito magbihis.
Ngunit sa halip na pakinggan ako'y muli niya pa akong hinila sa braso patungo sa banyo ng locker room nila. Binuksan niya ang isang cubicle na walang lock, tanging kahoy lang na pinto ang harang at mababa pa ang harang sa mga gilid. Maliit pa ako nito kumpara sa kanila. Kung sila ang naliligo rito'y malamang na nakalabas ang ulo nila. Isang dungaw lang ay maaari na niya akong makita rito na nagbibihis.
"Sa banyo ako ng mga babae magpapalit!" sabay tulak ko sa pinto subalit muli 'yung sumara nang itulak niya sa labas.
"Bilisan mo na lang! Magbabantay ako rito sa labas! Kung lilipat ka pa, mag-aaksaya lang ng oras! Pagkatapos mong magbihis, uuwi na tayo! Ibabalik ko ang cellphone mo at tuturuan mo ako sa bahay!"
"Dito na lang kita tuturuan-"
"Kausapin mo na muna si Lola! Pwede namang salitan na lang!"
Malakas ang boses niya. Ibig sabihin ay nasa tapat siya ng pinto. Sinamaan ko ng tingin ang kahoy na pinto na para bang nakikita ko siya roon na nakasandal sa pader at nakahalukipkip na nakabantay sa kabilang panig.
"Maghuhubad na ako! Huwag kang sisilip!" banta ko.
Narinig ko siyang natawa.
"Wala akong plano na sumilip kanina... pero ngayong sinabi mo na maghuhubad ka na..." binitin niya ang salita at muling natawa.
Umirap ako kahit hindi niya nakikita at nagsimula na talagang maghubad. Nagbihis na lang ako para makalabas na kami. Hindi ko kasi nagugustuhan ang pakiramdam na dalawa lang kaming nandito. Kapag naabutan ako ng team niya baka ano pang isipin nila.
Mabilisan lang ang ginawa kong pagbibihis. Malaki sa akin ang t-shirt niya kaya't nagawa ko 'yung itali sa laylayan para magmukhang hindi malaki at magkaroon ng style. Pagkatulak ko pabukas sa pinto, mga mata niya ang una kong nahanap. Bumaba ang tingin niya at pinasadahan ang suot ko. Unti unting umangat ang gilid ng labi niya. Tumayo siya ng maayos at nilagpasan ako.
"Come with me in the parking lot. I'll give you your phone."
Nakabuntot ako sa kanya hanggang sa pagbuksan niya ako ng pinto at nasa loob na kami ng sasakyan.
"Ano ito?" tanong ko nang abutan niya ako ng box.
"Cellphone mo."
Kunot noo ko siyang pinagmasdan nang isandal niya ang kanyang ulo sa sandalan ng upuan. Hinilot niya iyon na para bang sobra ang naging pangyayari sa kanya ngayong araw kaya't bakas na bakas ang pagod sa mukha niya.
Hindi ko na siya tinanong at kahit puno ng pagtataka'y binuksan na lang ang box. Katatanggal ko pa lang sa takip, bumungad na sa akin ang bagong mamahalin na cellphone. Malakas kong ibinalik ang takip no'n saka hinarap si Jax na nanatili sa ganoong posisyon.
"Hindi ko ito cellphone! Nasaan ang cellphone ko?!"
"Sira na iyon, Clem. Tinapon ko na. Iyan na ang bago mong cellphone-"
Hinampas ko sa kanya ang box na may lamang mamahalin na telepono, walang pakialam kung mabasag iyon dahil sa paghampas ko ng malakas sa braso niya. Cellphone ko ang hinihingi ko kaya't bakit ito ang ibinibigay niya? At kung totoo na tinapon niya iyon, paano ko pa iyon makukuha?!
"Hindi sira iyon! Nagagamit ko pa iyon bago ko ibinato sayo!"
"Sira na nga! Basag na ang screen no'n kaya bakit ginagamit mo pa?!" may galit na rin sa tono niya.
Napaayos siya sa pagkakaupo nang halughugin ko ang buong sasakyan niya.
"Huwag mong buksan iyan!" saway niya sa akin ngunit binuksan ko pa rin ang compartment sa harapan.
Nagmura siya at mabilis na isinara iyon. Hindi ko na ulit binuksan dahil nakita kong puno ng condom ang loob. Laglag panga ko siyang binalingan na namumula, hindi ko alam kung dahil sa hiya o irita. Kasi imposibleng mahiya siya sa akin dahil lang nahuli kong may mga condom siya.
"Nag-iipon ka ng condom? Gamit na iyon?"
"Are you stupid? Bakit ako maglalagay diyan ng gamit nang condom?"
"Hindi pa naman ako nakakagamit niyan kaya anong malay ko kung gamit na ba ang mga iyan o hindi-"
"Isang beses lang iyan pwedeng gamitin! Kapag naisuot ko na, hindi ko na ibinabalik! Tanga ka ba?"
"Hindi ako tanga! Hindi ko naman alam na disposable iyan! Ano ba ako, araw araw gumagamit ng condom katulad mo?"
Tinignan niya ako ng masama. Parang gusto pa niyang makipagtalo pero hinayaan na lang ako dahil hindi siya mananalo. Napasabunot siya sa kanyang buhok na parang sakit ako ng ulo niya.
"Damn it! Bakit ang hirap mong kausap?"
Binuksan niya ang bintana sa gilid niya na para bang na-s-suffocate siyang kasama ako at nakikipagtalo sa loob ng sasakyan. Habang binubuksan niya ang bintana para huminga, bumalik ang isip ko sa condom.
Hindi ako inosente sa maraming bagay. Alam ko kung saan ginagamit iyon pero first time ko talagang makakita sa personal no'n. Medyo na-curious ako at napatitig sa compartment kung saan ko iyon nakita.
Hindi na ako nag-isip at muli kong binuksan iyon para busugin ang kuryusidad ko. Kinuha ko ang isa at balak sanang buksan nang magmura siya. Inagaw niya sa akin iyon kaya't kumuha ako ng panibago sa compartment.
"Huwag mong pakialaman iyan!"
"Gusto ko lang makita ang laman!"
Nag-aagawan kami. Sa tuwing kukuha ako, aagawin niya. Ang nangyari tuloy, dahil sa pag-aagawan namin nagkalat na ang condom sa loob ng sasakyan niya. Ang likot namin sa loob ng sasakyan kaya't panay na rin ang uga.
"Ikaw ang nagkalat niyan! Ikaw ang maglinis niyan!"
Madilim at kakaiba ang tingin na ipinukol niya sa akin habang nasa kamay ko ang isang condom na nabuksan ko na. Gusto ko lang makita ang laman ngunit nang mahawakan kong malagkit, hindi ko na nailabas sa lagayan dahil nakakadiri pala.
"Why do you even need to see that? Are you curious about s*x?" seryoso at medyo namamaos niyang tanong.
Sa edad ko na ito at walang karanasan. Normal naman siguro sa akin na ma-curious tungkol doon. Napapaisip lang ako kung bakit marami ang nagugustuhan na gawin iyon. Ano ba ang pakiramdam no'n at bakit pati ang pinaka top student at guro hindi nakaligtas sa kanya? Siya talaga ang dahilan ng pagrumi ng utak ko.
In fact, whenever I see him I always imagine him secretly doing that with some random girls. Bukod kay Miss Abadiano at Maya alam ko namang marami pa siyang nagawan no'n sa school. Kung tumingin pa naman siya, parang palaging may gagawing masama.
Hindi ako sumagot at sa halip ay nagsimula na lang na maglinis. Yumuko ako at inabot ang mga condom na napunta sa ilalim ng upuan niya. Ipinatong ko ang aking kamay na may hawak na nakabukas na condom sa kanyang hita. Narinig ko siyang napasinghap kasabay ng paninigas ng kanyang hita.
"Clementine," mahinang tawag niya at hinawakan ako sa bewang paakyat sa aking likod. Narinig ko ulit ang paghugot niya ng malalim na paghinga.
Nakayuko ako at abala sa pagkapa sa ilalim ng upuan. Hindi pa nagtatagal nang may mag ilaw sa amin mula sa labas. Pag-angat ko ng tingin, nakasilip sa bintana ni Jax ang guard at pina-flash light-an kami. Babati sana ako kung hindi ko lang napansin ang malisya sa mga mata niya.
Lumipat ang tingin ko kay Jax na namumula. Nanlaki ang mga mata ko at ngayon lang na-itsura ang posisyon namin. Hawak ko ang nakabukas na condom sa aking kamay. Nakaupo si Jax at nakayuko ako, malapit ang aking mukha sa pantalon niya. Ang kanyang isang kamay ay nakapatong sa aking likod.
"Estudyante kayo rito? Bawal iyang ginagawa niyo!" salitan niyang itinutok ang flash light sa amin ni Jax. "Kanina ko pa napapansin ang galaw ng sasakyan niyo! Mga kabataan talaga ngayon sa paaralan pa ginagawa! Sumunod kayo sa office!"
Dismayadong umiling ang guard at sinenyasan kaming bumaba ng sasakyan. Napa-ayos ako ng upo. Nakagat ko ng mariin ang ibabang labi ko at nag-iisip na kung anong paliwanag ang sasabihin ko.
"Tangina..." narinig kong mura ni Jax at sa halip na mataranta ay mukha siyang nakahinga ng maluwag.